Chapter 58

2076 Words
Bahagya akong kumatok sa kwarto ni Daddy, bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo isang upuan at nasa harapan niya ang isang round table na mesa. May mga papelis na naroon, na tila ba binabasa niya. "Good evening, Dad," bati ko sa kanya. "Uhm, akala ko tulog ka na, dapat nagpapahinga ka na," sabi niya sa akin. Humalik ako sa pisngi niya at bahagyang tiningnan ang mga papelis na naroon. "Kayo rin dapat ay nagpapahinga na, Dad. Well, what's this?" saad ko sa kanya. "Iyan ang mga ari-arian ng mga Del mondo," aniya. Kinuha ko ang isang papel at nakita ko ang mga pangalan ng magulang ni Gajeel. Maging siya ay mayroon din, mukhang malaki-laki na rin ang mga naipundar nila. "Ano pa lang gagawin mo dito, Dad?" tanong ko. "Ibibigay ko sa mga magulang nina Geel, upang itago nila o di kaya gamitin. Hindi na naman sila makakalaya pa dahil sa ginawa nilang krimen sa pamilya natin. While Gajeel, maaari siyang makalaya after 5 years. Kaya naman kailangan ko rin paghandaan iyon, dahil baka maghigante siya sa atin," seryosong sabi ni Daddy. "Mas mabuti sigurong itago mo na muna iyan, Dad at kapag nakalaya na si Gajeel ay ibigay natin iyan. Nasisiguro ko namang hindi ganoon kasama si Gajeel. Nararamdaman ko ang totoong pagmamahal niya sa akin, kaya naman alam kong mabuti pa rin siyang tao," sabi ko kay Daddy. Napatingin siya sa akin at napabuntong-hininga. "Sige, itatago muna natin ito. Ngunit kailangan mo ring kausapin si Gajeel, dahil may mga ari-arian din siya at pera sa bangko na hindi natin pweding hawakan. Tanungin mo siya kung ano ang gusto niyang mangyari doon, habang nakakulong siya," saad ni Dad. "Okay, I will do that," sabi ko. Muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa mga papelis na naroon. Kaya naman hindi ko alam kung paano kukunin ang kanyang atensyon. Ngunit kailangan ko pa rin siyang makausap ngayon. "Dad?" sambit ko sa pangalan niya. "Yes?" tugon niya na hindi lumingon sa akin. "Can we talk for a while? Is not for some business matter, but it's really important for the two of us," saad ko. Nakita kong napahinto siya sa kanyang ginagawa at hindi lumingon sa akin. "Hindi na ba iyan pwedi bukas?" walang-lingong tanong niya. "Sa tingin ko kasi, kailangan ko na itong sabihin saiyo. Dahil hindi ko alam kung may lakas pa akong sabihin iyon saiyo.." Narinig kong napabuntong-hininga siya at tumango. Bumaling siya sa akin at ngumiti. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. "Okay, let's talk about it," aniya. Tumayo siya at inakay ako sa labas ng kanyang veranda. Nakaramdam ako nang pagtataka dahil sa kanyang ikinilos. Hindi ko mahulaan pero pakiramdam ko ay may alam siya sa isang bagay na alam ko. Hays, ewan! Nang makarating kami sa Veranda ay pareho kaming naging tahimik sa isa't isa. Pinakiramdaman ko siya, tila ba ang lalim ng kanyang iniisip. Imbes na ako dapat ang magiging ganyan. "Kung ano man ang magiging desisyon mo, ay iintindihin ko iyon," mayamaya ay sabi niya, kaya natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Tama ba iyong narinig ko? "W-What do you mean, Dad? I-I didn't say anything yet," nagtataka kong tanong sa kanya. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "I know everything from the start," aniya. Kaya naman naguguluhan akong nakatingin sa kanya. He know everything from the start? From the start? "Anong alam mo, Dad?" nalilito kong tanong sa kanya. "Alam mo ba, noong ipinagbubuntis ka pa lang ng ina mo ay subrang saya ko. Dahil sa wakas ay dumating ka sa buhay namin. Matagal bago nabuntis ang ina mo, halos limang taon kaming naghintay. Inakala talaga namin noon na hindi na mabubuntis ang iyong ina. Hanggang isang araw ay may kumausap sa aming isang babae. Nagpakilala siya sa amin bilang si Trinity at sinabi niya sa amin na mabubuntis ang ina mo. Ngunit ang batang ipagbubuntis niya ay hindi magtatagal sa aming kamay, dahil kukunin niya ito," sabi ni Daddy. Natigilan naman ako sa sinabi ni Dad. Ibig sabihin ay noon pa talaga ay itinadhana na akong malayo sa kanila. "Syempre, hindi ako pumayag doon. Anak kita, kaya hindi ko hahayaang kukunin ka na