Music #11

2403 Words
Yoongi's Music Music #11 Ang tanging naririnig ko lang noong umagang iyon ay ang mahinang huni ng piano na umaalingawngaw sa buong kwarto. Oo, nandito na naman kami ni Yoongi sa loob ng music room dahil tinuturuan ko na naman syang mag-piano. Napalingon nalang ako sa kanya habang sabay naming tinutugtog ang piano at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang gwapo nyang mukha. Ito palang ang pangalawang araw na naging kaibigan ko sya pero pakiramdam ko ay ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Dahil siguro sa...pareho kaming mahilig sa musika. Pero nabigla ako nang lumingon din sya sa akin dahilan para magsalubong ang paningin naming dalawa. Mabilis naman akong nagbaba ng tingin ng dahil sa sobrang hiya. "Nakakabigla lang..." ang biglang sambit nya. "H-ha?" ang natataranta ko paring sambit. "Nakakabigla lang dahil ngayon lang ako uli nagising sa ganitong oras ng araw" ang sabi nya. Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya. "Dati kasi...sa mga ganitong oras ay natutulog na naman ako sa balcony pero ngayon gising na gising ako kaya naninibago ako" ang nakangiting sabi nya habang nakatingin sa keys ng piano. Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi nya. Oo. Napapansin ko na hindi ko na sya madalas makitang natutulog ngayon simula ng maging magkaibigan kami. "Siguro dahil sa dalawang bagay lang ako hindi inaantok. Kapag gumagawa ako ng music at kapag kasama kita" Natigilan ako. Oo. Simple lang ang pagkakasabi nya nun pero hindi ko mapigilang mamula nang dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko at may kung anong emosyon ang bumalot sa dibdib ko. Kapag kasama nya ako... Hindi sya inaantok...kapag kasama nya ako... Ibig sabihin ba nun...ay masaya syang kasama ako? Napangiti nalang ako habang tumutugtog parin ako ng piano. Pero tama, may naalala pala akong gustong itanong sa kanya. "Ah...pwede bang magtanong?" ang sambit ko. Nilingon naman nya ako. "Neh?" "Bakit ba...bakit ba gusto mong matutong mag-piano?" Oo. Nagtataka kasi talaga ako sa bagay na iyon pero ngayon ko lang naalalang itanong sa kanya. Nilingon naman nya ako at hindi ko mapigilang maasiwa nang magtama ang mga mata namin. At katulad ng dati ay ako ang agad na nag-iwas ng tingin samantalang lumingon naman sya sa harapan at nakangiting nagsalita. "Dahil pangarap kong makagawa ng magandang music" ang nakangiting sabi nya saka nilingon ako. "Gusto kong matutong tumugtog nito dahil gusto kong maka-compose ng magandang kanta sa susunod" Napatitig nalang ako sa gwapong mukha nya dahil kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata nya. Na para bang sigurado talaga sya sa gusto nya. Napangiti nalang ako. Pero natigilan ako nang makita ang oras na nasa wall clock kaya nilingon ko sya. "Yoongi-ah, malapit ng mag-bell" ang sabi ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nya. "Aiissh...malapit na bang mag-bell? Aish...Nakakainis" ang sabi nya. Ngumiti nalang ako at nauna nang tumayo mula sa harapan ng piano. Agad ko ng kinuha ang bag ko na nasa gilid samantalang tumayo narin sya sa likuran ko at nagbulsa ng dalawang kamay sa pants nya. "Yah, ihahatid na kita sa classroom nyo" ang sabi nya gamit ang inaantok na boses nya. Nilingon ko naman sya at ngumiti. "Okay lang ako. Kaya ko naman eh..." ang nakangiting sabi ko. Oo, alam ko kung bakit gusto nya akong ihatid sa classroom. Alam kong hindi na bago sa kanya ang pambubully na ginagawa sa akin ng mga schoolmates namin. Hindi sya nagsalita. Nanatili lang syang nakatayo sa harapan ko habang nakapamulsa at ngayon ay bumalik na ang dating inaantok na mukha nya. Kaya ngumiti nalang ako. "Sige, kita nalang tayo mamaya" ang nakangiting sabi ko at naglakad sa direksyon nya. Pero... Nang matapat ako sa kinatatayuan nya ay nabigla ako nang bigla nyang agawin sa akin ang backpack ko. "Yoongi-ah!" Pero hindi na sya nagsalita at nauna na syang naglakad palabas ng kwartong iyon. Mabilis naman akong sumunod sa kanya at pilit kong inaagaw ang bag ko mula sa kanya pero nakangiti nya lang na iniiwas yun sa akin. Isinabit nya yun sa kaliwang balikat nya habang nakabulsa ang kanang kamay nya. "Yoongi-ah..." ang nahihiya ko ng tawag sa kanya dahil ngayon ay nakatingin na naman sa amin ang lahat ng schoolmates namin na nadadaanan namin sa hallway na iyon. A satisfied smile was drawn up on his face samantalang halos gusto ko ng malusaw sa kahihiyan lalo na't nakukuha na naman namin ang atensyon ng lahat. "Yoongi---" Pero naputol ang sasabihin ko nang bigla syang tumigil sa paglalakad at muntik pa akong mapasubsob sa kanya kung hindi lang ako nakapag-preno kaagad. At nabigla pa ako nang lumingon sya sa akin pero agad parin akong nagsalita. "Yoongi ang bag ko---" Pero... Nabigla ako nang sa gitna din ng mga schoolmates namin ay bigla nyang kinuha ang kamay ko gamit ang kanang kamay nya at hinila ako sa gitna din ng hallway. At katulad ng inaasahan ko ay hindi na ako nabigla sa gasps at whispers na sumunod doon. Napatingin nalang ako sa gwapong mukha nya at pakiramdam ko ay tumigil ang lahat nang makita ko ang matamis na ngiti nyang iyon. Pakiramdam ko ay bumibilis din ang t***k ng puso ko...lalo na't ramdam ko ang init ng kamay nya sa kamay ko. Ito ang unang beses...na nalaman kong mainit pala ang kamay ng isang Min Yoongi. Ano ba 'tong...nararamdaman ko? "Mas mabuti ng isipin nilang girlfriend kita para tumigil na sila sa pambu-bully sayo" ang sabi nya. Hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa sinabi nya. At may bahagi sa akin ang nakaramdam ng disappointment sa dibdib ko. Hanggang sa nakarating na kami ng classroom. At nabigla ako nang dire-diretso syang pumasok habang hila parin ang kamay ko na para bang wala syang pakialam sa mga tingin na ibinigay sa amin ng mga classmates ko. Oo, katulad ng inaasahan ko ay nanlaki pa ang mga mata ng mga classmates ko nang makita si Min Yoongi na ngayon ay bitbit ang bag ko at hawak ang kamay ko na pumasok sa classroom. Natahimik pa ang buong classroom at lahat sila ay nakatingin na sa amin ngayon. Tumigil sya sa harapan ng desk ko at ibinaba sa mesa ang bag ko. Samantalang parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan ang mga ginawa nya. Pero hinarap nya lang ako at nakangiti syang nagsalita. "Sige, kita nalang tayo uli mamayang lunch..." ang nakangiting sabi nya at nabigla ako nang i-pat nya ang ulo ko. "...Yuseonie" And with that ay tumalikod na sya at naglakad palabas ng classroom. Samantalang naiwan akong natutulala parin sa kinatatayuan ko. At nang tuluyan na syang makaalis ay doon na naman nagsimula ang pamilyar na bulong-bulungan na iyon. "Oh my God, hindi ko talaga matatanggap 'to!" "Paano ba nagkagusto sa isang katulad nya si Yoongi oppa?" "Oo nga! Ang pokpok na yan!" Naupo nalang ako sa upuan ko at nagpapasalamat ako na suot ko ngayon ang headphone na binili sa akin ni Yoongi kaya pwede akong magpanggap na hindi ko sila naririnig. "Hindi naman sya maganda!" "Oo nga! Nakakadiri pa sya!" "Hindi sila bagay ni Yoongi oppa!" Napapikit nalang ako at nahawakan ng mahigpit ang headphone ko. Hindi ko sila naririnig... "Pokpok!" "Akala mo kung sinong maganda!" "I'm sure pinikot nya lang si oppa!" Tama. Wala akong naririnig... Pero nabigla ako nang bigla nalang tumahimik ang buong classroom. At naramdaman kong may biglang naglakad papunta sa direksyon ko at tumayo sa tabi ng desk ko. Pero nanatili lang akong nakapikit at nakahawak ng mahigpit sa headphone ko dahil alam kong isa lang ito sa mga classmate ko na sisimulan na naman akong i-bully. Pero... Napabukas ako nang mga mata nang marinig kong may biglang naglapag ng kung ano sa mesa ko. At nang buksan ko ang mga mata ko ay nabigla ako nang makita ang isang papel at ballpen sa harapan ko. Nagtataka naman akong nagtaas ng mukha at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakatayo ngayon sa tabi ko at naglapag ng papel at ballpen sa harapan ko. Si Min Yoongi. Oo, si Yoongi ang nakatayo ngayon sa tabi ng desk ko at naglapag ng papel at ballpen sa harapan ko. Nakatingin lang sya sa akin gamit ang pamilyar na inaantok na mukha nya kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Teka... Anong... Anong ginagawa nya dito? Akala ko ba nakaalis na sya? At teka...para saan ba ang papel at ballpen na ito? Pero nabigla ako sa sumunod na sinabi nya. "Yuseonie..." he called my name in his usual bored and sleepy voice. "...ilista mo lang ang lahat ng pangalan ng mga taong mambu-bully sayo sa papel na 'to..." He paused and his expression turned cold and emotionless. "...at pagkatapos ng klase nyo ay ililibing ko silang lahat ng buhay" he continued. Napakurap ako. At alam kong malakas ang pagkakasabi nya nun para marinig ng lahat ng nanduon ang sinabi nya. Hindi ko rin alam kung ano ang ire-react kaya nanatili akong nakanganga sa kinauupuan ko. Samantalang hindi na sya nagsalita after nun at tumalikod na sya at naglakad paalis. And after that ay wala na akong narinig ni konting pambu-bully sa mga classmates ko. Dahil narin siguro sa takot nila sa sinabi ni Yoongi. ******************* Lunch break na ngayon at katulad ng dati ay mag-isa akong nakaupo sa table na nasa dulo ng cafeteria. At katulad din ng dati ay wala ni isang naglakas loob na maki-share ng table sa akin. Oo. Sino ba naman ang gugustuhing makasama ang tinaguriang pokpok ng lahat ng taong nandito? Pero... "Aish, kanina pa kita hinahanap" Nabigla ako nang may biglang naglapag ng tray na may pagkain sa harapan ko at naupo narin sa kaharap kong silya. And after he did that ay sumunod na naman doon ang bulong-bulungan sa paligid. Oo. Si Yoongi. Si Yoongi ang naupo sa harapan ko at ngayon ay nagsimulang maglagay ng mga pagkain nya sa mesa at itinabi nya ang tray sa tabi namin. Nanatili akong nakahawak sa kutsara na hawak ko habang nakatulala sa gwapo nyang mukha. Nagtaas naman sya ng mukha at nang makitang nakatitig ako sa kanya ay isang pilyong ngiti ang ibinigay nya sa akin. "Ano?" ang nakangiting tanong nya. "Oo na, alam kong gwapo ako kaya wag mo na akong titigan ng ganyan" Para akong mabubulunan sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata. "A-ano bang..." ang nasambit ko nalang. "A-ano bang ginagawa mo dito?" Sinimulan na nyang isubo ang pagkain na dala nya. "Yah, ano bang ginagawa ng tao sa cafeteria ha?" ang tanong nya sa inaantok na boses na iyon. "Malamang kakain ako ng lunch" Napatingin nalang ako sa kinakain nya. Nakita kong burger lang yun at isang box ng gatas kaya nagtaka ako. "Bakit yan lang ang kinakain mo?" ang takang tanong ko. Oo. Lunch ngayon kaya dapat kanin ang kinakain nya pero burger lang na mula sa cafeteria ang kinakain nya. Tinignan naman nya ako. "Aish, nakalimutan ng Mama ko na gawan ako ng lunchbox kaya bumili nalang ako dito" ang sabi nya habang ngumunguya. Napatitig nalang ako sa kanya at pakiramdam ko ay naaawa ako sa kanya. Pero bago pa man ako makapagsalita ay nagtaas parin sya ng mukha at tinitigan ako. "Oh? May nailista ka na bang pangalan sa papel na ibinigay ko sayo?" ang tanong nya. "Nakahanda na ang libingan nila kaya siguraduhin mong marami ka ng nailista" Napakurap nalang ako at napatitig sa kanya. Sinabi nya yun na parang wala lang kaya hindi ko mapigilang matigilan. "Paano mo ba nagagawa yan?" ang naitanong ko. "Ang ano?" ang tanong nya habang ngumunguya. "Paano mo ba nagagawang magsabi na ililibing mo ang mga taong nasa paligid mo na parang wala lang?" His beautiful eyes looked at me at pakiramdam ko ay parang na-stuck ang pagkain na kinakain ko sa lalamunan ko. "Bakit?" ang tanong nya sa inaantok na boses na iyon. "No one messes with my Yuseonie..." Oo. Sinabi nya yun na para wala lang. Pero iba ang epekto nun sa akin. Dahil after nyang sabihin yun ay naramdaman ko nalang ang pag-iinit ng mga pisngi ko. "Yah..." ang sabi parin nya sa inaantok na boses na iyon. "Walang pwedeng mambully sa mga kaibigan ko dahil ililibing ko talaga sila ng buhay" Kaibigan... Oo nga naman. Magkaibigan kami kaya nya ginagawa 'to. Ano ba'tong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nakaramdam ng kung ano sa sinabi nyang iyon? Pero nagpatuloy nalang ako sa pagsubo ng pagkain at hindi na pinansin ang namumuong sakit sa dibdib ko. Bakit ko ba nararamdaman to? Nagtaas nalang ako ng mukha at napatitig sa pulang buhok nya. Oo, matagal na talaga akong nagtataka sa bagay na ito kaya nagsalita ako. "Bakit ba kulay pula ang buhok mo?" ang tanong ko. Nagtaas naman sya ng mukha habang ngumunguya. "Dahil pangarap kong maging katulad ni Sakuragi" My brows met. "Sakuragi?" ang takang sambit ko. "Oo..." ang sagot nya sa inaantok na boses. "Si Sakuragi ng Slam dunk. Hindi mo pa naitatanong pero mahilig akong maglaro ng basketball at pangarap kong maging katulad ni Sakuragi kaya nagpakulay ako ng pula sa buhok ko" At doon ko na naman nakita ang pamilyar na matamis na ngiti nyang iyon. Childish. May side din palang ganito si Yoongi. Oo, ngayon ko lang na-realize na napaka-childish ng dahilan ng pagpapakulay nya ng buhok at ng dahilan kung bakit lagi syang napapalabas sa classroom. Dahil lang sa pangarap nyang maging katulad ni Sakuragi ng Slam Dunk. "Sya nga pala" ang sabi nya. "Gusto mo bang sumama sa akin sa game ko bukas? Para makilala mo rin ang ibang kaibigan ko sa ibang school" May kung anong emosyon na nag-flicker sa akin ng dahil sa sinabi nya. Iniimbitahan nya ako? Iniimbitahan nya akong manuod ng laro nya? This time ay hindi ko mapigilang mapangiti. "Sige..." ang nakangiting sabi ko. Pero napalunok nalang ako nang bigla syang tumigil sa pagkain at nakangiting tumitig sa mukha ko. I blink. "B-bakit?" ang naasiwa kong tanong. Ngumiti lang sya ng napakatamis at nakita ko na naman ang pagsingkit ng mga mata nya at ang bahagyang paglabas ng gilagid nya. Yes, this man's smile is the sweetest smile na nakita ko sa buong buhay ko. Pero biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang bigla na naman syang kumanta. "Yuseonie~~Yuseonie~~ang cute ni Yuseonie~~naka-smile na naman si Yuseonie~~~" he sang using that satoori accent. "Yah!" ang natatawang saway ko sa kanya. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD