Yoongi's Music
Music #27
BTS Apartment...
Suga's POV:
"Anong oras ba sya darating---Taehyung! Ibaba mo ang raisins! TAEHYUNG---! Don't even think about it----Yah! Bakit mo inubos?! Lagot ka sa akin bata ka!!!" ang rinig kong sigaw ni Jin hyung sa kusina.
Samantalang nanatili lang akong nakahiga at nakapikit sa may sofa.
"Jungkook! Nasaan na ang cheese na iniwan ko sa mesa ha?!" ang sigaw na naman ni Jin hyung.
"Naubos na namin ni Jimin hyung, hyung" ang inosenteng sagot lang ni Jungkook.
"Aissssshh...! KAILAN BA AKO MAKAKAPAGLUTO SA KUSINANG ITO NG TAHIMIK AT WALANG UMUUBOS NG INGREDIENTS KO HA?! Aish! This kids really! Aish!" ang pagwawala na ni Jin hyung. "Teka, nasaan si Yoongi?! Tapos na ba ang roasted chicken na pinapaluto ko sa kanya ha?!"
Doon naman ako tinatamad na sumagot mula sa sofa na kinahihigaan ko.
"Bakit?" ang inaantok at tinatamad ko pang sagot. "Hindi ba nya kayang i-roast ang sarili nya ha? Bakit ako pa ang magro-roast sa kanya? Papasok lang naman sya ng oven ah and then tapos. Psh. Attention seeker worthless chicken"
Saka ako pumikit uli.
At doon ko na narinig uli ang famous na linya ni Jin hyung kapag napupuno na sya sa amin.
"That's it!" he yelled. "Namjoon! Ihanda mo ang van! May ihuhulog lang akong mga bata sa han river mamaya!"
"Aissh...hyung!" ang sulpot naman ng boses ni J-hope sa kusina. "Wag mo masyadong i-stress ang sarili mo. Atsaka thank you din pala sa paghahanda para sa girlfriend ko ha. Alam kong matutuwa yun kapag nalasahan na nya ang mga niluto mo"
Parang gusto kong mag-roll ng eyes nang dahil sa narinig ko.
But I'm just too lazy to move or to think anything.
"Okay lang Hobie" ang sagot naman ni Jin hyung na mukhang nakalma na. "Atsaka ito ang first time na may bibisita sa atin na idol na nanggaling sa ibang grupo kaya maganda ng makagawa rin tayo ng good impression sa kanya"
"Aiggoo...! The best ka talaga hyung!" ang rinig kong sagot naman ni J-hope. "O sya! Magbibihis na ako dahil sa tingin ko malapit na syang dumating! At Taehyung, Jungkook, at Jimin, wag nyo namang pahirapan si Jin hyung. Tulungan nyo nalang sya. Arasseo?"
"Neh..." ang rinig kong sabay na sagot ng tatlo.
Pero halatang ngumunguya sila habang sinasabi yun.
"Aish! KAYONG TATLO! Inubos nyo na naman ba ang mga hotdogs na inihanda ko dito ha?!" ang rinig kong reklamo na naman ni Jin hyung.
"Hindi kami hyung!" ang rinig kong sagot ni Jimin. "Si Namjoon hyung na nagtatago sa loob ng kwarto nya ang umubos ng mga hotdogs!"
At alam ko na kung ano ang kasunod nito...
"KIM NAMJOON..." Jin said in that killer warning tone.
Puta.
Hindi ba talaga ako makakatulog ngayon ha?
Sa totoo lang ay mas gusto kong matulog nalang at itulog nalang ang lahat ng mga dinaramdam ko ngayon.
Wala ako sa mood na mag-isip ng kahit ano tungkol sa babaing yun lalo na't tinatrato nya ako na para bang hindi nya ako kilala.
And just when I thought na makakatulog na ako...
"Aigoo...hyung! Natutulog ka na naman?!" ang sulpot ni J-hope sa tabi ko at naramdaman ko ang pag-alog nya sa akin. "Magbihis ka na dahil darating na ang girlfriend ko!"
Huh.
Girlfriend mo?
Eh di sayo na.
Kayo na.
Lamunin mo.
I.
DONT.
GIVE.
A.
FUCKING.
SHIT.
Gusto ko sanang isigaw yun sa kanya.
But of course it's a lie.
I know in myself that I always cared when it comes to her. Pero hindi ko lang alam kung paano ako mag-a-act kapag nagkita na naman kami uli ng babaing yun.
Paano ka nga ba mag-a-act sa isang taong nag-a-act na para bang hindi ka nag-exist sa buong buhay nya?
Huh. My life is just full of shits.
Pero mas pinili kong wag nalang sumagot at baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko.
At hindi ko alam kung saan nakukuha ng lalaking ito ang lakas ng loob nyang alugin mula sa pagtutulog-tulugan ang isang Min Yoongi.
"Aigoo...! Hyung!" ang natatawang pangungulit parin nya. "Ayyy...hindi ka pwedeng magpakita ng ganyan sa girlfriend ko! Kaya tara na! Magbihis ka na! Tayo nalang ang hindi pa nakakapagbihis oh!"
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para kay J-hope.
May parte sa akin ang gustong magalit at mainis sa kanya nang dahil sa sya na ang bagong boyfriend ng babaing yun pero alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na maramdaman yun sa kanya.
Lalo na't wala naman sya kaide-ideya...na ako ang dating boyfriend ng babaing mahal nya ngayon.
Kaya paano ba ako magagalit sa kanya?
Talaga bang inagaw nya sa akin si Yuseon?
O mas tamang sabihin na...sya ang sumalo sa babaing iniwan ko five years ago?
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at ang masayang mukha nya ang sumalubong sa paningin ko.
At sabihin nyo nga...
Paano ko ba magagawang tanggalin ang masayang ngiti na iyon sa mukha nya?
"Aish! Hyung! Nakikinig ka ba sa akin ha? Aigoo...!" ang tumatawa pang sabi nya habang nakatingin sa akin.
J-hope...
Mapapangiti ka pa kaya...kapag sinabi kong...ako ang dating boyfriend ng girlfriend mo ngayon?
Mapapangiti ka pa...kapag sinabi kong...kahit galit ako sa kanya...ay mas nangingibabaw parin sa akin ang kagustuhan na maging akin sya uli?
"Aish!" he gave up. "Sige hyung! Mauuna na akong magbihis sayo! Pero dapat bago dumating si Sunny ay nakapagbihis ka na, okay?"
Saka sya nag-thumbs up pa sa akin.
For a moment ay tinitigan ko lang sya but then I sigh at nag-thumbs nalang din sa kanya.
"Okay" ang inaantok kong sagot.
He just gave me that usual bright smile saka sya tumalikod at naglakad paalis.
But from that moment, ay alam kong may dapat na akong gawin.
******************
Isa-isang katok ang ginawa ko sa pinto ng kwarto nya.
"Oh? Sino yan?" ang tanong nya at halatang busy sya.
"Ako 'to" ang sagot ko.
"Oh? Hyung? Bakit?"
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita uli.
"May sasabihin lang ako sayo" ang sagot ko.
Agad namang bumukas ang pinto ng kwarto nya at katulad ng dati ay ang masayang mukha nya na iyon ang sumalubong sa akin.
"Oh Suga hyung" ang nakangiting bungad nya. "Ano ba yun ha?"
Napatitig lang ako sa mukha nya at sa totoo lang ay humuhugot pa ako ng lakas ng loob na gawin ito.
Pero alam kong kailangan kong gawin 'to.
"Pwede bang pumasok sa loob?" ang sagot ko. "Importante lang ang sasabihin ko"
Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa mukha nya at napalitan yun ng pagtataka.
Siguro ay nakikita nya rin ang pagiging seryoso ng mukha ko ngayon.
I saw him blink pero agad din syang ngumiti.
"O-oh! S-sige hyung! Pasok ka!" ang sagot nya saka binuksan ang pinto para makapasok ako.
Pumasok naman ako sa loob at ang agad na bumungad sa akin ay ang mga nagkalat na damit na iyon sa kama nya.
"Aigoo...!" ang masayang sabi naman nya saka pinulot ang mga yun. "Pasensya ka na hyung! Naghahanap kasi ako ng cool na damit para ma-impress ko naman sya mamaya! Hehehe"
I smirk.
"Psh. Ano ka? Babae?" ang inaantok kong sagot.
"Aisshh...! Wag kang ganyan hyung!" ang sigaw naman nya. "Mararanasan mo rin 'to kapag nagka-girlfriend ka na!"
Hindi ako makasagot sa sinabi nyang iyon.
Mabuti nalang at tumalikod na sya at humarap uli sa malaking salamin na nasa loob ng kwarto nya dahilan para hindi nya makita ang pandidilim ng mukha ko.
"Aishh..." I heard him sighed in front of the mirror saka sya nakangiting nagsalita. "Masaya talaga ako ngayon hyung dahil nagkita na kami uli ng girlfriend ko..."
After hearing those words ay bigla nalang akong nawalan ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang mga bagay na balak ko sanang sabihin.
But I know that J-hope deserves to know the truth.
Kahit ano pa man ang mangyari ay kaibigan ko parin sya.
At hindi ko parin kayang magsinungaling sa harapan ng masayang mukha nya habang kasama nya ang babaing yun.
Hindi ko lang kayang gawin 'to kay J-hope...
Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob saka ko sya nilingon.
But when I was about to open my mouth ay bigla syang nagsalita.
"Siguro hindi ko kakayanin kapag nalaman kong may ibang lalaki sa buhay nya..."
I froze.
"Mahal na mahal ko talaga sya hyung eh..." ang nakangiting sambit nya. "...sya ang kauna-unahang babaing minahal ko ng ganito. At kapag nalaman ko siguro na may ibang lalaki sa buhay nya ay baka ikabaliw ko yun"
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ako makagalaw.
Pakiramdam ko ay biglang na-drain ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako nang dahil sa sinabi nya.
Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha at napatitig sa nakangiting mukha nya na nakaharap parin sa salamin.
Pero kahit na nakangiti sya ay nakikita ko ang sakit na nakaguhit sa mga mata nya na para bang nararamdaman na nya ang feeling ng bagay na iniisip nya.
Na para bang naiimagine na nya kung ano ang mararamdaman nya kapag nalaman nyang may ibang lalaki sa buhay ng girlfriend nya.
J-hope...
May ibang lalaki sa buhay ng girlfriend mo...at ako yun.
Ako ang dating boyfriend ng girlfriend mo...at hanggang ngayon ay wala pa kaming formal na break-up.
Magiging selfish ba ako J-hope...kapag hiniling ko sayo na ibalik mo nalang sya sa akin?
Pero paano ko ba magagawang sabihin yun sa kanya?
Paano ko ba magagawang sabihin sa kanya ang isang bagay na alam kong makakasira sa kanya?
Ano ba ang mas dapat?
Ang maging isang tunay na kaibigan sa kanya sa pagsasabi sa kanya ng totoo? O maging isang tunay na kaibigan sa paglalayo sa kanya sa sobrang sakit na pwede nyang maramdaman kapag nalaman na nya ang totoo?
Ano ba ang tama at mali sa dalawang iyon?
Kailangan ba talagang dalawa kami ang magdusa sa babaing yun? O mas maiging ako nalang? Mas maiging ako nalang ang magparaya?
I heard him took a deep breath again saka sya nakangiting lumingon sa akin.
"Aish! Pasensya ka na hyung ha!" ang nakangiting sabi nya. "Kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi ko sayo! Syempre naman ako lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ng girlfriend ko! Ako lang at wala ng iba kaya ano ba 'tong mga pinagsasabi ko ha? Hahahaha, aigoo..."
Pero nang makita ko kung gaano sya kasaya ngayon...
Nang makita ko kung gaano kasaya ang ngiting nasa mukha nya...ay doon lang ako nag-come up sa isang desisyon.
Naramdaman ko nalang ang pananakit ng lalamunan ko at ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Pero buong tapang akong humarap sa kanya at nagsalita.
"O-oh..." I whispered in my usual sleepy voice. "Basta't nandito lang ako para sayo..."
Nakita kong ngumiti lang sya at masaya pa syang naglakad papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Aigoo...! Thank you hyung!" ang masayang sabi nya. "Mahal na mahal talaga kita!"
At kahit na masakit parin ang lalamunan ko nang dahil sa pinipigil kong emosyon ay nagsalita parin ako.
"Psh. Ang bading"
Doon naman nya ako binitiwan.
"Aish! This hyung! Mahal ko kayong lahat na nasa Bangtan!" ang masayang sigaw nya pero unti-unti ring nawala ang saya sa mukha nya at napalitan yun ng isang simpleng ngiti. "Pero ang totoo nyan hyung...nag-aalala ako sa girlfriend ko na yun..."
My brows met.
Nag-aalala?
Bakit naman sya nag-aalala kay Yuseon?
Pero bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na sya uli.
"Oh! Sya nga pala hyung! Diba may sasabihin ka pa sa akin?" ang masayang tanong nya. "Ano ba yun ha?"
For a moment ay napatitig lang ako sa masayang mukha nya.
Saka ako napahinga ng malalim at napatingin sa damit nya.
"Nandito ako para sabihin sayo na..." ang simula ko. "...ang baduy ng damit mo"
Yun lang saka ako tumalikod at naglakad palabas ng kwarto nya.
"Aish! This hyung!!!" ang nakangiting reklamo naman nya. "HINDI ITO BADUY HYUNG! ITO ANG LATEST FASHION NGAYON! LATEST!"
Pero doon ko na isinara ang pinto ng kwarto nya at nanghihina akong napasandig doon.
Saka ako napasabunot ng buhok ko at nanghihinang napayuko mula sa kinatatayuan ko.
Yes.
I chose this.
I chose his happiness than mine.
to be continued...