Chapter 6 Clifford Aiden's P. O. V Habang nanonood ng teleserye si Farja sa tv ay nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi talaga nakakasawa ang mukha niya. "Gusto mo?" tanong niya at inabot ang Nova na kinakain niya. "A-ah.. Kainin mo na," sabi ko. Tumango lang siya at kumain na. "Aiden..." napalingon ako sa kaniya. "Hhmm? Bakit?" "P-pwede ba kita tabihan?" nahihiya niyang tanong. "Sure. I'd like to," naiilang kong sabi. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil dumikit ang balat niya sa akin. "Hhmm, Gusto mo ba talaga ako?" tanong niya at ngumiti sa akin. She's like an angel. Really, really beautiful. Para akong nahihipnotismo sa bawat titig niya sa akin. "Yes. I really do," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.