CHAPTER 8

1596 Words

“COFFEE, nasaan na ang article na pinapagawa ko sa iyo? Ang boring ng naka line-up na article natin for our next issue! We need a spicy scoop!” matinis na sabi ng editor niya sa kabilang linya. Bahagyang inilayo ni Coffee sa tainga niya ang cellphone niya at bahagyang itinirik ang mga mata. Iyon na ang panglimang beses na tinawagan siya nito sa araw na iyon. Nasa Sweet Fantasy pa naman siya at kasalukuyang umiinom ng kape nang tumawag na naman ito. This time ay halata na sa boses nito ang pagkataranta. Nang bahagya ng humina ang boses nito sa kabilang linya ay muli niyang idinikit sa tainga niya ang cellphone niya. “Sir, alam niyo naman na hindi ako basta-basta nagsusulat ng hindi kumpleto ang detalye kaya hindi ko pa po masasabi kung kailan ko magagawa ang gusto niyong article,” mahinah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD