Music #25

1592 Words
Yoongi's Music Music #25 I was stunned. I was speechless. Pakiramdam ko ay naging blangko lang ang lahat at wala na akong ibang marinig habang nakatulala lang ako sa magandang mukha ng babaing nangunguna sa kanilang lima. Pakiramdam ko ay nasa isang kakaibang panaginip ako...kung saan ang babaing iniwan ko five years ago...at ang babaing dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi ko parin napapatawad ang sarili ko...ay kumakanta at nagsasayaw nga sa stage ngayon. Gusto kong sabihin na isang panaginip nga lang ang lahat ng ito. Isa lang itong magandang panaginip kung saan nakita ko uli after five years ang mukha ng babaing mahal ko... Pero... "WOHHHOOOOO...! SUNNY!!!" ang rinig kong cheer ni J-hope sa tabi ko saka nya ako mabilis na nilingon. "Ang galing nya talaga hyung diba?! Her rap is daebak! Oh my God! My heart is...!" ...alam kong nasa reality ako ngayon. Sunny. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko after hearing her name. Napatitig lang ako sa kanya at siguro sa dami ng taong nandito ay hindi na nya ako makikita pa... Yuseonie... Ikaw ba talaga yan ha? Ikaw ba talaga ang babaing yan? Ikaw ba talaga si Sunny? Hindi lang ako makapaniwala...na ikaw na nga yan. Sa nakikita kong laki ng ipinagbago nya ay hindi ako makapaniwala na sya nga ang babaing nasa harapan ko ngayon at patuloy na nagpe-perform sa gitna ng stage. And then their performance has ended. Pero nanatili lang akong naninigas at hindi parin makagalaw mula sa kinauupuan ko habang nakatitig parin ako sa magandang mukha nya. Ramdam ko parin ang panlalamig at ang panghihina ko habang nakatitig lang ako sa kanya. Nakita kong nag-bow na sila sa harapan at sinaluhan na sila ng host ng music show na iyon. "Wow! That was a great performance from Black Muses!" ang masayang sabi ng host. "Now, can you please introduce yourselves and also your group?!" Pakiramdam ko ay parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k nun nang makita kong kinuha nya ang microphone mula sa host. And after five years... After five painful years... I saw that familiar sweet smile on her beautiful face again that never failed to melt my heart... And I heard that familiar sweet voice again that never failed to weaken me. "Annyeong haseyo~! We are the Black Muses!" ang nakangiting pakilala nya sa lahat ng nandoon. "I'm Sunny, the leader and the main rapper of the group! Kamsahmnida!" ************************* Matapos ang show na iyon ay wala parin ako sa sarili kong naglakad na pabalik ng backstage. Nakikita kong nagkukulitan na naman ang ibang ka-myembro ko pero wala ako sa mood na sumabay sa kanila sa paglalakad. May ilang sunbae narin akong nadaanan pero gulong-gulo parin ang isipan ko para mag-bow at mag-greet man lang sa kanila. Dire-diretso lang ang lakad ko at wala na akong pakialam sa mga ka-grupo ko na naiwan para magpa-picture at mag-tweet sa ngayong event. "Hyung!" ang narinig kong tawag sa akin ni Jimin pero hindi ako lumingon. Ni hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Gulong gulo lang ang isipan ko at ni hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. And then I suddenly stopped from walking. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakasalubong ko ang limang babaing iyon. Nakatayo lang sila sa isang gilid habang busy sa pagba-bow at pag-greet sa ibang grupo na kasali din sa music show na iyon. And then my gaze turned to that girl. Tang ina. Limang taon na ang lumipas pero bakit naaapektuhan parin ako sa kanya? Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya mula sa kinatatayuan ko. And right now... While looking at her beautiful face... Ay naramdaman ko nalang ang unti-unting pag-iinit ng sulok ng mga mata ko at sumasakit narin ang lalamunan ko ng dahil sa pinipigil kong emosyon ngayong nakita ko na sya uli. Nakikita kong nagba-bow at naggi-greet din sa akin ang ibang grupo na nakakasalubong sa akin mula sa kinatatayuan ko pero hindi ko na magawang lumingon man lang sa kanila. Kung ilang minuto akong nakatayo doon habang nakatitig lang sa magandang mukha nya ay hindi ko na alam. While she and her group continued to greet and bow to the other groups kaya hindi nila napapansin ang presence ko. At ngayong nakatitig lang ako sa mukha nya ay doon na isa-isang bumalik sa akin ang mga katanungan na iyon na laging tumatakbo sa isipan ko sa limang taon na hindi ko sya nakita. Yuseonie... Kumusta ka na? Nasaan ka ba sa limang taon na nawala ako ha? Kailan ka pa nagsimulang maging trainee? Paano ka napunta sa isang agency at naging idol din? Nag-aaral ka pa ba ngayon? Kumakain ka ba ng mabuti ha? Napansin kong malaki ang ipinayat mo mula nang huli tayong magkita... At... Naka-move on ka na ba ha? Ang dami ko ng sinabi sa isipan ko... But in the end ay natagpuan ko lang ang sarili kong naninigas parin mula sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ngayong nagkita na kami uli after five years...ay hindi ko na alam kung ano ang unang gagawin ko. Music... Ikaw na ba talaga yan ha? Then slowly... Nakita ko ang unti-unting paglingon nya sa direksyon ko. And I felt like my whole world stopped from turning when her eyes met mine. Ikaw ba ang Music ko? Sa limang taon na hindi ko sya nakita ay lagi kong naitatanong sa sarili ko kung ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nagkita na kami uli... Kung ano kaya ang magiging reaksyon nya...kapag nakita nyang natupad ko na ang lahat ng mga pangarap ko. At kung ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya na naririnig na ng lahat ng tao ang musika na sa kanya ko lang ipinaparinig noon? Pero... Isang matamis na ngiti ang nakita kong gumuhit sa mukha nya bago sya mabilis na nag-bow sa akin. "Annyeong haseyo sunbae-nim!" ang masiglang bati nya. ...hindi ganito ang naisip kong magiging reaksyon nya. Nakita kong napalingon narin sa akin ang ibang kasamahan nya and when they saw me, I heard their gasps and screams. "Omo! Omo!" ang kinikilig na tili ng isa. "Annyeong haseyo sunbae-nim!" "Kyaaaaahh...! Hindi ako makapaniwala na nakita ko na si Suga sunbae-nim ng ganito kalapit!" ang tili ng isa. "Kyaaah...! Sunbae-nim! Ang gwapo nyo po pala sa personal!" Pero nanatili lang akong naninigas mula sa kinatatayuan ko at hindi parin makapaniwalang nakatitig lang sa nakangiting mukha nya. Paano nya... Paano nya nagagawang ngumiti sa akin ng ganyan? Paano nya nagagawang mag-act na para bang hindi nya ako kilala? Paano nya ako nagagawang tawaging sunbae-nim na wala man lang akong nakikitang recognition sa mga mata nya? Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat na ng dibdib ko habang nakatitig lang sa kanya na masayang nakikipag-usap sa mga kasamahan nya. Gusto kong itanong ang lahat ng iyon sa kanya. Pero hindi ko na mahanap ang boses ko ng dahil sa sumasakit na lalamunan ko. Pakiramdam ko ay mas lalong humahapdi ang mga mata ko ng dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Sunbae-nim?" ang pukaw sa akin ng isang kasamahan nya habang nakatitig parin ako sa kanya. Doon naman ako mabilis na napakurap at tahimik na napabulsa ng mga kamay sa pants ko. Saka ako wala sa sariling napakamot ng noo ko. Then I looked up and looked at her face again. Gusto ko lang malaman kung sya nga talaga ang babaing yun. Gusto ko lang makompirma kung sya nga talaga ang babaing nagiging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay may nakasaksak paring patalim sa dibdib ko. I really tried hard to clear my throat saka ako nagtaas uli ng mukha at nanlalamig na napatitig uli sa magandang mukha nya. While she just stared back at me with that sweet smile na hindi parin natatanggal sa mukha nya. And in that uncertain voice, I spoke. "U-uh...p-pwede bang..." I whispered while staring at her face. And the pain in my chest is becoming unbearable as I looked at her face. "P-pwede bang malaman kung ano ang..." ang sambit ko. "...k-kung ano ang pangalan mo?" Yes. I've asked her that. And after I said that ay nakita kong napakurap lang ang ibang kasamahan nya at nagtatakang napatitig sa kanya. Samantalang nakita ko naman ang unti-unting pagkakawala ng ngiti sa labi nya. At hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang nakita kong paglamig ng mga mata nya bago sya tumitig sa akin. But still, I gathered all my strength on asking her again. "A-ano ba ang...ano ba ang pangalan mo?" Hindi sya sumagot. Pero agad kong nakita ang unti-unting pagbalik ng matamis na ngiti na iyon sa labi nya before she opened her mouth to say something. But before she get the chance to speak... "JAGI-AH!!!" ang masayang tili ng pamilyar na boses na iyon ang narinig ko sa daanan na iyon. At pakiramdam ko ay nanlamig ako nang may biglang yumakap sa kanya ng mahigpit sa harapan ko mismo at pakiramdam ko ay gumunaw ang mundo ko nang makita kong hinalikan pa sya ng lalaking yun sa pisngi. "Aisssh...! Ang galing-galing talaga ng girlfriend ko! You really did well on that stage! Daebak!" Nanlalamig akong napalingon sa lalaking yun at ang masayang mukha na iyon ang sumalubong sa paningin ko. And I just felt my whole world crashed in an instant nang ma-realize ko kung sino sya. "Oh! Hyung!" ang nakangiting lingon nya sa akin saka inakbayan ang babaing yun sa harapan ko. "Nagkita na pala kayo ng girlfriend ko?! Aigoo...!" Oo. Si J-hope. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD