Chapter 66

2209 Words
Habang seryoso silang nag uusap ay hindi nila napansin na nagising na si Khendrey at pumunta ito kung nasaan sila, kasama nito ang kanyang ama. Sinabi na ng ama ni Khendrey sa kanya ang lahat ng nangyari. Ngunit nagulat pa rin siya nang maabutan doon sina Izyll na seryosong nag uusap. Narinig niya rin ang pinag uusapan ng mga ito. Akala rin niya ay hindi pa nakabalik sina Izyll, dahil buong akala niya ay matatagalan pa ang mga ito. Naramdaman ni Izyll ang pamilyar na aura ni Khendrey, kaya napalingon siya sa may pinto at doon nakita niya si Khendrey. "Khendrey!" tawag niya dito at tila nakaramdam siya nang tuwa, nang makita niya itong muli at nagising na. Napatingin din ang mga kasama nila dito, dahil sa biglang pagtawag ni Izyll kay Khendrey. "Khendrey!" sambit naman ni Heart at mabilis na lumapit sa pinsa. Napangiti lang si Khendrey, nang niyakap siya ni Heart. "Mabuti naman at gising ka na," muling sabi ni Heart at humiwalay ng yakap sa kanya. "Yeah, kumusta na pala siya?" tanong ni Khendrey at tumingin kay Clarise. Nakita niyang bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito at nawala na rin ang mga pasa, maging ang pangingitim sa may bahagi ng mata nito. "Napainom na namin siya ng gamot at bumalik na sa dati ang katawan niya. Hihintayin na lang kung kailan siya magigising," paliwanag ni Flare at muling sa walang malay na si Clarise. "Mabuti naman kung ganoon," sabi ni Khendrey at biglang tumalikod sa kanila. "Sandali! Saan ka pupunta?" bigla namang tanong ni Izyll at lumapit kay Khendrey. Nagtataka namang tumingin si Khendrey dito at bahagyang natawa sa inasal nito. "I'm hungry. So, I want to eat something," sabi ni Khendrey sa kanya. "Oh? Halika, sasamahan kita," nakangiting sabi ni Izyll. Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Khendrey at sabay silang pumunta sa dining area. Naiwang hindi makapagsalita ang kanilang mga kasama sa pag alis nila. Nagkatinginan ang mga ito at sabay na napapailing. Pareho nilang hindi inaasahan na ganoon kadali lang umalis ang dalawa. "Ibang klase talaga ang pinsan mo, Jarryl," natatawang sabi ni Flare. "Oonga, sigurado kapag nakabalik na tayo sa kaharian ay maraming magugulat sa pagbabago niyang iyon, haha!" puna naman ni Cindy na natawa. "Hindi rin naman ganyan si Khendrey, na bigla na lang sasama sa isang lalaki eh," nagtataka rin sabi ni Zhennie. Alam nito kung anong ugali mayroon si Khendrey, kaya talagang nakakagulat pa rin sa kanya na naging madali ang pagiging malapit nina Izyll at Khendrey. Noon, bukod kay Gajeel ay subrang mailap ito pagdating sa isang lalaki. Kahit kailan hindi ito nagpapahawak sa kamay o nakikipag usap man lang nang matagal. Ngayon lang niya nakita na ganoon ang kaibigan niya. "Sigurado may nangyayari talaga sa pagitan nilang dalawa, na hindi natin alam," napapaisip namang sabi ni Heart. Maging siya ay nagugulat rin sa naging takbo nang pagiging malapit nina Izyll at Khendrey, dahil talagang hindi ganoon ang pinsan niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Ngunit hindi naman niya maaaring ipagkaila na natutuwa siya, na may isang lalaking kayang alisin ang pagiging aloof niya sa mga lalaki. "Hayaan niyo na lang sila, alam nila ang ginagawa nila eh. Isa pa, wala naman tayong magagawa kung nagkakamabutihan na silang dalawa. Kaya ang maaari na lamang nating gawin ay supportahan sila," tanging sabi ni Jarryl sa kanila. Sumang ayon na lang sila sa sinabi ni Jarryl. Kahit papaano ay kaibigan nila ang mga ito, kaya naisip nila pareho na tama ang sinabi ni Jarryl. Susupurtahan na lang nila, kung ano man ang magiging desisyon ng mga ito. Matapos nilang mag usap at matingnan si Clarise ay lumabas na rin sila sa silid. Nahuling lumabas nang silid si Zhennie, dahil nga may inaayos pa siya kay Clarise at nang palabas na siya ay nakita niya si Yuan na nasa pinto. Nagtataka siyang nakatingin dito, habang papalapit. "Bakit ka pa nandito?" nagtatakang niya dito. "Well, gusto lang sana kitang makausap, nang tayong dalawa lang," sabi sa kanya ni Yuan. Hindi naman agad nakapagsalita si Zhennie at napatitig lang kay Yuan. Kahit naman lagi silang magkasama ay naiilang pa rin siya. Hindi siya sanay na nasa malapit lang ito. Hindi lang ito ang unang beses na inaya siya nitong mag usap silang dalawa, maraming beses na. Ngunit hindi niya ito nagawang pagbigyan na mag usap sila dahil ayaw niya. Ayaw niyang makausap ito nang sila lang dalawa at mas lalong ayaw niyang malapit lang dito. Alam niyang nakikita at alam ng mga kasama nito, na nag uusap sila lalo na kapag ganito kalapit at inaakala ng mga ito ay nagkakamabutihan na rin sila. Nagagawa nilang makisabay sa asaran ng mga ito na okay na silang dalawa. Kahit na ang totoo ay talagang hindi pa sila nakakapag usap nang masinsinan, lalo na sa dati nilang relasyon. "Sana pagbigyan mo ako, dahil sa tingin ko ito na ang huling hihiling ako saiyo ng ganito," muling sabi sa kanya ni Yuan. Natigilan naman siya sa sinabi nito at napaiwas nang tingin. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at muling tumingin kay Yuan. "Fine. Sige, pagbibigyan kita," tugon ni Zhennie dito. Napangiti naman si Yuan at inabot ang kamay sa kanya. Napatingin naman doon si Zhennie at napakunot noo. "Ano? Maghahawak kamay tayo, habang nag uusap? Okay ka lang?" nakataas-kilay na sabi ni Zhennie dito. Napakamot naman sa batok si Yuan, dahil sa sinabi ni Zhennie. "Hindi ganoon, gusto ko lang na sa ibang lugar tayo mag usap. Kaya hawakan mo saglit ang kamay ko, para pareho tayong makapunta sa lugar na iyon," saad ni Yuan. Napasinghal lang si Zhennie at bahagya siyang inirapan. "Tsss, okay," tugon nito. Hinawakan ni Zhennie ang kamay ni Yuan at napangiti naman si Yuan nang makitang magkahawak kamay silang dalawa. "Oh? Ano? Titingnan mo lang ang kamay ko?" mataray na sabi ni Zhennie. Natawa naman si Yuan sa kanya. "Haha, ngayon ko lang kasi ulit naramdaman ang init na nagmumula sa kamay ko. Parang kailan lang ay hawak-hawak ko ito lagi, di ba?" nakangiting sabi ni Yuan sa kanya. "Umayos ka nga, kung hindi bibitawan ko ang kamay mo," naiinis na sabi ni Zhennie. "Haha, okay aalis na tayo," natatawang sabi ni Yuan at ilang saglit ay ginamit niya ang kanyang teleportation magic. Nakita na lang ni Zhennie, na nasa dalampasigan sila at nakatayo paharap sa dagat. Namamangha pa rin siya sa kapangyarihan na mayroon ito, lalo na ang kapangyarihan na ginamit nito ngayon. Ngunit alam niyang hindi niya ito matutunan dahil wala siyang kakayahan tulad ni Khendrey at Heart. Nakakaiingit man iyon para sa kanya ay naiintindihan niya ang layo ng mga kakayahan nila sa isa't isa. Bumitaw na si Zhennie sa pagkakahawak sa kamay ni Yuan at nilanghap ang simoy ng hangin mula sa dagat. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid dahil sa malaking buwan, na siyang nagsilbing ilaw sa madilim na gabi. "Bakit?" mayamaya ay narinig niyang sabi ni Yuan. Kaya napatingin siya dito. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya. "Anong bakit?" nagtatakang tanong niya dito. "Bakit ka biglang nawala noon at hindi na nagpakita. Nalaman mo lang ang tinatago kong sekreto ay bigla mo na lang akong nilayuan," walang reaksyon sabi ni Yuan kay Zhennie. Hindi naman nakapagsalita si Zhennie at umiwas nang tingin dito. Hindi niya inaasahang tatanungin siya nito nang ganoon. Hindi pa naman gaano katagal silang nagkakasama, kasama sina Khendrey ay talagang naroon pa rin ang kaba na baka tanungin siya nito kung bakit siya lumayo. Ngayon nga ay nangyari na at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. "Alam mo noon na hindi ako masamang tao, dahil kahit na itinago ko iyon ay naging mabuting tao ako saiyo. Talaga lang na hindi mo maaaring makita muna iyon. Subalit, pinilit ko pa ring aminin saiyo ang lahat. Sinabi mo pang hindi ka matatakot, pero bigla ka namang nawala at hindi na nagpakita sa akin," malungkot na muling sabi ni Yuan. Naikuyom naman ni Zhennie ang kanyang kamay, dahil pakiramdam niya ay sinusumbatan siya nito. "Sino ba naman kasi ang hindi matatakot di ba?" sabi niya at bumaling kay Yuan. "Natakot ako, nabigla at hindi alam ang gagawin ko. Hindi normal ang nakita ko saiyo noon, kaya lumayo ako at hindi na nagpakita. Alam mo bang... Alam bang dalawang taon ko ring napagtanto na bakit, bakit ako matatakot saiyo ganoong totoo ang pinapakita mo sa akin," sabi ni Zhennie at nakita ni Yuan kung paano tumulo ang luha nito mula sa mga mata. Kaya natigilan siya sa kanyang nakita at nalaman mula dito. Hindi siya makapagsalita dahil sa kanyang narinig. Inalis ni Zhennie ang kanyang tingin kay Yuan. Alam niya sa sarili kung paano niya pinagsisihan, na bigla na lang umalis at lumayo dito dahil sa nalaman niya mula rito. Ngunit matagal din bago niya napagtanto na hindi dapat ganoon ang maging reaksyon niya. "Sinubukan kong hanapin ka at puntahan sa lugar na lagi nating pinupuntahan dalawa. Sa tuwing naaalala ko kung gaano tayo kasaya noon ay labis akong nagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko alam kung paano kita hahanapin o kung saan ba. Hanggang sa unti-unti ko nang natatanggap na baka wala ka na sa mundong ito, na bumalik ka na sa mundo niyo. Umaasa ako na balang araw ay magkikita ulit tayo. Ngunit hindi ko aakalain na sa ganitong pagkakataon ulit tayo magkikita," muling sabi ni Zhennie. Pinunasan niya ang kanyang luha, na kanina pa lumalabas sa kanyang mga mata. Naroon ang lungkot at pagsisisi sa kanyang mga sinabi, para kay Yuan. Hindi pa rin makapaniwala si Yuan sa mga ipinagtatapat ni Zhennie. Dahil noong mga panahon na iyon ay talagang bumalik na siya sa mundo niya at nagpatuloy sa kanyang buhay. Ngunit paminsan-minsan ay pumapasok sa isipan niya ang babae at umaasa pa rin na sana ay makita ulit ito. "Hindi ko aakalain, na magkikita tayong muli sa misyon niyo kina Khendrey. Matagal ko nang kasama sina Khendrey noon, kaya kahit ako ay walang napansin sa kanya. Ngayon lang na dumating kayo at sinabi kung ano talaga sila. Noong malaman ko iyon ay nagulat din ako, ngunit hindi na ganoon pa ang naging reaksyon ko, noong malaman ko kung sino ka. Masyado lang akong nabigla noon, kaya pagdating kina Khendrey; nagulat man ako ay hindi ako lumayo. Matagal ko na silang kilala, kaya wala akong dahilan upang lumayo sa kanila. Kaibigan ko sila at hindi iyon magbabago," saad ni Zhennie. Mayamaya ay nakita ni Yuan, na dahan-dahang umupo si Zhennie sa buhangin. Nakatingin lang siya dito at nakinig sa kung ano pa ang sasabihin nito. "Kung ganoon, ano ang naramdaman mo noong muli tayong nagkita?" tanong ni Yuan. Hindi nakapagsalita si Zhennie at napaangat ang tingin kay Yuan. Nagtitigan silang dalawa at tila ba sinasabi ng kanilang mga mata ang totoong nararamdaman sa isa't isa. "Gusto mong malaman?" hamon ni Zhennie. "Tell me," tugon naman nito. Muling dumaloy sa pisngi ni Zhennie ang kanyang luha habang nakatingin pa rin kay Yuan. Nanlalambot naman ang mga mata ni Yuan, habang nakatingin kay Zhennie na umiiyak. Ni minsan ay hindi niya ginustong umiiyak ito sa kanyang harapan. Nais man niyang pigilan ang mga luhang iyon ay alam niyang ito lamang ang makakagawa sa ngayon. Dahil wala siyang karapatan para pigilan iyon sa ngayon. "Nahihiya ako. Nagagalit ako sa sarili ko. Iyon ang una kong naramdaman noong nagkita tayo. Nahihiya akong lumapit at humingi nang tawad saiyo. Nagagalit ako sa sarili ko, dahil sa ginawa ko saiyong pag iwan. Kahit ano pang dahilan ko ay alam kong nasaktan pa rin kita. Kaya naman, iyon rin ang dahilan kung bakit kita iniiwasan at laging tinatanggihan kapag gusto mo akong kausapin. Nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa ko," umiiyak na sabi ni Zhennie at iniwas ang tingin kay Yuan. Napabuntong-hininga naman si Yuan at dahan-dahan umupo sa tabi nito. Naging tahimik silang pareho at pinapakiramdaman ang isa't isa. Sa loob-loob ni Yuan ay nakaramdam siya nang tuwa sa mga sinabi ni Zhennie. Naging malinaw na sa kanya, kung bakit siya nito nagawang iwan at kung paano ito nagsisisi. "Natutuwa ako, hindi dahil nagsisisi ka sa mga nagawa mo sa akin. Natutuwa ako, dahil nalaman ko na mahalaga pa rin ako saiyo. Na kahit papaano ay hindi pa rin ako nawala sa isipan mo. Alam mo ba? Noong muli tayong nagkita, akala ko ay talagang wala ka nang pakialam sa akin. Ngunit kahit hindi mo sabihin ay nararamdaman ko at nakikita ko pa rin sa mga mata mo ang mga iyon. Kaya naman natutuwa ako, dahil ikaw pa rin ang Zhennie na nakilala ko," nakangiting sabi ni Yuan kay Zhennie. Napatingin naman si Zhennie kay Yuan at nakita niya ang mga ngiti nito, na lagi niyang nakikita sa tuwing nagkikita sila. Nais man niyang gantihan ang ngiting iyon ay hindi niya magawa. Dahil alam niyang may hangganan din iyon. "Zhennie, sana... sana pagbigyan mo ulit akong iparamdam saiyo kung gaano ka kahalaga sa akin. Hanggang ngayon ay ikaw pa rin... ikaw pa rin, Zhennie," saad ni Yuan. Hindi nakapagsalita si Zhennie at muli lang na napayuko. Muli na namang dumaloy sa pisngi niya ang kanyang luha. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong lumabas sa mga sandaling iyon. Siguro ay naiintindihan nito, kung ano talaga ang tumatakbo sa isip at puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD