Chapter 26

2025 Words
KHENDREY'S POV Kinabukasan... matapos kong maghanda ay lumabas na ako sa kwarto. Kahapon nang makauwi sina Heart at Zhennie ay hindi ko na nagawa pang kausapin sila dahil naging abala na ako sa pagsasanay sa training area. May training area ako dito sa mansion at paminsan-minsan ay kasama ko si Zhennie o di kaya si Heart. Ngunit nanonood lang si Heart sa akin at laging pinipuri ang sarili ko, dahil magaling daw ako. Tsk! Maaga na rin akong nagpahinga kagabi at hindi ko na nagawang kumain ng hapunan. Kaya naman ngayon ay maaga akong nagising, upang makakain. Pababa na sana ako nang hagdan, nang makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Heart. Nakita ko siyang lumabas at nakaayos na rin. Napatingin siya sa akin at bahagyang natigilan. Akala ko ay hindi na niya ako papansin, pero nagulat na lang ako nang ngumiti siya sa akin at bigla akong niyakap. Hindi ako nakakilos sa ginawa niyang iyon. "Sorry sa inasta ko at sa hindi pagkausap saiyo," sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "Ano ka ba, ayos lang. Hindi mo kailangang humingi nang tawad sa akin," sabi ko sa kanya. Humiwalay siya sa akin nang yakap at napangiti. "Nakakabigla lang kasi iyong ginawa mo kina Izyll, kaya medyo na ano rin ako. Mabait naman sila eh, kaya bakit nga ba 'cous?" tanong niya sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at naging seryoso ang tingin sa kanya. Napabuntong-hininga ako. "Pasensya ka na, gusto ko mang sabihin saiyo ang dahilan ay hindi ko pa kayang sabihin. Kaya sana huwag na muna tayong lumapit sa kanila. Please give me some time for this, Heart," sabi ko sa kanya. Nakita kong nawala rin ang ngiti sa mukha niya at malungkot na napatingin sa akin. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya. "Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo. Ngunit kapag handa ka nang sabihin sa akin ang dahilan mo, sabihin mo lang, okay?" sabi niya sa akin at ngumiti. Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon at hinaplos ko ang buhok niya saka napatango sa kanyang sinabi. "Halika na, sabay na tayong mag almusal," anyaya ko sa kanya. Tumango naman siya at sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan. Tumuloy kami sa dining area at doon naabutan namin si Zhennie, na tumutulong sa paghahanda ng pagkain sa mesa. Napatingin siya sa amin at nakita kong natigilan siya nang makita kaming magkasama ni Heart. Napatingin ako kay Heart na nakayakap pa sa braso ko at muling tumingin kay Zhennie. "Wow! My favorite!" masiglang sabi ni Heart at bumitaw sa akin. Dumiretso na siya sa hapagkainan at umupo sa upuan. "Let's eat na, guys!" anyaya niya sa amin. Napapailing na lang ako at nakangiting nakatingin kay Heart. Bumaling ako kay Zhennie at napapailing rin habang nakatingin kay Heart. Umupo na rin ako at kumuha na ng pagkain, ganoon rin si Zhennie. "So, bati na ba kayo?" puna ni Zhennie sa aming dalawa. Nagkatinginan kami ni Heart at sabay na napatingin kay Zhennie. "Hindi naman kami nag away, nagtampo lang talaga ako pero ayos na iyon," nakangiting sagot ni Heart at tumingin sa akin. Napangiti naman ako sa kanya at bahagyang tumango kay Zhennie, na inirapan lang kami. Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Bumalik ang sigla sa pagitan naming tatlo at naging maayos ang pag aalmusal namin. Matapos no'n ay sabay na kaming lumabas ng mansion upang pumasok. Tulad nang dati ay sumabay sa amin si Zhennie, papunta sa school namin ni Heart. Habang nasa biyahe kami, ay bigla kong naalala ang sinabi ni daddy kahapon tungkol kay Gajeel. Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba naman kasi susunod pa iyon dito. Nakakainis pa naman iyong kasama, maging si Heart at Zhennie ay naiinis rin sa lalaking iyon. "May problema ba?" mayamaya ay narinig kong tanong ni Heart. Hindi ko napansing nakatingin na pala silang dalawa sa akin, habang nagmamaneho naman si Zhennie. "Paparating pa lang," sagot ko sa kanya at nasapo ang aking noo. Bahagya akong napapikit at kahit wala pa dito ang lalaking iyon ay sumasakit na ang ulo ko. "Huh? Bakit? Ano ang paparating na problema?" nagtatakang tanong sa akin ni Heart. "May nangyari ba?" seryoso namang tanong ni Zhennie. Napamulat ako at tumingin sa kanilang dalawa. "Tumawag sa akin si Daddy kahapon at kinu-kumusta ako. Ayos na sana, kaso sinabi niya na sumunod sa akin dito si Gajeel. Kaya naman talagang problema sa akin ang lalaking iyon," sabi ko sa kanilang dalawa at nakita ko kung paano sila nagulat sa aking sinabi. Tulad nang inaasahan ko ay talagang magugulat sila at napaayos nang upo. "Seriously?" hindi makapaniwalang sambit ni Zhennie. "Oh my god! That guy? Bakit naman siya sumunod dito? Wala na ba siyang magawa doon, para sundan ka talaga dito?" sabi ni Heart at bahagyang napaismid. "Hindi ko alam, ang tanging sabi ni Dad ay nag aalala daw siya sa akin dahil nakapaligid sa atin sina Rigor," paliwanag ko sa kanila. Nakita ko namang natigilan si Heart dahil sa sinabi ko. Napansin ko ang biglang pananahimik niya, na tila ba may naalala o naisip. Matapos marinig ang pangalan ni Rigor. Napansin kong napatingin sa akin si Zhennie, kaya ganoon rin ako sa kanya at sabay kaming tumingin kay Heart na biglang natahimik. Nakita ko pa, kung paano niya naikuyom ang kanyang kamay. Kaya naman hinawakan ko iyon. "Heart? Anong problema?" tanong ko sa kanya. "S-Sa totoo lang, ‘cous, Zhennie, nitong nakaraang araw napapansin kong parang laging may nakabantay sa akin. Kahit saan ako mapunta ay ganoon lagi ang nararamdaman ko. Hindi niyo mahahalata sa itsura ko at lalong hindi malakas ang aking pakiramdam pero ganoon ang nasa isip ko," sabi ni Heart. Kaya napakunot-noo akong nakatingin sa kanya ngayon. Maging si Zhennie ay naging seryoso ang tingin at napansin kong naging mabagal ang pagpapatakbo niya sa kotse. "Anong ibig mong sabibin? Na talagang may sumusunod saiyo?" seryosong tanong ni Zhennie sa kanya, ganoon rin ang nasa isip ko. "Oo, sa campus ay may nararamdaman din akong nakamasid sa bawat galaw ko. Lalo na rin kahapon at nakilala ko pa ang lalaking iyon," muling sabi niya. Naging seryoso ang tingin ko, matapos niya iyong sabihin. Nagkatinginan kami ni Zhennie, bakit wala siyang sinabi sa akin kung ano ang nangyari sa lakad nila kahapon. "Sino ang lalaking iyon?" mariing tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam ang pangalan niya, pero minsan ko na siyang nakitang kasama si Rigor. Lagi mong pinapikita sa akin ang mga litrato nina Rigor di ba? Isa sa mga litratong naroon ay ang lalaking iyon. Siya rin ang minsan nakakasalubong ko sa subdivision natin, sa tuwing nag j-jogging ako minsan. Kapag nasa labas ako ng bahay ay nakikita ko rin siyang naglalakad, pero nasisiguro kong may iba siyang motibo sa tuwing nakikita ko siya. Napapansin ko iyon sa tuwing tumitingin siya sa amin. Kahapon, noong pumasok kami ni Zhennie sa mall ay nasa likod lang namin siya. Hindi ako nagpahalata kay Zhennie, pero kinakabahan na ako no'n. Iba kasi ang dating niya, kaya nang makita namin sina Cindy sa mall ay gumaan na ang pakiramdam ko. Ngunit naroon pa rin ang lalaking iyon, malapit lang sa amin," mahabang kwento niya sa amin. Ngunit, napakunot-noo ako sa kanyang huling sinabi. Si Cindy? Ibig sabihin magkasama sila kahapon? Ngunit bakit nakita si Flare at Izyll dito kahapon, na para bang nakabantay rin sa bawat kilos ko? Ibig sabihin din ba no'n ay nakabantay rin sila sa kilos ni Heart? "Anong sunod na nangyari?" tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago sumagot. "Ayon nga, nakasunod lang siya sa amin kahapon. Maging no'ng kumain kami sa restaurant ay pumasok rin siya upang kumain. Mabuti na lang talaga at may iba kaming kasama ni Zhennie kahapon. Subrang kaba nang nararamdaman ko, mabuti na lang no'ng matapos kaming kumain ay hindi ko na siya nakita," sabi niya at ngumiti na sa akin. "Pasensya ka na kung hindi ako nagsasalita tungkol doon. Alam ko kasing mag aalala ka," sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. "Natural na sa atin ang mag alala. Sa susunod, kapag may napansin kang kakaiba sa paligid mo, sabihin mo lang, okay? Nandito kami ni Zhennie para makinig at magp-protekta saiyo," nakangiting sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "Huwag mont dibdib kung ang kaba na nararamdaman mo. Alam mo namang nandito kami, para saiyo eh. We're friends, we're family and family will protect each other," sabi naman ni Zhennie at ngumiti kay Heart. "Haha! Yeah, right! Nakahinga na rin ako nang maluwa haha!" sabi niya at tumawa. Napapailing na lang akong napatingin sa pinsan ko. Nagtama ang paningin namin ni Zhennie at parehong naging seryoso ang mga tingin namin. Nasisiguro akong may ginawa sina Cindy. Impossibleng hindi nila mapapansin ang taong tinutukoy ni Heart. Kaya malamang ay ginawa sila, kaya hindi na ito nakita pa ni Heart. "Kaso lang, paano na iyan? Bakit naman kasi sumunod pa iyong baliw mong fiancee ‘cous eh! Maloloka ako kapag nandito na siya," sabi niya at napakamot pa sa kanyang buhok. "Hays, ewan ko," tanging sabi ko. "Sasakit naman ang mga ulo natin sa lalaking iyon, " napapailing na sabi ni Zhennie. Tsk! Patuloy ang usapan namin tungkol kay Gajeel. Talaga naman kasing ayaw nila sa lalaking iyon. Masyadong clingy! Parang bata kung makadikit sa akin at pinapakialam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko talaga alam kung paano nila ako ipinagkasundo sa lalaking iyon. Sinabi ko na kay Daddy na ayaw ko sa lalaking iyon. Ngunit ang sinabi lang niya sa akin ay pakisamahan ko na lang raw ito. Dahil sa ma-empluwensya ang pamilya ni Gajeel at may kapit sa gobyerno ay hinayaan ko na lang. Pansamantala lang naman iyon, dahil talagang ayoko. Kapag ako na talaga ang magiging pinuno sa buong mafia, ay hindi ko hahayaang makasal ako sa iba lalo na kay Gajeel. Hindi ko gusto ang takbo nang utak nito. Inaamin ko namang matalino siya, gwapo at malakas ang dating, higit sa lahat ay marunong makipaglaban. Pweding-pwedi kaming dalawa sa paningin ng iba, pero para sa akin ay hindi. Ayokong pinapakialaman ang magiging desisyon ko, lalo na sa pagpili ng lalaking mamahalin ko. Ayokong matali sa taong napilitan lang rin ako. Kung pwedi lang mamuhay nang normal ay ginawa ko na, subalit sa pamilyang pinanggalingan ko ay imposible iyon. Habang ganoon ang nasa isip ko, ay bigla itong nasapawan dahil sa panibagong hamon ng buhay ko. Ang pagdating nina Izyll ang dahilan kung bakit biglang nagulo ang takbo nang isip ko, na parang ayaw nitong gumana dahil sa subrang pagkabigla at paglito. Isang hamon, na hindi ko alam kung makakaya ko nga bang harapin, lalo na at may maiiwan. Hindi ko alam kung kaya ko nga bang ipagpalit ang pamumuhay ko ngayon, kapalit ang bagong pamumuhay na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung mananatili ba akong sa daigdig kong ito o papasok sa panibagong mundo na nakaabang na sa akin ngayon. No matter how I think everything, I still can accept that fact, that I need to left everything what I have right now. Because even if I won't, it's still needed. Ngunit kahit ganoon na ang nasa isip ko ngayon, ayoko pa ring magdesisyon agad. Ayokong madaliin ang lahat dahil hindi ko pa kayang iwan ang mundong ito. Ang mundo kung saan ako isinilang at nakasama ang mga taong mahal ko. Lalo na ang sarili kong ama, na siyang tumaguyod sa akin hanggang sa paglaki. Iniisip ko pa lang na kailangan ko siyang iwan ay naninikip na ang dibdib ko. Ayokong iwan si Dad, lalo na at malaking responsibilidad ang maiiwan sa kanya. Higit pa doon ay kasama ko pa si Heart. Okay na sanang ako lang, pero kasama pa si Heart. Alam kong magugustuhan niya ang bagay na ito, subalit napaka-inosente niya pa rin sa ibang bagay. I want her to live a normal life, but now, I think it's really hard to do that. Napatingin ako kay Heart, kahiy nakangiti siya ay napapansin ko pa rin na may iba pang laman ang isip niya. Hays! Sana naman wala nang darating pang problema. Ayoko nang madagdagan pa kung ano man ang nasa isip ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD