Yoongi's Music
Music #28
Suga's POV:
"Aigoo...! Jagiya! Kain ka lang ng marami ha!" ang masayang sabi ni J-hope saka sinalinan ng pagkain ang plato ng babaing katabi nya. "Maraming niluto ngayon si Jin hyung kaya kumain ka lang ng marami!"
Yes.
Nandito ako sa pinaka-worst na lugar na pwede kong mapuntahan sa tanang buhay ko.
At yun ay sa harapan ng dalawang ito.
While looking at them ay pinagsisihan ko kaagad na nagpahuli ako sa hapag-kainan.
Wala naman talaga akong balak na lumabas ng kwarto ko ngayon at panuorin ang lampungan nila pero wala na akong nagawa nang guyurin ako palabas ni Jin hyung palabas ng kwarto ko kanina. At halos itali nya ako gamit ang mga masasamang titig nya na yun sa upuan na kinauupuan ko ngayon.
Kaya ang ending ay dito ako napaupo sa harapan nilang dalawa.
At kahit anong pilit kong ilayo ang mga mata ko mula sa magandang babaing yun ay hindi ko parin maiwasang mapatitig sa kanya. Nakakagago. Ang sarap itapon ng mesang kaharap namin ngayon.
"Naku, pasensya na po talaga. Nag-abala pa po kayo" ang nakangiting sabi nya kay Jin hyung.
Agad namang ngumiti sa kanya si Jin hyung na noon ay naglalagay parin ng mga pagkain na niluto nya sa mesa na kaharap namin.
"Aish, wag mo ng isipin yun" ang masayang sabi ni Jin hyung. "Minsan lang kami magkaroon ng bisita kaya excited talaga ako sa paghahanda ng mga pagkain. Kumain ka lang ng marami"
Napatingin nalang ako sa dami ng mga pagkain na niluto nya. Punong-puno na ang mesa na kaharap namin na halos wala ng space para sa mga plato na gagamitin namin.
I smirk.
"Ano ba 'to ha? Fiesta?"
Instantly, I received that deadly glare from him.
"Behave Yoongi" he warned saka nya nakangiting nilingon uli ang babaing yun. "Don't mind him. Kumain ka lang ng kumain ha? May dessert pa akong idadagdag dito mamaya"
Agad namang kuminang ang mga mata ni Taehyung matapos marinig yun.
"WAAAAAAAAHHH...! TALAGA HYUNG?!" ang hyper na tanong nya mula sa tabi ko. "HINDI BA PWEDENG DESSERT MUNA ANG UNANG KAININ NATIN NGAYON HA?!" *0*
But Jin hyung just glared at him.
"Wala ka ng parte doon dahil inubos mo ang raisins" he said.
Agad namang nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan yun ng usual na blangkong mukha nya.
"Okay lang" he said then shrug. "Nanakawin ko nalang mamaya ang dessert nina maknae at Jiminie babo. Wahehehehe...!"
Pero hindi na sya pinansin ni Jin hyung at nilingon nalang uli ang babaing yun.
"Pagpasensyahan mo na ang mga batang ito ha" ang nakangiting sabi nya. "Minsan sa sobrang kakulitan nila ay parang gusto ko silang ipasok sa drum at ihulog sa han river"
She just gave her usual sweet smile at nagsalita.
"Okay lang naman po" she said. "Atsaka mukhang masaya naman po dito sa dorm nyo eh"
I can't help but to stare at her beautiful face.
Nakangiti sya at mukhang ang saya-saya nya habang nakikipag-usap kay Jin hyung at kay J-hope.
For a moment ay pakiramdam ko ay naging blangko lang ang lahat habang nakatitig lang ako sa magandang mukha nya.
At hanggang ngayon...ay napapaisip parin ako...kung paano nya ba ako nagagawang tratuhin na para bang hindi ako naging parte ng buhay nya?
"Oh by the way" Rapmon cut their happy chat. "I think I've seen you somewhere pero hindi ko lang maalala kung saan..."
Pakiramdam ko ay na-stuck ang pagkain sa lalamunan ko nang dahil sa sinabi nya.
Fuck.
Hindi ko pa pala nasasabi kay Rapmon na sya si Yuseon.
Sunny's eyes turned to him. At hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang nakita kong paglamig ng mga mata nya.
"Oh really?" she said. "Saan mo naman ako nakita oppa?"
Oh yes. I f****d up.
Agad kong nilingon si Rapmon para bigyan ng warning look pero nakatingin lang sya sa taas habang nakahawak sa baba nya.
Gago! Lumingon ka dito!
"Oo nga...teka..." he said habang nag-iisip parin. "Nakita na talaga kita eh...pero...saan nga ba...?"
"Aigoo...! Talaga Rapmon? Nakita mo na dati ang jagiya ko?" ang masayang lingon naman ni J-hope.
Shit.
Shit.
Shit.
NAMJOON! LOOK AT ME!
"Uh hyung..." ang biglang lingon sa akin ni Taehyung.
Napakurap naman ako at napalingon sa nag-aalalang mukha nya.
"Hyung..." he continued. "...constipated ka ba ha kaya ganyan ang ekspresyon ng mukha mo?"
Gusto kong mapa-facepalm nang dahil sa sinabi nya.
Mukhang napansin nya ang tindi ng titig ko kay Rapmon kaya nasabi nya yun.
Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko sa table na yun at nakita kong nakatingin na silang lahat sa akin.
"EWWWWW!!! Suga hyung! Mag-CR ka muna doon!" ang maarteng reklamo ni Jimin at nagtakip pa sya ng ilong nya.
Puta.
"Hyung, may gamot ako para sa constipation sa kwarto ko" ang inosenteng sabi naman ni Jungkook. "Mabisa yun. Isang tablet lang ay lalabas na yan"
Gusto kong mapasabunot ng buhok ng dahil sa mga nangyayari ngayon.
"WAHAHAHAHAHAHA! Si Suga hyung! Constipated!!! HAHAHAHA!" ang malakas na tawa ni J-hope. "HAHAHAHAHA—"
I glared at him.
"Kumain ka pa jagiya" ang mabilis na lingon nya sa girlfriend nya na para bang walang nangyari.
Samantalang napatitig naman ako sa magandang mukha ng babaing katabi nya at pakiramdam ko ay nanlamig ako nang magsalubong ang paningin naming dalawa.
At hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang nakita kong bahagyang pag-smirk nya.
Oh s**t.
Doon na ako napatingin sa kanilang lahat at asar na nagsalita.
"HINDI AKO CONSTIPATED! Okay?!" ang sigaw ko.
Pero wala ng pumansin sa sinabi ko at natatawa nalang silang nagpatuloy sa pagkain.
Saka ako pasimpleng napatingin kay Rapmon and by the looks of him ay halatang naalala na nya kung saan nya nakita si Sunny.
Isang hindi makapaniwalang tingin ang naibigay nya sa akin bago napatingin sa direksyon nina Sunny at J-hope. At doon ko na nakita ang pag-awang ng bibig nya in disbelief saka sya natatawang napayuko sa kinauupuan nya.
"Oh s**t" I heard him muttered. "You've got to be kidding me"
Pero doon na sya sinita ni Jin hyung.
"PWEDE BANG KAHIT ISANG SEGUNDO LANG AY WAG TAYONG MAG-USAP NG TUNGKOL SA MGA TAE SA HARAPAN NG PAGKAIN?!" ang reklamo nya. "Namjoon, watch your words! Nasa harapan ka ng hapag kainan!"
Hindi na sya sumagot pero nakita ko nalang na natatawa nyang pinulot ang chopsticks nya at naiiling na nagpatuloy sa pagkain.
Napahinga naman ako ng malalim lalo na't alam kong alam narin nya na hindi nya pwedeng sabihin ang nalalaman nya sa lahat ng kaharap namin ngayon.
"Oh by the way" ang masayang lingon ni Jin hyung sa kanila. "Ikwento nyo naman kung saan at kailan kayo unang nagkakilala"
And after asking that ay nakita ko ang pagkinang ng mga mata ni J-hope pati narin ang masayang ngiting iyon sa labi nya.
Samantalang nagpatuloy nalang ako sa pagsubo at nagkunyaring hindi nakikinig kahit na sobrang interesado rin akong malaman ang bagay na iyon.
Oo nga.
Paano ba sila nagkakilala ha?
Pero biglang natigil ang chopsticks na hawak ko sa ere at pakiramdam ko ay nanlamig ako sa sumunod na isinagot ni J-hope.
"Aiisshh...ang totoo nyan..." he said. "...nagkakilala kami five years ago sa Daegu"
**************
"Aiisshh...ang totoo nyan...nagkakilala kami five years ago sa Daegu"
Pakiramdam ko ay na-stuck ang pagkain sa lalamunan ko nang dahil sa sinabi nya.
Naramdaman ko rin na para bang pumait ang lasa ng pagkain na nasa bibig ko.
At hanggang ngayon ay napapaisip parin ako kung tama ba ang narinig ko.
Five...
Five years...
Five years ago...sa Daegu?
Dahan-dahan akong nagtaas ng mukha at nanlalamig na napatitig sa masayang mukha ni J-hope.
"Sya ang babaing laging kong ikinu-kwento sa inyo na nakilala ko sa Daegu noong nagti-training palang ako para sa audition hyung" he said that confirms what I just heard.
So five years ago...
Five years ago pa sila magkakilalang dalawa?
But what he said next crashed my whole world and shattered me into pieces.
"And we've been secretly dating for five years" he said.
Naramdaman ko nalang ang pagkakahulog ng chospticks na hawak ko sa mesa.
At agad na sumunod doon ang paghapdi ng sulok ng mga mata ko at ang pananakit ng lalamunan ko nang dahil sa sobrang sakit na idinulot ng sinabi nya.
Saka ako dahan-dahan at hindi makapaniwalang napatitig sa magandang mukha ng babaing kaharap ko. But she just stared back at me with her usual cold and emotionless eyes.
And while looking at her right now ay parang gusto kong ihagis ang lahat ng nasa harapan ko ng dahil sa pinaghalong sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.
Five years.
Yes. They've been dating for five years.
Sa limang taon na nawala sya...
Sa limang taon na hinintay ko ang pagbabalik nya...
Ay may kasama na pala syang iba.
May ibang lalaki na palang nagpapasaya sa kanya.
Ako nalang pa ang nagpapakatanga sa iisipin na pwede pang maging kami uli.
And yes, I chose J-hope's happiness pero wala na pala akong karapatan na gumawa ng choice kung sino ba dapat ang maging masaya sa aming dalawa.
Dahil sa limang taon na nawala sya...ay naging masaya na pala silang dalawa habang nagiging miserable ako.
Sobrang hapdi ng dibdib ko ngayon na para gusto kong sumuntok ng kahit ano.
At mas tumitindi pa ang paghapdi ng sulok ng mga mata ko at ang pagsakit ng lalamunan ko.
Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang mga nalaman ko.
At tama nga ako.
Hindi ko kaya 'to...
"Hahahahaha!"ang biglang sambulat ko ng tawa saka ako napayuko at napahawak sa noo ko.
Oo. Sa sobrang kagaguhan at kaputang-inahan ng nalaman ko ay hindi ko napigilan at napatawa nalang ako sa sobrang sakit.
Ginagago ba talaga nya ako ha? Pinuputang-ina nya ba talaga ako?
"Oy hyung?" ang sita sa akin ni J-hope. "Bakit ka ba tumatawa ha?"
Parang gusto kong magwala.
Gusto kong sumigaw ng napakalakas mula sa kinauupuan ko at ilabas ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko lang matanggap ang mga nalaman ko.
So ganun nalang yun?
After nya akong lokohin at saktan ay maghahanap nalang sya ng iba? Na ganun lang kadali para sa kanya na ipagpalit ako?
Puta.
Puta.
Puta.
Ang unfair eh.
Sobrang unfair.
Sa limang taon na nawala sya sa akin ay naging miserable ako. Pero yun pala ay nakahanap na sya ng ibang gagaguhin? At ang mas nakakatawa pa ay isa sa mga ka-myembro ko?
I feel like a s**t right now and its all thanks to her.
"Hyung?" ang alog naman sa akin ni Taehyung.
Pero hindi parin ako tumigil sa pagtawa.
Tawa lang ako ng tawa na para bang nababaliw na ako. Hindi ko lang kinaya ang mga nalaman ko at sa sobrang sakit ay kapag hindi ko 'to inilabas ay baka matuluyan na ako.
Nakita ko nalang ang mga butil ng mga tubig na pumatak sa plato na kaharap ko habang patuloy lang ako sa pagtawa.
Saka ako nagtaas ng mukha at napatitig sa magandang mukha ng babaing yun. Nawalan na ng emosyon ang mukha nya at nakatitig nalang sa akin ngayon ang malalamig na mga mata nya.
"H-hyung?" ang nag-aalalang tanong sa akin ni J-hope. "H-hyung? Bakit ka umiiyak?"
Hindi ako sumagot.
Samantalang nag-aalala naring napatitig sa akin ang lahat ng kasamahan namin sa mesang iyon.
"H-hyung..." ang nag-aalalang sambit ni Jimin.
"Hyung? Masakit parin ba ang constipation mo ha?" ang nag-aalalang tanong naman ni Taehyung sa tabi ko.
Pero doon ko na pinunasan ang mga luhang nasa magkabilang pisngi ko at buong puot na napatitig sa babaing yun.
"Aissh...n-naiyak lang ako sa sobrang kakatawa..." I whispered then I looked directly into her eyes. "At oo...sobrang sakit...ang sakit-sakit..."
She just stared back at me with her cold emotionless eyes. And I still wonder kung paano ba nya ako nagagawang tignan ng ganyan after ng lahat ng ginawa nya sa akin?
She cheated on me.
And now, malalaman ko nalang na five na syang nakikipag-date sa iba kahit na hindi pa kami nagkaroon ng formal breakup? Nakakagago diba? Nakakaputang ina diba?
Fuck this life.
I'm so done with all of her shits that I just can't handle it anymore.
Hindi ko na sila hinintay na magsalita uli at mabilis na akong tumayo at naglakad paalis.
Dahil alam kong kapag nakita ko pa ni isang segundo ang mukha ng babaing yun ay baka mabaliw na ako.
to be continued...