Clifford Aiden's P. O. V
Napabuntong hininga ako at napahawak sa batok ko. Puro na lang problema dumadating sa akin.
"Sabi ko naman sa 'yo... Wala talaga akong maalala. Magsisinungaling pa ba ako?" malungkot na sabi ni Farja habang pinapanood niya ang CCTV Footage na sinend sa akin ni Dale.
"Honestly, I have trust issues. I apologize for what I've done," sabi ko.
"Papatawarin lang kita sa ginawa mo ngayon kung ibibili mo sana ako ng matinong bra at panty," aniya.
Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya at muling nailang dahil sa sinabi niya. I'm really not used to this.
"F-fine," sabi ko.
Kinuha ko ang laptop at pumunta sa website kung saan nagbebenta ng mga damit online.
"'Yan. Fast delivery," sabi ko at binigay sa kaniya ang laptop.
"Paano 'to gamitin?" tanong niya.
Napa ismid naman ako. Tumabi ako sa kaniya at pinakita kung paano pumili ng damit.
"Example ‘eto. Click this and this, then buy," sabi ko.
"Ahh..." sabi niya at tumango.
Napatitig ako sa mukha niya, noon ko napagtanto na sobrang lapit pala namin sa isa't isa.
"B-bakit?" tanong niya.
"SIR! NANDITO NA AKO!" bigla akong tumayo nang marinig ko ang boses ni Dale.
"A-any updates?" tanong ko.
"Sir, para sa akin..." sabi niya sabay bagsak ng bag niya sa lamesa. "May masasamang tao ang nagtangka kay Farja, theory ko lang," sabi niya.
"May cellphone ako dito. Wala ka bang nakitang cellphone sa paligid ng lugar lung saan niya ako nabangga?" tanong ni Farja.
"Wala. As in. Nag-search ako sa buong area kaya ako natagalan," sabi ni Dale.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Farja. Halata sa mukha niya ang lungkot at pagiging problemado. Ganoon din naman ako. Problemado din ako sa buhay ko.
"Sabi mo sir, may mga sugat siya at humihingi ng tulong. Iyon pa lang ay sign na mayroong nagtatangka sa buhay niya," sabi ni Dale.
"Maybe her things was snatched, they are gone," sabi ko.
"Pwede... Tama ka. Baka nakita niya na may hawak akong cellphone! Tapos-tapos ninakaw niya sa 'kin! Tapos may patalim siya tapos lumaban ako! Tapos-tapos..." tarantang kwento ni Farja.
"Ang nakakapagtaka. Bakit nawala lahat ng CCTV footage sa buong baranggay na iyon before and after nang pangyayare. Pati 'yung pagkakasagasa ni Sir sa 'yo wala do'n," sabi ni Dale.
Napahawak ako sa baba ko at napa-isip. Hindi ako pwede kumuha ng investigator. I have a big name, I don't trust anyone but Dale. Natatakot akong may mangblackmail nanaman sa akin.
"Baka naman walang kuryente," sabi ni Farja.
Tumingin ako sa kaniya. She has a point.
"N-no... As I remember mayroong isang bahay na may ilaw that time. I clearly remember that," sabi ko.
"Isa na lang. Ang nagtatangka sa 'yo, may access sa lahat ng CCTV footage," sabi ni Dale.
"Maybe, the security. Tanod? Kapitan?" tanong ko.
"Mayor?" dagdag ni Dale.
"Big time naman kung mayor 'yung nagtatangka sa buhay ko. Bakit naman? Ano ba ginawa ko?" sabi ni Farja.
"Right. You don't remember anything. We can't just think of theories, we need to find clues," sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto.
Kinuha ko ang maleta ko at kinuha ang mga designs na pwedeng gamitin sa hotel na ito.
"Light changes.." bulong ko.
Maybe I can change some parts to glass para classy. Then 'yung kisema will have more elegance, the color might change.. Hmm what color fits this—
"Aiden! Dumating na 'yung delivery na pagkain. Pwede din ba ako kumain?" tanong niya at ngumiti sa akin.
"Sure," tipid kong sabi.
"Nga pala. Medyo madami akong napili sa online shopping, okay lang ba?" tanong pa niya.
"Sure. Buy everything you want," sabi ko.
Para naman mabawas bawasan ang kasalanan ko sa kaniya.
"Sir, kain na po," sabi ni Dale.
"Sige lang, mauna na ka---" napatigil ako nang biglang kumunog ang tiyan ko.
"Kumain na tayo," wala kong ganang sabi at tumayo.
Nagtungo ako sa hapagkainan. Kumuha ako ng plato, bigla ko namang narinig ang tawanan ni Dale at Farja.
"Pink, maputi ka naman," sabi ni Dale.
Sinilip ko sila. Nakatutok sila sa laptop. Mukhang mas nauna pa silang magkasundo kaysa sa 'kin. Nakakainis.
Padabog kong nilapag ang plato, hindi pa rin sila lumilingon sa 'kin.
"Nag-aya kumain tapos--" inis kong bulong.
"EHEM!" sigaw ko at kunwaring nasamid. Hindi pa rin sila tumitigil sa pagtatawanan.
"Lalamig 'yung pagkain!" sigaw ko.
"Ay- Farja tara na," sabi ni Dale.
"Sige okay na muna 'to," sabi ni Farja at lumakad na papalapit sa akin.
Naupo na ako. Tumabi naman sa akin si Farja. Palihim akong ngumiti pero napawi iyon nang biglang umupo rin sa tabi ni Farja si Dale.
Parang gusto ko tanggalan ng trabaho si Dale.
"Mamaya dadating na 'yon. Dito lang 'yon sa Manila," sabi ni Dale at nagsandok ng kanin.
Kumuha ako ng ulam at akmang ilalagay iyon sa plato ni Farja pero nagulat ako nang magkatapat ang kutsara namin ni Dale. Nagkatinginan kami.
Bakit bibigyan niya ng ulam si Farja?!
"A-ah.. Sige, sir ikaw na lang magbigay ng ulam," sabi ni Dale at naiilang na ngumiti.
Nagsandok pa ako ng ulam sa plato ni Farja. Napatingin ako sa kaniya. Nagtataka siya nakatingin sa akin.
"Bakit mo 'ko pinagsandok?" tanong niya.
Bigla akong namula. Bakit nga ba? Napalunok ako.
"That-that means, what I gave is what you're only gonna eat. Remember I bought this," pagpapalusot ko.
Nagsandok pa ako ng ibang ulam at nilagay sa plato niya.
"Ah.. Okay, salamat," aniya at kumain.
Tinitigan ko siya. Ang cute niya kumain, I wonder kung ilang taon na siya.
*******************
"Sir. Aalis na ako," sabi ni Dale.
Tinignan ko ang oras. 10 pm na.
"Good luck with your mission," sabi ko.
Tumango siya at lumabas na.
Binitawan ko ang cellphone ko at kinusot ang mga mata ko. Hinubad ko na ang damit ko. Hindi ako sanay matulog nang mayroong damit.
Nahiga ako sa couch at pumikit. Hindi pa ako tuluyang nakakatulog nang marinig ko ang hikab ni Farja.
"Jusmiyo marimar.." rinig kong sabi niya.
Biglang papalapit ng tunog ng footstep niya. Huminto siya sa tapat ko. Ramdam ko iyon.
"Ang gwapo mo talaga. Kaso ang panget ng ugali mo. Akala mo palagi kang pinagtakluban ng langit at lupa. Hindi pa kita nakikitang ngumiti. Hindi ka ba masaya sa buhay mo? Nasa ‘yo na lahat," rinig kong sabi niya.
Nanatili akong nakapikit. Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya.
"Crush sana kita, unang kita ko lang nung tinanggal ko 'yung mask mo. Gwapong-gwapo ako agad sa 'yo. Kaso, ang sungit mo. Hhmm, Hubad ng hubad. Kakabagan ka niyan," naramdaman ko ang palambot na telang dumampi sa balat ko.
Dumilat ako at hinawakan ang kamay niya.
"Oy! G-gising ka!?" natataranta niyang tanong.
Tinitigan ko siya. She's so beautiful. An innocent angel.
"Do you mean it?" tanong ko.
"H-ha!?"
"Do you like me?" tanong ko.
"A-ano? E-eh.." naiilang niyang sabi.
"Because I think, I do," I said without hesitation.
Her eyes widen. I look at her. Hoping she mean it.