lang. Subalit ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit ka niya kukunin. Sinabi niya, na ikaw ang bagong tagapagmana nang sinasabi nilang malakas na kapangyarihan. Noong una ay hindi ako naniwala, subalit pinakita niya sa akin ang iyong hinaharap. Noong ipinanganak ka ay kinuha ka niya agad sa amin, maging si Heart ay kinuha niya. Ngunit nagmakaawa ang iyong ina, na huwag ka munang kunin dahil gusto ka pa niyang makasama nang matagal. Kaya naman pumayag siyang manatili ka sa amin, hanggang maging 18 ka. Subalit, nang maipanganak ka ay namatay naman ang iyong ina. Akala ko kagagawan niya iyon. Kaya naman inilayo kita upang hindi ka na niya mahanap. Hanggang sa lumaki ka na sa akin at pumasok sa ating organisasyon. Akala ko hindi na darating ang araw na mawawala ka sa akin, subalit darating parin pala," mahabang kwento niya at naramdaman ko ang lungkot sa kanyang huling sinabi. Hindi ako nakapagsalita at naramdaman ko na lang ang aking luha na dumaloy sa pisngi ko. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon. Alam na pala niya noon pa, at ginawa niya ang lahat para hindi nila ako mahanap. Subalit, heto at nahanap na nila kami. Pakiramdam ko mas masakit ito, kaysa sa wala siyang alam. "Kaya naman kung ano man ang iyong magiging desisyon ay tatanggapin ko," muling sabi ni Daddy. "Dad, wala pa akong sinasabi pero bakit pakiramdam ko ay talagang magkakahiwalay na tayo," umiiyak na sabi ko sa kanya. Bigla niya akong hinila at niyakap. Kaya mas lalo akong naiyak sa ginawa niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod. "Narinig ko ang pinag uusapan niyo kanina. Bago niyo pa ako makita ay umalis na ako. Nagpanggap akong walang narinig no'ng parating ka na dito. Narinig ko lahat at naiintindihan ko kayo," sabi niya sa akin. Napapikit ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Masakit at nakakalungkot pa rin tanggapin, na sa ganitong sitwasyon kami maghihiwalay dalawa. "Dad, ayokong iwan kayo pero...pero," umiiyak ko paring sabi sa kanya. "Ssshh, huwag ka nang mag isip nang kung ano, maging ako ay ayokong mawala ka. Subalit, ito ang nakatadhana sa ating dalawa, lalo na saiyo. Kaya kailangan mo itong harapin," payo niya sa akin. Hindi ako tumugon sa kanya at nanatili pa rin na nakayakap, na tila ba ayoko nang humiwalay sa kanya. "Khendrey, you're a brave and strong lady. I know, you can handle everything. I'm sure, magkikita pa naman tayo," sabi niya sa akin. Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya at nag angat nang tingin. Pinunasan niya ang aking mukha, gamit ang kanyang kamay habang nakangiti sa akin. "Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang anak ko," sabi niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niyang iyon. "Huwag kang mag alala, kaya ko ang sarili ko. Malalabanan ko pa rin ang lungkot sa pag alis mo. Kaya lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita," nakangiti niyang sabi sa akin. "I love you too, Dad," sambit ko at muli siyang niyakap. Maging siya at niyakap ako nang mahigpit. Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto, hanggang sa kusa na akong humiwalay. "Zhennie will help you everything, Dad. So, you don't need to work harder and you need to remember your health too," sabi ko sa kanya. "Okay, but, I want to have a favor," mayamaya ay sabi niya. "Huh? What favor, Dad?" nagtataka kong tanong. "I want to meet your guardian," aniya. Napamaang ako sa sinabi niyang iyon at hindi agad ako nakapagreak. Ibig sabihin ay alam niya ang tungkol doon? "I see them too. So, I want to meet your guardian personally," nakangiti niyang sabi. "Oh! Sure Dad, I will call her," sabi ko kay Daddy. Tinawag ko si Kherra at mayamaya ay lumitaw na siya. "Well, Dad, I want you to meet my Guardian. She's Kherra, and Kherra, my Dad," pakilala ko sa kanilang dalawa. "Nice to meet you po," nakangiting bati ni Kherra kay Dad. "She's really cute, nice to meet you too, Kherra," tugon naman ni Dad. "Kailan mo pa siya nakikita, Dad?" tanong ko. "Simula nang makarating kami ay nakita ko na siya at naririnig. Hindi ko lang sinabi saiyo dahil nga wala talaga akong balak sabihin iyon," pag amin niya. "Ganoon ba? Well, masaya ako dahil nagkakilala na kayo," sabi ko sa kanya. "So, Kherra, I want you to taking care of my daughter. Would you do that as my favor too?" sabi ni Daddy kay Kherra. "Oh sure and I will," nakangiting sabi naman ni Kherra. Kaya napatango si Daddy sa kanya. Nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Ngunit naroon pa rin ang lungkot, dahil nga maiiwan ko siya. Matapos naming mag usap ni Daddy ay nagpaalam na akong magpapahinga. Kaya naman bumalik na ako sa kwarto ko. Nakangiti akong pumasok dahil hindi ako nahirapang sabihin kay Dad ang lahat. Si Heart kaya? Okay lang kaya siya kay Tito? "Are you happy?" Natauhan ako bigla, nang may nagsalita. Napatingin ako sa may kama at doon. Nakita ko si Izyll na nakahiga sa kama at nakangiting nakatingin sa akin. "Ano na namang ginagawa mo dito?" kuno't noo kong tanong sa kanya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama ko at tumayo. Naglakad siya palapit sa akin, kaya naman napaatras ako. "Syempre, dahil gusto kitang makita bago ako matulog," nakangiting sagot niya sa akin at talagang kinindatan niya ako. "Tsss, matutulog ka na lang, pupunta ka pa dito. Baliw ka talaga," sa halip na sabi ko sa kanya at tumalikod. Naglakad ako patungo sa malaking salamin at may kinuha doon. "Ikaw kaya ang pampatulog ko, kung pwedi nga lang dito na lang ako matulog ay talagang gagawin ko eh," sabi niya. Napairap na lang ako sa sinabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala na ang katulad niya ay may tinatagong ganito ka korneng style. "Umayos ka, para ka talagang temang," sabi ko sa kanya. "Syempre, nagiging ganito talaga ang isang lalaki, kapag gusto niya ang isang babae," aniya. Napasinghal ako sa sinabi niyang iyon. Talaga lang huh? Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Alam mo, sa mundo namin. Kapag nagsalita ang lalaki nang ganyan ay talagang makukuha kaagad niya ang babae. Bubula-bulahin muna, bago makuha," saad ko. "Ay talaga? Hindi ko alam na kailangan din pala nilang mag basketball," tila napapaisip pa niyang sinabi. Bigla ko siyang hinampas sa balikat dahil sa sinabi niyang iyon. "Anong basketball? Wala akong sinasabing ganyan, ang sinasabi ko binubola sa salita hindi sa basketball, tss!" sita ko sa kanya. Naglakad na ako patungo sa kama at doon humiga. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin. "Akala ko kailangang magbasketball, haha!" mayamaya ay sabi niya at natawa. Siya lang naman ang natawa, tsss! "Para ka talagang siraulo, sige na umuwi ka na at nang makapagpahinga na ako. May pasok pa bukas," sabi ko sa kanya. "Sige lang, matulog ka na at babantayan kita," aniya. "Babantayan? Hindi na ako bata para bantayan mo pa, kaya umuwi ka na," muling sabi ko sa kanya. "Eh sa gusto ko eh, kaya wala ka nang magagawa," sabi niya at humiga bigla sa couch. "Tsss, bahala ka nga," sabi ko na lang at hinila ang kumot, upang matulog na lang. Pinikit ko na ang aking mga mata, upang matulog na. Malalim na ang gabi at talagang kailangan ko nang makatulog. "Narinig ko lahat ng mga pinag usapan niyo," mayamaya ay sabi niya. "Tsss, malamang maririnig mo talaga, dahil alam ko namang naroon ka kanina. Tsismoso ka naman di ba?" sabi ko. "Nakita ko mo ako?" Minulat ko ang aking mata at nakita ko siyang napaupo, habang nakatanaw sa akin. "Hindi, pero naramdaman ko," sagot ko sa kanya. "So, iyon na talaga ang desisyon niyo ni Heart?" seryoso niyang sabi. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at sumandal sa headboard. "Oo, pero sana bigyan niyo din kami nang pagkakataon na makalabas dito, para makita ang ama namin," seryoso ko rin sabi sa kanya. "Tulad nang sabi ko saiyo, si tita lang ang makakapagdesisyon niyan. Ngunit nasisiguro akong pagbibigyan niya kayo," sabi niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Sana nga. Natahimik kami saglit at maging siya ay muling napahiga sa kama. Pinagmamasdan ko mula rito at ngayon lang talaga napagtanto na may itsura pa talaga siya, na gwapo nga siya. Napailing na lang ako sa naisip ko at muling nahiga sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD