Chapter 68

2007 Words
KHENDREY'S POV Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Izyll, tungkol sa nangyari kay Kherra. Kahit sabihin na desisyon iyon ni Kherra ay pareho kaming nagpabaya at ngayon siya pa ang lubhang napahamak sa aming dalawa. Ayokong magsisisi sa ginawa namin, ngunit talagang iyon ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon. Tama lang naman siguro na magalit sa akin ang ina ni Izyll. Tatanggapin ko ang parusa na ibibigay nito, dahil iyon ang dapat kung gawin. Hinayaan kong magdesisyon si Kherra, kaya iyon ang nangyari. Hays! Sana magiging maayos na ang kalagayan niya. Hihingi talaga ako nang tawad sa nangyari. "Hoy!" Natauhan naman ako bigla, nang iwagayway ni Izyll ang kamay niya sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa niya, kaya naman sinamaan ko siya nang tingin. "Ano ba?! Nag iisip ako kaya huwag mo akong guluhin," naiinis kong sabi sa kanya. Pareho kaming naglalakad ngayon patungo sa sala, kung saan naroon ang mga kasamahan namin. Kanina pa ako tahimik, kaya siguro nagpapapansin na naman ang isang ito. "Sabi ko naman saiyo di ba? Huwag ka nang masyadong mag isip, nakakabawas ganda iyan saiyo," nakangisi niyang sabi at talagang kinindatan niya ako. Baliw talaga! "Hindi ko maiwasang mag isip at wala kang magagawa, saka pwedi bawas-bawasan mo iyang ka-jejehan mo? Para kang baliw," sabi ko sa kanya at napaismid sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad ko, kaya naman napansin kong humabol siya sa akin, hanggang sa makarating kami sa sala. "Anong ka-jejehan? Alam mo namang seryoso ako saiyo, sadyang dinadaan ko lang sa ganito," muling sabi niya. Muli ko siyang tiningnan nang masama, dahil siguradong narinig iyon ng mga kasama namin. Nakita ko kung paano sila natahimik sa pag uusap at hindi makapaniwalang nakatingin sa amin. Doon lang rin napatingin si Izyll at napakamot sa kanyang batok. "So, seryoso na talaga kayong dalawa?" natatawang sabi ni Flare at tiningnan kami nang mapang asar. "Ayos ah? Talagang nakakapanibago pa rin na marinig iyon saiyo, Izyll, haha!" Maging si Cindy ay natawa rin tulad ni Flare. Nakita ko namang napapailing lang si Jarryl, habang nakabuka ang bibig na nakatingin sa amin. "So, ano? Ligawan stage na ba kayo?" nang aasar namang sabi ni Heart at napangisi sa akin. Inirapan ko lang ang mapang asar niyang tingin sa akin at umupo sa bakanteng upuan katabi niya. "Well, nag usap na kami tungkol diyan. And yes, I'm starting to court her," pag amin ni Izyll. Napapikit na lang ako sa inis at pagkailang sa mga nangyayari ngayon sa amin. Grabe! Napakabilis talaga ng lalaking ito at nakakabaliw! Muli siyang nagsalita nang kabaliwan at talagang gusto ko nang takpan ang tenga ko. Habang abala sila sa pag uusap at pag aasaran ay doon ko napansin na may kulang. Wala si Zhennie at Yuan. Sandali! Nagkataon lang ba na wala talaga sila o ano? "Hey, where's Zhennie and Yuan?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Napahinto naman sila pag uusap at napatingin sa amin. Nagkatinginan sila at doon lang ata nila napansin na wala nga ang dalawa. "Oonga no? Nasaan sila?" nagtatakang sabi ni Heart. "Bakit naiwan doon sa kwarto ni Clarise," saad ni Cindy. "Na silang dalawa lang?" kuno't noo kong sabi. "Well, wala naman sigurong masama kung maiwasan sila doon, di ba?" wika ni Flare. Napabuntong-hininga ako. Sabagay, tama siya. Walang masamang magkasama silang dalawa, dahil may sarili din naman silang problema. Simula kasi nang magkita ulit sila at nakikita kong, kahit na kasama namin sila ay iniiwasan niya pa rin si Yuan. Ngunit ngayon ay siguradong nagkausap na sila. Sana nga at mabigyang linaw na, kung ano mayroon sa kanilang dalawa. "Sabagay," tanging sabi ko at bumaling kay Heart. "Oonga pala, Heart. Tawagin mo si Tito, at kung pwedi maging si Daddy. Kailangan na nating pag usapan ang seryosong bagay, dahil malapit na tayong umalis," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita ko sa kanyang mga mata kung paano siya natigilan. Mayamaya ay nakabawi rin siya at bahagyang tumango sa akin. "Sige, pupuntahan ko muna sila," sabi niya sa akin. Tumango rin ako. Tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo at pumanhik sa hagdan, upang puntahan kung nasaan ang magulang namin. Nang makaalis si Heart at tumingin ako kay Izyll, na agad ngumiti sa akin. Napaismid naman ako sa kanya. "Ilapag mo diyan sa mesa ang mga bagay na iiwan namin sa kanila," sabi ko sa kanya. "Oh? Okay," tugon niya. Itinaas niya ang kanyang kamay at bahagyang pinitik ang hintuturo niya. Mula sa ere ay lumitaw ang tatlong bagay na iyon. Dahan-dahan itong lumapag sa mesang nasa harapan. Isang kwentas, singsing at bracelet. Medyo makalumang tingnan ang mga ito, ngunit hindi gaanong nakakaatrak sa paningin. Para bang simple lamang ito kung tingnan. Ito iyong nakita ko noon, na nakita namin ni Kherra. Hays, nabigo ako sa misyon na binigay sa akin ng babaeng iyon. Kaya sana pag nagkita kami ay magiging maayos pa rin ang turing niya sa akin. Kung maaari ay ayokong magkaroon nang problema, kapag naroon na ako sa mundo nila. "Oh? Nandito na pala kayo, saan ba kayo galing?" Natauhan lang ako, nang marinig kong magsalita si Jarryl. Napatingin ako sa dalawang taong naglalakad palapit sa amin. Nakita ko sina Yuan at Zhennie. Ngunit nararamdaman ko ang bigat ng pakiramdam nilang dalawa. Nakangiti si Yuan, habang naglalakad palapit sa amin. Ngunit nakikita ko ang lungkot mula sa kanyang mga mata. Samantalang si Zhennie ay bakas ang tila luha sa kanyang mga mata. Umiyak siya? Seryoso akong napatingin sa kanya, ngunit umiwas lang siya nang tingin sa akin. Hinayaan ko na lang dahil baka may nangyari sa pagitan nila, na sila lang ang nakakaalam. "Well, nag usap lang kami saglit. Alam mo niyo na, haha!" sabi niya at tumawa. Napansin kong napatingin sila kay Zhennie, na tahimik lang na umupo malapit sa akin. Maging ang tingin ko sa kanya ay parang wala itong pakialam. For sure, may nangyari talaga sa pagitan nila. Napaangat ang tingin ko, nang mapansing may naglalakad pababa ng hagdan. Nakita ko na sina Heart at tito, nasa likod naman nila si Daddy na nakatingin na agad sa akin. Nagtama ang paningin namin at nakikita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Noong nagising ako kanina ay bigla na lang niya akong niyakap. Alam ko naman kung gaano siya nag aalala sa nangyari sa akin. Nararamdaman ko iyon, subalit iyong kanina ay hindi ko maintindihan. Para bang may iba pang pinapahiwatig sa akin ang yakap niyang iyon. I sighed. Nang makalapit na sila ay tumayo ako at lumapit kay Izyll. Tumango ako sa kanya upang siya na ang magpaliwanag sa mga bagay na nasa harapan namin. "Ano iyan?" mayamaya ay narinig kong tanong ni Daddy, habang nakatingin doon sa tatlong bagay na nasa mesa. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga iyan," sabi naman ni Izyll. Tumango kami sa kanya, bago niya ipaliwanag ang mga ito. "Tatlo ang hiningi ko kay Tita Jewelle, dahil sa tingin ko ay iyon lang naman talaga ang dapat kong kunin. Hindi basta-basta nagbibigay si Tita ng mga ganito, nang hindi ayon sa kanyang isip sa kung sino-sino lang ang maaaring bigyan nito. Sa mundo namin, isa ang mga ito na pinagbabawal sa amin na kunin. Isa ang mga ito sa sagradong kagamitan ng kaharian, kaya naman limitado lang rin ang maaaring bigyan nito at dahil importante ito sa mga taong iiwan nina Heart at Khendrey, pumayag siyang ibigay ang mga ito," paliwanag ni Izyll, habang tiningnan kaming lahat. Sagradong bagay? Kaya ba tinatago nila ito at hindi maaaring kunin lang basta-basta? Kung sabagay, kapag ganyan ay talagang napaka-importante nga nito. "Kaya naman ang tatlong taong pweding makapagmamay ari niyan, ay iyong malapit lang rin sa kanilang dalawa. Ang inyong ama at si Zhennie, na kaibigan niyo," saad niya sa amin. Napatango ako, nang bumaling siya sa akin. Mas mabuti na rin iyon, para kaunti lang ang makakaalam sa bagay na iyan. "Bago ko ibigay sainyo ang mga ito, gusto ko lang ipaalala na kailangan niyo lang itong gamitin sa mabuting paraan. Hindi magugustuhan ni Tita, kapag ginamit ito sa kasamaan. Proteksyon lamang ito sa mga kalaban namin na blackmagic, dahil may posibilidad na baka gamitin nila kayo. Kapag suot niyo ito, hindi kayo tatablan ng kahit na anong kapangyarihan mula sa kanila. Hindi niyo rin ito maibibigay sa iba pang importanting tao sa inyo. Kapag naisuot na ninyo ito ay hindi na ito kailanman man matatanggal, kahit anong pilit niyong tanggalin ito. Matatanggal lang ito, kapag si Tita Jewelle na ang kusang magtanggal nito. Kahit mamatay ang nagmamay ari nito ay kusa rin itong mawawala kasabay niya. Kaya naman iisang tao lang talaga ang pweding mag mamay ari nito. Kundi ang taong binigyan nito," mahabang paliwanag ni Izyll sa aming lahat. Kung gano'n, mananatili sa isang taong mayroon nito ang bagay na ito? Hindi rin ito basta-basta matatanggal. Ang galing naman! "So, kahit gustuhin naming tanggalin ito, nang sapilitan ay hindi namin magagawa. Pwera na lang kung kakausapin namin ang ina ni Jarryl?" tanong ni Zhennie. "Ganoon na nga. Ngunit kapag ginawa niyo iyon, ay mahihirapan pa rin kayong makausap siya. Hindi niyo alam kung saan ang lagusan papunta sa mundo namin. Hindi madali sa tulad niyong mortal ang makakapasok doon. Depende na lang kung may isa sa amin na kakilala mo ang biglang magpapakita saiyo. Doon mo lang masasabi ang kailangan niyo, tungkol sa bagay na iyan," sagot ni Izyll sa tanong na iyon ni Zhennie. Napatango naman si Zhennie at mukhang naiintindihan niya ang sinasabi nito. Kung ganoon, kapag naroon na kami ay hindi kami basta-basta makakalabas? Pwera na lang kung papayagan kami ng ina ni Jarryl. Hays! "So, may tanong pa ba kayo?" saad ni Izyll at tiningnan kaming lahat. "May gusto lang akong malaman," mayamaya ay narinig kong sabi ni tito. Napatingin kaming lahat sa kanya. "May kapangyarihan ba kayong makabura ng isang alaala?" tanong ni tito. Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon. Napakunot noo akong nakatingin sa kanya. "D-Dad, anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Heart kay Tito. Nakita kong ngumiti si tito kay Heart at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Alam mo naman siguro kung gaano ka kahalaga sa akin di ba? Malulungkot ako ng subra, kapag umalis ka na. Kaya naman gusto kong malaman mula sa kanila, kung may kapangyarihan ba silang makabura ng alaala. Dahil gusto kong burahin ang alaala na mayroon sa ating dalawa," nakangiting sabi sa kanya ni Tito. Muli akong natigilan sa sinabing iyon ni Tito. Ano? Gusto niyang burahin ang alaala nilang dalawa ni Heart? Nila ng anak niya? Seryoso ba siya? Wala sa sariling napatingin ako kay Daddy at napatingin rin siya sa akin. Nakita ko sa mukha niyang hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ni tito. "D-Dad, s-seryoso ka ba sa sinasabi mo? G-Gusto mong burahin ang alaala na mayroon sa ating dalawa?" hindi makapaniwalang sabi ni Heart, at mula sa kanyang mata ay kusang dumaloy sa pisngi niya ang kanyang luha. Nasaktan rin ako sa sinabing iyon ni tito. Bakit niya kailangang burahin ang alaala nila ni Heart. Anak niya ito at talagang kung ano si Heart at sasabihin iyon ni Daddy ay talagang masasaktan ako. Hindi ko kayang gawin at sabihin ang bagay na iyon. Ayokong burahin ang alaala naming dalawa kahit kailan. Kahit may paraan o kapangyarihan sina Izyll na gawin iyon ay hindi ako papayag. "P-Pasensya ka na, h-hindi ko pa rin kasi matanggap na mawawala ka na sa akin. Hindi ko kaya, kaya iyon lang ang tanging naisip kong maaring gawin para makalimutan ka," sabi ni tito at umiiyak na rin tulad ni Heart. Nakita kong napailing si Heart at bahagyang lumayo sa kanyang ama. "Hindi ko akalain, na maiisip mo iyon, Dad.. Mahalaga rin naman kayo sa akin, pero kahit kailan hindi ko naisip ang bagay na iyan. Ayokong mawala ako sa alaala mo, ayoko, Dad!" umiiyak niyang sabi. Nilapitan ko si Heart at hinawakan ang kanyang balikat. Napatingin ako kay tito, nakita ko ang lungkot at sakit habang nakatingin siya ngayon kay Heart. Hays! Bakit ba kailangang magkaganito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD