Chapter 57

2061 Words
Napabuntong-hininga na lang ako, nang bumaling sa akin Heart. "Sandali nga kanina pa ako nalilito sa mga sinasabi niyo. Pwedi niyo bang sabihin sa akin ng deretso?" seryoso niyang saad sa amin ni Zhennie. "Ako na ang magpapaliwanag," sabi ko sa kanya. "Tell me, what's really going on?" "Ngunit hindi ko maaaring deretsuhin. Kailangan kong sabihin saiyo nang dahan-dahan upang maintindihan mo. Una, nakilala na natin ang pareho nating guardian. Tulad nang sabi ni Zhennie, we are not ordinary human. Because we have an inborn magic power, just like Kherra and Kurt. Noong ipinanganak tayo ay iyon din ang simula nang buhay nila. Sa totoo lang noong 18 birthday ko ay doon ko natuklasan ang kapangyarihan na nasa katawan ko. Walang kahit sino ang makakapagpaliwanag no'n sa akin, kaya hindi ko iyon sinabi saiyo o kahit kanino. Subalit, muli ko iyong naramdaman nang makilala na natin sina Izyll," paliwanag ko sa kanya at naging seryoso ang tingin ko sa kanya, nang banggitin ko ang pangalan ni Izyll. "What about them?" nagtatakang tanong niya. Bahagya akong napasulyap kay Zhennie, bago muling nagsalita. "You said before that they are familiar too you. They both disappear without a trace, when you were freshmen im that school and now they come back. They said, they went abroad but their not. Sina Izyll, Jarryl, Flare at Cindy, ay hindi normal na tao. Just like Kherra, they have a hidden magic power," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagulat sa mga sinabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat, ganoong kaibigan na rin niya ang mga ito. Siya ang gustong makipaglapit sa mga ito dati. Kaya natural talaga na ganyang ang magiging reaksyon niya. "I-Is that true?" hindi makapaniwalang sabi niya at bahagyang lumingon kay Zhennie, na tumango sa kanya. "Isa sa dahilan kung bakit nilayuan ko noon si Yuan ay dahil natuklasan ko ang lihim niya. Kaya noong nakita ko siya ulit ay ayoko talagang makiglapit sa kanila. Ngunit wala na rin akong nagawa dahil naging kaibigan niyo na sila at doon ko nalaman na may ibang motibo pala sila, kung bakit sila nakipaglapit sainyo," sabi sa kanya ni Zhennie. Nakikita ko pa ring nalilito siya sa mga sinasabi namin sa kanya. Subalit kailangan niya itong intindihin dahil iyon ang kailangan niyang gawin. Matapos niyang tingnan si Zhennie ay muli siyang bumaling sa akin. "Anong motibo nila?" wala sa sariling tanong niya sa akin. "We are their mission. Nakipaglapit sila sa atin dahil sa isang misyon at ang misyon na iyon ay kilalanin tayo, upang dalhin sa tunay nilang mundo. Tulad nang sabi ni Zhennie, we are not an ordinary person. We are just like them, that have magic power. Ngunit ngayon ay hindi pa natin ito naipapalabas, magagawa lang natin iyon kapag nasa mundo na nila tayo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi namin?" saad ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at iniwas ang tingin sa akin. Napaatras siya at napaupo sa upuan na malapit lang sa kanya, saka napayuko. Nagkatinginan kami ni Zhennie at parehong napabuntong-hininga. Kahit naman ako, noong sabihin ni Izyll sa akin ang lahat ay talagang hindi ako makapaniwala. Buong buhay ko ay alam kong normal akong tao, ngunit biglang hindi pala. Nakakalito at nakakabaliw ang katotohanang iyon. Ngunit tinanggap ko iyon, dahil alam ko na mismo sa sarili na may kakaiba sa akin. Hindi ko lang talaga maamin noon. "Ibig sabihin, may kapangyarihan talaga tayo?" mayamaya ay tanong ni Heart at napatingin sa amin ni Zhennie. "Oo," sagot ko. "Hindi mo ako makikilala, kung hindi nagising ang isang parte nang pagkatao mo kung nasaan ako. Mahirap mang intindihin ang lahat ay kailangan mo ring tanggapin. Simula nang maipanganak ka, ay iyon din ang simula nang buhay ko. Ngunit hindi ako tuluyang magigising, kung hindi rin magigising ang imahinasyon mo, kung saan naroon ako. Hindi rin ako makakawala sa nakaharang sa pagitan natin, kung hindi ka maniniwala sa magic. That's why, they are telling you everything because that's what you need to know," paliwanag sa kanya ni Kurt, na biglang nagsalita. Iniwas niya ang tingin sa amin at narinig namin siyang napabuntong-hininga. "Kung ganoon ay talagang mayroon nga. Then, that's nice! I have a hidden magic power," masigla niyang sabi at nakangiting tumingin sa amin muli ni Zhennie. Napatayo siya at lumapit sa akin. "Ano bang kapangyarihan mayroon tayo?" nakangiti niyang sabi sa akin. "Uhm, I don't know but, maybe he can tell you," sabi ko at ang tinutukoy ay si Kurt. "Khendrey has the magic power of a strongest gold pixie dust. She can fix a destroyed things. While you, you are having strong magic of white pixie dust, that can ruined something. Kaya rin ng white pixie dust ang isumpa ang isang bagay at ang mga isinumpa naman nito o sinira ay kayang ayusin nang kapangyarihan ng gold pixie dust," paliwanag ni Kurt. Really? Hindi nasabi sa akin ni Izyll ang tungkol diyan. Although, a little bit, but not all of what he said right now. "Wow, ganoon pala ang kapangyarihan mayroon kayo?" namamanghang komento ni Zhennie. "Grabe, ibig sabihin kung anong bagay ang sisirain ko ay magagawa mong ayusin? That's cool!" "But of course, using that magic power is have limit. Hindi mo maaaring gamitin sa kolokohang ang kapangyarihang taglay niyo," saad naman ni Kherra. "Ganoon ba? Syempre kung totoo nga iyan, gagamitin ko lang ang kapangyarihan ko sa mabuting paraan, hindi sa masama. Right, ‘Cous?" saad niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya at tumango. "That's right," sang ayon ko. Makapangyarihan nga ang taglay naming kapangyarihan, ngunit hindi ito maaaring gamitin sa kalokohan o kung ano pa man. Gagamitin lang iyon sa tama at hindi sa mali. Having this kind of magic was wonderful, but also, it's too risky. "Alright, naiintindihan mo na ngayon at alam mo na ang lahat, na may kapangyarihan kayo di ba?" saad naman ni Kherra. "Yes, nakakagulat pero syempre tatanggapin ko iyon. So, let's go back to them. Anong misyon nila at bakit tayo?" Pag iiba niya nang usapan. Right! It's time to tell her about it. "Because they need us, they need me," seryoso kong sabi sa kaniya. Napataas-kilay naman siyang nakatingin sa akin ngayon dahil sa sinabi kong iyon. "What do you mean by that?" "Izyll's mother need us. She's been in comma for a long years, only us can cure her. Sinabi sa akin ni Izyll, na matagal na nila tayong hinahanap. Subalit iyong unang mga naghahanap sa atin noon ay hindi tayo matagpuan. Ngayon lang talaga dumating ang pagkakataon na sa kanila na napunta ang misyon at agad tayong nahanap. Hindi pa ako sigurado sa lahat, pero sa tingin ko kaya sila nandito ay dahil sa atin. Kailangan tayo ng ina ni Izyll," paliwanag ko sa kanya. "Paano mo nasabi na kailangan tayo ng kanyang ina at anong sakit mayroon ang ina niya?" naguguluhan niyang tanong sa akin. Napabuntong-hininga ako at pinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng sinabi ni Izyll sa akin. Kung paano nangyari ang lahat at kung paano humantong sa ganoon ang ina ni Izyll. Pareho silang nakinig ni Zhennie dahil maging si Zhennie ay hindi pa alam ang tungkol sa dahilang iyon. Kaya naman matapos ko iyong sabihin ay pareho kaming natahimik. Ilang minuto ang lumipas, nang si Heart ang muling nagsalita sa amin. "Napakatapang niya pala para gawin ang lahat ng iyon. Nakakamangha rin ang taglay niyang kapangyarihan, na ngayon ay na saiyo rin," komento niya at bakas sa boses niya ang lungkot sa kanyang mga nalaman. "Right. But wait, kung wala na pala iyong reyna ng mga fairy, na siyang dahilan kung bakit tuluyang nanghina ang ina ni Izyll, anong nangyari doon sa guardian ng kanyang ina?" mayamaya ay tanong ni Zhennie. Hindi ko nagawang sumagot sa tanong niyang iyon, dahil maging ako ay hindi ko alam. Napatingin ako kina Kherra na nakikinig lang sa amin. "Hindi ko masasagot iyan, pwera na lang kina Kherra at Kurt," saad ko. Napatingin naman silang dalawa kina Kurt at Kherra. Nagkatinginan ang mga ito at sabay pang napabuntong-hininga. "Sa totoo lang, maging kami ay walang alam diyan. Sa kaharian namin, may isang silid na bawal naming pasukin. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko iyon ang silid, kung saan naroon si Princessa Mhea. Siya ang guardian ng ina ni Izyll. Walang kahit anong balita ang lumabas sa kaharian tungkol sa kanya. Siguro ay sinadya iyon ni Princessa Rhea, na huwag ipalam sa lahat ang kalagayan nito. Si Princessa Rhea naman ay siyang guardian ng ina ni Jarryl. Ang tanging makakasagot lang sa kalagayan ni Princessa Mhea ay ang ina lamang ni Jarryl. Malalaman niyo ang lahat-lahat kapag pumunta na kayo doon," paliwanag sa amin ni Kherra. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Siguradong mahigpit ang kaharian nila ngayon dahil sa nangyari. "So, ibig sabihin lang nito ay kailangan nating sumama kina Izyll para pagalingin ang kanyang ina. Pwedi naman natin sigurong gawin iyon di ba? Gaya nang sabi mo, kailangan nila tayo kaya sila nandito. So, let's help them," nakangiting sabi ni Heart. Bahagya kaming nagkatinginan ni Zhennie sa sinabing iyon ni Heart. Mukhang hindi niya pa nakuha lahat ng kanyang dapat na malaman. "Yeah, we will help them. Ngunit, may kapalit ang pagsama natin sa kanila," seryoso kong sabi sa kanya. "Huh? Anong kapalit naman?" nagtataka niyang tanong. "We need to leave everything in this world and come their world," sagot ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya natigilan. "You mean, iiwan natin ang mga bagay na mayroon sa atin dito? M-Maging pamilya natin? Hindi na tayo makakabalik?" naguguluhang tanong niya. "Yes," sagot ko sa kanya. "R-Really? Then, how about dad and Tito? Hindi na ba natin sila makikita pa kung ganoon?" "Ganoon na nga, ngunit may paraan naman sabi ni Izyll. Maaari nating kausapin ang ina ni Jarryl tungkol sa magulang natin. Kung papayag siyang babalik tayo dito pagkatapos nating magtagumpay sa ina ni Izyll," sabi ko sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi kong iyon. Ngayon alam na niya ang dahilan ay siguro naman naiintindihan na niya ang lahat. "Nakapagdesisyon na ako, na sasama kina Izyll at handa akong magpaalam kay Daddy. Ngunit ikaw, na saiyo pa rin kung sasama ka at iwan sila dito," muling sabi ko sa kanya. "Ngunit sabi mo nga tayong dalawa ang kailangan nila. Kaya naman dapat ay kasama ako," saad. "Oonga, ngunit hindi ka nila mapipilit kung ayaw mo," wika ko. "Ikaw pa rin ang magdedesisyon sa gusto mo," sabi rin ni Kherra sa kanya. Hindi agad siya kumibo at tila nag iisip sa pwedi niyang gawin ngayon. Napatingin ako kay Zhennie at maging siya ay hinihintay ang maging tugon ni Heart. "I want to try it. I will come with you, ‘cous," seryoso niyang sabi sa akin. "Are you sure?" paniniguro ko. Tumango siya bilang tugon sa akin. "Yes, magpapaalam ako kay Daddy. May tiwala ako na makakabalik tayo dito. Kaya maaari pa rin nating makita sina Daddy," nakangiti niyang sabi. Napatango ako at ngumiti sa sinabi niya. "Okay, magpapaalam ka kay Tito at ipaliwanag sa kanya ang lahat. Ganoon rin ang gagawin ko," sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. "Mukhang maiiwan niyo rin akong dalawa nito ah," narinig naming sabi ni Zhennie at bahagyang natawa. Oonga pala, isa rin siya sa mga maiiwan namin dito. Parang kapatid na si Zhennie at malaki ang tiwala ko sa kanya. Higit sa lahat ay marami siyang naitulong sa akin. "Magkikita pa rin naman tayo. Kaya naman habang wala kami ay ipapaubaya ko saiyo ang pamamalakad ng organisasyon," sabi ko sa kanya. "What? I can't do that, it's for you. Okay na ako na tumutulong kay Tito, magiging masaya ako. Syempre, kailangan mo pa ring bumalik dahil ikaw ang pinuno ng mafia," sabi niya at ngumiti sa kanyang huling sinabi. Natawa lang ako sa sinabi niya. "Sige, mukhang kailangan ko nang magpaalam muna kay Dad," sabi ni Heart. Tumango ako sa kanya, kaya naman nauna siyang lumabas. Sumunod naman sa kanya si Kurt. Kaya naiwan kaming dalawa ni Zhennie, kasama si Kherra. "Basta babalik kayo ah?" sabi niya sa akin. "Tss, hindi pa nga kami umaalis, pinpabalik mo na ako? Tsk! Huwag kang mag alala, babalik kami," nakangiting sabi ko sa kanya. Nag usap pa kami saglit, bago ako nagpaalam na pupuntahan si Dad upang kausapin. Ngayon paano ko nga ba ipapaliwanag kay Daddy ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD