Music #9

2317 Words
Yoongi's Music Music #9 Alam kong may nagbago na ngayon. Excited kong isinuot ang sapatos ko nung umagang iyon. Alam kong may kakaibang nangyayari ngayon. Pagkatapos ay isinuot ko na ang school uniform coat ko at humarap sa salamin. At sa kauna-unahang pagkakataon ay napangiti ako habang nakatingin sa repleksyon ko. Oo. May nagbago na... "Yuseon-ah! Baka ma-late ka na sa school!" ang tawag sa akin ni Tita mula sa ibaba. "Neh!" ang nakangiting sagot ko saka mabilis na lumabas at pumunta sa sala. Lalabas narin sana ako ng bahay pero natigil ako sa pagtakbo nang tawagin ako ni Tita. "Yuseon-ah! Hindi ka ba mag-aagahan muna?" Hindi ko rin alam kung bakit sobrang excited akong pumasok ng school ngayon... Nilingon ko naman sya at nakita kong natigilan sya nang makita ang sobrang sayang ngiti na iyon sa labi ko. Pero dahil siguro sa alam ko na may Min Yoongi na naghihintay sa akin sa school... "Mamaya na po tita. Kakain nalang po ako sa cafeteria" ang nakangiting sagot ko. Nakita kong napakurap sya at mukhang nanigas sa kinatatayuan nya. I just smiled at her. "Sige po, papasok na po ako" ang nakangiting sabi ko at aalis na sana pero may naalala pa akong sabihin kaya nilingon ko sya. "Ah, gusto ko pong galbi ang ulam ko mamayang gabi" She froze. Maybe because ito ang unang beses na ngumiti ako sa kanya at nakipag-usap sa kanya sa ganuong paraan. At dahil narin siguro sa yun din ang unang beses na nag-request ako sa kanya ng ulam. At unti-unti ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. Pero nagtaas parin sya ng mukha at nakangiting tumango at nagsalita. "O-oh..." ang naiiyak nyang sambit saka tumingin sa akin. "N-neh...a-arasseo, arasseo...g-galbi ang l-lulutuin ko mamayang gabi para sa Yuseon namin..." I just smiled at her. "Sige, aalis na po ako" ang nakangiting sabi ko saka tumalikod at naglakad paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sa akin sa may pinto at masayang nagsalita. "Mag-iingat ka ha? At mag-aral ka ng mabuti!" ang sabi nya at naririnig ko na parang naiiyak parin sya. "Mahal ka ni Tita, neh?" School... Katulad ng kanina ay excited akong naglakad papasok ng school. Suot-suot ko parin ang headphone ko at hindi ko alam pero pakiramdam ko ngayon ay parang ang gaan-gaan talaga ng loob ko. Magkikita pala kami ngayon ni Yoongi sa music room dahil tuturuan ko pa syang mag-piano. Oo, humingi sya ng pabor na gusto nyang turuan ko syang tumugtog nun kaya agad naman akong pumayag. Ito ang uling beses na nagkaroon ako ng kaibigan kaya gagawin ko ang lahat para manatili sya sa tabi ko. Napangiti nalang ako nang isipin ko yun. Hindi ko narin pinapansin ang mga nandidiring tingin at mga bulong-bulungan na nangyayari na naman sa paligid ko. I have Yoongi now. At sya lang ang mahalaga sa akin. Ang nag-iisang kaibigan ko nalang ang mahalaga sa akin. Pero natigil ako sa paglalakad nang bigla akong harangin ng tatlong babaing iyon sa gitna ng hallway. Sina Hyumi at ang dalawang bagong kaibigan nya na sina Suhyun at Bomi. Napaatras ako lalo na't tatlo na sila ngayong parehong naka-cross arms habang nakatingin sa akin ang nanunuring tingin nilang iyon sa akin. "Hoy Yuseon!" ang entrada ni Hyumi. "Totoo bang nagdi-date na kayo ni Yoongi?!" Napakurap ako. Date? "Umamin ka!" ang sigaw pa nya. Pero umatras ako at napatitig sa magandang mukha nya. "H-hindi..." ang sambit ko. "K-kaibigan ko lang sya Hyumi..." Pero nag-smirk lang sya at napaawang ng bibig bago sya tumitig sa akin. "Tignan mo nga naman..." she said while glaring at me. "...ang pokpok na katulad mo ay mananatiling pokpok kaya wag ka ng umasa na nababagay kayo ni Yoongi!" Yumuko nalang ako at aalis na sana pero nabigla ako nang hawakan ni Suhyun ang braso ko at hinila ako pabalik sa harapan nila. "At saan ka pupunta?!" ang sigaw nya. Tinignan ko naman sila. "P-pupunta na ako ng classroom..." ang sambit ko. Pero ang totoo nyan ay kailangan ko ng pumunta sa music room kung saan hinihintay ako ni Yoongi. Ayokong ma-late sa usapan namin. "Sinungaling! Ito ang tatandaan mo..." si Hyumi at naramdaman ko nalang ang pag-tusok tusok nya ng noo ko habang nagsasalita. "...ako lang ang may karapatang lumapit kay Yoongi oppa at hindi katulad mo na isang bayarang babae" "Hyumi...tama na..." ang naiiyak ko ng sambit. Hindi ko lang matanggap ang ginagawa nyang ito sa akin. She was once my friend kaya hindi ko maintindihan kung paano nya nagagawa sa akin ito ngayon. She smirk. "Anong tama na? You dare to sleep with Yoongi oppa at sasabihin mong tama na? Ito ang nababagay sayong malandi ka!" ang sigaw nya at doon ko naramdaman ang paghila nya ng headphone na nasa tenga ko at inihagis yun sa sahig. Sa sobrang lakas nun ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang nawasak ito. At hindi pa man ako nakaka-recover doon ay doon na nila ako sinimulang sabunutan at pagsasampal-sampalin. Samantalang nanuod lang sa amin ang ibang schoolmates ko na para bang wala lang sa kanila ang pambubugbog na ginagawa sa akin ng dating bestfriend ko at ng dalawang bagong kaibigan nya. "MALANDI KA!" ang gigil na gigil na sigaw ni Hyumi habang sinasabunutan ako. "Hyumi tama na!" ang umiiyak kong sigaw. Pinipilit kong kumalas sa pambubugbog nila sa akin pero mas malakas silang tatlo. "HOY! ANO YAN?!" ang biglang dating ng isang teacher namin. Doon lang nila ako binitiwan at mabilis silang tumakbo paalis. Habang napaluhod ako at naiwan akong umiiyak na mag-isa doon. "Ms. Park, okay ka lang?" ang lapit sa akin ng teacher ko. "Kailangan mong dalhin sa infirmary" Pero hindi ko sya pinakinggan. Nanginginig at umiiyak kong pinulot ang nawasak na headphone ko. "Dadalhin na kita sa infirmary Ms. Park" ang alok sa akin ng teacher ko. Saka nya hinawakan ang braso ko at tinulungan akong tumayo pero doon ko lang naalala... Si Yoongi. Hindi... Hindi ako pwedeng ma-late sa pagkikita namin.... Baka hindi na nya ako kaibiganin kapag na-late ako. Kaya imbis na makinig sa teacher ko ay natataranta kong pinulot ang bag ko at ang wasak na headphone ko saka ako mabilis na tumakbo paalis. "Ms. Park!" ang tawag sa akin ng teacher ko. Pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Alam kong magulo ang buhok ko ngayon at nalalasahan ko pa ang dugo na nasa bibig ko. Ramdam ko rin ang pananakit ng katawan ko na tinamaan ng mga sipa at suntok nilang tatlo pero ininda ko ang lahat ng yun para makarating kaagad sa music room. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong late na ako. Hanggang sa hingal na hingal akong nakarating sa may pinto ng music room. Pero nagtaka ako dahil walang Yoongi na nanduon. Pumasok ako sa loob at nakita kong wala ngang katao-tao doon. Siguro ay hindi pa sya dumarating kaya hihintayin ko nalang sya. Naupo nalang ako sa isang sulok at niyakap ang mga binti ko. At ngayon lang bumalik sa akin ang mga nangyari kanina. Ang pambubugbog nila sa akin at ang mga masasakit na salita na sinabi nila. Oo. Akala ko dahil sa araw araw ko ng naririnig sa kanila na isa nga akong pokpok ay magiging immune na ako sa sakit. Pero hindi pala... Napaiyak nalang ako ng maalala ko yun lalo na ng makita ko ang nawasak na headphone ko na nasa tabi ko. Paano ko pa magagawang papaniwalain ang sarili ko na hindi ko nga sila naririnig ngayong nasira na ang headphone ko? Hindi ko na namalayan na humahagulgol na ako ng iyak habang yakap ko parin ang mga binti ko. Nasa ganuon akong posisyon nang biglang dumating ang bagong dating na boses na iyon. "Aish, buti naman at nakarating ka na. Akala ko pa naman---" Pero natigil ang sasabihin nya nang makita ako sa ganuong posisyon. Nakita kong nanigas sya sa kinatatayuan nya at napatitig sa akin. Nagtaas naman ako ng mukha mula sa pagyakap sa mga binti ko at tinitigan ang walang emosyon na mukha nya. "M-mianhe..." ang umiiyak kong sambit. Gusto ko mang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak sa harapan nya ay hindi ko naman magawa. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw tumigil ng mga mata ko sa pag-iyak. "S-sorry kung na-late ako..." ang umiiyak ko paring sabi. Hindi sya nagsalita. Basta't nanatili lang syang nakatayo sa harapan ko at nakatitig sa akin ang mga mata nyang iyon. Samantalang yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Okay lang. Okay lang na hindi na nya ako kaibiganin after nito. Masakit pero anong magagawa ko kung bababa ang tingin nya sa akin nang dahil sa nakita nyang ayos ko? Alam kong magulo ang buhok ko at ng suot kong uniform. Ramdam ko rin ang mga kalmot ng kuko na humahapdi sa mga pisngi ko. Nalalasahan ko din ang dugo na nanggagaling sa pumutok na labi ko. "Sino ang gumawa nyan?" ang biglang tanong nya dahilan para mapataas ako ng tingin. Nakita kong nakatayo parin sya pero ngayon ay nakabulsa na ang dalawang kamay nya sa pants nya habang nakatitig sa akin. "Tinatanong kita..." ang parang inaantok pa nyang sambit. "Sino ang gumawa nyan sayo?" Nagtataka ako kung bakit nya itanatanong yun. Pero yumuko nalang ako at hindi makatingin sa kanya na sinabi ang totoo. "S-sina H-hyumi...B-bomi...at...at...Suhyun..."ang sinisinok ko pang sagot ng dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi na sya nagsalita after nun. Pero naramdaman ko ang pagtalikod nya at narinig ko rin ang mga papalayong yabag ng mga paa nya. Hindi ko maiwasang mapaiyak nang marinig ko ang pag-alis nya. Oo. Alam kong ayaw na nya akong maging kaibigan. Siguro nga ay isang pangarap nalang na maging kaibigan ko sya. Sino ba ako para maging kaibigan ng isang Min Yoongi? Sino ba ako? Ako lang naman si Park Yuseon na pokpok sa paningin ng lahat. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nabigla sa iisipin na iniwan nya akong mag-isang umiiyak dito na wala man lang pasabi. Oo. Alam kong na-turn off na sya sa akin at ngayon ay ayaw na nya akong maging kaibigan. Pinunasan ko nalang ang mga luha ko. Tama, wala na akong magagawa ngayong iniwan na nya ako. Mas mabuting bumalik nalang ako ng classroom at ipagpatuloy ang impyernong buhay ko. Kakayanin ko naman siguro kahit na wala akong kaibigan... Tumayo nalang ako at inayos ang sarili ko. Kinuha ko na uli ang bag ko at ang nawasak na headphone ko at aalis narin sana pero... Nabigla ako at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang biglang pumasok sa kwartong iyon ang tatlong babaing iyon na ngayon ay nakayuko at hindi makatingin sa akin. Pero mas nabigla ako nang makita si Yoongi na nakatayo sa likuran nila habang nakabulsa pa ang dalawang kamay nito sa pants nito. A-anong... Anong nangyayari...? "Wala ba kayong sasabihin sa kanya?" ang parang inaantok pa na tanong ni Yoongi sa tatlo. Samantalang nanatili akong naninigas sa kinatatayuan ko lalo na't hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Oo. Anong ginagawa nina Hyumi, Suhyun, at Bomi sa harapan ko at bakit parang takot na takot sila kay Yoongi? "Sagot!" ang biglang sigaw ni Yoongi at pati ako ay napalundag pa sa sobrang pagkabigla nang dahil sa pagsigaw nya. "SORRY YUSEON! HINDI NA NAMIN UULITIN!" ang sabay-sabay at nanginginig pa na sigaw ng tatlo. Nabigla ako. Lalo na't ito ang unang beses na may nag-sorry sa akin. Pero ang mas nagpabigla sa akin ay ang iisipin na si Yoongi ang nagdala sa kanila dito. Napalunok pa ako nang biglang lumingon sa akin si Yoongi habang nakabulsa parin ang dalawang kamay nya. "Yuseonie" ang parang inaantok pa nyang sambit. "Anong gusto mong gawin ko sa kanila?" Napakurap ako. Yuseonie? B-bakit nya ako tinatawag ng...Y-yuseonie? "Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko sa kanila para makaganti ka" ang dugtong pa nya gamit ang inaantok parin na boses na iyon. This time ay nabigla ako. Makaganti? Oo, alam kong sobra-sobra na ang ginagawa sa akin ng mga schoolmates ko pero never kong naisip na maghiganti kahit kanino. "A-ah...eh...o-okay lang..." ang sambit ko. "...o-okay na...Y-yoongi..." Napalunok pa ako nang magsalubong ang paningin naming dalawa. Nakatitig pala sya sa akin kaya hindi ko inaasahan yun. Agad naman akong yumuko at pakiramdam ko ay namumula ako nang dahil sa pagtitig nya sa akin ngayon. Then I saw him pout his lips na para bang hindi sya satisfied sa sagot ko habang parang inaantok parin ang mukha nya. But then he just sigh then turned to the three girls. "Get out" he ordered them in his usual cold self. Mabilis namang tumalikod ang tatlo at mabilis na umalis ng kwartong iyon. Maski ako ay parang gusto naring umalis sa kwartong iyon ng dahil sa takot sa kanya. Pero nangunguna parin sa akin ngayon ang iisipin na hindi pala nya ako iniwan kanina. Hindi pala sya na-turn off sa akin. Hindi pala sya umalis nang dahil sa nagbago na ang isip nya. Pero umalis sya... Para kunin ang tatlong babaing nam-bully sa akin at pinag-sorry sa harapan ko. Nang ma-realize ko yun ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pinaghalong saya at kakaibang emosyon sa dibdib ko. At ngayon ay dalawa nalang kaming naiwan sa kwartong iyon at naiwan ako sa awkward na sitwasyon na iyon. His bored sleepy eyes just kept on staring at my face dahilan para mamula ako. At nabigla ako nang mabilis syang lumapit sa akin at napapikit nalang ako nang makita kong itinaas nya ang kamay nya. Pero nabigla ako nang maramdaman ang malambot na bagay na iyon na dumadampi sa sugat na nasa pisngi ko. Agad akong nagbukas ng mga mata at napalunok ako nang makitang sobrang lapit na ng mukha nya habang nakatingin sya sa sugat ko na ngayon ay pinupunasan nya ng panyo nya. "Ayan..." ang sambit nya saka sya lumingon sa akin at tumitig sa mukha ko. "...ngayon turuan mo na akong mag-piano" to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD