Music #26

1941 Words
Yoongi's Music Music #26 I hate her. I hate her for cheating on me. But now I think I hate her more. "Oh? Magkakilala na ba kayo ha?" ang takang tanong ni J-hope saka nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa. Gusto kong magmura. Teka, joke ba 'to ha? Ito na ba ang segment na tatawa na ako dahil sa bagay na nalaman ko? I mean, ang ex ko na nangaliwa...ay ang babaing matagal ng ipinagmamayabang sa amin ng isang ka-myembro ko na girlfriend daw nya? Ang ex ko...ay girlfriend na ngayon ng isang ka-myembro ko? Hahahahaha, teka, teka lang ha. Patawarin nyo na ako pero....PUTA! But the more I think about it... "Aiisshhh...! Wag kayong ganyan! Excited lang talaga akong makita sya uli! Narinig ko kasing nakauwi na sya galing America last week at magkikita na kami uli!" "Aish, excited na ako dahil ang sabi nila ay magaling daw mag-rap ang leader nila. I heard na isang famous American Rapper ang nag-train sa kanya sa America" ...ay na-realize ko na totoo nga ang lahat ng ito. Pero ang pinaka hindi ko malunok ngayon ay... Isang masayang ngiti ang gumuhit sa magandang mukha nya saka nya masayang nilingon ang lalaking yun. "Aigoo...paano ko naman hindi makikilala si Suga ng BTS, oppa ha?" ang masayang sabi nya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. "Everyone knows him" Hindi ako makapaniwalang napatitig sa magandang mukha nya. So ito ba talaga ang gusto nyang gawin ha? Ang magpanggap na hindi nya ako kilala? Then she turned to me at parang gusto kong mapaawang ng bibig in disbelief nang ngumiti sya ng sobrang tamis at inilahad sa akin ang isang kamay nya. "Oh, by the way. Tinatanong mo awhile ago kung ano ba ang pangalan ko diba? Well, my name is Park Sunny and it is really a great honor to meet you in person Suga sunbae-nim. Actually, I'm a big fan of yours" Puta. Paano ba nya nagagawa yan ha? Paano nya ako nagagawang kausapin sa ganyang paraan? Hindi ko lang talaga maintindihan kung paano nya nagagawang magpanggap na para bang ngayon lang kami nagkita sa tanang buhay namin. "Yaaaah..." J-hope breathed saka proud na lumingon sa babaing yun. "Gumaling na talaga ang English ng jagiya ko...yaaaaa" Gusto kong matawa. Pero mas nangingibabaw sa akin ngayon ang sobrang sakit na nasa dibdib ko habang nakatingin sa kanya. At alam kong may parte parin sa akin ang hanggang ngayon ay hindi parin sya napapatawad nang dahil sa panloloko na ginawa nya sa akin dati. Yes. I hate her. Pero ang pinaka-nakakatawa ay kung gaano katindi ang galit ko sa kanya ay ganun din katindi ang pagmamahal na nararamdaman ko parin para sa kanya. Nakakagago diba? My life is shitting on me and its all thanks to her. I'm trembling. But still, I gathered all my strength at ramdam ko ang panlalamig ko nang itaas ko ang kamay ko at tinanggap ang kamay nya. It's been five years since the last time I held her hand like this. And I don't know if it's only me pero hindi na ganun kainit ang pakiramdam ng kamay nya sa kamay ko. Saka ako nagtaas ng mukha at tumitig sa mga mata nya. I'm trying to read her mind pero wala akong mabasa lalo na't nanatili lang syang nakangiti habang nakatitig sa akin. I used to read her mind a long time ago...pero bakit...bakit hindi ko na magawa yun ngayon? It's like suddenly, ay kahit na 100 percent sure ako na sya nga si Yuseon ay pakiramdam ko ay ibang babae na ang nakatayo ngayon sa harapan ko. "O-oh..." I whispered at ramdam ko parin ang pananakit ng lalamunan ko. "...m-masaya akong makita ka..." Yes. That's not a lie. Masaya akong makita ka. Kahit na sobrang nasasaktan ako ngayon sa nalaman ko na pagmamay-ari ka na ng iba at nagpapanggap ka pa na hindi mo ako kilala...ay hindi ko maipagkakailang sobrang saya ko na mahawakan muli ng ganito ang kamay mo. Kahit na hindi parin kita napapatawad sa ginawa mong panloloko sa akin dati ay mas nangingibabaw parin sa akin ang saya ngayon. Yuseonie...ano ba talaga 'tong ginagawa mo sa akin ha? She just smiled at me at putang-ina, paano ba nya nagagawa yan ha? Because now that I'm looking at her face ay wala man lang akong makitang ni katiting na recognition sa mga mata nya. Wala man lang akong makitang kahit konti, kahit tuldok lang na emosyon sa muling pagkikita namin. At gago rin ako dahil umaasa parin ako na maaapektuhan ko sya kagaya ng pagkaka-apekto nya sa akin. Ganun na ba talaga yun? Niloko nya ako noon at ngayon ay magpapakita sya sa akin na para bang walang nangyari? Na para bang wala lang ako sa kanya? Haha, ang puta lang. ANG PUTA. Binawi nya ang kamay nya saka nakangiting nilingon si J-hope. "Oh oppa" ang lingon nya dito. "Kanina pa kasi kami tinatawag ng manager namin kaya mauuna na siguro kaming umalis" Nakangiti naman syang nilingon ng lalaking yun. "Oh? Talaga?" ang nakangiting sabi nya and I felt something cracked inside me nang makita kong hinawakan sya ng lalaking yun sa magkabilang pisngi. "Arasseo, arasseo, magpahinga ka ng mabuti, neh? Alam kong napagod ka sa debut stage ninyo" At pakiramdam ko ay mas humapdi ang dibdib ko nang makita kong nginitian sya ng babaing yun. "Neh oppa" ang masayang sabi nya. "I'll just text you later" Puta. Just the thought na may ibang lalaki na syang itini-text ngayon ay parang gusto kong magwala sa kinatatayuan ko. Alam ko na five years na ang nagdaan pero hindi parin ako sanay na may ibang lalaki sa buhay nya. Alam kong sa panloloko nya nagtapos ang lahat ng mayroon sa aming dalawa pero wala pa namang closure diba? Hindi ko parin natatanggap sa sarili ko na wala na nga talaga kaming dalawa. Siguro para sa kanya ay wala na ako pero sa limang taon na nawala sya at ni anino nya ay hindi nagpakita sa akin, ay umasa parin ako na magpapakita sya sa akin, hihingi sya ng sorry sa bagay na nagawa nya, at magiging maayos na kaming dalawa uli. Kaya ko naman syang patawarin eh. Mahal na mahal ko sya na kaya kong kalimutan ang lahat para makapagsimula kaming dalawa. I only want her to show herself up and apologize from what she did from five years ago. Pero puta. She finally showed up, but with what? With this? With all these shits? Ito ba ang kabayaran ng limang taon na paghihintay ko sa kanya? At yun ay malalaman ko nalang na GIRLFRIEND na sya ng isa sa mga ka-myembro ko? Haha, gusto kong matawa. Gusto kong matawa sa malaking JOKE na ito. PUTA. She turned to me and just like before ay ngumiti sya sa akin na para bang ngayon nya lang ako nakita sa tanang buhay nya. At sa tuwing ginagawa nya yun ay parang gusto kong pumatay ng tao. "Annyeong sunbae-nim!" ang masayang kaway nya saka nilingon si J-hope. "Annyeong oppa! I love you!" Fuck. Fuck. Fuck. I love you? Puta. Kinikilig namang kumuway sa kanya pabalik ang lalaking katabi ko. "Aigoo...! Ang sweet talaga ng girlfriend ko! Nado saranghaeyo jagiya~~!" ang kinikilig pa nyang sagot. At doon na nga sila tumalikod ng mga kasama nya at naglakad paalis. Kaya naiwan akong naninigas mula sa kinatatayuan ko samantalang nanatiling kinikilig na nakatingin lang sa kanila ang lalaking katabi ko. At kung akala ko ay matatapos na ang matinding torture na ito... "Oh hyung!" ang biglang lingon sa akin ni J-hope. "Inimbitahan ko pala sya ng dinner sa apartment mamayang gabi para makilala narin sya ng iba! Masaya yun diba?" ...ay alam kong dito palang magsisimula ang lahat ng ito. Black Muses Private Room... Pagkasara na pagkasara palang ng pinto ng pribadong kwartong iyon ay isang malakas na huni ng sampal ang gumulantang sa kanilang lahat. Saka dahan-dahan at naiiyak na nagtaas ng mukha ang maknae ng grupo na si Eunjoo at napatitig sa walang emosyon na mukha ng leader nila. "U-unnie..." she whispered. "Hani, patayin mo ang camera" Sunny ordered without looking away from Eunjoo. "Wala ako sa mood na makipag-plastikan ngayon sa mga fans" Agad namang naibaba ni Hani ang camera na gagamitin sana nya ng dahil sa matinding takot nya sa leader nila. Alam nyang kailangan nilang gumawa ng Behind The Show Video para sa mga fans nila but she knows that this is not the right time for that lalo na't halatang sobrang galit ang leader nila. And now ay tahimik nalang silang napatingin sa dalawang ka-myembro na magkaharap sa gitna ng private room ng Music Show na iyon. At alam nilang lahat na wala ng makakapigil pa sa Leader nila. "Ano yung narinig ko ha?" ang walang emosyong simula ni Sunny sa maknae nila. "Akala mo ba hindi ko napansin na hindi mo natamaan ng mabuti ang nota sa part mo?" Naiiyak na napatingin sa kanya si Eunjoo. "U-unnie---" Pero isang malakas na sampal uli ang tumama sa mukha nya. "Gusto mo bang ipahiya ang grupo natin ha?" "Unnie---" Pero naputol na naman ang sasabihin nya nang isang malakas na sampal uli ang tumama sa namumulang kanang pisngi nya. "Gusto mo bang pagtawanan tayo ng mga tao ha?" This time ay hindi na napigilan pa ni Eunjoo at napaiyak na sya sa harapan ng lahat ng ka-myembro. Samantalang wala namang makagalaw sa mga ka-myembro nila nang dahil narin sa nasanay na sila sa ganitong ugali ng leader nila. "U-unnie...mian---" Pero katulad kanina ay hindi na sya pinatapos ng leader nila at isang malakas na sampal uli ang ibinigay sa kanya. This time ay hindi na nakapagpigil pa ang lead vocal ng grupo nila na si Sujin at naglakad na sya papunta sa dalawa. Saka nya hinarap ang walang emosyon at malamig na mukha ng leader nila. "It's enough" she said. "You're being too much" But Sunny's cold and emotionless eyes just turned to her. "Enough?" Sunny said in that cold voice. "There is no such thing as enough" Napakuyom ng mga kamay si Sujin at hindi makapaniwalang napatitig sa mukha ng leader nila. But before she get the chance to speak ay inunahan na sya ni Sunny. "Simula ngayon ay dapat nyong maintindihan na hindi ko hahayaan na tapakan ng ibang grupo ang grupo ko. Dapat ninyong maintindihan na sa mundong ito, kapag naging mabait ka, kapag naging mahina ka, ay tatapakan lang kayo ng ibang tao. In this world, you only get to choose kung ikaw ang tatapakan o kung ikaw ang tatapak. You only get to choose wether you become the Lion or the Lamb." she said saka pinamulatan ng mga mata ang ibang kasamahan. "And I chose to be the Lion. I chose to be the best. Ako ang tatapak at ako ang uuwing panalo. And if any of you didn't get along with what I want, I won't even think twice on spitting on your useless and ugly faces. I don't want to become ENOUGH. I want to become THE BEST, got it?" Walang makasagot sa leader nila. Ang iba ay napayuko nalang samantalang nagtitimping nakatitig lang sa kanya ng masama si Sujin. But she knows well na wala ng magagawa pa ang kung ano mang sasabihin nya sa leader nila so she decided to not speak a word. Sunny just took a deep breath saka napatingin uli sa ibang ka-myembro. "Now, kung wala na kayong sasabihin ay mauuna na akong umalis sa inyo" she said then smirk. "Afterall, I've got some dinner dates to do. Bye" And with that, she turned around and walked away. Leaving all of her members dumbfounded. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD