Chapter 32

2033 Words
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, sa pagpapakilala niya sa akin. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa at bahagya kong napagmasdan ang itsura niya. Kulay ginto ang suot niyang maliit na damit, maging ang kanyang pakpak at tila ba may nakapaligid ditong kulay gintong pixie dust. Kasing laki lang siya ng hintuturo ko, kaya naman kahit sinong makakita sa kanya ay talagang magugulat. Napakurap lang ako nang bigla siyang lumipad palayo sa akin at nagtago sa may pader. Kaya nakapataas-kilay akong nakatingin sa kanya. "P-Pasensya ka na, m-matagal na ko na kasing gustong humarap at magpakilala saiyo pero natatakot ako na baka matakot ka lang sa akin, tulad nang naging reaksyon mo pero mamaya na ako magpapaliwanag huh? Malapit na kasi ang oras kaya dapat pumasok ka na muna sa silid na iyan," saad niya sa akin. "Oh?" tugon ko at napatingin sa isang silid. Mukhang tama naman ata siya, kaya hindi na ako nagsalita pa at naglakad na papunta doon, saka binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang napakaraming sandata. May maliit at may malalaki. Mayroon ding katamtaman lang. Marami akong nakitang mga dagger, espada, latigo at iba pa. Namamangha akong napatingin sa paligid. Nakakita na naman ako ng mga ganito pero sadyang ibang-iba ito sa aking paningin. "Ayon ang tinutukoy niya saiyo kanina," narinig kong sabi niya at lumipad patungo doon sa sinasabi niya. Nakita ko nga ito at napakunot noo akong lumapit sa mga ito. "Ito ang panlaban mo sa mga taga-itim na salamangkero," sabi niya sa akin. Tinitigan ko itong mabuti. May nakita akong sing-sing, kwentas, bracelet, latigo, dagger at isang espada. "Sigurado ka, na ito iyon? Hindi ang mga iyon?" nagtatakang tanong ko sa kanya at bahagyang lumingon upang tingnan ang ilan pang sandata na nakikita ko. "Hindi rin mga simpleng sandata lang iyon at maari din iyong gamitin. Subalit iba ang gamit sa mundo niyo, ito ang dapat mong gamitin. Alam mo naman siguro kung anong klaseng mundo mayroon kayo di ba? Normal nga pero pagdating sa mga sandatang ganyan ay kakatakutan ka na at maari ka nang makulong. Ganoon ang napapansin ko sa mundo niyo. Kaya minsan ay mahirap din kayong pakisamahan, sa totoo lang," prangkang sabi niya sa akin. Napasinghal na lang ako sa sinabi niya, dahil talaga namang totoo ang sinabi niya. Marami akong gustong itanong sa kanya, pero sa ngayon ay ito muna ang aasikasuhin ko. "Okay, naiintindihan ko na. So? Kailangan ko lang tandaan ang mga ito, para alam ko kung ano ang kukunin ko kung sakaling makapunta na ako sa totoong palasyo ng mundo niyo," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi ko. "Oo, at syempre tutulungan kita para maalala mo ang mga ito. Kailangan mo lang tandaan ang mga itsura nila at ipapaliwanag ko saiyo ang iyon pag nakalabas ka na sa lugar na ito," sabi niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Tiningnan ko isa-isa ang mga ito at mayamaya ay napansin kong tila unti-unti na itong naglalaho. Kaya natigilan ako at napatingin kay Kherra. Ngunit maging siya ay unti-unti na rin naglalaho. "Sandali! Bakit? Wait!" "Huwag kang mag alala, magkikita pa tayo. Sa ngayon ay kailangan muna nating umalis sa lugar na ito," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa mga sandatang nakita ko, malapit na itong nawala kaya minabuti kong tandaan ang mga ito. Mayamaya ay tuluyan na itong nawala at nabalot ng puti ang paligid. May biglang lumitaw na liwanag kaya napapikit ako at dahil sa subrang liwanag nito. "Khendrey!" Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Heart ang nabungaran ko. Napakunot-noo akong napatingin sa paligid. Napansin kong nakahiga ako sa kama. Pamilyar sa akin ang amoy nito at nasisiguro kong kwarto ko ito. Napatingin ako sa paligid at tama nga ang hinala ko, nasa kwarto na ako. "A-Anong nangyari?" wala sa sariling tanong ko at tila inaalala ang mga nangyari kanina. "Nawalan ka nang malay dahil sa pagkakasakal ni Clarise saiyo," sabi niya sa akin. Right! Naalala ko na ang nangyari, maging ang babaeng nakita ko, ang palasyo, ang mga sandata na sinabi niya at ang isang maliit na fairy, na siyang guardian ko. Wait! Oonga pala, nasaan na siya? Napaupo ako sa kama at inilibot ang tingin sa paligid, dahil baka nandito lang siya at nagtatago. Ngunit wala akong naramdamang ibang aura bukod sa amin ni Heart. "Anong problema? Kwarto mo ito, dinala ka dito ni Izyll dahil iyon ang sinabi ko sa kanya," narinig kong sabi niya. Kaya muli akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "Dinala ako dito ni Izyll?" kuno't noo kong tanong sa kanya. "Tss, alangan namang ako ang magdadala saiyo dito. Natural siya ang pinabuhat ko saiyo papunta dito. Medyo nahirapan nga siya dahil ang bigat mo raw," sabi niya sa akin at binigyan ako nang nanunuksong tingin. Napairap na lang ako sa kakaibang tingin niyang iyon at bahagyang napahawak sa leeg ko. Nararamdaman ko ang hadpi at sakit mula dito. "Nababaliw na ata iyong si Clarise. Alam mo bang matapos kang mawalan nang malay dahil sa subrang pagsakal niya saiyo, ay nawalan din siya nang malay? Nakakapagtaka pero duh! Nakakainis pa rin siya. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya saiyo. Kaya naman tinawagan ko si tito dahil sa nangyari at papunta na sila dito kasama si Dad," sabi niya sa akin. Kaya nagugulat naman akong nakatingin sa kanya. "N-Nagbibiro ka lang di ba?" nagugulat na tanong ko sa kanya. "I'm serious, their coming," sabi niya at bahagyang napabuntong-hininga. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Tsk! Bakit kailangan niya pang sabihin iyon kina Dad. Alam naman niyang talagang pupunta iyon dito, kapag may nangyari sa akin. "Bakit mo naman tinawagan? Hays!" napapailing kong sabi sa kanya. "Eh, natakot ako sa nangyari saiyo eh, baka kung ano pang gawin nang baliw na iyon," sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong magagawa kung iyon na ang magawa niya. Dahan-dahan akong tumayo at umalis sa kaman. "Umalis na ba sila Izyll?" tanong ko sa kanya. "Uhm, speaking about them. They're waiting for you to wake up. Nasa ibaba lang sila, kasama ang isa pang taong biglang dumating," sabi niya. Kaya agad akong napalingon sa kanya, dahil sa huli niyang sinabi. "Nandito na agad sila Daddy?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Umiling siya sa sinabi ko, kaya nagtataka akong nakatingin sa kanya. "Hindi pa dumating sina Dad at tito. Ibang tao ang dumating," sabi niya. "Bakit? Sino ba ang dumating?" kuno't noo kong tanong sa kanya. Napakamot siya sa kanyang noo, bago nagsalita. "Actually, he's already here when we come home. Nagulat nga rin ako dahil nandito siya at nais niyang siya ang magbuhat saiyo patungo dito, ngunit masyadong matigas si Izyll at naging mapilit na siya ang maghatid saiyo. Kulang na nga lang hilain at pag agawan ka nila kanina eh," napapailing niyang sabi, kaya napataas ang kilay kong nakatingin sa kanya. Nahulaan ko na kung sino ang tinutukoy niyang biglang dumating. "Nandito na agad siya? Tsk! Nasa ibaba lang ba sila?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa tanong ko. "Kaya nga nandito ako dahil ayoko silang tingnan. Pakiramdam ko ay mangyayari eh, kaya iniwan ko na lang sila. Bahala na kung anong gawin nila doon sa ibaba," tanging sabi niya, na tila walang pakialam. Napapikit na lang ako at naglakad papunta sa pinto. "Pupuntahan mo sila?" tanong niya. Tango lang ang naging sagot ko at tuluyan nang lumabas sa pinto. Naglakad ako patungo sa hagdan, akmang baba na ako nang matanaw ko silang apat na nakaupo sa couch. Mula rito ay napansin ko ang kakaibang tingin ni Izyll sa lalaking nakatalikod na nakaupo. Hindi ko siya masyadong makita dahil nga nakatalikod siya. Ngunit nasisiguro kong si Gajeel ito. Napagmasdan ko sila at nakita ko ang kakaibang tingin ni Izyll dito. Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan. Napatingin ako sa pinto ng mansion, nang may pumasok. Nakita ko si Zhennie na maraming bitbit at masiglang naglalakad patungo sa sala. Kaya naman nakita ko kung paano siya mapahinto sa nakita bisita na nakaupo sa couch. Napansin ko rin na napatingin ang mga ito sa kanya. "Zhennie!" sabay pang tawag ni Yuan at Gajeel. Kaya nakita kong nagkatinginan silang dalawa at napansin kong masama ang tingin ni Yuan kay Zhennie. "Sandali nga brad, akala ko si Khendrey ang trip mo? Bakit parang pati si Zhennie?" kuno't noo'ng tanong ni Yuan dito. Hindi ko maiwasang mapangisi sa aking nakita. Para namang nakakita ng multo si Zhennie, habang nakatingin ngayon kay Gajeel. "Mukhang natutuwa ka sa nakikita mo eh no?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Heart na nasa likod ko. Napapailing siyang nakatingin ngayon sa kanila. "Kaibigan ko si Zhennie, bakit? Ano mo ba siya?" narinig kong tanong ni Gajeel kay Yuan, na hindi nakapagsalita. Hinintay namin ni Heart na sumagot si Yuan, pero mukhang wala siyang maisagot sa tanong na iyon ni Gajeel. "Aish! Stop it, okay? Bakit nga pala kayo nanditong tatlo? At ikaw, andito ka na agad?" tukoy ni Zhennie kay Gajeel. Naglakad naman palapit si Gajeel kay Zhennie at bigla na lamang itong inakbayan. Kaya nabitawan ni Zhennie ang isang hawak niya, dahil biglaang pag akbay ni Gajeel. "Haha! Huwag ka namang ganyan sa akin, alam mo naman na talagang mahilig akong mang surprisa sainyo di ba? Haha!" natatawang sabi ni Gajeel sa kanya. Nakita kong bahagyang napairap si Zhennie at inalis ang pagkakaakbay nito. Pinulot niya ang nalaglag na dala niya at nilagay sa couch. Doon lang siya napatingin sa amin ni Heart, na pinapanood lang sila. "Kayo? Kailan niyo balak bumaba diyan?" mataray niyang sabi sa amin ni Heart. Saglit kaming nagkatinginan ni Heart at napailing. Naglakad na kami pababa at doon ko napansin na nasa amin na ang tingin ng apat na lalaki. "Khen! You're awake!" salubong agad sa akin ni Gajeel at akmang yayakapin ako, nang iharang ko ang aking kamay sa mukha niya. "Of course, because I need too. So, behave yourself," sabi ko sa kanya at napatingin kina Izyll. Nagtama ang mga mata namin ni Izyll at nakita ko kung paano siya ka-seryosong nakatingin sa akin. Napansin ko pa kung paano niya pasimpleng tiningnan si Gajeel. Hmmm, anong klaseng tingin kaya iyon. Nang bumalik sa akin ang tingin niya at tinaasan ko siya ng kilay. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at binalingan si Gajeel. "Bakit hindi ka nagsabi na darating ka? Bigla ka na lang sumusulpot," sabi ko kay Gajeel na napakamot naman ng batok. "Kaya nga, nakakagulat nga kanina nang makita kitang pasimpleng nakaupo. Mabuti na lang kasama ko sila, mapagkakamalan talaga kitang akyat-bahay. Maging sina yaya hindi ka napansin na pumasok," napapailing na sabi ni Heart dito. "Kilala niyo naman ako, mahilig akong mang surprisa di ba? Pasensya na, gusto ko lang namang makita ang minamahal ko eh," sabi niya at bahagyang kumindat pa sa akin. Para akong kinilabutan sa sinabi niya. Minamahal? Ha! Talaga nga bang iniisip niyang gusto ko ang ginagawa niya? Napansin ko namang hindi nakapagsalita sina Heart at Zhennie. Nasisiguro akong pareho kami nang naging reaksyon. "Minamahal? Kung ganoon, minamahal mo rin siya, Khen?" narinig kong tanong ni Jarryl at napasulyap pa kay Izyll. Kaya napatingin naman ako kay Izyll, na umiwas lang tingin sa akin. "Syempre! Mahal niya ako, di ba, Khen?" sabi sa akin Gajeel at biglang yumakap sa bewang ko. Napatingin ako kay Gajeel at sinamaan siya nang tingin. Ngunit ngumiti lang siya at dahan-dahang umalis sa pagkakayakap sa bewang ko. Napabuntong-hininga ako. "Siguro naman, kilala niyo na ang isa't isa?" sabi ko sa kanilang apat. Nagkatinginan naman silang apat at umiwas rin nang tingin. "Actually, hindi pa," sagot ni Gajeel sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, maging sina Izyll. Hmmm, mukhang hindi pa nga talaga. "Grabe, kanina pa kayong nandito hindi pa kayo nagpapaakilala sa isa't isa?" hindi makapaniwalang sabi ni Heart sa kanila. "Teka, nga bakit nga pala nandito silang tatlo?" nagtatakang tanong ni Zhennie sa amin. "Oonga, bakit nga ba kasama niyo sila kanina noong nakauwi kayo at ano nga bang nangyari kay Khendrey?" tanong rin ni Gajeel. Kaya naman nakita kong napatingin sa akin si Zhennie at binigyan niya ako nang nagtatanong ng mga tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD