Chapter 67

2152 Words
Pinagmamasdan ni Yuan ang reaksyon ni Zhennie. Kanina, alam niya at nararamdaman niya kung bakit ito umiiyak. Ngunit ngayon ay nagtataka na siya, kung bakit umiiyak pa rin ito. "Zhennie, I understand what you feel. But, you don't need to cry, just tell me what's on your mind," sabi niya dito at hinawakan ang balikat ng dalaga. Subalit umiwas lang si Zhennie at pinunasan ang luhang kanina pa lumalabas. Bumaling siya kay Yuan at tiningnan siya nang seryoso. "Sa tingin mo ba ganoon lang talaga kadali para saiyo iyon? Alam ko at nararamdaman ko rin kung gaano ako kahalaga saiyo. Kaya iyon ang dahil kung bakit nalulungkot pa rin ako. Alam mo ba kung bakit?" saad ni Zhennie at bakas ang luha sa gilid ng mga mata nito. Nalilito naman si Yuan sa mga sinasabi ngayon ni Zhennie. Buong akala niya kasi ay magiging maayos ang nararamdaman nila sa isa't isa. "H-Hindi kita maintindihan," naguguluhang tanong niya dito. "Talagang hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko, dahil sarili mo lang naman ang iniisip at nararamdaman mo. Sige, tatanungin kita. Sino ba ako at Ano ka ba? Magkauri ba tayo? O Magkaiba?" Natigilan naman si Yuan sa sinasabi ni Zhennie at doon niya naiintindihan ang sinasabi nito. Doon niya napagtanto kung ano ang tinutukoy nito. Napatitig siya ditong mabuti, kaya naman napaiwas nang tingin si Zhennie sa kanya. "Kung sakaling si Khendrey at Izyll ay magkakaroon ng relasyon sa isa't isa, ayos lang kasi magkauri sila. Pareho silang may taglay na kapangyarihan. Eh tayo? Isa akong mortal, samantalang ikaw ay hindi. Kaya sa tingin mo ba ganoon kadali para sa atin ang magsama, kung sakali mang pagbibigyan natin ang isa't isa?" paliwanag ni Zhennie. Hindi nakapagsalita si Yuan sa sinabing iyon ni Zhennie. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabi nito. Napayuko siya at ngayon ay talagang naiintindihan na niya ang kanilang sitwasyong dalawa. "Bumalik na tayo, saka mo na ako kausapin muli kung alam mo na ang dapat mong gawin. Sana, sa muli nating pag uusap ay magpaalam ka na rin," muling sabi ni Zhennie. Tila ba pareho silang nasaktan sa sinabing iyon ni Zhennie at pareho nilang hindi tanggap ang nakatadhana sa kanilang dalawa. Samantala.. habang sina Khendrey at Izyll ay nasa dinning area. Kuno't noo lang na nakatingin si Khendrey kay Izyll, habang pinagsisilbihan siya nito. "Teka nga, ano bang nangyayari saiyo?" nagtatakang tanong ni Khendrey kay Izyll. "Bakit? Wala namang nangyayari sa akin. Oh heto, kumain ka na," sabi ni Izyll at nilapag ang pagkain sa harapan ni Khendrey. Kuno't noo pa rin siyang nakatingin kay Izyll, habang nakangiti ito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang at nagsimulang kumain. Nararamdaman ni Khendrey ang tingin ni Izyll sa kanya, habang kumakain siya. Hinayaan lang niya ito at bahagya siyang napapasulyap dito. Ngunit, hindi rin nagtagal ay naiilang na siya sa paraan nang pagkakatingin nito sa kanya. "Alam mo, huwag mo akong masyadong titigan ng ganyan. Alam mo naman sigurong kumakain ako at naiilang ako sa tingin mo. Kaya pwedi ba, ayusin mo ang iyong sarili," kuno't noo niyang sabi kay Izyll. Napangiti naman si Izyll sa sinabing iyon ni Khendrey at napadukmo sa mesa habang nakaharap pa rin dito. "Namiss kasi kita eh, kaya gusto kong pagmasdan ka," sabi niya kay Khendrey. Halos mabilaokan si Khendrey sa sinabing iyon ni Izyll at sinamaan ito nang tingin. "Ikaw, kakabalik mo pa lang kung ano-ano na naman ang kabaliwang sinasabi mo. Kapag ako nawalan nang ganang kumain, ipapalunok ko ito nang buo saiyo. Isa pa," banta ni Khendrey kay Izyll at inirapan. Itinaas lang ni Izyll ang kamay niya, na tila ba sumusuko. Napasinghal lang si Khendrey at nagpatuloy sa kanyang pagkain. Mayamaya ay napansin niyang tumayo si Izyll at naglakad patungo sa may refrigerator. May kinuha itong malaming na tubig at muling naglakad palapit sa kanya, saka nito nilapag ang dala nitong tubig. "Oonga pala, may gusto sana akong malaman. Tungkol sa nangyari sa campus, sinabi nilang nagsanib kayo ng kapangyarihan ni Kherra. Totoo ba iyon?" tanong ni Izyll. Napahinto naman sa pagnguya si Khendrey, dahil sa tanong na iyon ni Izyll. Kinuha niya ang tubig sa uminom, bago sinagot ang tanong na iyon ni Izyll. Tumingin si Khendrey dito at naging seryoso. "She's the one who insist to merge our magic power. Sinabi ko naman sa kanya na impossible iyon, dahil nga hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko. Hindi ako sigurado kung magagawa ba namin ang sinasabi niya. Ngunit ang muli niyang sinabi sa akin, ang hindi masyadong malinaw para sa akin. She told me, that someone want us to merge our power. That even if, I'm still lack of magic power; I can still use it. Sinabi niyang siya na ang bahala sa lahat at iyon nga, nagawa naming ipagsanib ang kapangyarihan namin. Ngunit sadyang maraming nawalang lakas sa akin, kaya nawalan ako nang malay pagkatapos ng laban," paliwanag ni Khendrey. Napakunot noo naman si Izyll, habang nakatingin kay Khendrey. Tumatak sa isipan niya ang sinabi nitong ibang tao. Kaya naman nasisiguro niyang isang tao lang ang maaaring may gawa no'n. Walang iba kung di ang kanyang ina. "Alam mo ba kung sino ang tinutukoy ni Kherra na ibang tao?" muling tanong ni Izyll. Napailing si Khendrey bilang tugon kay Izyll. "Hindi ko kilala at hindi niya naman sinabi sa akin. Biglaan kasi ang nangyari kanina, kaya hindi ko na naitanong pa sa kanya. Ngunit nasisiguro kong mabuting tao siya, kung sino man siya," nakangiting sabi ni Khendrey saka tuluyang tinapos ang kanyang pagkain. Bago pa tuluyang umalis sa kinauupuan si Khendrey ay napahinto siya sa sunod na sinabi ni Izyll. "She's my mother. She was the one who help you to merge your magic power. She's the one who strengthen your bond with your guardian. Hindi siya nakakakilos at hindi pa rin nagigising. Subalit, kaya niyang palabasin ang kanyang kapangyarihan. Hindi nga lahat lang, sapat na para makatulong sa isang tao at siguradong ginawa niya iyon para saiyo," paliwanag ni Izyll kay Khendrey, na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Ang ina mo ang taong tumulong sa amin?" sambit niya. Tumango si Izyll sa kanya. "Oo, siya," tugon ni Izyll. Napaiwas nang tingin si Khendrey kay Izyll at muling napaupo. Inalala niya ang mga nangyari kanina sa campus. Noong sandaling sinabi ni Kherra sa kanya, na ipagsanib ang kanilang mga kapangyarihan. Sinabi niya kay Kherra na impossible ang sinasabi nito, dahil nga wala siyang kapangyarihan. Hindi pa sapat ang kakayahan niya. Subalit, iginiit nitong iyon lang tanging paraan para makalaban sila. Kaya kahit napaka-imposible ay sinubukan niya. Hindi niya maipaliwanag ang kapangyarihan na bumalot sa kanya ng mga sandaling iyon. Tila ba nanuot iyon sa kanyang mga kalaman at binubuksan ang nakatagong kakayahan niya. Naalala rin niyang may kung anong bumulong sa kanya nang sandaling iyon, na naging dahilan upang sabihin niya kina Demeria ang mga katagang iyon. Kaya naging dahilan iyon upang sumuko ang mga ito at umalis. Ngayon na sinabi ni Izyll kung sino ang taong tumulong sa kanila ay sadyang hindi siya makapaniwala. Hindi niya lubos maisip na subrang lawak pala ang nagagawa, nang kapangyarihan na sinasabi ng mga ito. Matapos niyang mapaalis sina Demeria ay doon lang nawala ang kapangyarihan na bumalot sa kanya at bigla na lang siyang nanghina, saka nawalan nag malay. Hanggang ngayon, sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Nakakabigla pa rin para sa kanya ang mga nangyari. "Ganoon ba? Ibig sabihin, napaka-makapangyarihan pala talaga ng iyong ina," tanging sambit niya at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Nilapag niya sa lababo ang kanyang pinagkainan at muling uminom ng tubig. "Iyon ang sabi nila, subalit hindi mahalaga sa akin kung gaano siya ka-makapangyarihan. Ang importante sa akin ay ang bumalik na siya sa dati at makita na niya ako, maging ang mundo na matagal bago niya nasilayan," may halong lungkot na sabi ni Izyll. Napatingin naman si Khendrey kay Izyll, nang makitang napatingin ito sa malayo. Niintindihan niya ang nararamdaman nito, dahil nga alam naman niya kung bakit. Sinabi na ni Izyll sa kanya, na simula nang maipanganak ito ay hindi na siya kailanman nasilayan ng ina nito. Noong una ay hindi naiintindihan ni Izyll ang nangyayari, ngunit habang tumatagal ay natatanggap na nito. Kaya naiintindihan iyon ni Khendrey, dahil maging siya ay ganoon ang naranasan. Dahil siya, hindi niya nakasama kahit kailan ang kanyang ina. "Huwag kang mag alala, malapit na naman kayong magkita eh," nakangiting sabi ni Khendrey kay Izyll. Kaya napatingin sa kanya si Izyll at ngumiti. "Syempre, kapag nagising na siya ay ipapakilala agad kita. Dahil bukod sa kanya, ay ikaw pa lang ang babaeng naging dahilan kung bakit naging masaya ako," saad ni Izyll kay Khendrey. Hindi nagawang tumugon ni Khendrey sa sinabing iyon ni Izyll. Nailang siya bigla dito at napaiwas nang tingin. Hindi pa rin niya lubos akalain na ganito magpakita ng interes si Izyll. Masyado straight forward at talagang sinasabi palagi na gusto siya nito. "Oonga pala, bago ko makalimutan. Dala ko na ang mga proteksyon para sa kanila. Gusto mo bang makita?" pag iiba ni Izyll sa usapan, nang mapansing hindi na siya nagsalita. "Really? Okay, I want to see it," ani ni Khendrey at lumapit kay Izyll. "Doon ko na ipapakita, para ikaw na ang magbigay sa kanila," sabi ni Izyll sa kanya. Napatango naman siya at sabay na silang naglakad palabas ng dinning area. "Oonga pala, natanong mo ba sa ina ni Jarryl iyong kahilingan namin?" mayamaya ay tanong ni Khendrey. Napabuntong-hininga muna si Izyll, bago sinagot ang tanong na iyon ni Khendrey. "Yes, sinabi ko na sa kanya. Ngunit, ang tanging sabi lang niya sa akin ay hindi pa siya makapagdesisyon sa gusto mo. Nais ka pa niyang kausapin, bago ka niya pagbigyan sa hiling mo," sagot ni Izyll kay Khendrey. Hindi naman nakapagsalita si Khendrey at nakaramdam nang lungkot dahil sa sinabi ni Izyll. Iyon pa lang naman ang sinabi nito, ngunit pakiramdam niya ay walang pag asa ang hiling niyang iyon. "Pasensya ka na, ngunit sigurado pa rin naman ako na pagbibigyan ka niya. Nalaman niya kasi ang ginawa niyo ni Kherra at isa rin iyon sa dahilan kung bakit siya nagalit. Kaya iyon lang ang sinabi niya, nagalit siya nang malamang nagsanib kayo nang kapangyarihan, kahit hindi pa lubos na lumabas ang kapangyarihan mo. Isa rin kasi iyon sa dahilan kung bakit napapahamak ang guardian natin. Iyong magsasanib kayo ng kapangyarihan, kahit na wala ka pang sapat na kapangyarihan. Tulad nang nangyari kay Kherra ngayon," paliwanag ni Izyll. Napahinto naman si Khendrey, nang marinig niya ang mga sinabi nito; lalo na tungkol kay Kherra. "Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari kay Kherra?" seryosong tanong ni Khendrey. Napahinto naman si Izyll sa paglalakad at bumaling kay Khendrey. "Nalagay sa panganib si Kherra. Sainyong dalawa ay siya ang mas maraming napalabas na kapangyarihan. Kahit pa sinabing tinulungan kayo ng ina ko ay hindi pa rin iyon sapat. Hindi pa sapat ang kapangyarihan mo, para tapatan ang kapangyarihan nila. Kaya naman si Kherra ang sumalo ng lahat at ngayon ay hindi pa siya nagigising, higit sa lahat ay hindi mo siya matatawag kung kailan mo gusto," paliwanag ni Izyll kay Khendrey at nakita ni Izyll kung paano sumilay sa mga mata nito ang lungkot. Hindi naman aakalain ni Khendrey, na ganoon ang nangyari kay Kherra matapos nila iyong gawin. Dahil akala niya ay maayos lamang ito at walang magiging problema. "G-Ganoon ang nangyari kay Kherra?" hindi makapaniwalang sambit ni Khendrey. Napatango si Izyll at hinawakan siya nito sa balikat. "Huwag mo nang sisisihin ang sarili mo sa nangyari. Ginusto rin naman ni Kherra na tulungan ka. Iyon ang tungkulin nila. Ngunit dahil doon ay nagalit nga si Tita at pinapasabi niya, na kailangan mong tanggapin ang parusa na ibibigay niya saiyo kapag naroon ka na," muling sabi ni Izyll. Hinawakan niya sa dalawang balikat si Khendrey at tiningnan niya itong mabuti. "Khen, sana huwag mong dibdibin ang nangyari kay Kherra at huwag ka rin sanang magalit sa desisyon ni Tita. Pareho kayong lumagpas ni Kherra, kaya iyon ang gusto niyang ibigay saiyo. Hindi ka naman siguro magtatanim nang sama nang loob, di ba?" saad niya dito. Nakita niya kung paano napapikit si Khendrey at mayamaya ay tumango. "Tatanggapin ko kung ano man ang ibibigay niyang parusa sa akin. Tama naman siya, ipinahamak ko ang aking guardian at iyon ang nagawa naming mali. Naiintindihan ko ang sinasabi mo, ngunit nagagalit pa rin ako sa sarili ko dahil sa nangyari kay Kherra. Sana naman, magiging maayos lang siya," malungkot na sabi ni Khendrey at napabuntong-hininga. "Huwag kang mag alala, magiging maayos lang siya. Sa ngayon, ay hindi mo pa siya matatawag. Ngunit sigurado akong siya ang lalapit at magpapakita saiyo ulit," sabi ni Izyll at ngumiti kay Khendrey. Ngumiti naman si Khendrey at tumango kay Izyll. Matapos nilang mag usap doon ay tuluyan na silang lumabas sa dinning area, upang puntahan ang kanilang mga kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD