Yoongi's Music
Music #21
BTS Apartment...
Suga's POV:
"Aish! J-hope hyung! Ang ingay mo!" ang narinig kong asar na sigaw ni Jimin sa labas ng kwarto ko.
Napahawak nalang ako sa noo ko.
Oo, kanina ko pa naririnig mula sa loob ng kwarto ko ang pag-iingay ni J-hope. Naririnig ko pa ang malakas na pagtawa nya at ang pagtatakbo-takbo nya sa loob ng apartment namin habang tumitili na parang babae.
Bwisit.
Wala na ba talaga akong oras sa buhay ko kung saan pwede kong mai-enjoy ang isang tahimik na buhay?
Nasa loob lang ako ng kwarto ko habang naririnig ko ang pag-uusap nila sa may sala.
"Aiisshhh...! Wag kayong ganyan!" ang narinig ko pang sigaw nya mula sa sala. "Excited lang talaga akong makita sya uli! Narinig ko kasing nakauwi na sya galing America last week at magkikita na kami uli!"
"Sino naman yun, hyung?" ang rinig kong tanong ni Jungkook.
Narinig ko pa ang kinikilig na tawa nya.
Puta. Ang bading lang.
"Basta, makikilala nyo rin sya sa susunod!" ang masayang sigaw nya. "Ipapakilala ko sa inyo ang magandang girlfriend ko kaya wag kayong mainggit, okay?"
Napahawak nalang ako sa sentido ko.
Sumasakit kasi yun ng dahil sa sobrang ingay nila.
Oo. Ilang araw naring ipinagmamayabang sa amin ni J-hope ang pagbabalik ng girlfriend nya na hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikita. At ilang araw naring sumasakit ang ulo ko sa araw-araw na pag-iingay nya ng dahil sa sobrang saya.
Napukaw lang ako nang marinig ko ang isa-isang katok na yun sa pinto ko.
"Hyung"
Si Rapmon.
Naramdaman ko nalang ang pagbukas nya ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko sya nilingon.
"Hyung, kami nalang ni J-hope ang magtutulungan sa intro ng bagong album natin" ang sabi nya at narinig ko ang paglapit nya sa kinauupuan ko.
Pero hindi parin ako lumingon.
"Ikaw na ang bahala" ang sambit ko habang nakatitig parin sa computer.
Mukhang napansin naman nya na hindi ko tinatanggal ang mga mata ko mula sa computer kaya napatingin sya doon.
At nang makita nya kung ano ang tinitignan ko ay napahinga nalang sya ng malalim at napahawak sa noo nya.
"Aisssh..." he sighed. "Tinititigan mo na naman ba ang mga pictures nya, hyung?"
Oo.
Nakatitig lang ako sa magandang mukha ng babaing yun na nasa screen ng computer ko. At hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na dalawin ang mga lumang pictures naming dalawa na naka-save sa computer ko every now and then.
And since pre-debut days ay alam kong si Rapmon lang ang mapagsasabihan ko ng lahat ng tungkol sa babaing yun. Ang alam lang ng ibang ka-myembro namin ay hindi pa ako nakaka-move sa ex ko at maliban doon ay hindi na sila naglakas loob na magtanong pa.
Baka dahil sa natatakot sila sa akin o natatakot lang sila na makapagsalita sila ng kahit kaunting bagay na maaaring makadagdag ng sobrang sakit sa dibdib ko.
Napahinga nalang ako ng malalim at napatitig lang sa nakangiting mukha nya na nasa screen ko.
Nagiging masokista na ba ako ha?
Nag-i-enjoy na ba talaga ako sa pananakit sa sarili ko?
Ang mga dating pictures nalang namin na magkasama ang naiwan sa akin. And through these years ay yun lang ang tinititigan ko kapag nami-miss ko sya.
Akala ko ay kaya ng takpan ng maraming taon na nagdaan ang sobrang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang huling pagkikita namin.
Pero nagkamali ako.
"Hyung..." ang pukaw nya sa akin. "I hate to break it to you...pero...ano ba ang naging rason at nag-break kayo ha?"
Hindi ako makasagot.
Tama.
Ano ba ang naging rason naming dalawa?
Ano ba ang naging rason namin para maghiwalay?
Ano ba ang naging rason ko...para magawang iwan sya noong araw na iyon?
Sino ba talaga ang dapat sisihin...sa paghihiwalay naming dalawa?
O may dapat ba talagang sisihin sa amin?
Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino ba ang hindi ko pa napapatawad sa aming dalawa. Kung sya ba? O ang sarili ko mismo?
But then I sighed and while I kept on staring at her face, I spoke.
"Dahil may sinabi ako na isang bagay na hindi ko na dapat sinabi sa kanya noong araw na iyon..."
Flashback...
Arrrrggghhh...!
Ano ba ang ginagawa ng babaing yun ha at hindi nya sinasagot ang phone nya?!
Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi naman nya sinasagot!
Matapos kaming mag-usap ni Jana ay umuwi na ako. At ngayon ay naglalakad na ako pauwi ng bahay namin habang nasa tenga ko ang cellphone ko at dina-dial parin ang number nya.
Aisshh...this girl!
Napahinga nalang ako ng malalim saka ako napatingin sa maliit na box na bitbit ko.
Napangiti nalang ako at sa totoo lang ay excited na akong makita kung ano ang magiging reaksyon nya sa oras na ibinigay ko 'to sa kanya.
Oo. Sa wakas ay nabili ko narin 'to. Ito ang dahilan kaya kumuha ako ng part time job at iyon ay ang mabili ko para sa kanya ang bagay na 'to.
Pero...aissshh...ba't ba hindi nya sinasagot ang phone nya ha?
Napahinga nalang ako ng malalim saka nagpatuloy sa pagpasok sa bakod namin. Saka ako tumuloy-tuloy papasok ng bahay namin habang nasa tenga ko parin ang phone ko.
Pumasok na ako sa loob pero nabigla ako sa nadatnan ko.
Agad akong sinalubong ni Mama na noon ay parang naiiyak habang nakatingin sa akin.
"A-anak..."ang naiiyak na sambit nya saka nya ako hinawakan sa magkabilang braso.
My brows met.
Anong nangyayari at ganun ang ekspresyon ng mukha nya?
Agad kong naibaba ang phone ko at naibulsa yun saka ako napatingin sa kanya.
"E-eomma..." I whispered. "Anong----"
Pero natigil ang sasabihin ko nang may nakakuha ng atensyon ko.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang music sheets ko na nakakalat na sa sahig na katabi ng hagdan namin.
Lalo na't nang makita kong itinapon din sa ibaba ang mga compilation ng mga kantang ginawa ko.
At iisang tao lang ang alam kong pwedeng gumawa ng lahat ng ito...
"SINABIHAN KO NA ANG BATANG YUN NA ITIGIL NA ANG KAHIBANGAN NYA SA PAGGAWA NG KANTA AT MAG-FOCUS NALANG SYA SA PAGPILI NG COURSE SA COLLEGE!" I heard that man's voice. "BA'T BA ANG TIGAS-TIGAS NG ULO NYA HA?!"
At tuluyan na akong nanlamig nang makita kong sumunod nyang itinapon sa ibaba ang computer set ko kung saan naka-save ang lahat ng kantang ginawa ko.
Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga nang makitang nawasak yun nang tumama yun sa sahig.
"A-appa!" ang mabilis na naisigaw ko saka ako mabilis na tumakbo paakyat sa kwarto ko.
At pakiramdam ko ay nanlamig ako sa nadatnan ko.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong ama na nakatayo sa loob at pinupunit ang mga natirang music sheets ko.
Nagkalat ang lahat ng mga punit na mga papel na yun sa buong kwarto ko habang wala parin syang tigil sa pagpunit ng mga yun.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko habang nakatingin lang sa lahat ng mga papel na pinunit nya.
Ang lahat ng kantang ginawa ko...
Ang lahat ng kantang pinaghirapan ko...
Saka ako nagtaas ng mukha at napatitig sa mukha ng Papa ko na ngayon ay nakatingin narin sa akin.
Ang lahat ng pangarap ko...
"Yoongi" he called my name. "Ititigil mo na ang kahibangan na 'to at sasama ka sa akin bukas sa Seoul para maghanap ng matinong college para sayo"
...ay winasak ng ganun-ganun lang ng sarili kong ama.
Nanginginig ako sa galit at sakit na napatitig sa mukha nya.
Oo. Hindi na bago sa akin na hindi suportado ng sarili kong ama ang pag-gawa ko ng music.
Pero...
Agad akong napakuyom ng mga kamay at buong tapang na nagsalita.
"Hindi" I said through gritted teeth.
...simula ngayon ay hindi na ako makikinig sa sasabihin nya o sa sasabihin ng ibang tao.
Nakita ko ang agad na pagbaha ng galit sa mukha nya nang dahil sa pagsagot ko.
Oo. Buong buhay ko ay ini-respeto ko sya bilang isang ama ko pero ngayon ay pakiramdam ko ay unti-unti ng nawawala yun.
"Hindi ako sasama sayo ng Seoul..." ang galit na galit na sambit ko. "Mag-o-audition ako sa isang agency at---"
Hindi ko na naipagpatuloy yun nang isang malakas na sampal sa mukha ang ibinigay nya sa akin.
Napayuko pa ako sa sobrang lakas ng sampal na iyon.
"SISIRAIN MO ANG PAMILYANG ITO KAPAG IPINAGPATULOY MO ANG WALANG KWENTANG PANGARAP MO NA MAGING ISANG IDOL!" ang galit na galit na sigaw nya. "KAYA KUNG MAY NATITIRA KA PANG RESPETO SA AKIN BILANG ISANG AMA MO AY ITITIGIL MO ANG KAHIBANGAN NA ITO AT KUKUHA KA NG BUSINESS COURSE SA COLLEGE! MAGTATAPOS KA NG COLLEGE AT MAGHAHANAP KA NG MATINONG TRABAHO NA MAGPAPA-ASENSO NG BUHAY MO! HINDI BILANG ISANG IDOL NA MAKAKASIRA SAYO AT SA PAMILYANG ITO!"
Agad akong lumingon sa kanya at nanginginig sa galit na nagsalita.
"I had enough..." ang sambit ko.
And with that ay tumalikod ako sa kanya at kinuha ko ang maleta ko.
Saka ko kinuha ang lahat ng mga damit ko at naluluha sa galit na ipinasok ang lahat ng iyon sa maletang hawak ko.
"At ikaw pa itong may lakas ng loob na maglayas?!" ang galit na galit na sigaw nya sa likuran ko. "Ganyan ka ba namin pinalaki Min Yoong----"
"OO!" ang galit na galit na sigaw ko saka ko sya nilingon. "HINDI GANITO ANG PAGPAPALAKI NINYO SA AKIN DAHIL SIMULA PAGKABATA AY ANG TANGING PINAPAMUKHA NYO LANG SA AKIN AY WALANG KWENTA ANG MGA PANGARAP KO!"
Nakita kong susugurin nya ako pero agad na syang inawat ng Mama ko na agad na pumasok sa loob.
"P-papa..." ang umiiyak na awat sa kanya ng Mama ko.
"SIGE!" ang galit na galit na sigaw nya. "MAGLAYAS KA! LUMAYAS KA AT TIGNAN NATIN KUNG MAPAPAKAIN KA NG MGA KANTANG GINAGAWA MO! Ba't hindi mo maintindihan na ang COLLEGE ANG BUBUHAY SAYO?! ANG COLLEGE ANG MAGPAPA-SUCCESSFUL SAYO! At wala kang makukuha sa paggawa mo ng mga walang kwentang kantang yan!"
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya.
At doon ko nalang naramdaman ang isa-isang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi ko habang nakatitig sa kanya.
Oo. Luha ng pinaghalong sobrang galit at sakit.
Hindi ko lang matanggap...na ang sarili kong ama...ang tumatapak-tapak sa pangarap ko ngayon...
"S-sige..." ang umiiyak kong sambit saka sya pinamulatan ng mata. "Aalis ako at pagbalik ko ay ipapamukha ko sa inyo na kaya kong maging successful sa paggawa ng kanta...na maging successful ako bilang isang idol...at maririnig ng buong mundo ang music na gawa ko. Kaya maghintay kayo"
Saka ako mabilis na tumalikod at binuhat ang maleta ko paalis.
Naririnig ko pa ang umiiyak na pagtawag sa akin ng Mama ko pero hindi na ako lumingon.
Napahawak nalang ako sa mukha ko habang patuloy ako sa pag-iyak. At nang makalabas ako ng bahay namin ay wala ako sa sarili kong nagpatuloy sa paglalakad sa daanan.
Naaaninag ko ang mga ilaw ng gabi sa busy na kalsada na nilalakaran ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak at habang bitbit ko parin ang maleta na nagsasabing hindi na ako pwedeng bumalik sa pamamahay na iyon.
I felt lost.
I feel so down.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Oo.
Sinabi kong ipapamukha ko sa kanila na kaya kong maging successful sa paggawa ng kanta.
Na magiging successful ako at darating ang araw na maririnig ng buong mundo ang music na gawa ko...
Pero saan ako magsisimula?
Saan ako pupunta?
Saan ako patutungo?
I felt like all of my hope was gone. And I was abandoned by my own family.
Pero...
Biglang tumunog ang cellphone ko.
Nanghihina naman akong napatingin doon at nang makita ko ang pangalan na nakasulat sa screen ng phone ko ay may konting saya akong naramdaman.
Music sent you a message.
Yes.
I may have lost it all...but I forgot that I still have her.
Pero agad na nagsalubong ang kilay ko sa nabasa kong text message na nanggaling sa kanya.
"Yoongi, lets meet at the Maine Hotel. Room 203, kailangan nating mag-usap"
***************
May isang bagay lang akong ipinagtataka.
Bakit nya ako pinapapunta sa isang hotel room? At anong ginagawa nya doon?
Pero kahit na puno ng pagtataka ang isipan ko ay pumunta parin ako sa hotel na sinabi nya.
I feel so down right now. At kailangan ko rin syang makausap.
Kailangan ko ng mapagsasabihan ng lahat ng sama ng loob ko at alam kong sya lang ang gusto kong makausap ngayon.
My whole world crumbled into pieces.
I just need someone to fix me. And I know that only Music can do that for me.
Alam kong sya lang ang kaisa-isang taong magpapagaan ng kalooban ko.
Binabalak ko rin na pagkatapos ng gabing ito ay pupunta na ako ng Seoul para maghanda sa audition ko sa isang agency na magaganap five days from now. And I'll ask her to go with me.
Yes.
I need her.
And my only greatest dream in life...is to make the whole world hear of how much I love her through my own music.
Habang iniisip ko ang magiging buhay naming dalawa sa Seoul ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon nang dahil sa pagpapalayas sa akin ng sarili kong ama ay unti-unti ng nawawala ng dahil sa kanya.
Pumasok na ako sa elevator ng hotel na iyon at ini-press ang floor kung nasaan ang kwartong iyon.
Pero hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko...
Bakit...
Bakit nakakaramdam ako ng kaba habang naghihintay ako na makarating sa floor na iyon?
Ano 'tong nararamdaman ko?
Pero napahinga nalang ako ng malalim.
Psh. Tama na ang pag-iisip Yoongi.
Hinihintay ka ng babaing mahal mo kaya itigil mo na ang pag-iisip ng kung anu-ano.
Nang makarating ako sa floor na iyon ay agad na akong lumabas habang bitbit ko parin ang maleta ko.
Tama. Naalala kong nailagay ko rin doon ang regalo ko para sa kanya at sa tingin ko ay ngayon ang tamang oras na maibigay ko yun sa kanya.
Isang simpleng ngiti lang ang gumuhit sa mukha ko habang ini-imagine ko na kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nakita na nya iyon.
Lumiko na ako sa isang sulok kung saan itinuro ng receptionist ang kwarto nya.
At nang makarating ako doon ay huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.
"Music..." I called her.
But there is no response.
Kaya mas nilakasan ko ang pagkatok.
"Yuseonie..." ang tawag ko pa sa kanya.
Pero wala parin.
Kaya napahinga nalang ako ng malalim at naisipan kong buksan nalang iyon.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit pabukas yun.
Pero nabigla ako sa nadatnan ko.
Huh?
Bakit nakapatay ang mga ilaw?
"Yuseonie..." I called her. "Music?"
Pero wala parin.
Kaya napahinga nalang ako ng malalim at hinanap ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto.
"Yuseonie, bakit----"
Pero...
Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang buong mundo ko sa sumunod kong nakita.
All of my hopes that I have awhile ago crashed in an instant.
Naramdaman ko nalang na nabitawan ko ang maleta na bitbit ko habang nakatingin parin sa masakit na eksenang nakikita ko.
Oo.
Anong...
Anong ginagawa ng babaing mahal ko sa malaking kamang iyon...kasama ang ibang lalaki?
to be continued...