Yoongi's Music
Music #8
Yuseon's POV:
Isa-isa kong pinindot ang keys ng piano at sumunod doon ang pag-alingawngaw ng magandang musika sa buong kwarto.
Nandito ako ngayon sa music room ng school dahil dito ako nagtatago habang break time namin.
Oo, ganito na ako lagi. Sa tuwing break time ay dito ako nagpu-pupunta dahil mas gugustuhin kong mag-isa dito kesa sa makatanggap na naman ng pambubully sa mga schoolmates ko.
Napapikit nalang ako habang dinaramdam ang musika na nagmumula sa piano.
My father is a musician. Dati syang nagtatrabaho as pianist sa isang mamahaling restaurant sa lugar namin at sa kanya rin ako natutong tumugtog nito.
Ang Papa ko rin ang nagturo sa akin na mahalin ang musika.
Tahimik lang ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang musika na nanggagaling sa piano na tinutugtog ko.
And then the music has finally ended.
Kaya dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko at napatitig sa kawalan.
I sigh.
Well, kailangan ko ng bumalik sa classroom dahil malapit ng mag-bell. Kakayanin ko pa naman siguro ang pambubully na gagawin nila sa akin bago pumasok ang teacher namin.
Kinuha ko nalang ang bag ko at tahimik na tumayo.
Maglalakad narin sana ako paalis nang bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko.
Saka ako dahan-dahang nagtaas ng mukha at nabigla ako sa sumunod kong nakita.
Si Min Yoongi.
Nakatulala lang sya sa akin sa may bungad ng pinto habang nakaawang ang bibig nya kaya hindi ko alam kung paano magre-react.
Teka...
Hindi kaya...
Hindi kaya naistorbo ko na naman ang pagtulog nya kaya nakatitig sya sa akin ngayon?
Napalunok nalang ako habang nakatitig parin sya sa akin.
Alam kong pagagalitan na naman nya ako dahil naistorbo ko na naman ang tulog nya.
Kaya yumuko nalang ako at nanginginig na nagsalita.
"P-pasensya na k-kung naistorbo ko na naman ang---"
Pero nabigla ako sa sumunod na nangyari.
Narinig ko nalang ang mabilis na paglalakad nya patungo sa akin kaya mabilis akong nagtaas ng tingin. At nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang hawakan ang magkabilang braso ko and in a desperate tone, he spoke.
"Turuan mo ako" he said while looking at me directly in my eyes. "Turuan mo akong tumugtog ng piano"
*********************
"Turuan mo ako" he said while looking at me directly in my eyes. "Turuan mo akong tumugtog ng piano"
Sa sobrang shock ko sa sinabi nya ay hindi ko alam kung paano mag-ri-react.
At sa sobrang pagkabigla ko din ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ramdam ko rin ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko habang nakahawak sya sa akin at nakatitig na naman sa akin ang mga magagandang mga mata nyang iyon.
But in the end ay nakapagsalita parin ako.
"P-paano mo ba nasasabi yan?" ang naitanong ko sa nanginginig na boses.
His brows met pero hindi sya nagsalita.
Nagbaba ako ng tingin at hindi makatingin sa kanya na nagpatuloy.
"N-nung isang araw lang...sinabi mong ayaw mo akong maging kaibigan..." I said in an uncertain voice. "P-pero...pero bakit ka ba magpapaturo sa akin ngayon mag-piano?"
Oo. Pakiramdam ko ay nilapitan nya lang ako ngayon ng dahil lang sa magpapaturo sya sa akin mag-piano.
Hindi sya makasagot.
At hindi ko alam kung bakit biglang pumait ang bibig ko.
Hindi ako galit sa kanya. Pero ayoko lang na kinakausap nya ako ngayon ng dahil lang sa may kailangan sya sa akin.
Itinulak ko nalang sya at mabilis akong tumakbo palabas ng music room na yun.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ba nararamdaman ito sa kanya.
Bakit ba ako natataranta ng dahil lang sa yun ang unang beses na sya ang lumapit at kumausap sa akin? At gusto nya pang turuan ko syang mag-piano?
Takbo lang ako ng takbo sa hallway at nagpapasalamat ako dahil hindi na nya ako hinabol. Dahil hindi ko rin alam kung paano mag-a-act sa harapan nya.
Hinihingal ako nang makarating ako sa classroom at nakikita kong hindi pa dumarating ang teacher namin.
Inayos ko nalang uli ang headphone na nasa taynga ko at nanginginig parin na naglakad patungo sa desk ko.
At nang makaupo ako doon ay hindi na ako nabigla sa sumunod na nangyari.
Naramdaman ko nalang ang isang kumpol ng papel na tumama sa noo ko. At doon sumunod ang pamilyar na tawanan sa paligid.
Napahinga ako ng malalim.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Isang eraser na naman ng blackboard ang tumama sa ulo ko at nagtawanan na naman silang lahat uli.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
"POKPOK! POKPOK! POKPOK!" they chanted at ngayon ay sabay na silang bumabato ng kung anu-ano sa akin mula sa kinauupuan ko.
Samantalang nanatili lang akong nakayuko mula doon at tinatanggap nalang ang bawat bagay na tumatama sa katawan ko.
Masakit.
Pero mas masakit ang iisiping tinatawag nila ako ng isang bagay na hindi naman talaga ako.
"POKPOK! POKPOK! POKPOK!" they continued.
Wala akong ibang magawa kundi ang mapapikit nalang at hayaan silang tapak-tapakan ang buong pagkatao ko. Nararamdaman ko narin ang pagsisimulang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko ng dahil sa pinipigil kong pag-iyak.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Wala akong naririnig.
Tama Yuseon. Wala kang naririnig.
For a million times ay yan lang ang sinasabi ko sa sarili ko. Yan lang ang pinapaniwala ko sa sarili ko.
Na hindi ko nga sila naririnig.
But who am I kidding?
Kahit anong tago ko...
Kahit anong higpit ng headphone na nakadikit sa tenga ko...
Kahit anong pagpapaalala ko sa sarili ko na hindi ko nga sila naririnig...ay alam ko sa sarili ko na rinig na rinig ko silang lahat.
Rinig na rinig ko ang bawat pagtawa at pambubully na ginagawa nila sa akin.
Rinig na rinig ko ang bawat masasakit na salitang ibinabato nila sa akin.
Rinig na rinig ko ang bawat panghuhusga na ginagawa nila sa akin.
Wala akong naririnig...
But in the end...ay naririnig ko parin sila.
Hindi ko na napigilan at doon na ako napaiyak habang patuloy parin sila sa pagbato sa akin ng kung anu-ano. Hindi ako umiiyak nang dahil sa sakit na natatanggap ko pero umiiyak ako nang dahil sa hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawa sa akin ito.
Paano ba nila ako nagagawang batuhin ng kung anu-ano?
Paano ba nila ako nagagawang sabihan ng isang bagay na hindi naman talaga ako?
Paano nila ako nagagawang tapak-tapakan ng ganito lang kadali?
How could it is so easy for them to ruin my life just like this?
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak mula sa kinauupuan ko habang hindi parin sila tumitigil sa pambabato ng kung anu-ano at sa pagtawag nila ng pokpok sa akin.
Pero...
Nabigla ako nang may biglang humawak ng braso ko at marahas akong pinatayo mula sa kinauupuan ko. At dahil sa bilis ng mga pangyayari ay wala akong ibang nagawa kundi ang mapatayo mula doon at mapatingin sa humawak sa akin.
Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino yun.
Si...
Si Min Yoongi...
Biglang natahimik ang buong classroom at bigla silang natigil lahat sa pambubully sa akin.
Samantalang napapatitig naman ako sa seyosong mukha ni Yoongi. Nakahawak lang sya ngayon sa braso ko habang nakatingin ng masama sa lahat ng classmates ko na nambabato sa akin kanina.
And in that loud, clear voice, he spoke.
"Nag-s*x kami kagabi at nalaman kong virgin pa sya. So ibig sabihin nun, hindi pa sya nagagalaw ng kahit sinong lalaki at hindi rin sya pokpok na kagaya ng ipinaparatang ninyo sa kanya"
Yes.
He said that.
He did that.
At after nya ring sabihin yun ay tuluyan na kaming nanigas lahat mula sa kinatatayuan namin.
Samantalang napanganga naman ako mula sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay parang naubos ang lahat ng dugo sa buong katawan ko na at baka any moment himatayin ako mula dito.
P-paano...
P-paano nya...
P-paano nya nagawang...
P-paano nya nagawang sabihin yun sa harapan ng lahat?!
Then his sleepy and bored eyes looked at them.
"So wala na kayong itatanong?" he asked in that sleepy tone. "Okay. Ipagpapatuloy na namin ang nasimulan namin kanina"
And then he grabbed me in my arm at halos paguyod nya akong hinila palabas ng classroom na yun. Samantalang naiwan namang nakanganga ang lahat ng classmates ko at idagdag mo pa ang pagka-shock sa mukha ng mga classmates kong babae na halatang matagal ng may gusto sa kanya.
Ramdam ko rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko ng dahil sa sobrang hiya. Pakiramdam ko ay mas nakakahiya yun kesa sa pagtawag sa akin ng mga classmates ko ng pokpok.
Sinabi lang naman nyang...
Sinabi lang naman nya sa buong classroom na...
Na...
Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa dahil pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang kahihiyan ng dahil sa mga sinabi nya.
Naglakad lang kaming dalawa sa gitna ng hallway na yun habang nakahawak parin sya sa braso ko at hinihila parin ako sa gitna ng mga schoolmates namin.
At hindi na ako nabigla sa sobrang pagka-shock na nakita ko sa mga mukha nila nang dahil lang sa may hawak-hawak na babae ngayon si Yoongi at ang pinaka-nakakashock doon ay ang babaing hila-hila nya ngayon ay ang tinagurian nilang w***e or POKPOK sa school na 'to.
Nang makarating kami sa pinakadulong balcony ay doon na ako nagpumiglas dahilan para mabitawan nya ako.
Nakita kong yun din ang balcony kung saan una kaming nakapag-usap noon.
"Bakit mo ginawa yun?" ang nakayukong tanong ko.
Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa sa balcony.
"Bakit mo sinabi yun sa kanila? Bakit ka nagsinungaling?" ang sunod-sunod na tanong ko.
I act tough and irritated. Pero hindi ko maitatangging may bahagi sa akin ang masaya ng dahil sa ginawa nya.
Yun kasi ang unang beses...na may nagtanggol sa akin...and of all people, ay si Yoongi pa yun kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. But still, itinatago ko yun sa kanya dahil natatakot ako na kapag nalaman nyang gusto ko parin syang maging kaibigan ay baka iwan na naman nya ako uli. Na baka i-reject na naman nya ako uli.
"Bakit? Ayaw mo ba nung ginawa ko?" ang tanong nya sa akin.
Nagtaas ako ng mukha at napatulala ako nang makita ko ang unti-unting pag-guhit ng pilyong ngiti na iyon sa labi nya. Ngayon ko lang kasi sya nakitang ngumiti uli kaya nababaguhan parin ako.
Nakikita ko pa ang pagsingkit ng mga mata nya at ang paglabas ng gilagid nya ng dahil sa laki ng ngiti nya ngayon.
"Ahhh~feeling ko lalaking lalaki na ako dahil ako ang unang nakakuha sayo. Hahahahahaha!" he said then laugh. "Grabe. Hindi ko akalain na nagawa ko yun. Hahahahaha!"
I blink.
Oo, hindi ko inaasahan na makikita ko ang tawa ng isang Min Yoongi. Lalo pa na't nasanay na ako sa cold and sleepy attitude nya.
Marunong din pala syang...
Marunong din pala syang tumawa?
Lumingon sya sa akin at natigil sya sa pagtawa nang makitang nakatitig lang ako sa kanya.
"What?" ang nakangiting tanong nya.
Mabilis naman akong napailing.
Ayokong magsalita.
Natatakot ako na baka sa kahit konting mali na sasabihin ko ay baka bigla syang umalis at iwan ako dito.
Ito ang unang beses...na may kumausap uli sa akin mula sa mga schoolmates ko kaya natatakot ako na baka mawala pa sya.
Natatakot akong mag-isa uli...
Nakangiti lang sya pero unti-unti ding nawala ang ngiting iyon saka nya ibinulsa ang mga kamay nya sa pants nya at tumingin sa langit.
"Ano bang pangalan mo?" ang biglang tanong nya.
I gulped.
"P-park Yuseon" ang mabilis na sagot ko.
Natatakot ako na baka kapag hindi ko sya nasagot kaagad ay baka iwan nya ako.
Lumingon sya sa akin at napatulala ako sa gwapo nyang mukha nang ngumiti na naman sya sa akin.
"Park Yuseon?" ang nakangiting sambit nya habang nakatitig sa akin. "Ang ganda ng pangalan mo"
"N-neh!" ang agad na sagot ko.
Pakiramdam ko ay namumula pa ako dahil nakatitig lang sya sa akin ngayon.
And then he smiled.
"Park Yuseon..." he said with that simple smile on his face. "Gusto mo bang maging kaibigan si Min Yoongi?"
to be continued...