CHAPTER 3

1793 Words
HAY naku naman, wala namang kabali-balita rito, puro sosyalan lang. Naiiling na muling inilibot ni Coffee ang paningin sa bulwagan kung saan ginaganap ang kaarawan ni Marga Cornillez. Pero kahit sa tingin niya ay boring ang party na iyon ay wala siyang magagawa kung hindi ang isulat ang tungkol doon. Malaking kliyente kasi ng magazine nila ang advertising company ni Mrs. Cornillez. Muli siyang napabuntong hininga at lumabas na ng pavilion. Ilang oras na niyang sinasayang ang oras niya roon. Nakakain na rin siya at nakainom na ng ilang baso ng wine kaya aalis na siya. may pupuntahan pa siyang photoshoot kinabukasan. Baka doon ay may masaksihan siyang interesante. Naglalakad siya patungo sa entrance nang may marinig siyang dalawang boses na mahinang nag-uusap. Nang lumingon siya sa pinanggalingan niyon ay nahagip ng mga mata niya ang dalawang pigurang nakatayo sa harap ng elevator. Her eyes grew wide when she saw Ace Ricafort, isa sa pinakasikat na modelo sa bansa. Pagdating sa itsura ay pumapangalawa ito kay Zander Uijleman sa opinion niya. Only, Ace is more approachable and talkative than Zander. Palagi rin itong may ngiting nakahandang ibigay sa lahat. But for her, there’s something unusual with Ace Ricafort. She had sensed it the first time she saw him on his debut photoshoot years back. Sa lahat ng mga celebrity na sinusubaybayan niya ang mga galaw, ito lang ang nag-iisang wala siyang malaman laman tungkol sa nakaraan nito. Tuwing sinusubukan niya itong tanungin kapag may interview ay pasimple nitong iniiwasan ang mga tanong niya. Ang sinasagot lang nitong mga tanong ay mga tanong na may kinalaman sa career nito at sa lahat ng activities nito mula ng magmodelo ito. Ang tanging alam lang niya ay hindi ito sa Pilipinas lumaki. Si Nicolo, ang may-ari ng Timeless, ang ayon sa nalaman niya ay nakadiscover dito sa Amerika. Bukod doon ay wala ng nagli-leak na impormasyon tungkol sa personal nitong buhay. Kung may pamilya ba ito, o kung Ace Ricafort ba talaga ang totoong pangalan nito. And that gives him a mysterious aura. Napapansin niya rin na kahit parang ang friendly nito sa lahat ay parang may pader na nakapalibot dito at sa ibang tao. May limitasyon ang pakikipaglapit nito sa mga tao. At ang pagiging malihim nitong iyon ang sa tingin niya ay dahilan kung bakit palagi itong natatagpuan ng mga mata niya. Kahit saan siya magpunta, kahit hindi niya intensyon ay nakikita niya ito. Kahit maraming tao, o kahit nakatalikod ito ay nakikilala niya ito. At sa tuwina ay hindi na niya magagawang maialis ang atensyon niya rito. Kasi naman binubuhay nito ang dugong chismosa niya. Kating-kati siyang malaman ang mga sikreto nitong mukhang wala itong balak sabihin kahit pa pakiusapan ito. Gustung-gusto niyang malaman kung ano pang ekspresyon ang kaya nitong ipakita maliban sa ngiting palagi nitong ibinibigay sa lahat at sa mga ekspresyong ginagawa nito sa mga shoot. She so wanted to penetrate his world. Na alam niyang mahirap gawin hindi lamang para sa kanya kung hindi maging sa lahat ng taong nasa paligid nito. “Sumara na ang pinto, aren’t you going up?” narinig niyang sabi ng malamyos na boses ng isang babae. Lalo siyang na-curious. Mabilis siyang nagtago sa likod ng isang malaking halaman ilang hakbang lamang mula sa elevator. Pasimple siyang sumilip. Her eyes grew wide when she recognized the woman with Ace. It was Carmela Bernado, the famous veteran actress and a wife of a multi-millionaire businessman! May malambing na ngiti sa mukha nito na tila pamilyar na pamilyar it okay Ace. Oh my God! May sugar mommy si Ace! Naitakip niya ang dalawang kamay sa bibig niya bago pa siya makagawa ng anumang tunog. Mahirap ng mahuli. Pero kasi naman, hindi niya inaasahang mga matatandang may asawa pala ang mga tipo ni Ace. Ang guwapo naman nito, mayaman, sikat... iyon pala… Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panghihinayang. “Will you stop using that tone to me?” sabi naman ni Ace sa tila galit na tono. Malamyos na tumawa si Carmela. “Why not? I always talk this way. Siguro ay nasanay ako sa pakikipag-usap sa mga bata sa orphanage na tinutulungan ko.” Ace smirked. “It’s so disgusting, the way you act like a very kind and caring woman. When we both know you’re not.” Natigilan si Coffee sa sinabing iyon ni Ace. She had never heard Ace talk rudely like that. In fact, she never heard him angry like the way he is at that moment. At sa isang babae pa. Lover’s quarrel? Lalo niyang pinag-igi ang pagsilip sa mga ito. Napansin niyang wala na ang ngiti sa mga labi ni Carmela. “Stop talking to me like that Ace Ricafort. After all, I am still your – “Don’t even mention it. I have no relation to you whatsoever,” putol ni Ace sa sinasabi nito. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang tila bumakas ang sakit sa magandang mukha ng babae. Nasasaktan ito na dinedeny ito ni Ace? You’re so mean Ace! Ngunit dagli ring nawala iyon. Naging seryoso ang mukha nito na para bang hindi ito apektado sa narinig nito.  Bigla tuloy siyang humanga sa galing nitong magpalit ng facial expression. Well, she’s not an award winning actress for nothing. “Is that how you talk to your mother Ace?” malamig na sabi nito. Napasinghap siya sa tanong nito. Tama ba ang dinig niya? Anak nito si Ace? Pero kung totoong anak nito si Ace, ilang taon ito ng ipanganak nito ang binata? She computed mentally. Then, she must be just sixteen years old then! Now, this is what her editor call “shocking”. “I don’t have a mother,” he said in a deadly tone. Pagkuwa’y pinindot nito ang button ng elevator. Muling bumukas ang pait sa mukha ni Carmela. “Then, how did you exist in this world without a mother?” Nagkibit balikat si Ace. “I don’t know. By accident I guess. Maybe, the woman who conceived me had an affair to a powerful man to advance in her career and was not able to do some precaution. At least that’s what I hear – Hindi nito natapos ang sasabihin nito nang bigla itong sampalin ni Carmela. “You have no right to talk about me like that. Don’t be to high and mighty just because you’re famous now. You’re still nothing compared to me. Be thankful at nagdesisyon pa akong ipanganak ka kahit pwede naman kitang ipa-abort noon!” Nakagat ni Coffee ang ibabang labi niya. Those were very hurtful words for Ace. Kahit siya na hindi naman sinasabihan niyon ay nasaktan sa sinabi nitong iyon. Lalo na siguro kay Ace. Patunay iyon ng hindi nito pag-imik. Tila naman na-guilty ito sa sinabi. “Oh my, Ace I- I’m sorr –” “Then you should have done that,” malamig na sabi ni Ace. Napatitig si Coffee rito. She shivered when she saw his expressionless face. Tumuwid ito ng tayo at ni hindi man lang tinangkang hawakan ang namumula na nitong pisngi. “You should have aborted me from the start. Since you abandoned me after you gave birth to me and went back to your usual life anyways,” patuloy nito. “That’s not true!” mariing sabi ni Carmela. Ace stared at his mother. “Unfortunately, we have a different view on what is true. Umalis ka na. Hinihintay ka na ng asawa at mga anak mo,” anitong may pait ang tinig. Napahikbi si Coffee. Mabilis siyang sumiksik sa halaman nang biglang sumulyap sa direksiyon niya si Ace. Narinig kaya nito ang hikbi niya? Hindi naman siguro. Pero kasi naman, hindi niya napigilan. Tahimik niyang pinunasan ang namamasang gilid ng mga mata niya. Her heart is aching for Ace. It is one of the downside of her job, being able to see painful things like this. Bigla tuloy siyang nakonsiyensiya na nakikinig siya sa usapang iyon. Pero natatakot din siyang umalis sa pinagtataguan niya. Besides, bakit ba siya nakakaramdam ng konsiyensiya sa pakikinig sa usapan ng may usapan? E gawain naman niya iyon noon pa. Hindi siya makakakalap ng magagandang balita kung hindi niya gagawin iyon. “Ace – “I said leave!” Napaigtad siya sa bahagyang lumakas na boses ni Ace. Muli siyang sumilip sa direksyon ng mga ito. Nakita niyang saglit na tumitig rito ang aktres bago walang salitang umalis. Naiwang nakatayo roon si Ace na madilim pa rin ang mukha. He looked formidable and mysteriously handsome at that moment. At the same time, he looks so lonely in her eyes. Malayung-malayo sa image nitong palaging nakangiti at approachable. For a second, she had the urge to run to him and hug him. Bigla siyang natigilan sa naisip niya. Pagkuwa’y marahas na napailing. Bakit ba niya naisip ang bagay na iyon? Isa iyong malaking kalokohan! Nang bumukas ang pinto ng elevator ay humarap na ito roon. Nakahinga siya ng maluwag. Makakalabas na siya sa wakas. Kumilos siya at tahimik na humakbang palayo sa halamang pinagtataguan niya. Nang marinig ang pagsara ng pinto ng elevator ay napangiti na siya. Mabuti naman at nakaalis na si Ace. Dumeretso siya ng tayo at lumingon sa may elevator. Nawala ang ngiti niya at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo pa rin si Ace sa harap ng elevator. At madilim pa rin ang mukha nito habang nakatitig sa kanya! Shit nahuli ako! Tili niya sa isip. Napaatras siya nang magsimula itong lumakad palapit sa kanya. Gusto man niyang tumakbo ay wala rin namang silbi. He knew her anyway. Napalunok siya nang nasa mismong harap na niya ito. “So? Was what you’ve heard all worth a page of your magazine then? Coffee?” malamig na tanong nito. Binuka niya ang bibig upang sumagot pero bago pa niya magawa iyon ay marahas na nitong hinawakan ang braso niya at marahas siyang hinatak palapit sa elevator. “T-teka!” tarantang saway niya rito. Hindi ito nagsalita at ni hindi lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya. Tiyempo namang bumukas ang pinto ng elevator. Walang kahirap-hirap na nahatak siya nito papasok doon. Pinindot nito ang buton ng tenth floor. At nang muling sumara ang pinto ng elevator ay marahas siya nitong isinandal sa isang sulok ng elevator. Umangat ang kamay nito at inilapat sa gilid ng mukha niya at bahagya siyang niyuko. Bigla siyang kinilabutan. “May limitasyon ang pagiging usyusera, Miss Reporter,” anito sa hula niya ay pinipigilang galit. Napangiwi siya. Damnit! I’m in trouble!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD