Chapter 34

2033 Words
Natahimik kaming dalawa, matapos naming pag usapan ang tungkol sa guardian. Kaya naman naisipan ko nang itanong sa kanya ang tungkol doon sa mga sandatang dapat kong makuha sa kaharian nina Izyll. "Iyong tungkol sa mga sandata," mayamaya ay sabi ko. Napatango siya. "Yes, tungkol doon ay kailangan mo talagang makuha ang ilan sa pwedi mong gamitin. Ngunit may paraa pa naman para hindi mo ituloy ang pagpasok mo sa kaharian nina Izyll," saad niya sa akin. "Oh? Paano naman?" tugon ko sa kanya. "Iyon ay kung sasama ka na sa kanila at malaman na ni Heart ang lahat. Maari ka nang hindi pumunta pa doon. Ngunit iyon nga, kapag nagtagal ka pa dito ay talagang maraming mangyayari. Nasaiyo na kung hahayaan mong magpagala-gala ang mga taga-itim dito at idamay ang mga malalapit na tao sa buhay mo," sabi niya sa akin. Napakunot-noo akong nakatingin sa kanya. Parang ganoon pa rin ang mangyayari. Isa pa ayaw kong may madamay na iba dito sa mundo namin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala rin pala iyong sinabi niya. Sana hindi na lang niya iyon sinabi. Tsk! "Ganoon pa rin naman pala, mas mabuti pang kunin ko na lang iyon. Para may proteksyon ang mga taong malapit sa akin at kailangan ko rin siguraduhin na walang kahit sino sa kanila ang pagala-gala pa dito," seryosong sabi sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi ko. Gusto ko rin naman makasiguro na walang mangyayaring masama kina Daddy, kung sakaling aalis na kami ni Heart. Ngunit pwedi naman siguro na bumalik kami paminsan-minsan dito o kaya dito na lang kami tumira at pupunta lang kami doon kung kailan namim gusto. Sana pwedi iyong ganoon, dahil ayoko talagang ewan si Daddy. "Sige, ipapaliwanag ko na saiyo ang mga sandata na maari mong kunin doon," mayamaya ay sabi niya. May pinalabas siya sa kanyang kamay at pumorma ang mga ito sa ere. Nakita ko ang kwentas, sing-sing, bracelet, Katana, Latigo, darts, punyal, at isang kadena. "Sa mga nakikita mo ngayon, alin sa mga ito ang gusto mong gamitin?" tanong niya sa akin. Napangisi ako. "Latigo," sagot ko sa kanya. "Hmmm, good choice. Bukod sa pagiging latigo ay maari mo rin itong gawing belt. Para kung sakaling may nakita kang kalaban ay maari mo itong makuha agad. Mahaba iyan at matibay na uri ng sandata," paliwanag niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya at napatitig doon sa latigo na sinasabi niya. Mukhang magugustuhan ko ang sandatang iyon. "How about Heart? Sa lagay niya ay mukhang hindi pa siya bihasa sa paggamit ng sandata. So that, I suggest you need to choose ring, bracelet or necklace. That's a protection items for dark magic," saad niya sa akin. Napatango ako. Tama siya, hindi pa bihasa si Heart sa paggamit ng mga sandata, pero magaling siya sa darts. Subalit, sa tingin ko hindi muna iyon ang pipiliin ko. Napatingin ako sa mga item na sinasabi ni Kherra. Magtataka si Heart kung bibigyan ko siya ng sing-sing, kaya naman nasa dalawa lang ang dapat kong pagpipilian. "Hmm, I prefer bracelet. May suot siyang necklace, na mula sa mommy niya at kahit kailan hindi niya iyon hinuhubad kaya bracelet na lang," sabi ko sa kanya. "Okay, that bracelet is a protection item. Hindi siya malalapitan ng mga itim na salamangkero, ngunit hindi rin ito pweding gawin sandata panlaban. Para lamang ito sa pansariling proteksyon," paliwanag niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. "Then, how about Zhennie?" sabi niya sa akin. Muli akong tumingin sa mga sandatang pwedi kay Zhennie. Magaling rin naman sa latigo at katana si Zhennie. Ngunit mas bihasa sa paggamit ng punyal at nagagawa niya itong itago sa damit niya. "Iyong punyal," sabi ko sa kanya. Naalala ko bigla na may alam na si Zhennie sa nangyayari sa amin, lalo na kina Izyll. Kaya naman kaunting paliwanag na lang ay maiintindihan na niya iyon. "Nalaman kong may alam na si Zhennie tungkol sa kung sino kayo. Mabuti na rin iyon para may alam na siya sa kung anong gagawin niya. Ipaliwanag mo lang sa kanya kung saan ito maaring gamitin," sabi niya sa akin. Tumango ako sa sinabi niya at namili na rin ng iba pang proteksyon. Napili ko ang sing-sing para kina Dad at tito. Ipinaliwanag naman niya kung para saan ito, katulad lamang iyong sa bracelet na napili ko para kay Heart. "Kailan ako maaring pumunta doon?" tanong ko sa kanya. "Iyong hindi nila mapapansin, lalo na ni Izyll. Nakabantay lagi iyon sa galaw mo, kaya kailangan mo siyang iwasan kung sakali mang pupunta ka na doon," saad niya sa akin. Napatango naman ako. Oonga pala, hindi pweding malaman nina Izyll ang gagawin kong ito. Isa itong misyon na binigay sa akin ng babaeng iyon. Misyon para protektahan ang sarili ko at nang mga taong nakapaligid sa akin. "Yeah, oonga pala, sasama ka ba sa akin sa pagpunta doon?" muli kong tanong sa kanya. Napaisip naman siya sa sinabi kong iyon at mayamaya ay tumango. "Oo, sasamahan kita," nakangiti niyang sagot sa akin. Napangiti naman ako sa kanya at tumango. "Ako nang bahala kung saan tayo dadaan kasi baka mahuli tayo doon. Masyado pa naman silang mahigpit, lalo na sa palasyo. Kailangan rin nating iwasan si Princesa Jewelle, iyong ina ni Jarryl. Mabilis lang iyong makaramdam, kaya talagang kailangan nating mag ingat," paalala niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Sa isip ko ay maari naman sigurong lumapit na lang kami sa ina ni Jarryl, dahil nga isa naman ako sa bagong tagapagmana, ika-nga nila. Medyo pinapahirapan ko lang ang sarili ko kapag ganito. Subalit, ito ang ibinigay na misyon sa akin. Kaya dapat walang makalaam lalo na sina Izyll. Siguro ginawa niya ito para sanayin ko. Kumbaga, sinusubukan niya ang kakayahan ko. "Kapag naka-tyempo ka na ay pupunta tayo doon," muli niyang sabi sa akin. "Susubukan ko bukas, hindi ako papasok," sabi ko sa kanya. Tumango siya sa sinabi kong iyon. Napansin kong maggagabi na, kaya tumayo ako mula sa inuupuan ko. Nasisiguro kong nakahanda na sila ng dinner namin at malamang naghihintay na ang mga iyon sa akin. "Maggagabi na, kailangan ko na nang bumalik," sabi ko at bumaling sa kanya. "Sa sunod ka na lang magpakilala kapag alam na ni Heart ang lahat," muling sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at napangiti sa akin. Mayamaya ay lumipad siya paikot sa akin, kaya naman mas lalo akong napangiti sa ginawa niya. "Sige, bumalik ka na, huwag kang mag alala. Magpapakilala ako saiyo, kapag ikaw lang mag isa," nakangiti niyang sabi sa akin. "Sige, aasahan ko iyan," tugon ko sa kanya. Mayamaya ay nawala na siya, kaya naman naglakad na ako paalis sa garden upang bumalik na sa kanila. Habang pabalik ako, ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kherra. Napabuntong-hininga na lang ako. Pagkapasok ko sa Sala ng Mansion ay napansin kong tahimik ito. Siguradong nasa dinning area na sila. Naglakad ako patungo doon, pero napahinto ako ng isa Izyll ang nakita ko doon habang may kinukuha sa ref. Napatingin siya sa akin nang mapansin ako. Bahagya siyang napatitig sa akin, kaya hindi agad ako nakakilos. Kakaiba ang tingin na binigay niya sa akin, na tila ba tumatagos sa kaloob-looban ko. "Uhm, where are they?" Ako na ang bumasag nang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi pa rin niya inaalis ang kayang tingin at napansin kong naglakad na siya palapit sa akin. Mayamaya ay bigla na lang siyang nawala at nagulat na lang akon nang mapagtantong nasa likod ko na siya. Nagawa niyang idantay sa balikat ang ulo niya, kaya hindi ako nakakilos at bahagyang nanigas dahil sa ginawa niya. "W-What are you doing?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, nanuot iyon patungo sa kalamnan ko. Ano bang ginagawa niya at naging ganito siya bigla? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, tila naging blanko iyon dahil sa ginawa niya. "Do you love him?" mayamaya ay tanong niya sa akin Natigilan naman ako at nagtataka sa tanong niya sa akin. Akmang lilingon ako sa kanya, ngunit hinawakan niya ang ulo ko para hindi ko siya makita. "Ano bang sinasabi mo? At teka nga bakit ka ba ganyan sa akin ngayon?". nagtataka kong tanong sa kaniya at umalis sa pagkakadikit niya sa akin. Ngunit nagulat na lang ako, nang mabilis siyang nakalapit sa akin. Kaya naman napaatras ako malapit sa ref at hindi ko na napansin na nakaharang na pala siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at subrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kaunti na lang at maghahalikan na kami. "Izyll," babala ko sa kanya at pilit na kumakawala sa pagkakaharang niya sa akin. "Answer me, do you love him?" muli niyang tanong sa akin. Mas lalo akong nagtatakang nakatingin sa kanya ngayon. Sino bang tinutukoy niya? Malapit na rin akong mainis sa ginagawa niyang ito, sa totoo lang. "Sino bang tinutukoy mo, huh?" "That guy, do you love him?" Napakunot-noo akong nakatingin sa kanya. That guy? Oh? Si Gajeel ba ang tinutukoy niya. "Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mong iyan?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, kaya nailayo ko naman ang aking mukha sa kanya. Kaya naman sinamaan ko siya nang tingin. "Kapag hindi ka pa lumayo sa akin ay makakatikim ka talaga," banta ko sa kanya. Ngunit hindi siya natinag sa sinabi kong iyon at mas inilapit pa ang kanyang sarili sa akin. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Bakit ba siya nagkakaganito? "Answer me," muli niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Kaya napatitig na rin ako sa kanyang mga mata at may napansin akong kakaiba sa loob nito. Hindi ko alam kung ano iyon pero nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam, na mula roon. "No," sagot ko sa kanina niya tinatanong. Ngunit akala ko ay lalayo na siya, ngunit wala siyang kahit anong galaw upang lumayo na sa akin. Hindi ko maintindihan ang kanyang ginagawa ngayon sa akin. Mayamaya ay napansin kong nalipat ang kanyang mga tingin sa ibabang bahagi. Doon mismo labi ko, kaya biglang bumalot ang kaba sa buong katawan ko. Hindi ako sigurado sa naiisip ko pero parang may balak siyang gawin doon. Ano ba! Bakit hindi ko magawang igalaw ang kamay ko para itulak siya! Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit nakikipaglaban rin ito nang tingin sa kanya. Napansin ko ang pagkilos ng kamay niya at hinaplos iyon sa buhok ko. Pababa sa noo ko, hanggang sa aking ilong. Iyong nararamdaman kong kaba ay dumuble pa, nang hawakan niya bigla ang labi ko. Hindi ko na ma-itsura pa ang sarili ko ngayon dahil sa kanyang ginagawa. Hinaplos niya ang labi ko at napatingin muli sa aking mga mata. Mayamaya ay naramdaman ko na naman ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Wait! Is he going to kiss me? No! I need to stop him! Hindi niya ako dapat mahalikan! "Izyll! Nandiyan ka pa ba? Tulungan mo na lang akong magdal— oh!" Tila ba biglang kumawala ang kaluluwa ko sa pagdating ni Zhennie at talagang saktong makikita niya kaagad kami sa pagpasok niya. Ngunit itong isa ay hindi pa rin umaalis sa harapan ko kahit na nandito na si Zhennie. "Ahh ako na lang pala, excuse me," saad ni Zhennie, nang makabawi siya sa pagkagulat at kinuha ang dapat niyang kunin. Kaya naman nang makalabas na ulit si Zhennie ay doon na nagawang itulak si Izyll at mabilis na sumunod kay Zhennie. Bwisit! Nakakabwisit iyong ginawa niya. "Oh! Nakakagulat ka naman," narinig kong sabi ni Zhennie, kaya binigyan ko siya nang masamang tingin at inalis lang rin ang tingin sa kanya. "Bakit ba kasi wala kayo doon? Saan ba kayo naghahanda ng dinner?" naiinis na tanong ko sa kanya habang hindi nakatingin. "Actually, nasa pool. Doon kasi gusto ni Heart. Kaya naman doon namin dinala ang pagkain, matapos maluto. Ay, oonga pala inimbita na namin sina Cindy at Flare, naroon na rin sila," nakangiting sabi niya sa akin. "Okay," tanging sabi ko at dumiretso na sa may pool area. Tsk! Nakakahiya iyong nangyari kanina. Mabuti na lang at si Zhennie lang ang nakakita. Nakakainis kasi ang lalaking 'yon! Ano ba kasing trip niya!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD