Chapter 27

2029 Words
Nang makarating kami sa school at mai-park ni Zhennie ang kotse ay sabay na kaming naglakad tatlo. "Oonga pala ‘cous, nag chat sa akin iyong isang kaklase natin. Sinabi niya sa akin na subrang nainis raw saiyo si Clarise. Tsk! Siya na nga itong itinulak ka sa pool siya pa ang galit? Hanep di ba?" napapailing na sabi ni Heart sa akin. "Gano'n ba? Hays, bahala siya kung ano ang gagawin niya," tanging sabi ko. "Naku, huwag munang patulan, dagdag stress lang iyan saiyo," saad naman sa akin ni Zhennie. "Basta wala siyang gagawin, walang magiging problema," tanging sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at napailing na lang. Panay ang usapan namin, ngunit napahinto ako nang madaanan namin ang bulletin board at muli kong nakita ang mukha ng babaeng sinasabing ina ni Izyll. Napaka-inosente ng mukha nito at para bang nakakatakot na saktan ito. "Anong mayroon, ‘cous?" narinig kong tanong ni Heart. Hindi ko napansin na napahinto rin pala sila at nakatingin sa akin. Napailing lang ako. "Nothing," tanging sabi ko at muling naglakad. Dahil sa muli kong nakita ang kanyang mukha ay naalala ko na naman ang mga sinabi nina Izyll sa akin. Hindi ko alam kung paano sila kakausapin sa magiging desisyon ko. Habang nag iisip ako at bigla na lang may kung anong enerhiya na nagmumula sa likod ko. Kaya naman napalingon ako at doon ko nakita sina Izyll na nakasunod lang pala sa amin. Napangiti pa siya nang lumingon ako, subalit agad lang rin akong umiwas nang tingin. Hindi ko sinabi sa kina Heart na nasa likod lang sila, para hindi na niya magawa pa itong pansin. "Sana naman no, hindi pumunta dito si Gajeel? Naku! Nakakainis pa naman iyon, talagang sunod nang sunod iyon sa iyo ‘cous, hays!" sabi ni Heart. Natawa lang ako, dahil talagang hindi niya ka-vibes si Gajeel lalo na rin ako. Panay ang reklamo niya sa pagdating ni Gajeel, kaya naman hindi namin napansin ang mga bagay na nakaabang sa aming dalawa. Habang papaakyat kami sa hagdan ay bigla na lang may kung anong sumalubong sa akin. May bumato ng itlog sa mukha ko, hindi lang isa kundi sunod-sunod. "Oh my god!" sigaw ni Heart nang matamaan rin siya ng mga ito. Ganoon rin kay Zhennie, kaya kahit anong iwas namin ay masiyadong marami ang mga ito na bumabato sa amin. Matapos ng itlog ay may binato sila sa aming mga harina. Ngunit bago pa iyon tumama sa akin ay bigla na lang may humarang sa harapan ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nakaharang sa akin. Napalingon ako kina Heart at Zhennie, at nakita kong tulad ni Izyll ay nakaharang sina Jarryl at Yuan, kina Heart at Zhennie. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang nangyari o ano ang ginawa nila. Muli akong tumingin kay Izyll at ganoon pa rin ang itsura niya habang nakatingin sa akin. "Are you okay?" tanong niya sa akin at may kung ano siyang kinuha sa buhok ko at bahagyang pinunasan ang aking mukha. "A-Ayos lang ako," sagot ko sa kanya. Napansin kong tumigil na ang mga ito sa pagbabato ng kung ano. Kaya umalis na si Izyll sa harapan ko at pareho kaming napatingin sa itaas ng hagdan at doon nakita ko si Clarise na nakatingin sa amin at nakangisi. Sinamaan ko siya nang tingin. "Ayos ba ang pasalubong ko sa inyo?" nakangising sabi niya pa sa amin. "Sumusubra ka na talaga, Clarise!" naiinis na sigaw ni Heart dito. "Oh? Bakit? Anong gagawin mo? Haha! Dapat lang naman iyan sa mga basurang tulad niyo. Bakit niyo ba kasi ako kinakalaban, ayan tuloy ang nangyari sa inyo," pang iinis niyang sabi kay Heart. Kahit na kay Heart ang paningin ko ay napansin kong may nais gawin si Izyll. Iniangat niya ang kanyang kamay at natigilan ako sa binabalak niyang gawin. Kaya naman agad kong hinawakan ang kamay niya at umiling sa kanya. Napatitig naman siya sa akin at napatango na lang. Nilapitan ko si Heart at hinawakan ang braso saka umiling rin sa kanya. "Hayaan munang tawagin niya tayong basura. Ganyan naman talaga ang mga langaw, laging hinahabol ang mga basura. Kahit tinataboy na ay kusa pa ring lumalapit," sabi ko. Sinadya ko talagang palakasin ang boses ko, para marinig ng lahat lalo na siya. "Sabagay, ganyan naman talaga kapag nilalapitan ang basurang tulad natin," segunda naman ni Zhennie, na pinupunasan ang sarili. "What did you say?!" galit niyang sigaw sa amin at naglakad pababa ng hagdan. Nakita kong galit na galit siyang nakatingin sa amin. