Chapter 48

2031 Words
Nang maisara ni Zhennie ang pinto ay deretso akong napaupo sa couch at muling napayuko. Pilit ko pa rin na pinapakalma ang aking sarili. Nandoon pa rin ang dulot ng takot na naramdaman ko kanina. Sigurado na ako, na iyon pa lang ang simula. Hindi ko alam kung kailan niya ulit ako babalikan. "What happen?" muling niyang tanong sa akin. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. "Alam kong may nangyari at nasisiguro kong hindi iyon normal," seryoso niyang tanong sa akin. Nag angat ako nang tingin sa kanya at napabuntong-hininga. "Oo, hindi iyon normal at walang kahit sino ang makakabasag agad sa glass wall, kahit pa mga bala dahil protektado iyon. Hindi pangkaraniwan ang bumasag no'n," seryoso kong sabi sa kanya. Naging seryoso naman ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko. Mukhang naiintindihan na niya ang sinasabi ko. "Ibig sabihin, may kapangyarihan din ang taong gumawa no'n?" seryoso niyang sabi. Napatango ako. "Hindi ko masabi kong tao nga ba iyon, isang namumuong itim na usok lang ang nakita ko at sinabi niyang matagal na nila akong hinahanap. Sinubukan niya akong gamitan ng kapangyarihan at iyon ang naging dahilan kung bakit nawasak ang glass wall. Kung hindi dumating si Kherra para protektahan ako ay hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin," paliwanag ko sa kanya. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon niya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Kahit alam niya na may kapangyarihan kami ay hindi pa rin niya maiintindihan ang lahat sa amin, maging ako dahil kamakailan ko lang naman nalaman ang tungkol sa pagkatao ko. "A-Anong sa tingin mo sa kanya, m-malakas ba siya?" tanong niya sa akin. "Sa ngayon ang masasabi ko ay oo, malakas siya. Matinding takot at kaba ang naramdaman ko sa kanya. Kahit hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Pakiramdam ko, kahit ano mang oras ay muli siyang magpapakita sa akin. Hindi ako sigurado kung magiging ligtas pa ba ako sa susunod, kapag muli siyang magpakita," sabi ko sa kanya. Iniwas ko na ang sa kanya at mahigpit kong hinawakan ang kamay ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko. "Hindi siya madaling magpakita agad dito. Tulad namin, manghihina pa rin siya kapag masyado siyang magtagal dito at gumagamit ng kapangyarihan.." Narinig kong sabi ni Kherra na bigla na lang lumitaw. Sabay kaming napatingin ni Zhennie sa kanya. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. "Kung hindi ako dumating ay siguradong magkakaroon ka nang malubhang kalagayan, lalo at hindi mo kayang salagin ang atake niyang iyon. Simpleng atake lang iyon at hindi iyon subrang lakas. Ngunit kung mahina ang kaharap niya ay talagang magtatamo ang tao iyon nang maraming sugat sa katawan. Kaya iyong ginawa ko ay isang proteksyon lamang iyon," paliwanag niya sa amin. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at sang ayon ako sa lahat ng kanyang sinabi. Naramdaman ko kung gaano kalakas iyon, kahit na simpleng atake lamang iyon. "Kung ganoon, sino iyong umatake kay Khendrey. Kilala mo ba siya?" tanong ni Zhennie. Napailing naman si Kherra sa tanong na iyon ni Zhennie. "Hindi ko matutukoy kung sino talaga siya. Ngunit nararamdaman ko ang malakas na kapangyarihan mula sa kanya at siguradong isa siya sa mga nakakataas sa mundo ng black magic. Kaya naman ingatan mo lagi ang sarili mo, Khendrey. Kahit ako pa ang guardian mo, na handang protektahan ka ay mas mainam pa rin ang maging maingat," sabi niya at seryoso pa rin ang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang sa sinabi niya, dahil may punto naman siya sa lahat ng kanyang sinabi. "Ipapaalam niyo ba sa kanila ang nangyari?" mayamaya ay tanong ni Zhennie. "Hindi na siguro," sabi ko sa kanila. "Kahit na hindi mo sabihin sa kanila, lalo na kay Izyll. Malalaman pa rin niya dahil nasa kanya ang kwentas na nagdudugtong saiyo. Malalaman niyang nanganganib ang buhay mo. Sigurado akong alam na niya ang nangyari saiyo," sabi sa akin ni Kherra. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Siguro nga ay ganoon, naiisip ko pa lang na malalaman niya ito ay siguradong bigla na lang iyon susulpot dito. Hays! Ang daming nangyari sa araw na ito at parang nakakapagod na. Kailangan ko na sigurong magpahinga. "Sige na, huwag na muna nating pag usapan iyon. Gusto ko na rin makapagpahinga, masyadong maraming nangyari ngayon," sabi ko sa kanila. Napabuntong-hininga si Zhennie at napatango na lang sa akin. Ganoon rin si Kherra. "Sige, babalik na ulit ako. Basta darating ako kapag kailangan mo ako at kung nasa panganib ka," sabi sa akin ni Kherra. Matapos niya iyong sabihin ay bigla na lang siyang nawala. Bahagya kaming nagkatinginan ni Zhennie. "Halika na, tabi na lang tayong dalawa sa kama para makapagpahinga na tayo," anyaya sa akin ni Zhennie. Tumango ako at tumayo na, saka naglakad patungo sa kama. Ganoon rin ang ginawa ni Zhennie at pareho kaming sabay na humiga sa kama, upang matulog. Sana magtagumpay kami sa gagawin namin bukas, upang matapos na ang lahat na nangyayari ngayon. Dahil sa susunod ay ibang bagay na naman ang aasikasuhin ko. THIRD PERSON'S POV Mula sa di kalayuan ay isang itim na usok ang namuo at naging isang anyong babae. Nakangisi itong nakatingin sa mansion nina Khendrey at bahagya pang nakalagay ang isang daliri sa bibig nito. Nakasuot ito ng itim na mahabang damit at mahaba rin ang buhok nito. May maliit na korona sa may ulo nito at may hawak na isang itim na stick o isang tinatawag nilang magic wand. Ito ang gumawa nang pagbasag ng glass wall, sa kwarto ni Khendrey at ito rin ang kumausap kay Khendrey. "Hmmm, hindi pa siya hinog para pitasin. Mahirap ding galawin nang malapitan dahil may nagbabantay sa kanya, ang kanyang guardian fairy, tsss!" nakangisi niyang sabi habang nakatanaw pa rin sa silid ni Khendrey. "Mukhang humina na ang kapangyarihan mo ah?" Napalingon siya sa biglang nagsalita at napataas ang kilay nang makilala ito. Hindi niya inaasahan na magkikita silang dalawa ngayon. "Paano mo nalamang nandito ako?" nakataas-kilay niyang tanong dito. Napangisi ito sa tanong niya at biglang nawala. Lumipat ito nang ibang pwesto at nakaupo na ito sa isang tagong sanga ng kahoy, kung nasaan sila ngayon. "Nagkataon lang na nakita kita kanina. Alam mo na, sinusubaybayan ko rin ang babaeng iyan," sagot nito sa kanya. Napairap lang siya sa sinabi nito at sumandal sa puno. Naiinis rin siya minsan sa babaeng ito dahil isa ito sa mga kakumpintinsya niya lalo na sa mga misyon na binibigay sa kanila. "Balita ko, hindi pa nagkakamalay ang babaeng ginamit mo para ilaban kay Khendrey. Ano? May balak ka pa bang gisingin iyon?" natatawang sabi niya dito. Napasinghal lang ito sa sinabi niya at napairap. Kilala niya ito bilang isang mapagpanggap na babae, lalo na sa mga misyon. Nakakasama rin kasi niya ito minsan, ngunit ngayon magkaiba ang misyon nila. Nagkataon lang na nais din niyang makilala ang babaeng hinahanap nito, na ngayon ay nakilala na rin niya sa wakas. "Pinag iisipan ko pa, para sa akin ay maganda siya para maging isang laruan. Matapang at talagang lumalaban. Ngunit sa antas nang kakayahan nila ni Khendrey ay hindi niya ito kailanman mapapantay. Bihasa na si Khendrey, pero si Clarise sadyang sa salita lang magaling," napapailing na sabi nito at bumuga ng usok mula sa sigarilyong hawak nito. Natawa lang siya sa sinabi nito at tiningnan habang nakangisi. "Ano nga ulit ang pangalan na ginagamit mo? Marjorie? Haha! Mukhang kinanti ka rin niya. Hindi ka ba nahirapan sa kanya? Nabalitaan ko kasing pinahiya ka niya," nakangising pang aasar niya sa babae. "Demeria," tawag nito sa kanya na may halong pagbabanta at pagkainis. Napangisi naman siya dahil sa tuno ng boses nito. "Bakit? Sahara?" nang iinis na sabi niya dito. Naramdaman niya ang kakaibang aura na pinalabas nito dahil mukhang nainis ito sa mga sinabi niya. Kilala niya ang babae at mabilis lang itong mainis kapag inaasar niya ito. "Sinasabi ko lang naman kung ano ang mga nalaman ko. Bakit ka naman magkakaganyan? Mukhang apektado ka masyado," napapailing niyang sabi dito. Nakita niya kung paano ito napapikit at alam niyang pinipigilan lang nito ang sarili upang hindi siya atakihin. Minsan na rin silang naglaban noon at masasabi niyang malakas rin ito. Subalit hindi siya kailanman magpapatalo dito kung sakali mang maglaban ulit sila. "Tsss, masyado ka namang chismosa pagdating sa mga nangyayari sa akin. Kasama iyon sa pagpapanggap ko, kaya hindi mo na ako kailangan pang asarin pa, tsss," tanging sabi nito at naramdaman na niyang nawala na ang maitim na aura na bumalot dito kanina. "Sabagay, kasama naman talaga sa misyon na magpanggap," saad naman niya. "Ikaw? Di ba sina Izyll ang misyon mo? Bakit ka nandito?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. "Dahil alam kong sa pamamagitan nila ay makilala ko rin ang bagong tagapagmana. Kaya naman hindi ako nabigo, nakilala ko na sila at mukhang nasa panganib pa nga ang isa. Kaya naman pinatikim ko siya ng kaunti," nakangising sabi nito at ang tinutukoy ay ang ginawa niyang atake kanina kay Khendrey. Napairap naman si Sahara sa kanya at napaismid. Tinapon niya ang upos ng sigarilyo at tuluyang binuga ang natitirang usok sa bibig niya. "Sa tingin ko ay nakita ni Khendrey ang ginawa kong paggamit kay Clarise, noong sinakal siya nito. Hindi nga lang ako sigurado kung tama pa ang hinala ko. Napansin ko ang aura ng isa sa mga kasama nina Izyll. I think it's Flare. Binabantayan niya ang kilos ko, kaya siguradong may gusto silang malaman tungkol sa akin," seryoso nitong sabi. Napataas lang ang kilay ni Demeria dahil sa sinabing iyon ni Sahara. Para sa kanya ay wala namang kaso kung makilala ito ni Khendrey. Dahil sa ngayon ay talagang wala naman itong laban sa kanila. Kaya kampanti siya na maaari niyang galawin ito ngayon. Subalit kapag ginawa naman niya iyon ay may parusang ibibigay sa kanya. "Hindi ko talaga maintindihan ang reyna. Alam naman natin na papatayin lang niya ang dalawang bagong tagapagmana. Ngunit bakit kailangang manmanan lang natin ito? Ano nga ba ang binabalak niya?" wala sa sariling sabi niya at napapaisip pa rin sa posibleng nais ng reyna nila. "Iyon din ang ipinagtataka ko, maaari naman nating gawin iyon ngayon. She's a threat for all of us. Dapat ngayon ay mapatay na nga natin siya. Hindi natin alam ang maaaring mangyari sa susunod kapag ganap na niyang magagamit ang kapangyarihan niya," seryoso namang sabi ni Sahara. Pareho silang nais na mawala na sa landas nila si Khendrey. Ngunit hindi nila iyon maaaring gawin dahil isa iyon sa utos sa kanila. Ang manmanan lang ito at subukan ang kakayahan. Kahit tutol sila sa nais ng kanilang reyna ay wala naman silang magagawa kundi sundin ito. Hindi nila kayang suwayin ang utos nito dahil alam nilang sila rin ang magdudusa. "Hays, kahit anong tutol naman natin ay wala tayong magagawa. Gawin na lang natin ang iniutos sa atin upang walang problema. Ngunit hindi ko maipapangako na wala akong gagawin sa babaeng iyon," nakangising sabi ni Demeria. Napapailing na lang si Sahara sa sinabing iyon ni Demeria. Hindi na siya naging tutol pa sa gusto nito dahil baka magtalo lang sila sa walang kwentang usapan. "Ipapaalala ko lang na huwag kang masyadong gumamit ng kapangyarihan dahil baka mahirapan ka. Wala tayong guardian tulad nila. Ngunit bahala ka pa rin kung anong gusto mong gawin. Sa ngayon manonood lang muna tayo sa gagawin nila. Mukha kasing exciting," nakangising sabi naman ni Sahara. "Mukha nga, oh siya aalis na ako. Magkita na lang tayo ulit," paalam ni Demeria dito. Tumango lang si Sahara, kasunod no'n ay ang pagkawala na ni Demeria. Alam naman ni Sahara kung saan ito pupunta. Muli siyang napatingin sa silid ni Khendrey at bahagyang napangisi. Kung totoo nga ang hinala niyang nakita siya nito ay wala na rin siyang magagawa. Nais man niyang lapitan ito nang matagal ay hindi niya maaring gawin. Alam niyang may guardian ito na agad p-protekta, kapag may masamang mangyari dito. Mahina rin ang kapangyarihan nila sa mortal na mundo, kaya agad silang manghihina kung gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan nang matagal. Kaya naman hahayaan niya muna ito sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD