“OKAY na itong article mo,” sabi ng editor in chief niya pagkatapos na pagkatapos basahin ang article niya. bahagya pa nitong ipinilantik ang kamay ng ibaba ang sinulat niya.
Napatuwid siya sa pagkakaupo sa silyang nasa tapat ng lamesa nito at tumitig dito. Alanganin siyang ngumiti. “But you don’t seem please Sir,” lakas loob na komento niya.
Sumadal ito sa swivel chair nito at bahagyang ngumiti. “It’s not that Coffee. I mean, siguradong maraming magkakainteres sa balitang ito. It’s Zander anyway. Maraming fans iyon at tiyak na i-ki-clipping pa nila ang article mo,” anitong ikinumupas kumpas pa ang kamay.
Huminga siya ng malalim. Parang alam na niya kung ano ang susunod nitong sasabihin.
“But...I want something different. A scoop that will be the talk of the town. Something shocking.”
Alam niyang tumabingi ang ngiti niya. Sinasabi na nga ba niyang iyon ang sasabihin nito. Alam nilang lahat na nagtatrabaho sa Star Magazine na mahilig sa eskandalo ang editor nilang ito. At hindi lang basta eskandalo ang gusto nito. Ang gusto pa nito ay sila ang unang maglalabas niyon. Ayaw nito iyong tipong lalabas daw na nakikisawsaw lang daw sila sa balita ng iba. At kapag hindi niya ito nabigyan ng article na gusto nito ay sigurado siyang hindi siya nito titigilan.
“So, Coffee, I’ll be waiting for that shocking article okay? Since you are my best reporter. Maasahan ba kita?” sabi nitong ngumiti pa.
Pinilit niyang ngumiti. “I’ll try my best sir,” sabi na lamang niya.
Kinumpas na naman nito ang kamay “Oh, I know you can do it. Ikaw pa. So, I expect the article before the month ends okay. Sige na, may i-ko-cover ka pang event sa peninsula ng alas siyete hindi ba?” pandidismiss nito.
Napipilitang tumayo na siya. “Sige po sir,” paalam niya rito at mabilis na lumabas ng opisina nito.
Napabuntong hininga siya. Ibang klase talaga ito. Pasimple mag-pressure. You can do it ikaw pa. What was that? Para namang ang dali-daling humanap ng “shocking” scoop na sinasabi nito. Hay naku naman! Nakalabas na siya ng opsina nang magazine nila nang tumingin siya sa wristwatch niya. Mag-aalas sais na pala. Sana may “shocking” news na sa pupuntahan ko.
“SORRY about this Ace. Ang hirap tanggihan ni Mrs. Cornillez. Sinabi ko na sa kanyang may photoshoot ka ngayon. Kahit man lang daw dumaan ka lang. Pina-book ka pa nga niya ng kuwarto para dito ka na rin daw magpahinga,” sabi ni tita Sally habang naglalakad sila patungi sa pavilion ng hotel kung saan ginaganap ang birthday celebration ni Marga Cornillez, isang may edad na socialite at asawa ng may-ari ng isang malaking advertising company.
Tipid na nginitian ni Ace si tita Sally. “It’s okay tita. Nandito na rin naman tayo. Besides, Mrs. Cornillez is an important client right?” malumanay na sabi niya rito.
Ngumiti ito. “Yes. Pero magpapakita ka lang pagkatapos ay ihahatid na kita sa kuwarto mo dito. Alas nuwebe ang schedule ng photoshoot mo para sa Young and Free Magazine bukas. Malapit lang naman dito ang resort kung saan gagawin ang shoot na iyon. Kung dito ka manggagaling ay mahaba-haba ang magiging tulog mo.”
Tumango na lamang siya dahil narating na nila ang venue. Marami nang tao roon, karamihan ay mga babaeng amiga ng may kaarawan na lahat ay nagniningning ang mga katawan sa alahas. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang biglang pagtingin ng mga bisita sa kaniya. Yet, he didn’t look at anyone in particular. Kapag kasi may inentertain siyang kahit na sino maliban sa celebrant ay mahihirapan siyang umalis sa party na iyon.
Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Because honestly, he’s damn tired at the moment and socializing with these people is the last thing on his mind. Maghapon siyang nagpalipat-lipat ng location dahil sa mga photoshoot niya sa araw na iyon. Ang huli nga ay ang group photoshoot niya sa Young and Free. At wala siyang ibang gustong gawin sa mga oras na iyon kung hindi ang matulog. Besides, he has no interest in talking with these flashy people. Because they remind him of someone he doesn’t want to remember even for a second.
“Oh, Ace, I’m glad you came!” masayang bati ni Mrs. Cornillez habang naglalakad palapit sa kanila.
Malawak niya itong nginitian. “Happy birthday Mrs. Cornillez. You are very beautiful tonight. I’m sorry if we’re late,” aniya rito. He’s already used to woman like her. The only way to their hearts is flattery. At base sa ekspresyon ng mukha nito ay tama siya.
“Oh, thank you. And it’s okay. Ang mahalaga ay nakadaan ka kahit sandali. My guests are dying to get a glimpse of you since I told them that I invited you. Almost all of my visitors are your fans Ace,” anitong bahagya pang tumawa.
He maintained his smile kahit pa bahagya siyang nakaramdam ng inis sa sinabi nito. So, she just intends to make him as jewelry for tonight. Gusto nitong ipagmayabang sa mga bisita nito na malapit sila sa isa’t isa. He suddenly wanted to get out of there fast.
“Halika, kumain ka muna. Then ipapakilala kita sa mga amiga ko,” excited na sabi nito. Hinawakan pa siya nito sa braso.
He did his best not to shove her away. The truth is, he hates it when someone touches him without his permission. There’s really no reason behind it. He just doesn’t like people who act too close to him when they don’t even know who he really is.
Nginitian niya ito at hinawakan ang kamay nitong nasa braso niya. He saw her blush. Parang gusto niyang mapailing sa reaksyion nito. For goodness sake, she’s already married!
Marahan niyang inalis ang kamay nito sa kanya. “I do want to stay in your party. However, I have a very early shoot tomorrow. And I really wanted to rest already,” nakangiting sabi niya rito.
Bumakas ang disappointment sa mukha nito. “Oh is that so? Well, that can’t be helped then. Gamitin mo na lang ang silid na bi-nook ko para sa iyo ha?” nakangiti ng sabi nito.
Tumango na lamang siya at inaya si tita Sally palabas. “See? That’s it. A little flattery from you and she’s already happy. Though I think she still wants you to be her escort for her party. Really, ibang klase talaga ang mga mayayaman,” komento nito.
Napailing siya. “Geez tita, I’m not a gigolo.”
Tumawa ito. “Aba, talagang hindi. Hay mahirap lang tanggihan iyon kasi nga malaki ang kinikita natin sa kanya. Anyways, magpahinga ka ng mabuti. Doon na tayo magkita sa venue dahil may tiwala naman ako na hindi ka malelate. Si Eman ang kailangan kong kulitin para bukas dahil baka hindi na naman magising ng maaga ang lalaking iyon,” sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang pinakamalapit niyang kaibigan na si Emmanuel Pelayo na kapwa niya modelo sa Timeless Modeling Agency. Si tita Sally rin ang handler nito.
“Okay. But can I have a favor tita?” tanong niya nang nasa tapat na sila ng elevator.
“Ano iyon?”
Tiningnan niya ito. “Please book me a different room in this hotel.”
Muli itong natawa. “Natatakot ka bang gapangin niya mamaya?” biro nito.
Nagkibit balikat siya. “Mabuti na ang nakakasiguro.”
“O siya sige. Wait here.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito.
Nanatili siyang nakatayo roon. Walang katao-tao sa parteng iyon ng hotel at naipagpasalamat niya iyon. Saglit lamang ay bumalik na si tita Sally. “O, ito ang susi mo. I’ll call you tomorrow morning okay,” sabi pa nito sa kanya.
Nginitian niya ito. “Thanks tita. Ingat ka sa pag-uwi.”
Tumawa ito. “Ako pa.”
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng hotel. Pagkuwa’y bumuntong hininga siya. He really needs a rest.
Nang marinig niya ang pagtunog ng elevator ay kumilos na siya upang lumapit doon. Pagkabukas niyon ay lalakad na sana siya papasok doon nang makita niyang may sakay iyon. Napahinto siya ng marekognisa kung sino iyon.
Nasalubong niya ang mga mata ng isang babae na sa kabila ng edad ay sopistikada pa rin ang itsura. Saglit na tila nagulat din ito. Pagkuwa’y ngumiti at lumabas ng elevator. “Fancy seeing you here Ace Ricafort,” anito.
Napatiim bagang siya. She was the last person he wanted to see at that moment. Carmela Bernado, a socialite, a famous veteran actress, and much to his dismay, his mother.