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya, nang bigla siyang madulas. Dahil na rin sa kumalat sa paligid ang mga bagay na binato nila sa amin kanina. Nauna ang pwet niya sa pagbagsak at napagulong-gulong pababa nang tuluyan sa hagdan. Wow! Ang bilis nang karma eh no? Hindi kami makapaniwalang nakatingin sa kalagayan niya, na ngayon ang dumadaing sa sakit. Nagkatinginan kami ni Heart at Zhennie, sabay naming naitikom ang sarili naming bibig upang mapigilang matawa dahil sa nangyari sa kanya. "O-Ouch!" daing niya. Mabilis naman siyang nilapitan ng mga kasama niya. Tinulungan siya ng mga kasama niya, pero hindi niya magawang tumayo. "Huwag ka kasing magmadali, para hindi ka mapahamak," napapailing na sabi ni Zhennie dito. Binigyan lang niya nang masamang tingin si Zhennie at tiningnan. Pinilit niyang makatayo, sa tulong na rin ng mga kasama niya. "Y-You will pay for this," mariing sabi niya sa amin. "Seriously, Clarise? Ikaw na nga itong gumawa nang eksena, tapos kami pa ang pagbabayarin mo? Are you really crazy? Sa katangahan mo iyang, kaya 'yan nangyari saiyo at talagang ubos na ang pasensya ko saiyo, lalo na sa ginagawa mo sa pinsan ko. Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo," seryosong sabi ni Heart dito. Tinaasan lang niya nang kilay si Heart at bumaling sa akin. Masamang tingin lang ang binigay niya sa akin. "Sige, tingnan natin kung sino sa atin dito ang matatanggal sa school na ito," sabi niya at tumalikod na sa amin. Napapailing na lang akong nakatingin sa kanya. Aalisin ko na sana ang aking tingin sa kanya, nang may napansin akong kakaiba sa aura niya. May nakitang parang pumapalibot sa kanya, na tila itim na enerhiya. Saglit lang iyon at nawala na agad, subalit alam ko kung ano iyong aking nakita. Napatingin ako kina Izyll at napansin kong kuno't noo silang nakatingin ngayon kay Clarise, na paika-ikang naglakad paalis. "Tsk! Magpalit na lang muna tayo nang damit," sabi ni Heart. Kaya napatingin rin ako sa aking suot at nakita kong naroon pa rin ang bakas ng mga itlog na binato nila sa amin. Napabuntong-hininga na lang ako at sumang ayon sa kanila. "Maari kayong matulungan ni Cindy," suhesyon ni Izyll at napatingin sa amin. "T-Talaga?" sabi ni Heart at bahagyang napatingin sa akin. Hindi ako nagsalita at tumango lang bilang sagot sa kung ano ang nasa isip niya ngayon. "Pwedi naman sigurong umuwi na lang tayo," saad naman ni Zhennie. "Uhm, well pwedi rin naman, salamat na lang boys," nakangiting sabi ni Heart sa mga ito at bumaling sa akin. Ngumiti siya. "Umuwi muna tayo at magpalit," sabi niya sa amin at tumango. Kaya naman nagpaalam na lang kami sa kanila at umalis na lang muna. Alam ko namang kayang-kaya nilang magpalit dahil may kapangyarihan sila na maari nilang gamitin para makapagpalit. Umuwi na muna kami at nagpalit. Habang papauwi kami ay panay ang usap namin sa nangyari. Nakakainis na rin talaga ang babaeng iyon. Siguro mas mabuting magkaharap na kaming lahat, para malaman niya kung sino kami. Ngunit hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Ano kaya ang bagay na iyon na saglit na lumabas sa kanya? Alam kong nakita iyon nina Izyll at nasisiguro akong may alam sila kung ano iyon. Siguro, kailangan ko nang kausapin si Izyll. Nang makarating kami sa mansion ay nag ayos kami ng aming mga sarili, saka muling bumalik sa school. Nang makabalik kami ay may napansin kami. Wala kaming sino mang nakitang pagala-gala sa paligid, na kadalasan naman ay nakikita namin. May nakita naman kaming dalawang bagong sasakyan sa ground, na para bang may bagong dating. "Tsk! Mukhang pinatawag nga sila ni Clarise," mayamaya ay sabi ni Heart. Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. "Sinong pinatawag ni Clarise?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin, at bahagyang napaismid. "Her parents, ganito lagi kapag nandito ang magulang niya. Talagang binibigyan nang katahimikan ang magulang niya kapag nandito ang mga ito. Special di ba? Haha!" sabi sa akin ni Heart at natawa pagkatapos. "Ay talaga? Mabuti pa ang magulang niya kung ganoon? Samantalang sa mga magulang ko hindi, haha!" natatawang sabi naman ni Zhennie. "Oonga! Ang daya di ba? Haha!" napapailing na sabi ni Heart. Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa at bahagyang napailing. Ganoon pala ka-special ang magulang ng babaeng iyon dito? Tsss! Well, hindi ako makapaghintay na makilala ang magulang niya. Nagpatuloy kami sa aming paglalakad, hanggang sa makarating kami sa building namin at doon may nakatayong apat na naka-black suit na mga lalaki. May kasama itong guro at nakilala ko ito. Siya iyong sumita sa akin noong nagbabangayan kami ni Clarise. Hindi ko lang matandaan ang pangalan niya. Nang makita niya kami ay agad siyang lumapit sa amin. "The two of you, come with me at the dean's office," sabi niya sa amin. "Bakit po, Mrs. Marjorie?" tanong naman ni Heart. "Alam mo ba kung bakit, Ms. Marthelle, dahil iyon sa ginawa ng pinsan mo. Nabalitaan ko rin kanina na nahulog sa hagdan si Clarise at naroon kayo sa eksena. Tinanong ko ang nangyari pero walang sumasagot sa kanila. Kaya naman na malinaw na may kinalaman kayo sa nangyari kay Clarise. Naging dahilan rin iyon kung bakit nahihirapan si Clarise sa paglalakad ngayon," seryosong sabi niya sa amin at bahagyang sinamaan pa ako nang tingin. Napangisi naman ako dahil sa ginawa niyang iyon sa akin. "Oh? Purket naroon kami ay may kinalaman na agad kami? Sige, tingnan natin kung sino ang magmumukhang tanga sa ating lahat," nakangising sabi ko sa kanya at tumalikod. "Learn to know the whole story, before you point out someone to be blamed," narinig kong sabi ni Zhennie bago sumunod sa akin. Naglakad kaming tatlo patungo sa dean's office at hindi maalis ang tawa sa mga mukha namin dahil talagang nakakatanga ang ginagawa nila. Tsk! Napansin ko namang sumunod sila, kaya hindi na namin hinintay pa. Malapit na kami sa dean's office, nang matanaw ko ang tatlong lalaking pamilyar sa amin, na tila ba may hinihintay. Sila Izyll. Kaya naman nang makita kami ay umayos agad sila nang tayo at sinalubong kami. "Bakit kayo nandito?" walang emosyong tanong ko sa kanila. "Actually, hinihintay namin kayo para sabay na tayong pumasok sa loob. Ang sabi ni Mrs. Marjorie ay nasa loob na ang President ng school, ang magulang ni Clarise," sagot ni Izyll sa tanong kong iyon. Napatango ako at akmang magsasalita, nang may sumingit sa usapan namin. Walang iba kundi sina Mrs. Marjorie na nakasunod sa amin. "I know how rude you are, but this time you need to respect your elders, especially the President of this school. Kaya sana naman, Ms. Hearthelle Marthelle, kausapin mo iyang pinsan mo na huwag masyadong magbayang. She need to know her place," sabi nito at napaismid na tumingin sa akin. Tinaasan ko lang siya nang kilay at iniwas ang tingin sa kanya. Respect elders daw, kaya sige ibibigay ko iyon sa kanya. Tama naman kasi siya, kailangan rin siyang e-respeto kahit na nakakainis rin ang pagiging walang alam niya sa nangyayari. Tsk! "Okay, I will, Mrs. Marjorie," sabi ko sa kanya at nginitian siya nang matamis. Napapailing lang siyang iniwas ang tingin sa akin, saka niya kaming tiningnan lahat. "Pagkapasok ko, sumunod na agad kayo," sabi niya sa amin at tumalikod. Nakasunod sa kanya ang mga naka-black suit na lalaki. Hmm, siguro mga bodyguard ito ng kanilang Presidente, tsk! Kaya naman nang pumasok siya ay sumunod na rin kami. Well, it's time for them to know who's really the President here. Napangisi na lang ako sa naiisip kong pweding mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD