Yoongi's Music
Music #23
5 years later...
PRESENT TIME...
Yun na ang huling beses na nakita ko sya.
"Bangtan Sonyeondan, or also known as Bulletproof Boyscouts is one of the top kpop idol male group in Korea that won several awards for 2 years after their debut"
"BTS is also known internationally for their music that captured the hearts of millions of fans all over the world"
"Yes, and their music also topped in Billboard for this year as one of the most listened music internationally"
"These boys are no wonder so talented to achieve so much like this just after 2 years of their debut"
Yun lang ang naririnig ko habang mag-isa akong nakaupo sa sofa na nasa backstage ng show na iyon.
Five years after that ay naging iba na ang mundo ko.
"Hyung" ang lapit sa akin ni Jimin. "Hyung magsisimula na daw ang show. Standby na daw tayo"
Nanatili lang akong nakapikit habang naka-cross arms doon.
Five years after that ay isa na ako sa pinakakilalang idol hindi lang sa Korea kundi pati narin sa buong mundo.
"Hyung" he called me again.
Five years after that...
I slowly opened my eyes at napatingin sa kawalan.
... ay isa na ako sa pinakasikat na member ng Bangtan Sonyeondan.
Nagtaas ako ng mukha at napatitig sa mukha ng isa sa mga ka-myembro ko.
"Oh" I whispered gamit ang usual na inaantok na boses ko. "Sige"
Five years after that ay hindi lang ako kilala bilang si Min Yoongi. Pero ako na ngayon si Suga na tinitingala ng maraming tao.
Ngumiti sya sa akin at napabulsa ng dalawang kamay nya sa pants nya.
"Aish, hyung..." ang nakangiting sabi nya. "Inaantok ka na naman ba ha? Wag kang mag-alala, malapit ng matapos ang show na ito kaya pwede ka ng matulog uli pagbalik natin ng apartment natin"
Yes. I've debuted and all my dreams came true.
I yawn.
"Sige " ang inaantok kong sambit. "Gisingin mo nalang ako kung magsisimula na tayo"
Natupad na ang lahat ng pangarap ko. Pero pakiramdam ko...
Saka ako sumandig sa sofa at pumikit uli.
...ay may malaking parte ng sarili ko ang kulang parin hanggang ngayon at hindi mapupunan ng kasikatan na tinatamasa ko ngayon.
"Aish, this hyung!" ang asar na sambit nya but still ay hindi na sya naglakas loob na uyugin ako.
Yes. We both knew kung ano ang mangyayari kapag sinubukan nya akong uyugin mula sa tulog ko.
"Aish, bahala ka na nga" he gave up at doon ko narinig ang papalayong yabag ng mga paa nya.
It all happened five years ago...
"Oh Jimin? Nasaan si Suga hyung?" ang rinig kong tanong ni Rapmon sa kanya.
Nasa dulo sila ng backstage at mukhang naghihintay lang sila na magsimula ang show.
...pero pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon.
"Aish, hyung! Ginigising ko pero ayaw gumising eh!" ang reklamo ni Jimin.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Rapmon.
"Pabayaan nyo na sya" I heard Rapmon said. "Ngayon na natin ipe-perform ang kantang yun kaya alam kong may dinaramdam sya ngayon"
One of the reasons why I hate Namjoon is because alam na alam nya ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko.
Afterall ay silang dalawa ni J-hope ang nakasama ko ng pinkamatagal sa buong Bangtan kaya ganun nalang nya ako kakilala.
"So you mean hyung..." ang narinig kong sambit ni V. "...itong kantang---"
"Sssshh..." ang rinig kong putol sa kanya ni Jungkook. "Baka marinig ka ni Suga hyung"
Oo. Rinig na rinig ko sila.
Pero mas pinili kong pumikit nalang at hayaan silang pag-usapan ang pagiging miserable ko.
Nagsimula na akong gumawa uli ng mga kanta.
Pero tang-ina.
Bakit puro masasakit na salita lang ang lumalabas sa mga kantang ginagawa ko?
Bakit puro masasakit na salita lang ang naisusulat ko sa music sheets ko these past few days?
I'm used of writing inspirational songs about dreams pero anong nangyayari sa akin ngayon?
Bakit ganito ang mga kantang nagagawa ko?
Nanatili lang akong nakapikit doon nang marinig ko naman ang masayang boses na iyon sa likuran ko.
"Yaaaaaaaaahhhh~~ang ganda-ganda ng girlfriend ko~~"
Aiisssh...!
Si J-hope na naman.
Pero teka...
Girlfriend?
"Oh? Kinakabahan ka ba ha?" ang masayang tanong nya pa. "Aish, ngayon ang debut stage ninyo kaya natural lang yan. Pero wag kang kabahan okay? Aissh...ang ganda-ganda talaga ng girlfriend ko! I love you~jagi-ah~"
Psh.
I.DON'T.GIVE.A.SHIT.
Wala akong pake sa girlfriend nya na magdi-debut stage pagkatapos ng number namin.
Gusto ko lang magkaroon ng tahimik na lugar kung saan mai-enjoy ang pag-iisa pero hindi talaga ako pinagbibigyan ng J-hope na ito.
Bakit ba kailangan nya pang ipagmayabang sa buong mundo na magdi-debut na ang girlfriend nya ha? Nakakabubwisit lang pakinggan ang araw-araw na pag-iingay nya.
Pero bigla akong natigilan nang marinig ko ang boses na iyon.
"Neh oppa"
Mabilis akong napabukas ng mga mata.
Teka...
B-bakit...
Bakit naririnig ko ang boses ni Yuseon sa kwartong ito?
Mabilis akong napalingon sa direksyon na pinagmulan ng boses na iyon.
Pero napakurap lang ako nang makita si J-hope na mag-isang nakatayo sa likuran ko at masayang kumakaway sa isang direksyon.
T-teka...
Nananaginip na naman ba ako ha?
Napatingin din sa akin si J-hope at nang makita nya ako ay gumuhit na naman sa mukha nya ang nakakapikon na masayang ngiting iyon.
"Oh hyung!" ang masayang sabi nya saka nilapitan ako. "Halika na at magsisimula na tayo!"
I blink.
Fuck.
Ito na ba ang nagiging epekto nya sa akin ngayon? At naririnig ko nalang kung saan-saan ang boses nya?
"Hyung?" ang alog sa akin ni J-hope.
Napakurap naman ako uli at napaayos nalang ng upo sa sofa na kinauupuan ko.
"S-sige..." ang hindi ko parin makamove on na sagot.
Nakita kong napangiti lang sya.
"Aiissh...this hyung...inaantok ka na naman ba ha?" ang natatawang tanong nya. "Kanina pa tayo tinatawag ng director ng show oh"
Hindi na ako sumagot at tumayo nalang ako mula doon.
Nakita kong nakahanda na nga ang iba sa may bungad ng stage at tinatawag na kaming dalawa.
Ngumiti lang si J-hope saka nya ako inakbayan.
"Aish, tara na nga hyung" ang nakangiting sabi nya saka nya ako inakay papunta doon.
Samantalang tahimik lang akong napaisip habang naglalakad kami papunta doon.
Tama.
Nananaginip lang ako ng marinig ko ang boses nya.
I'm only dreaming because I know that there is no way that she'll let me see her again.
to be continued...