Chapter 59

2049 Words
Ilang minuto ang lumipas ay muli kong binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Kapag ba sumama na kami sainyo ay walang mangyayaring masama sa maiiwan namin dito? Naisip ko lang na baka may mangyari kina Daddy, kapag umalis kami," sabi ko sa kanya. "Huwag kang mag alala, sinisiguro namin na walang mangyayari sa kanila," sabi niya kaya muli akong napatingin sa kanya. "Anong gagawin niyo?" "Kukunin namin iyong proteksyon na hindi mo pa nakukuha at ibibigay natin sa kanila," sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niyang iyon at tila bigla akong may naalala. Oonga pala! Iyong sinabi sa akin ng babaeng nakausap ko sa panaginip ko. Iyong mga bagay na maaari naming ibigay kina Daddy. Ngunit bakit parang alam niya ang bagay na iyon, basi na rin sa kanyang sinabi? "Alam mo na may bagay akong kukunin doon sa kaharian niyo?" tanong ko sa kanya. "I told you, I know everything because I'm always following you," nakangisi niyang sagot sa akin. "Grabe, pati iyon ay talagang malalaman mo pa? Tsss," wika ko at umirap sa kanya. "Yeah, so, kukunin namin iyon para saiyo. Hindi mo na kailangang paghirapan pa ang pagkuha no'n. Syempre, ayokong nahihirapan ang babaeng mahal ko," aniya. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya at napailing na lang. Ibang klase talaga ang lalaking ito! Dinadaan na naman ako sa matatamis na salita, tsk! "Ngunit iyon ang binigay na misyon sa akin, kaya hindi ko kailangan nang tulong mo," sa halip na sabi ko sa kanya. "Don't bother, ako na ang bahala doon. Atleast, alam ni Tita kung saan niyo iyon gagamitin. Mabait naman si Tita, kung makatarungan naman ang dahilan. Nasisiguro ko namang pagbibigyan niya kayo," saad niya sa akin. "Tsk! Paano nga? Eh, iyon ang binigay niya sa akin," muling sabi ko. "Maiintindihan ni Tita Trinity iyon, huwag kang mag alala," aniya. Napabuntong-hininga na lang ako at bahagyang tumango sa kanya. "Oonga pala, gusto kong pati si Clarise ay matulungan natin. Siguro naman alam niyo na kung ano ang dahilan, kung bakit siya naging ganoon di ba? Someone is using her against me and now, she's dying because of that. Hindi na siya magiging kung sakaling pababayaan na siya ng taong gumagamit sa kanya," seryosong sabi ko sa kanya. "Alam ko iyon at oo naman, tutulungan namin siya. Kaya siyang pagalingin ni Kherra gamit ang pixie dust niya, upang maalis ang itim na kapangyarihan na bumalot sa katawan niya," saad niya. Napatango ako. "Mabuti namana pala kung ganoon, bukas pupuntahan ko si Clarise," wika ko. "Okay, but I want you to remind something. Iyong taong may kagagawan sa pagkabasag ng glass wall mo, mag ingat ka do'n," seryoso niyang sabi sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya dahil doon. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Alagad sila ni Reyna Hezza, hindi ka man nila magawang patayin dito ay gagawa pa rin sila ng paraan para pahirapan ka at idamay ang mga taong nakapaligid saiyo. Sa ngayon, si Clarise pa ang ginagamit nila. Sa susunod ay hindi natin alam kung sino pa ang gagamitin nila," mariing sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Sa totoo lang ay natatakot ako sa posibleng mangyari. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, kundi para sa mga taong mahal ko. Ayoko silang madamay sa ano mang gulo, lalo na sa ganito. "May paraan ba para mapigilan sila?" tanong ko sa kanya. "Wala. Ngunit may magagawa tayo para proteksyonan ang mga taong importante saiyo. Kung sakali mang makalaban natin sila ay kami lang at ng guardian niyo ni Heart ang makakalaban. Samantalang kayo ay walang magagawa. Sa estado ng kakayahan niyo ay dehado kayo, lalo na si Heart. Kahit pa bihasa ka sa pakikipaglaban, hindi mo pa rin kayang tapatan ang kapangyarihan na mayroon sila. Kaya kahit anong mangyari, tawagin mo lagi si Kherra kapag nasa panganib ka. Sabagay, lumilitaw naman talaga sila kapag nasa panganib tayo. Ngunit, mas maina pa rin na nasa tabi mo siya palagi," paliwanag niya sa akin. Napaisip ako sa mga sinabi niya, dahil talagang tama siya. Wala kaming laban ni Heart sa mga ito. Ipagpasalamat na lang namin na may guardian kami at nandito sila. "Kapag ba sumama na kami saiyo ay aalis na sila dito?" muli kong tanong sa kanya. "Hindi ako sigurado pero may posibilidad na aalis sila, kapag wala na kayo dito dahil kayo lang naman ang sadya nila dito. Ngunit posible din hindi, kaya mainam na may proteksyon ang mga taong mahal niyo na maiiwan dito," saad niya. Napatango na lang ako at bahagyang napabuntong-hininga sa kanyang mga sinabi. "So, kailan tayo pupunta sa kaharian niyo?" Hindi agad siya nakapagsalita at bahagya pang napaisip sa sinabi ko. Kailangan ba talagang pag isipan pa iyon? "Sa susunod na araw, bukas ay pupunta ako sa kaharian upang kunin ang mga bagay na iiwan mo sa kanila. Pagkatapos no'n ay kasama na namin kayo pabalik doon," sabi niya. Napatango ako sa sinabi niya. So, hindi na nga ako magtatagal sa mundong ito. Papasukin ko na talaga ang isang hindi pangkaraniwang mundo. Bigla ko tuloy natanong ang sarili ko, kung karapat-dapat nga ba ako sa mundong ginagalawan nina Izyll. Hindi ko makita ang sarili ko, na naroon sa mundong iyon. Hays! Di bale na nga, kailangan ko lang mag adjust kapag naroon na ako, lalo ka si Heart. "Sige na, umalis ka na at matutulog na ako," sabi ko sa kanya at muling humiga sa kama. Wala akong nakuhang sagot sa kanya, kaya hindi na ako tumingin pa sa kanya. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko ang mainit na dampi sa aking noo. "See you tomorrow," narinig kong sabi niya. Hindi na ako tumugon pa at bahagyang napangiti na lang ako sa isipan ko. Ang harot pala talaga ng lalaking ito. Matapos no'n ay nilamon na ako ng kadiliman at tuluyan nang nakatulog. Kinabukasan... Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nang maramdaman kong tila may humahapos na kamay sa noo. Sandali, ang aga naman at ng lalaking ito? Nang tuluyan na akong magmulat ay sisitahin ko na sana si Izyll, dahil siya lang naman ang alam kong bigla na lang pumapasok kahit anong oras sa kwarto ko. Ngunit hindi ko naituloy, nang makita ko ang nakangiting mukha ni Daddy. Tsk! Bakit ko nga ba iisipin na siya ang narito ngayon? Hindi lang naman siya ang lalaki na bigla na lang papasok dito, isa rin naman si Dad? Hays! "Dad?" sambit ko sa kanya at dahan-dahang umupo sa kama. "Pasensya ka na at nagising kita. Iniisip ko lang kasi na baka ma-late ka ngayon, di ba nga pupunta ka pa sa school niyo?" paalala niya sa akin. "Oonga pala, anong oras na pala, Dad?" tanong ko sa kanya. "9:00am, kanina pa nakaalis sina Heart. Sinamahan siya ni Zhennie sa school, gigisingin ka nga ni Heart pero pinigilan ko. Sinabi ko na ako na ang gigising saiyo, kaya pinauna ko na sila," paliwanag niya sa akin. "Ganoon ba, Dad? Late na nga ata ako, sige maghahanda lang ako saglit," sabi ko sa kanya at dahan-dahang umalis sa kama. "Bago ka sumama sa kanila, maaari ba kitang makasama sa puntod ng ina mo?" aniya. Natigilan naman ako sa sinabing iyon ni Dad. Naramdaman ko ang lungkot sa sinabi niyang iyon. Kaya bumaling ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman, Dad. Pupunta tayo kay Mommy," nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango siya sa sinabi kong iyon. Nakita kong nanatili siyang nakatingin sa akin at nakaramdam na ako nang pagkailang, dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay tutulo na naman ang aking luha. Kahit kasi nakangiti siya ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sige, Dad, maghahanda lang ako para pumasok. Kailangan ko ring magpaalam nang maayos sa mga teachers namin at kailangan ko rin puntahan si Clarise," sabi kay Daddy. Tumango naman siya sa sinabi ko at tumayo na rin mula sa pagkakaupo niya sa kama ko. "Sige, hihintayin na lang kita sa baba. Sabay na tayong mag almusal," sabi niya sa akin. Naglakad siya palapit sa akin at hinalikan ang noo ko, saka ako niyakap. "Pasensya ka na sa akin ngayon, gusto ko lang kasing sulitin ang mga araw na nandito ka pa. Kaya sana hayaan mo akong iparamdam saiyo, kung gaano ka kahalaga sa akin," malungkot niyang sabi sa akin, habang nakayakap. "Dad naman, hindi pa naman ako aalis. Huwag kang mag alala, marami pang mangyayari at makakasama pa natin ang isa't isa," sabi ko sa kanya at humiwalay nang yakap. Hinawakan ko sa pisngi niya, habang nakangiti akong nakatingin sa kanya. "Sige na, maghahanda lang ako. Sabay na tayong mag almusal," nakangiting sabi ko at tinalikuran na siya. Naglakad ako patungo sa banyo at nang maisara ko ang pinto ay doon nagsimulang mag unahan ang luha ko. Napatutop ako ng aking bibig, upang hindi niya marinig na umiiyak ako. Naglakad ako patungo sa shower room at binuksan ko ito, para isipin niyang naliligo na ako. Sumabay ang agos ng luha ko sa tubig at hindi ko alam kong paano ito patigilin. Masakit at nakakalungkot para sa akin, na mawalay sa ama ko na halos siya na ang naging buhay ko. Mahal na mahal ko si Daddy at bukod kay Tito, na kapatid niya ay ako lang ang naiwang alaala niya kay Mommy. Tapos ngayon ay iiwan ko rin siyang mag isa. Sana nga at mangyari ang sinabi ni Izyll, na makakasama ko pa si Dad. Sana hayaan nila kaming makalabas pa dito, upang makita ang mga taong importante sa amin. Pinakalma ko ang aking sarili, hanggang sa mawala na ang luha sa mga mata ko. Ayokong makita ako ni Dad na ganito, dahil nasisiguro akong masasaktan din siya. Kailangan kong maging matapang sa harapan niya. Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay naligo na ako. Ilang minuto akong nanatili sa banyo at nang matapos ako ay lumabas na ako. Ngunit naging alerto ang mga mata ko, dahil baka nandito na naman si Izyll sa kwarto ko. Bigla pa naman iyong sumusulpot kapag galing ako sa banyo. Tiningnan at pinakiramdaman ko ang buong silid kung nandito ba siya. Ngunit wala akong naramdamang ibang presensya, kaya nagbihis na ako. Himala ata at wala siya dito ngayon. Tsss, bakit ko naman aasahan na nandito siya? Tsk! Nang makapagbihis na ako at makapaghanda ay lumabas na ako sa kwarto ko. Naglakad ako patungo sa dinning area at naabutan ko doon si Daddy na may hinahalong kape. Nakita ko rin doon si Tito, na mukhang tahimik lang. Oonga pala, nasabi na kaya ni Heart sa kanya ang lahat? "Good morning, Dad, Tito," bati ko sa kanilang dalawa, na mukhang walang kibo sa isa't isa. Ngumiti lang si Daddy sa akin, samantalang tumango lang Tito, habang kumakain. Umupo ako at kaharap ko ngayon si Tito. Pakiramdam ko subrang bigat ng aura niya ngayon. Nasisiguro kong hindi niya matanggap ang lahat, tungkol sa pagkatao namin ni Heart. Akmang kukuha na ako ng pagkain, nang marinig ko siyang magsalita. "Totoo ba talaga ang lahat ng mga sinabi ni Heart?" mayamaya ay tanong niya. Bahagya akong napatingin kay Dad, na napahinto sa kanyang ginagawa. Nagkatinginan kaming dalawa, muli akong tumingin kay Tito at nakita ko siyang nakatingin sa akin ngayon nang seryoso. "Kung ano man ang sinabi ni Heart, Tito. It's all true," sagot ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya napapikit sa sagot kong iyon. Hindi niya nagawang ikilos ang mga kamay, habang nakapikit. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at napatango-tango sa akin. "Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat na nangyayari. She was too innocent, but now, she was destined to be like that. Tapos wala pang kasiguraduhan kong makakabalik pa kayo dito, ano na lang ang mangyayari sa amin ng ama mo kung hindi na kayo makakabalik?" saad niya. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon, dahil maging hindi ko iyon masagot. Isa pa, ayokong umasa siya kung sakaling sabihin kong makakabalik kami. "May tiwala akong makakabalik sila dito, Herbert. Nagtitiwala ako sa kanila," biglang sabi ni Daddy. "Sana nga at ganoon, Henry. Pakiusapan niyo sila, Khen, na sana makabalik kayo dito," aniya. "I will, Tito," tanging tugon ko. Ayokong magsalita pa tungkol doon, kaya nagsimula na akong kumain upang pumunta na sa school. Lalo lang silang aasa kung magpapaliwanag pa ako nang subra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD