Yoongi's Music
Music #10
Marami ng nagbago after mangyari ang insidenteng iyon.
Ang chismis na ako ang idini-date ni Yoongi ay biglang kumalat sa school sa loob lang ng isang buong araw. Noong una ay nagduda ang mga schoolmates ko kung totoo ba yun pero after nyang hilain sa harapan ko ang tatlong nambully sa akin at pinag-sorry ay doon nila kinompirma na totoo ngang nagdi-date kami. Which is hindi naman talaga totoo.
Sa tuwing break time ay nagkikita kami ni Yoongi sa Music room na iyon at tinuturuan ko syang mag-piano. Itinuturo ko naman sa kanya ang basic at mukhang sobrang interesado talaga syang matuto. At dahil lagi nila kami nakikitang magkasama ay mas lalong dumiin ang chismis na nagdi-date nga talaga kami. Dahil din doon kaya medyo nabawasan na ang pambubully sa akin ng mga schoolmates ko noong araw na iyon.
Uwian na ngayon at katulad kaninang umaga ay magkasama na naman kami ni Yoongi sa tabi ng bus stop. Oo, dahil magkaibigan kami ay lagi na kaming magkasama pero hindi ko parin maiwasang mailang sa kanya.
Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung may iba rin ba syang kaibigan dahil sa totoo lang ay nahihiya parin ako sa kanya. Well, ito ang first day na naging kaibigan ko sya kaya natural na sigurong maramdaman ko 'to.
"Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~~" ang kanta nya sa pangalan ko gamit ang satoori accent na iyon at habang nakangiti ng matamis mula sa tabi ko.
Oo.
Simula ata kaninang umaga ay hindi na sya tumitigil sa pagkanta ng pangalan ko. At hindi ko parin maintindihan kung bakit Yuseonie ang tawag nya sa akin.
"Yuseonie~~Yuseonie~~"he continued.
Nakatayo lang sya sa tabi ko habang may malaking scarf na nasa leeg nya at may lumalabas pang malamig na hangin sa bibig nya. Hawak nya rin ang bag nya na ngayon ay nakasabit sa likuran nya.
Masakit parin ang sugat na nasa mukha ko na ngayon ay may band-aid na at sya din ang gumamot at naglagay pero hindi ko maiwasang mapangiti.
Yoongi is a sweet guy. Hindi nga lang halata dahil sa laging inaantok na mukha nya.
Lumingon naman sya sa akin at nang makitang nakangiti ako ay mas lalong tumamis ang ngiti nya.
"Aigoo~~ngumingiti na si Yuseonie~~Yuseonie~~" ang patuloy nya sa pagkanta gamit ang satoori accent. "Si Yuseonie~~~na cutie~~cutie-cutie~~"
Mas lalo akong napangiti at sa totoo lang ay pinipigilan ko nalang matawa ng dahil sa satoori accent na ginagamit nya.
"Yah~~ba't hindi ka nagsasalita?" ang pangungulit nya sa akin. "Ano bang klaseng kaibigan ka ha? Ba't hindi mo ako kinakausap?"
Pero hindi parin ako nagsalita.
Nahihiya parin kasi akong makipag-usap sa kanya.
"Okay. Ipagpapatuloy ko nalang ang ginagawa ko" ang pang-aasar nya at ngayon ay bumalik na naman sya sa pagkanta. "Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~!"
At ngayon ay mas malakas na ang pagkanta nya kaya nakakakuha na kami ng atensyon sa mga taong padaan lang sa bus stop na iyon.
Pakiramdam ko ay namumula na ako ng dahil sa sobrang hiya kaya agad ko na syang nilingon.
"Yah, tumigil ka na" ang pabulong kong saway sa kanya.
Pero ngumiti lang sya sa akin ng mapang-asar habang nagpapatuloy parin.
"Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~" ang kanta parin nya.
"Yah..." ang saway ko sa kanya.
"Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~"
"Ssssh...!"
"Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie~~"
"Yoongi-ah" ang nahihiya kong saway sa kanya.
Bigla naman syang tumigil at nilingon ako.
"Neh?" ang nang-aasar na tanong nya. "Ano nga uli yung itinawag mo sa akin?"
Namumula nalang akong napayuko doon lalo na't nakatingin narin sa amin ang lahat.
At ngayon ay hindi na naman ako makapagsalita.
"Okay" he shrug saka nagpatuloy na naman sa pagkanta. "Yuseonie~~Yuseonie~~Yuseonie---"
"Yoongi-ah" ang saway ko sa kanya at pinalo ko pa ang braso nya.
Nakatingin na kasi talaga sa amin ang lahat.
Nakangiti naman syang lumingon sa akin at sa sobrang laki ng ngiti nya at nakikita ko pa ang pagsingkit ng mga mata nya at ang paglabas ng gilagid nya.
"Arasseo, arasseo" ang mapang-asar na sabi nya habang hawak ang braso. "Hindi na ako mag-iingay. Yah, ano bang klaseng kaibigan ka ha? Hindi mo na nga ako kinakausap, pinapalo mo pa ako"
Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko rin alam kung bakit nararamdaman ko 'to kay Yoongi.
"Pwede bang magtanong?" ang nakangiting biglang tanong nya.
Nagtataka naman akong napalingon sa kanya.
"Ano yun?"
Tumingin naman sya sa harapan bago nagsalita.
"Napapansin ko na lagi mo nalang suot ang headphone mo noon" ang nakangiting sabi nya saka nilingon ako. "Bakit ba lagi mo nalang isinusuot yun?"
Napayuko ako.
Tama. Itinatanong nya kung bakit ko ba isinusuot yun. Siguro okay lang namang sabihin sa kanya dahil kaibigan ko din naman sya.
"Kapag suot ko ang headphone ko..." ang sambit ko saka napangiti ng payak. "...ay pakiramdam ko ay safe ako at walang pwedeng manakit sa akin..."
Hindi sya nagsalita.
Pero huminga nalang sya ng malalim at napangiti.
"Ngayon naiintindihan ko na..."
Hindi na ako nagsalita.
Pakiramdam ko ay naging awkward na ang atmosphere naming dalawa.
Hanggang sa nakita kong parating na ang bus na sasakyan ko at doon lang ako bumalik sa senses ko.
Tumigil na ang bus sa harapan namin kaya nilingon ko sya.
"O sya, mauuna na akong umuwi sayo" ang hindi ko pa makatinging sambit.
Ngumiti naman sya habang nakasabit parin sa likuran nya ang bag nya.
"Neh, salamat sa araw na 'to" ang nakangiting sabi nya habang nakatitig sa akin. "Mag-iingat ka okay?"
Ngumiti ako sa kanya at this time ay naisipan kong asarin sya.
"Neh appa" ang pang-aasar ko sa kanya.
And instantly ay nakita ko ang pagkakawala ng ngiti nya.
"Aish, this girl" ang asar nyang sabi. "Yah!"
Pero natatawa akong mabilis na sumakay sa bus na nasa harapan namin. At nang makasakay ako ay nilingon ko sya at nag-'bleh' pa ako sa kanya.
Hindi ko rin alam. Pero pakiramdam ko ay unti-unti na akong bumabalik sa dati ngayong nakakasama ko na sya.
Pero bumalik din kaagad ang matamis na ngiti sa labi nya at kumuway sa akin mula sa labas.
"Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na Yuseonie!" ang sigaw nya para marinig ko sya.
Oo, nagbigayan narin kami ng number dahil nga sa magkaibigan na kami.
Ngumiti ako uli ng pang-aasar sa kanya.
"Neh APPA!" ang natatawa ko pang sigaw saka naupo na sa gilid na upuan.
Agad namang nawala ang ngiti sa labi nya at nakita kong naasar sya sa sinabi ko.
Pero hindi na sya naka-react dahil doon na nagsimulang umalis ang bus. Natatawa nalang akong lumingon sa kanya at kumuway. Ngumiti narin sya at kumuway nalang din sa akin.
Oo. Isang araw palang kaming nagkakasama pero pakiramdam ko ay matagal na kaming naging magkaibigan. Hindi ko rin alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya.
Madami din akong bagong nalaman sa pagkatao nya.
Mabait sya at maalalahanin. Hindi nga lang halata yun sa kanya dahil lagi nalang malamig ang mukha nya sa mga taong hindi naman nya kilala. But once you get to know him ay mag-iiba ang pagtingin mo sa kanya. Hindi naman pala sya gaanong nakakatakot. Hindi nga lang sya friendly sa mga taong hindi nya kilala.
"Oh my so sya pala ang girlfriend ni Yoongi"
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang bulong-bulungan na iyon mula sa tabi ko.
This is nightmare.
Nakasabay ko sa bus ang ibang schoolmates namin. At ang mas malala pa ay wala akong suot na headphone dahil nawasak nga yun kanina sa school.
"Oo nga, pero wait...diba sya yung pokpok?"
"No way. Hindi papatol sa pokpok si Yoongi"
"Hindi! Sya nga!"
This is one of the reasons why I'm wearing headphone.
Ang headphone ko lang ang nagiging proteksyon ko mula sa mga ganito.
Ang headphone ko ang nagpaparamdam sa akin na safe ako.
At ngayong hindi ko suot yun ay pakiramdam ko ay vulnerable ako at nanghihina ako.
"Yuck! At bakit naman pumatol sa mga katulad nya si Yoongi?"
"Hindi kaya...OMG! Hindi kaya ginayuma nya si Yoongi oppa?!"
"O hindi kaya pinikot nya?!"
Sumasakit ang ulo ko.
At pakiramdam ko ay nahihilo ako.
Kailangan ko ang headphone ko...
"Nakakadiri naman kasi talaga sya katulad ng nanay nya"
"Hindi naman sya maganda. I'm sure pinikot nya nga si oppa"
Kapag hindi ako umalis sa crowd na ito ay baka hindi ko na kayanin at himatayin ako dito.
Kaya nang makita ko na tumigil ang bus sa isang bus stop ay napahinga ako ng maluwag.
Kailangan kong bumaba.
Pakiramdam ko ay hinang-hina na ako at nagiging blur na ang paningin ko.
Ramdam ko na ang panlalamig ko at baka any moment ay baka bumigay na ako.
The bus stopped at mabilis akong tumayo at nanginginig na naglakad palabas ng bus na iyon. Sa sobrang panghihina ko ay napaupo ako sa tabi ng bus stop at nahawakan ang magkabilang tenga ko.
Kailangan ko ng headphone...
Kailangan kong takpan ang tenga ko mula sa mapanghusgang mundong ito...
Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako doon habang nakaupo parin at tinatakpan ang tenga ko sa tabing daan.
Naramdaman kong nilalapitan narin ako ng ibang tao doon at tinatanong kung okay lang ba ako.
Pero hindi.
Hindi ko na kayang tumayo at maglakad paalis.
Pakiramdam ko ay hinang-hina ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Pero...
"Excuse me, girlfriend ko po sya" ang biglang sulpot ng boses na iyon.
Nabigla ako.
Teka, anong ginagawa nya dito?
Naramdaman ko nalang ang dalawang maiinit na kamay na iyon na humawak sa magkabilang braso ko.
"Yuseonie...okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong nya. "Nakita kita dito kanina habang nasa bus ako kaya bumaba ako. Okay ka lang?"
Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha at umiiyak na tumitig sa gwapo nyang mukha.
Si Yoongi.
Oo, nandito si Yoongi.
"Y-yoongi-ah..." ang nanginginig at umiiyak na sambit ko habang hawak ko parin ang magkabilang tenga ko.
Pero hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako at parang wala ng lumalabas na boses mula sa bibig ko.
Samantalang tumitig lang sya sa akin.
Pero bago pa man ako makapagsalita ay mabilis syang tumayo at mabilis na tumakbo paalis.
Samantalang naiwan akong nakaupo lang doon at nakatakip parin sa magkabilang tenga ko.
Oo.
Umalis na naman sya.
Iniwan na naman nya ako.
At siguro this time ay hindi na sya babalik.
Oo nga naman. Sino ba ang gugustuhing maging kaibigan ako?
Napaiyak nalang ako doon ng mag-isa at hinihiling na sana nga ay wala na akong marinig.
Ayokong makarinig...
Ayoko ng makarinig ng kahit ano...
Minsan ay naiinggit ako sa mga taong bingi...
Dahil hindi na nila kailangang makarinig ng masasakit na salita mula sa ibang tao.
Pero nabigla ako nang may biglang tumayo sa harapan ko at naramdaman ko pa ang malambot na bagay na iyon na dumikit sa magkabilang tenga ko.
Agad akong nagtaas ng mukha at nabigla ako nang makita ang hinihingal na si Yoongi habang nakatingin sa akin sa harapan ko.
"Hindi yan original na kagaya ng nasirang headphone mo pero yan muna ang isuot mo ng pansamantala" ang hinihingal na sabi nya saka sya biglang ngumiti. "Mahal yung original eh. Pag-iipunan ko muna"
Napatulala ako sa kinauupuan ko.
Lalo na't hindi ko inaasahan na babalik sya at mas lalong hindi ko inaasahan na bibilhan nya ako ng bagong headphone.
Ngumiti sya sa akin at wala na akong nagawa nang alalayan na nya akong tumayo.
"Aish, pinag-alala mo ako" ang nakangiting sambit nya habang nakangiti at nakatitig sa akin.
Naramdaman kong hinawakan nya ang magkabilang tenga ng headphone ko at nakangiting nagsalita.
"Safe ka na..." ang nakangiting sambit nya habang nakatitig sa akin. "Safe ka na dahil nandito na si Yoongi-ah...Yuseonie..."
to be continued...