Chapter 28

2113 Words
Pagkapasok ni Mrs. Marjorie ay bahagya kaming nagkatinginang tatlo, nina Heart at Zhennie. Hindi ko naman pinansin ang tatlong lalaki, na kasama namin. Naunang pumasok si Heart, kasunod si Zhennie. Napatingin naman sa akin si Izyll, nang hindi pa ako pumapasok. Tumango lang ako at pinauna silang tatlo. Kaya naman pumasok na rin sila. "Mr and Mrs. President, sila po ang may ugnayan sa nangyari kay Clarise," narinig kong sabi ni Mrs. Marjorie. Kahit nasa labas pa ako ay narinig kong sinabi niya iyon. Napabuntong-hininga ako at sumunod na sa pagpasok. Pilit kong ikinukubli ang sarili ko para hindi ako makilala ng mga ito. "Really? So, what happen? Bakit nahulog sa hagdan si Clarise? Explain it," narinig kong tanong ng ina ni Clarise. Walang nagsalita sa amin at bahagya pa kaming nagkatinginan. "Anyone? Who can explain it?" paulit na tanong ni Mrs. Marjorie. Tsk! Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong mainis sa kanya. Masyado siyang pakialamera sa totoo lang, pabor lagi sa malditang babaeng iyon. "See mom? They can say anything what happen to me! They are useless! I want them to expell right now! Baka sa susunod kung ano na ang gagawin nila sa akin," sigaw ni Clarise at sinamaan kami nang tingin. Ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang saya, dahil walang kahit sino sa amin ang nagsalita. "Ms. Hearthelle Marthelle, say something," narinig kong tanong ng Dean kay Heart. "I don't need to say something, Dean. Because we didn't do something to her, so? Why would I explain?" mataray na sagot ni Heart dito. Nakita ko kung paano napataas ang kilay ng ina ni Clarise. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Heart. Tinago ko pa rin ang sarili ko sa likod nina Izyll para hindi ako makita. May gusto lang akong mapanood na eksena, bago ako papasok. "My daughter was in danger that time, so how could you say that? Naroon ka sa lugar nang pangyayari, kaya alam mo rin kung ano ang nangyari. So now, I'm asking you, what really happened?" muling tanong ng ina ni Clarise. "Mrs. De guzman," narinig kong tawag ni Zhennie. Napasulyap ako sa kanila, kung paano nito sasagutin si Zhennie. Nakita ko kung paano siya tingnan nito. "I know you, what are you doing here?" nakataas-kilay nitong tanong kau Zhennie. "I'm her friend and I'm also with them when that accident happen," sagot naman ni Zhennie. "It wasn't an accident, Mom! They push me and tried to kill me!" agaw-pansing sabi ni Clarise sa kanyang ina, kaya bahagya itong napatingin sa kanya at pilit na pinapakalma. "You, why are you hiding there? You're the reason why I become like this! Are you afraid, huh?" saad sa akin ni Clarise. Napapikit na lang ako, nang sabay silang napatingin sa akin. Kaya naman sa isang tao ako napatingin nang deretso bago humakbang. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha nang makilala ako. Akmang itataas niya ang kamay upang ituro ako, pero umiling lang ako. Nakita ko naman ang itsura ng kanya ina, at maging ito ay nagulat nang makilala ako. Napangisi lang ako sa kanya. "I'm not afraid, Clarise. Tinatago ko lang ang sarili ko, dahil alam kong makikilala ako nang magulang mo, right? Mr. and Mrs. De guzman?" nakangising sabi ko sa kanila. Hindi sila nakapagsalita sa gulat, nang makita ako. Napansin kong napatingin si Clarise sa magulang niya at nakita niya ang mga reaksyon nito. Naglakad ako papunta sa harapan at kumuha ng upuan, saka umupo. "Ms. Khendrey Marthelle, pay your respect to our President," banta sa akin nang Dean. Bumaling lang ako sa kanya at napangiti. "Don't worry, I respect my elders, because they respect me too, right?" sabi ko at bumaling sa mag asawa. Hindi sila nakapagsalita at marahan lang na tumango. Napatingin naman ako kay Clarise na nagtataka sa nangyayari. Napangisi naman ako habang nakatingin sa kanya. "What's going on? Do you know her dad?" nagtatakang tanong ni Clarise sa magulang niya. "Yes, we know her," sagot ng kanyang ama. "Hindi niya ba alam na pag aari ng mga Marthelle, ang lupang tinitirikan ng school na ito? We are also one of the stock holders of this university," sabi ko kay Clarise na nagugulat na nakatingin ngayon sa akin. "But I think, it's doesn't mean that you need to hurt someone," mayamaya ay singit ni Mrs. Marjorie. Napakunot-noo akong tumingin sa kanya at natawa. Napatingin ako sa mag asawa at itinuro ang guro. "Kaano-ano niyo ba ang gurong ito? Masyadong pakialamera at nabuburyo na ako dito," nakataas-kilay kong sabi habang nakaturo kay Mrs. Marjorie ang kamay ko. "You—" "Stop it," pigil sa kanya ni Mrs. De Guzman at napailing dito. Natawa ako dahil sa itsura nito at napatango-tango dito. "So, who is she?" muling tanong ko sa kanila. "She's one of our teachers and guidance counselors," sagot ng Dean sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon at napangiti. "Kung ganoon, malamang alam niya rin lahat nang ginawa ni Clarise? Siguro naman hindi naghihirap ang school na ito, para hindi makabili ng mga Cctv? At lahat naman sigurong nakikita kong Cctv dito ay gumagana. Kaya naman gusto kong makita ang lahat ng footage na may kinalaman sa amin ni Clarise, para makita niyo naman kung ano talaga ang nangyari. Hindi iyong magtuturo kayo kung sino ang nauna o nakagawa nang kasalanan sa amin. Hindi naman kami bata para magturuan, di tulad ng guro iyan na para bang alam lahat," sabi ko at bumaling kay Mrs. Marjorie na tiningnan ako nang masama. Kaya naman tinaasan ko lang siya nang kilay. "What? Nainsulto ka ba sa sinabi ko? Ganoong totoo naman ang sinasabi ko? I respect you as a teacher, but I can't tolerate your behavior. Para bang imbis na pagsabihan ang isang tao, para bang kinukunsinti niyo pa. Wala akong pakialam kung anak siya ng Presidente dahil may dahilan ako para magsalita," sabi ko at bumaling kay Clarise na nakatiim-bagang na nakatingin sa akin ngayon. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Unang-una, hindi iyan mangyayari sa kanya kung hindi lang siya tanga. Ngunit alam mo rin Clarise kung ano ang ginawa mo kaya ka nagkaganyan. Huwag mong isisi sa iba ang katangahan mo, dahil hindi nakakatuwa. Mr. De Guzman," sabi ko at bumaling sa kanyang ama. Na agad naman tumalima at umayos nang tingin sa akin. "Hindi namin kailangang humingi nang tawad sa nangyari sa kanya. Dahil kung may ginawa kami, kahit lumuhod kami para humingi nang tawad ay gagawin namin. Ngunit dahil wala kaming ginawa, wala rin dahilan para humingi kami nang tawad at mas lalong wala kayong karapatang paalisin kami ng basta-basta tulad nang sinabi niya. Dahil kapag na bwisit pa ako sa anak niyo, siya ang papaalisin ko sa lugar na ito," seryosong sabi ko sa kanila at bumaling kay Clarise na nanlaki ang mga mata matapos ko iyong sabihin. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang tumayo sa harapan namin at tiningnan ako nang masama. "Clarise, ano ba!" pigil sa kanya nang kanyang ina. "What? Sino ba siya para magsalita nang ganyan? Hindi ako naniniwala na ang mga basurang tulad niyo ay ang nagmamay ari ng lupang ito! Mula ito lolo ko! At kami ang nagmamay ari ng lupang ito!" galit niyang sigaw sa akin. Nilapitan siya nang kanyang ina at hinawakan sa kamay. "Ano, Clarise! Makinig ka nga sa akin? Tama na, dahil totoo ang sinabi niya. Sila ang may ari ng lupang ito dahil bininta namin ito sa kanila. Ngunit tayo pa rin ang nagmamay ari sa school. Ngunit hindi pa rin maganda na ganyan ka magsalita sa kanya. We respect her!" seryosong sabi ng kanyang ina at tiningnan ito sa mga mata. Nakita ko kung paano matigilan si Clarise sa sinabing iyon ng kanyang ina, lalo na sa huling sinabi nito. "W-What?" hindi makapaniwalang sabi nito. Naramdaman ko ang kamay ni Heart na nasa aking balikat. Kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi naman siguro kailangang sabihin dito ang tungkol sa mafia di ba?" pabulong niyang tanong sa akin. "I don't know," sagot ko sa kanya. Nagkatinginan kami at tumango lang ako sa kanila. Napatingin ako kina Izyll na tahimik lang na nakikinig sa amin. "Siya ang dapat na rumispeto sa inyo, hindi siya! Sino ba siya para sabihin niyo iyan, Mom?" napapailing niyang sabi sa kanyang ina. Hinawakan siya sa dalawang balikat ng kanyang ina at mariing tinitigan. "Huwag ka na kasing matigas, Clarise, tama na. Huwag na nating palakihin ang gulong ito," sabi ng kanyang ina. "Mom? Hindi ako papayag na ganoon lang, sino ba kasi siya huh?" pangungulit niya. "Clarise, I'm warning you," mayamaya ay sabi ng kanyang ama. "Huwag ka nang magmatigas pa, Clarise, kung ayaw mong mawala ang lahat nang pinaghirapan ng mga magulang mo," seryosong banta ni Zhennie. Nakita ko naman parehong napatingin ang magulang nito kay Zhennie. Hindi sila makapaniwalang nakatingin ngayon kay Zhennie. "N-Nagbibiro ka lang naman siguro do ba?" natatawang sabi ng ama ni Clarise. "Mangyayari talaga iyon, kung hindi niyo patatahimikin ang anak niyo. Kilala niyo naman siguro ako di ba? Marunong akong tumupad sa usapan, basta maayos ang kausap ko. Kaya naman, kausapin niyong mabuti ang anak niyo o baka naman kailangan ko pang magpakilala sa kanya ng pormal para malaman din niya ang tinatago niyo," sabi ko at binigyan sila nang nagbabantang tingin. Nakita kong napalunok sila at napatango sa akin. "Huwag kang mag alala, kami na ang bahala kay Clarise," sabi nila sa akin. "What? No! Tell me who is she! Bakit parang natatakot kayo sa babaeng iyan? Huh, mom?" matapang niya pa ring sabi. "Enough, kung ayaw mong may mangyari sa silid na ito," seryoso kong sabi sa kanya at mariin ko siyang tinitigan. "K-Khendrey, huwag na kayong mag alala, kami na ang bahala sa kanya," sabi sa akin ng kanyang ina. Napatango na lang ako at napaiwas nang tingin sa kanya. "Sige, palalampasin ko ang ginawa nang anak niyo dahil wala naman siyang alam kung sino ako. Ngunit gusto ko rin maging malinis ako na wala akong gagawin sa kanya, kapag wala rin siyang gagawin sa akin. Ipapakita namin sainyo ang kuha, noong una naming pagkikita at lahat na nangyari," sabi ko. Tumango ako kay Zhennie at may kinuha siya sa bag niya. Ibigay niya ang isang Usb kay Dean, na kanina pa nakikinig. "Nakakuha kami ng copy, bago mai-delete ni Mrs. Marjorie ang lahat ng footage. Di ba, ang galing din niya?" sabi ko at bumaling kay Mrs. Marjorie na hindi makapaniwala nakatingin sa amin. Nakita ko ang pamumulta ng mukha niya. Papailing akong umiwas nang tingin sa kanya. Nakita kong ipinasok iyon ni Dean sa loptop niya at nabuksan rin ang malaking wall screen sa gilid. Kaya nakita namin doon ang mga senaryo noong una naming pagkikita ni Clarise. Hanggang doon sa nasundan pa, habang nagpapalitan kami ng salita. Noong nasa cafeteria kami na talagang muntik ko na siyang masaktan dahil sa ginawa niya. Maging doon sa hallway na bigla na lang hinila ang buhok ko. Iyon 'yong araw na magkasama kaming naglalakad ni Izyll. Iyon din 'yong unang araw na nakilala ko si Mrs. Marjorie. Lahat nang iyon ay nakikita namin ngayon. Hanggang doon sa nangyari sa amin kanina, noong pumasok kaming tatlo na binato nila kami ng kung ano-ano. Maging iyong pagkahulog ni Clarise ay kitang-kita nila. Napatingin naman ako kay Clarise, na bahagyang napaiwas nang tingin at napayuko. Nang matapos ang video ay naging tahimik kaming lahat. "So, malinaw na ang isip-batang anak niyo ang unang nagsimula ng gulo sa pagitan namin. Kaya hindi niyo kami kailangang sisihin kung bakit siya ganyan ngayon. Huwag kang pa-inosente masyado, Clarise, lalo na at hindi mo kilala ang binabangga mo," mariing sabi ko sa kanya. Hindi sila nakapagsalita, kaya naman tumayo na ako at bumaling sa guro na hindi halos makatingin sa amin. "Malinaw rin na may ginawang mali ang guro niyo. Kaya naman gusto kong mawala na siya sa lugar na ito, dahil nainis niya ako ng subra," sabi ko at bumaling kay Mrs. Marjorie na nagulat dahil sa sinabi ko. "W-What?" hindi makapaniwalang sabi nito sa akin. "Ms. Khendrey, hindi namin maaring gawin ang sinasabi mo," sabi sa akin ni Dean. "Ah talaga? Sige, ganito na lang. Mamili kayo kung sino ang paalisin ninyo sa aming tatlo. At syempre alam niyo na kapag kami ang pinili niyo," sabi ko at mariin silang tiningnan. Tumingin ako kina Heart, na natahimik rin at hinayaan lang akong magsalita. Tumango ako sa kanila at bago umalis ay muli akong bumaling sa mag asawa. "Let's talk again sometime, Mr. and Mrs. De Guzman," sabi ko sa kanila at tumango. Matapos kong sabihin iyon ay inaya ko na silang umalis doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD