Chapter 5

1250 Words
Clifford Aiden's P. O. V "A-ano?" nauutal na tanong ni Farja. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Nakita ko ang unti-unting pamumula ng mukha niya. "A-ano kase.. Kase--" "You don't like me?" tanong ko. Agad kong binitawan ang kamay niya. Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin. Ano ba naman 'tong iniisip ko? Nakakahiya tuloy. Masyado akong nag-assume. "Gusto nga kita!" pasigaw na sabi ni Farja. Nagulat naman ako sa inasta niya. Bumilis muli ang t***k ng puso ko na para bang may nag kakarera na kabayo sa loob nito. Napalunok ako ng sarili kong laway. "S-syempre! Pinipigilan ko! K-kase may kasalanan ka nga sa 'kin 'di ba?! S-saka wala akong maalala!" pasigaw niyang sabi na parang bata. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Hindi ako sanay sa ganito. Ngayon lang ako nagkaganito. "P-pero promise mo naman na gagawa ka ng paraan para maalala ko 'di ba? Malaman ko lahat?" tanong niya. Para siyang bata. Nakakagigil. Sobrang cute niya. "Oo," tipid kong sagot. "K-kukuha lang ako ng tubig," naiilang niyang sabi at mabilis na lumakad palayo sa akin. Pinanood ko siya. Napakaganda niya talaga. Unique ang itsura niya. Sa totoo lang. Ngayon lang ako nagandahan sa mga babae. Actually 'yung mga past relationships ko, mga pilit, walang love... But now. I can sense that this is the meaning of love. I'm happy. Finally, I can feel the love. Lumakad ako papalapit sa kaniya. Nakatalikod siya at binalik ang pitsel sa ref. Nang humarap siya ay nagulat ako nang mabugahan niya ako ng tubig. "O-ow.." bulong ko dahil medyo malamig ang tubig na nabuga niya sa dibdib ko. "B-bakit?" tanong ko. Tiningala niya ako. "Anong bakit?! Hindi naman tama na naka-naka hubad ka tapos... Na-eexpose yang ano mo... Tapos ang lapit sa 'kin... Tapos---" "You don't like it?" malungkot kong sabi. Wala talaga akong alam sa relasyon. Nakakainis. Hindi pwedeng mawalan siya ng gusto sa akin. Ngayon lang ako nagkagusto sa babae. "Hindi sa gano’n... Nabigla lang ako," mahinahon niyang sabi. Tumango ako at kinuha ang damit ko na nasa couch. Sinuot ko iyon. Nakita kong papalakad papunta sa akin si Farja. Hinarang ko siya. "Actually... I'm really not good in handling relationship. I-I'm really so--" "H-ha? Tayo na ba?" tanong niya. Napataas ang kilay ko. Napaiwas ako ng tingin. Tama... Maybe I'm too excited. She wants to take it slow but I don't know how. "Gusto mo ba talaga ako?" tanong niya. "Yes. I really do. This is my first time... Although I had relationships before, those weren't real--" "Ilan ba ang ex girlfriend mo?" tanong niya bigla. "F-five.." mahina kong sabi. "LIMA!?" sigaw niya. "O-oo..." bulong ko. "BABAERO KA PALA E! BINABAWI KO NA!" sigaw niya. Akmang aalis siya pero hinigit ko ang braso niya. "NO! NO! I-I WAS FORCED TO HAVE A GIRLFRIEND! THAT'S WHY THEY'RE FIVE! BECAUSE I KEEP ON FINDING ONE WHENEVER MY GIRLFRIEND LEAVES ME!" pagpapaliwanag ko. "SO? ISA LANG DIN AKO SA MAGIGING GIRLFRIEND MO GANO'N? PAGLALARUAN MO!? GAGAMITIN MO PARA LANG MASABI NA MAY GIRLFRIEND KA!?" sigaw niya. Napa ismid ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Mukha namang wala siyang balak maniwala. "Look... Please Farja, just listen... I was forced to have a girlfriend because I'm a billionaire's son. My brother have girlfriend which is I'm older than him and I, don't have one. They always say that he's better than me.. I am kinda--" "Jealous," sabat ni Farja. Tinignan ko siya. Yes, I admit it. I'm f*****g jealous. "Kaya, naghanap ka ng girlfriend. So gagamitin mo lang din ako?" tanong niya at inirapan ako. "No... I'm asking you to be my girlfriend because I really love you!" sabi ko. "Ang bilis naman... Love agad? Ako nga crush lang kita," aniya at tinarayan ako. "Seriously. You made me feel this way. Look, this is the first time I feel love," sabi ko. "Paano 'yung mga girlfriend mo dati? Hindi mo ba sila minamahal?" tanong niya. "No... They're too classy, I don't know what they like what they want! They even don't want to have a dinner with me!" inis kong sabi. "Baka nga kase hindi ka marunong sa relasyon. Okay lang 'yan. Ganito, manood ka ng mga tungkol sa relasyon, kapag nakita kong sincere ka. Papatulan kita," sabi niya at tipid na ngumiti saka nagtungo sa kwarto ko. Napa upo ako sa couch. Muli kong hinubad ang damit ko at nahiga. Hindi talaga ako sanay matulog ng mayroong damit. ******* Kinabukasan. Narinig kong tumatawa si Farja. Minulat ko ang mga mata ko. "Sabi ko sa 'yo bagay 'yung pink," boses iyon ni Dale. Bumangon ako. Nakita kong nakasuot si Farja ng pasando na kulay pink na parang bra lang dahil kita ang pusod nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa suot niya, kitang-kita na ang pisngi ng dibdib niya. Bigla kong naalala ang nangyare. Nahawakan ko 'yung dibdib niya na 'yon. Gusto ko umiwas ng tingin pero hindi ko kaya. Parang na-magnetize 'yung mga mata ko sa katawan ni Farja. "Ikot ka nga," sabi ni Dale. Umikot si Farja, naginit ang katawan ko nang makita kong backless pa iyon. Kitang-kita ang maputi niyang likod at kurba ng katawan niya. "Gising ka na pala.." biglang sabi ni Farja nang makita ako. Tumango lang ako at tumayo. Naglakad ako papuntang kusina at pumasok sa banyo. Napatingin ako sa alaga ko. "What the f**k are you doing!?" inis kong bulong sa nakatayo kong alaga. "Please no!" bulong ko at pilit itong binababa. That girl... She's making me crazy. Naghilamos ako at nang kalmado na ang lahat sa akin ay lumabas ako. Nakita ko nanamang iba ang suot ni Farja. Dress naman na hapit na hapit at kitang-kita ang kurba ng katawan niya. "May pin na kasama," sabi ni Dale at inabot iyon ngunit nahulog dahilan para kinailangang yumuko ni Farja. Nanlaki ang mga mata ko nang kitang-kita ang dibdib ni Farja at nasa harapan niya si Dale na nakaupo sa sofa. "f**k," bulalas ko at tumakbo papunta kay Dale. Mabilis akong kumandong sakanya para matakpan ko siya at hindi niya na makita si Farja. "Mas malambot ka pa sa sofa. Maybe we can stay like this forever," sabi ko. "S-sir! 'Yung jun jun ko naiipit! Ang bigat mo!" sigaw ni Dale. "Aiden, anong ginagawa mo?" takang tanong ni Farja. "Wala, sige lang magsukat ka pa. All those clothes are on me," sabi ko at ngumiti. "Syempre!" aniya at muling pumasok ng kwarto. Nang masarado ang pinto ay tinulak ako ni Dale. "Umamin ka nga boss! May gusto ka sa kaniya no?!" pang-aasar ni Dale. "H-how did you know?" tanong ko. "Boss naman! Pilipino tayo! Amoy na amoy agad 'yung mga ganiyang galawan mo. Nung isang araw may pabigay bigay ka pa ng pagkain kala mo e.." sabi ni Dale at ngumiti ng nakakaloko. "Do you want to die?" pambabanta ko. "Boss talaga oh! Sige na nga. Hindi na kita aagawan. Sa 'yo na si Farja--" "DALE! HINDI KO INORDER 'TO!" sigaw ni Farja at lumabas ng kwarto. Napanganga ako nang makitang naka swimsuit siya. Kitang-kita ang mapuputi niyang hita at dibdib niya. Naalala ko si Dale. Agad kong tinakpan ang mga mata ni Dale. Nagulat naman si Farja sa inakto ko. "A-ahh.. Sige na mag bihis ka na. You can have that even you didn't bought that," nakangiting sabi ko. "Umm.. Okay," sabi ni Farja at pumasok muli ng kwarto. "One more look. I'm gonna kill you without hesitation," pagbabanta ko kay Dale. Tumawa lang siya na parang gago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD