Music #22

1004 Words
Yoongi's Music Music #22 Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong sugurin nalang sila ngayon at patayin silang pareho sa kinahihigaan nila. There is nothing I can feel right now but the so much pain and hatred that I'm feeling right now for her for cheating on me like this. Pero natagpuan ko lang ang sarili kong nanlalamig at hindi parin makapaniwalang napatitig sa dalawang taong nakahubad at magkatabing natutulog sa malaking kamang iyon. Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay namamanhid ako sa sobrang galit. At nararamdaman ko narin na nagsisimula ng mag-init ang sulok ng mga mata ko ng dahil sa sobrang pagkamuhi na nararamdaman ko. I trusted her...but how could she...? Nakita kong medyo gumalaw sya mula sa kama at alam kong nakahubad sya sa ilalim ng kumot na nakatakip sa kanilang pareho. She slowly opened her eyes at nakita kong nagpalinga-linga sya sa paligid na para bang hindi nya alam kung nasaan sya. And then our eyes met. At nang makita nya ako na nakatayo sa harapan nila ay nakita ko kung paano unti-unting nanlaki ang mga mata nya. Lalo na nang makita ang lalaking katabi nya bago sya lumingon sa akin. "Y-yoongi----" Pero doon na nandilim ang paningin ko. Sa sobrang galit ko ay sinugod ko ang nakahubad at natutulog parin na lalaking katabi nya at buong pagkasuklam na binigyan sya ng suntok. "Yoongi!" ang narinig kong sigaw nya saka nya ako pilit na inawat. Pero itinulak ko lang sya at ipinagpatuloy ang pagsuntok at pagtadyak sa lalaking iyon. "PUTA KA! MAMATAY KA NA!!! AAAAAAAAAARRRRRGHHHH!!!" Naramdaman kong hinawakan nya uli ang braso ko. "Yoongi! Tama na----!" Mabilis naman akong lumingon sa kanya at buong sakit at pagkasuklam na sumigaw sa kanya. "BAKIT?!" ang galit na galit na sigaw ko. Oo. Bakit? Bakit mo nagawa sa akin 'to? Bakit mo nagawang mangaliwa? Bakit mo ako nagawang saktan ng ganito katindi? Nakita ko ang pag-iyak nya sa harapan ko. At doon ko narin naramdaman ang pagbuhos ng mga luha sa magkabilang pisngi ko. "BAKIT HA?!" ang umiiyak kong sigaw. "BAKIT?!!!" But still, sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko ay ang tanong lang na iyon ang lumalabas sa bibig ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak sa harapan nya. Parang sasabog ang dibdib ko ng dahil sa sobrang sakit. Hindi ko lang matanggap na nagawa nya sa akin 'to. Sobrang minahal ko sya kaya hindi ko maintindihan kung paano nya naatim na gawin sa akin 'to. Akmang lalapitan nya ako pero agad akong umatras at humahagulgol ng iyak na napasandig sa naruong pader. Nakita kong nakasuot na sya ng damit at umiiyak syang napatingin sa akin. "Yoongi, let me---" "MINAHAL KITA!!!" ang umiiyak na sigaw ko sa kanya. "PUTA! MINAHAL KITA!!!!" Saka ako humahagulgol ng iyak na napasabunot sa buhok ko at nanghihinang napadausdos ng iyak sa pader na kinasasandigan ko. "Yoongi, makinig ka muna sa akin----" Pero hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nya at agad na akong tumalikod. Then I picked up my bag at mabilis na naglakad palabas ng kwartong iyon. Naramdaman ko naman ang mabilis na pagsunod nya sa akin palabas ng kwartong iyon. "Yoongi!" ang umiiyak na tawag nya sa akin. "Yoongi, makinig ka muna sa akin!" Wala kang naririnig Yoongi. Wag ka ng makinig sa kanya. Isa syang malaking kasinungalingan. "Yoongi! Please!" Nakita kong nakasara ang elevator kaya sa hagdan ako dumiretso at mabilis na bumaba habang hinahabol parin nya ako. "Yoongi!" Pero nang makarating kami sa lobby ng hotel na iyon ay naramdaman ko ang paghila nya ng braso ko. "Yoongi...please---" At hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na gawin yun. Pero dahil narin siguro sa sobrang galit at sakit na narararamdaman ko ay nakagawa ako ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko habang buhay. I turned to her and with gritted teeth, I spoke. "POKPOK" **************** "POKPOK" Yes. I called her that. And I did that to her. Oo. Sana hindi ko na nasabi ang bagay na yun noong araw na iyon. Agad kong nakita ang unti-unting pagbaha ng sakit sa mga mata nya at doon ko narin naramdaman ang dahan-dahang pagkakabitiw nya ng braso ko. Pero dahil sa sobrang sama ng loob ko ay wala na akong maramdaman ni katiting na guilt o sakit sa nakikita kong sobrang sakit na bumaha sa mga mata nya. Paano ko ba nasabi sa kanya ang bagay na iyon? Mabilis na akong tumalikod at mabilis na naglakad paalis. Paano ko nagawa sa kanya ang bagay na iyon? Wala na akong pakialam sa kanya. Paano ko syang nagawang tawagin ng ganun? At hindi na ako makikinig sa kahit ano pang sasabihin nya. Kung maibabalik ko lang sana ang oras... Pero kahit gaano kasakit ang sinabi kong yun sa kanya ay... Ay sana... "Yoongi!" Oo. Narinig ko parin ang mabilis na paghabol nya sa akin palabas ng hotel na iyon. ...hindi ko nalang nagawa ang bagay na iyon. Madilim na sa lugar na ito at hindi pa nakakatulong ang mga streetlights na nasa paligid. Medyo nakalayo narin ako sa kanya kaya mahina na ang pagkakarinig ko ng boses nya. "Yoongi!" Kung lumingon ba ako noong mga oras na iyon... "YOONGI!" naririnig kong palakas narin ng palakas ang pagtawag nya sa akin. "YOONGI!" Bigla akong natigil sa paghakbang nang marinig ko ang pagsigaw nya na iyon. Kung lumingon ba ako... "YOONGI! ANO BA?! YOONGI!" Pero galit na galit ako. Galit na galit ako at sobrang nasasaktan para makita pa ni isang segundo ang mukha nya. Kung lumingon ba ako Yuseon...ay pwede kayang...napigilan ko kung ano man ang mangyayari sa hinaharap? "YOONGI!" Pero hindi na ako lumingon. Tama Yoongi. Hindi mo sya naririnig. "YOONGI!!!" Wala kang naririnig. Kaya buong tapang at nagbibingihan akong humakbang paalis without even giving her a single glimpse. Yes. I didn't look back on that day but now I wished... Yun na...ang huling beses na nakita ko sya. ...that I did. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD