Chapter 33

2016 Words
Napaiwas lang ako nang tingin kay Zhennie at naglakad palapit kina Izyll. Nagkatinginan kaming dalawa, ngunit ako lang rin ang umiwas nang tingin saka umupo sa couch. "Hey, what happen?" nagtatakang tanong ni Zhennie sa akin. "Hays, iyong baliw na si Clarise ay sinakal siya kanina no'ng pauwi na kami, hanggang sa mawalan siya nang malay," sagot ni Heart sa kanya. Napapikit naman ako dahil alam ko na ang magiging reaksyon ni Zhennie. Malamang magagalit na naman iyan. "What?" Napatingin ako sa kanya at nakita kong kuno't noo siyang nakatingin kay Heart, bago bumaling sa akin. "Yes, ewan kung anong kabaliwan na naman ang pumasok sa isip niya kanina," napapailing na sabi ni Heart. "Tsk! Nawala lang ako, may kababalaghan na naman siyang ginawa?" hindi makapaniwalang sabi ni Zhennie. "Sino ang babaeng iyon?" mayamaya ay tanong ni Gajeel at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa amin. Hindi ako sumagot sa kanya, kaya kina Heart siya tumingin. "Hindi ko hahayaang may manakit sa Fiancee ko. Kahit mapa-babae man o lalaki iyan, talagang papatulan ko," seryoso niyang sabi. Tumaas saglit ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero matapos niya iyong sabihin ay napatingin ako kay Izyll. Nakita kong kuno't noo siyang nakatingin kay Gajeel, dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay bumaling siya sa akin. "Fiancee?" sabay na sabi nina Yuan at Jarryl. "Yes, I'm her fiancee. I'm Gajeel Montejo," pakilala ni Gajeel sa kanila. Hindi makapaniwala ang dalawa, habang nakatingin kay Gajeel at napasulyap sa akin. Umiwas lang ako nang tingin. Talaga bang nakakagulat para sa kanila, nang malamang may fiancee ako? Ano namang pakialam nila di ba? "Ahh, so ikaw pala ang sinasabi ni Heart na pinsan niya?" mayamaya ay sabi ni Jarryl, kaya napatingin ako sa kanya. Sinabi ni Heart sa kanila na may Fiancee ako? Napatingin naman ako kay Heart at kuno't noo'ng siyang tiningnan. Alanganing ngumiti siya sa akin at napakamot sa noo. "Oo, kaya malinaw na okay? Huwag nang sabibin ng paulit-ulit dahil kinikilabutan ako," mataray na sabi ni Heart at napaismid kay Gajeel. Napapailing na lang ako sa kanila. Napahawak ako sa leeg ko dahil medyo kumirot ito. "Okay, enough of this, Gajeel," tawag ko kay Gajeel. Kaya agad siyang lumingon sa akin at matamis na ngumiti. "I don't want you to stay here with me. Humanap ka nang matutuluyan mo, habang nandito ka sa pilipinas," sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Haha! Ano ka ba, hindi mo na kailangang sabihin iyan. Huwag kang mag alala, may bahay kami dito," nakangiting sabi niya sa akin at mabilis na lumapit sa akin saka tumabi sa pagkakaupo. Kaya kuno't noo ko siyang tiningnan. "Ano ka ba, ayaw mo bang makita nila kung gaano tayo ka-sweet sa isa't isa?" sabi niya sa akin at inakbayan ako. "Umayos ka nga," naiinis ko nang sabi sa kanya at bahagya siyang siniko upang makalayo sa akin. Napabuntong-hininga ako at bumaling kina Izyll. "Salamat sa paghatid niyo sa amin kanina. You know we have an unexpected visitor. So, you can go home," sabi ko kina Izyll. Nagkatinginan naman silang tatlo at mukhang hindi nila inaasahan ang sinabi kong iyon. "Go home agad? No, stay here for dinner, guys," sabi sa kanila ni Heart. Kaya napatingin naman ako kay Heart, na bahagyang kumindat pa sa akin. "Oonga naman, sige na Khen, dito na muna sila para sumabay sa atin sa Dinner. Ngayon lang sila nakapunta sa bahay niyo eh," sabi naman sa akin ni Zhennie. "Well, if they are your friends, it's okay for me," sabi naman ni Gajeel. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango na lang sa sinabi nila. Bahala na nga sila. "Fine," tanging sabi ko. Napapikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Kanina ko pa napapansin na may nakatingin sa amin, pero di ko masabi kung masama ito o hindi. Nararamdaman ko ang aura nito sa labas, doon mismo sa garden. Mukhang kanina pa niya kaming pinagmamasdan at mukhang may iniiwasan siya. Kaya naman napatayo ako. "Kailangan ko munang mag isa at huwag niyo akong sundan. Babalik ako before dinner," sabi ko sa kanila at naglakad na palabas ng mansion. Hinayaan naman nila ako, ngunit ang tingin ni Izyll ay nararamdaman ko. Nasisiguro ko namang hindi niya ako susundan. Naglakad na ako patungo sa garden. Maraming bulaklak sa garden at talagang inaalagaan nila itong mabuti. Nalaman ko kasi mula kay Dad, na mahilig sa bulaklak si Mommy. Kaya naman hinayaan niyang mabuhay ang mga bulaklak na iyon bilang alaala ni Mommy. Nang nasa garden na ako ay nilibot ko ang aking paningin. Naglakad ako patungo sa gitna, kung saan naroon ang isang upuan. Umupo ako doon at naghintay ng ilang segundo. "Alam kong nandiyan ka lang at may iniiwasan ka. Kaya maari ka nang lumabas," mayamaya ay sabi ko. Biglang umihip ang malamig na hangin, na lagi ko namang nararamdaman tuwing hapon. Ngunit kakaiba ito ngayon. Mayamaya ay may maliit na liwanag akong nakita sa harapan ko at unti-unti itong naging malinaw sa akin. Tulad nang nakita ko kanina sa vision no'ng babae, na hindi ko naman kilala ay tuluyan ko na siyang nakita nang tuluyan. Napatingin siya sa akin saglit, ngunit bigla na lang siyang lumipad palayo sa akin at nagtago sa isa sa mga bulaklak. Kuno't noo tuloy akong napatingin sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon. Anong nangyayari sa kanya? "May problema ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "S-Sa totoo lang, medyo nahihiya pa talaga akong magpakilala saiyo, pasensya na," nahihiyang sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa kanya. Hindi ko aakalaing mahihiya pa talaga siya sa akin, matapos niyang biglang lumitaw kanina? Ganyan ba talaga ang ugali niya? "Tss, umayos ka nga at huwag ka nang mahiya. Humarap ka na sa akin," sabi ko sa kanya. Ilang segundo akong naghintay at mayamaya ay dahan-dahan na siyang lumabas mula sa pinagtataguan niya. Hindi pa siya halos mapatingin sa akin at medyo nahihiya pa rin. Well, she's cute for being too tiny. "You're so cute," nakangiting sabi ko sa kanya. Iniangat ko ang aking kamay para doon siya dumapo. Kaya naman tila nahulaan naman niya ang gusto ko at dumapo nga siya sa kamay ko. Para siyang isang maliit na paro-paro. "P-Pasensya ka na talaga," muling sabi niya. Napairap naman ako at napaismid na napatingin sa kanya. "Ano ka ba, huwag ka nang mahiya pa sa akin. Di ba nga sabi mo, ikaw ang guardian fairy ko kaya hindi ka dapat nahihiya sa akin," saad ko sa kanya. Nag angat siya nang tingin sa akin at nakita ko ang inosente niyang mga mata. "Hindi ka ba galit sa akin?" nahihiya niya pa ring sabi. Tinaasan ko naman siya nang kilay dahil sa kanyang sinabi at mayamaya ay natawa na lang ako. Seriously? "Of course not, why would I, anyway? This is my first time to meet someone creature like you and it's my pleasure to meet you, Kherra," nakangiting sabi ko sa kanya. Kaya naman nakita ko kung paano sumilay sa labi niya ang magandang ngiti niya. "‘Yan, ganyan dapat ang isasalubong mo sa akin, hindi iyong nahihiya ka pa. Ikinagagalak kong makakilala ng isang tulad mo, lalo na at guardian ko pa. I'm lucky, you know?" nakangiting sabi ko sa kanya. Nakangiti siyang lumipad at umikot sa akin. May nakita akong lumalabas na pixie dust sa kanyang mga kamay. Kaya muli akong napangiti sa ginawa niyang iyon. "Ikinagagalak ko rin na makilala ka, Khendrey," sabi niya sa akin at dumapo siya sa balikat ko. "So, matagal mo na ba akong sinusubaybayan?" tanong ko sa kanya. Muli na naman siyang lumipad at humarap sa akin. Nakita kong tila nag iisip pa siya sa kung ano ang isasagot niya sa akin. "Well, since you turn 18, I started to follow you wherever you are," sagot niya sa akin. Natigilan naman ako at nagtatakang nakatingin sa akin. Ibig sabihin matagal na? Ngunit bakit ngayon niya lang naisipang humarap sa akin? "Since when I turn 18? Kung ganoon, bakit hindi ka humarap at nagpakilala man lang sa akin noon?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya halos makatingin sa akin, kaya nanatili akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. "Actually, noong mga panahon na iyon ay hindi ka pa naniniwala talaga sa magic di ba? Kaya naman kahit nakita mong may lumabas mula saiyo at umuukit ang simbolo bilang bagong tagapagmana saiyo ay iniisip mo pa rin noon na hindi iyon totoo. Kaya naman pilit mo iyong kinakalimutan. Subalit may kaunting nakatatak sa puso mo na naniniwala ka sa nakita mo. Kaya na naman iyon ang bumuhay sa akin, subalit hindi ako tuluyang nakalaya. Kumbaga, hindi mo ako makikita at hindi mo ako mararamdaman, hangga't hindi ka naniniwala sa magic. Kaya naman sa malayo lang ako nakatingin, na kahit lapitan kita ay hindi mo rin ako makikita," paliwanag niya sa akin. Napaisip naman ako doon sa sinabi niya at talagang may punto siya doon sa sinabi niyang may kaunting nakatatak sa puso ko na naniniwala ako sa nakita ko. Ibig sabibin talaga no'n ay iyon ang bumuhay sa kanya tulad nang sabi niya. "Ibig sabihin, noong dumating sina Izyll at sinabi niya sa akin ang lahat, doon ka lang tuluyang makakalapit sa akin?" tanong ko sa kanya. Napailing naman siya sa sinabi kong iyon, kaya nagtataka akong nakatingin sa kanya. Kung ganoon, kailan? "Iyong unang araw na nakita mo sila, maging iyong nakita mo sila sa Mall. Iyong pag iimbestiga mo sa kanila at sa pagpunta mo sa mansion nila. Hanggang sa muli kayong nagkita sa school niyo. Nang dahil doon ay tumatak sa isip mo na hindi sila normal na tao at may taglay silang kapangyarihan. Iyon ang dahilan kung bakit tuluyan na akong nakalaya sa harang na namamagitan sa atin," nakangiti niyang sabi. Naalala ko ang mga araw na sinabi niya. Ibig sabibin habang iniisip ko na may taglay na kapangyarihan sina Izyll ay iyon din pala ang naging daan para tuluyan akong maniwala sa magic? "Ibig sabihin, simula noon ay nakamasid ka na sa akin?" tanong ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi kong iyon. "Oo, nakamasid na ako sa at kahit saan ka mapunta ay naroon ako. Ngunit syempre may limitasyon din ang kapangyarihan ko sa mundo niyo, kaya paminsan-minsan ay bumabalik ako sa mundo namin para magpalakas, saka muling babalik dito," paliwanag niya sa akin. Napatango-tango ako habang iniisip ang mga sinabi niya. Ngunit may biglang pumasok na tanong sa isip ko at napatingin sa kanya. "Ibig sabihin iisa lang rin ang mundo niyo nina Izyll?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "No, but we are connected in their world. Iba ang mundo ng mga katulad namin at sa mundong iyon ay hindi kami ganito kaliit, kasing-katulad na namin kayo ng laki. Ipinanganak kami para maging guardian ng mga katulad niyong may taglay na kapangyarihan," paliwanag niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at bahagyang napaisip. Kung lahat ng katulad namin na may taglay na kapangyarihan, ibig sabihin mayroon din guardian si Heart? Dahil katulad ko rin siyang bagong tagapagmana ng pixie dust? "Wait, if it's really posible, then, even Heart is have an guardian fairy just like me?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Yes, she have a guardian too. But for now, she can't see her. Hindi siya katulad mo na natuklasan ang kapangyarihang iyon noong ika-18th birthday mo. Kahit sabihing gusto niyang magkaroon ng kapangyarihan, tulad nang narinig ko. Hindi pa rin iyon magiging dahilan para magising ang guardian niya. Kailangan niyang matuklasan at makita ang kapangyarihang taglay niya, bago magising ang guardian niya," paliwanag niya sa akin. "Ganoon ba? Kung sasabihin ko sa kanya na may taglay siyang kapangyarihan. Lalabas na ba ang guardian niya?" muli kong tanong. Napailing lang siya sa tanong kong iyon. "Kailangan niya mismong matuklasan iyon sa kanyang sarili. Hindi sapat na sasabihin mo sa kanya kung ano kayong dalawa," sagot niya sa akin. Kaya naman napatango na lang ako sa sinabi niyang iyon. Siguro naman malapit nang malaman ni Heart ang nakatagong kapangyarihan niya. Mukhang tama nga ang sinabi niya, kailangan mismong si Heart ang makatuklas sa sarili niyang kakayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD