Chapter 49

1515 Words
KHENDREY'S POV Kinabukasan.. Maaga akong nagising at napansin ko nang magising ako ay wala na si Zhennie. Siguradong nasa ibaba na iyon at naghahanda nang Almusal. Kaya naman kumilos na ako. Tumayo ako mula sa kama at akmang lalabas na ako ng may nakita akong folder sa tabi ko. Napakunot noo akong kinuha ito at tiningnan kung ano ito. Ngunit natigilan ako nang mabasa ang laman noon. May nakita akong resulta ng mga test at nakapangalan doon ang pangalan ng ina ko. Napalunok ako habang binabasa ko ito. Tiningnan ko kung saang hospital ito naganap at nakita ko ang pangalan ng hospital nina Gajeel. Naikuyom ko ang aking isang kamay habang binabasa iyon. Maging kay tita ay pareho lang rin kay Mommy. Parehong normal ang mga test nila, subalit mas nakaramdam ako ng galit nang may nakita pa akong isang test doon. Nasisiguro akong isa itong original copy, na nabasa ko na noon sa mga dokomento ni Mommy noong namatay siya. Iniba nila ang mga resulta ng test. Normal lang lahat ang resulta ng mga test nina Mommy, pero ang dumating sa amin ay iba. They use a drug that cause them dead. May napansin pa akong isang maliit na USB. Kaya naman kinuha ko ito at kinuha ang laptop ni Zhennie. Isinalang ko iyon at may ilan akong tinype doon, hanggang lumabas ang isang video. Mukhang palihim lang ang kuha ng video na iyon. "Doc Sean, kumusta po ang anak ko?" narinig kong tanong ng isang boses babae. Nasisiguro akong ito ang kumukuha ng video nang palihim. "She's okay and healthy. Kaya naman ngayon ay ikaw muna ang aasikasuhin namin," sabi nito ng isang doctor at nang lumingon ito ay nakilala ko ito. Walang iba kundi ang ama ni Gajeel. Nakita kong may hawak siyang syringe na may lamang kulay berde. Nagtataka ako kung ano iyong nakikita ko. "S-Sandali, ano iyan? Doc Sean?" naramdaman ko ang pag aalala sa boses ng babae. "Katrina, alam ko kung gaano ka kabait. Ang kaso nga lang ay kailangan niyong mawalang pareho ni Helene. Sa mundo ng mafia, mas lamang ang lalaking mamumuno at ayaw naming magkaanak pa kayo ng lalaki. Tama na ang babae at sa susunod na mawala kayo ay ang anak niyo naman ang susunod. Pagkatapos nila ay ang asawa mo naman. Para tuluyan na kayong mawala sa mga landas namin," nakangising sabi nito at naglakad palapit sa babaeng tinawag niyang Katrina, ang babaeng kumukuha ng video ay walang iba kundi ang ina ko pala. "N-No! No, Sean! D-Don't do this, ah!" sambit ng ina ko at nakita kong napahawak siya sa tiyan niya. Sigurado akong masakit pa ang katawan niya dahil mukhang kakapanganak pa lang niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa aking nakita. Natapos na iyong video na nakita ko at nanatili pa rin akong nakatingin doon. Iniisip ko pa lang ang posible nilang ginawa sa ina ko ay nangingimi na ako sa galit. Pinakalma ko ang aking sarili at napaikit. Napabuntong-hininga ako at muling dumilat. Inalis ko na ang USB sa laptop at binalik ko sa mga kasama nitong mga dokomento. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ni Zhennie. Tinungo ko ang kwarto ko para makapagbihis na. Nang buksan ko ang silid ay nakita kong maayos na ito, lalo na iyong glass wall na nabasag kagabi. Ang bilis naman atang napalitan. Ibang klase talaga si Zhennie, mabilis kumilos. Napabuga ako ng hangin at naglakad patungo sa wardrobe. Namili ako doon ng dress na isusuot ko sa lakad ko ngayong araw na ito. Napili ko ang isang kulay pulang damit, na halos kita ang likod. Maganda ang desenyo nito, simple lang pero nakakaakit tingnan. Bago ako naghanda ay muli akong lumabas sa kwarto ko, upang mag almusal muna. Dumaan pa ako sa kwarto ni Daddy para ibigay ang dala kong dokomento. Nang buksan ko ang pinto ay nagbibihis siya, kaya tuluyan na akong pumasok. "Good morning, dad," bati ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at napangiti. Tuluyan na akong lumapit sa kanya at napansin kong napatingin siya sa hawak ko. "Iyan na ba ang sinasabi mong dokomento?" tanong niya da akin. Tumango ako. "Kayo nang bahala nito, Dad. Ipapaubaya ko na ang magiging desisyon niyo sa mga malalaman niyo diyan. Dumaan lang ako para ibigay iyan saiyo," sabi ko sa kanya at iniabot ang hawak ko. Kinuha naman niya agad iyon at bahagyang napatitig. "Mag aalmusal muna ako, Dad. Kayo rin, kumain muna kayo," sabi ko sa kanya. "Sige, mauna ka na. Gusto ko munang makita ang laman nito," sabi niya sa akin. Napatango na lang ako at nagpaalam na sa kanya lalabas na ako. Hinayaan na niya akong makaalis, kaya naman bumaba na ako sa hagdan at dumiretso sa dinning area. Naabutan ko doon si Zhennie at isang mayordoma ng mansion, na naghahanda na sa mesa. "Good morning, Khendrey," bati sa akin ng mayordoma. Ngumiti at tumango lang ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Zhennie, na tumayo lang sa akin. Umupo na ako sa mesa habang nakatingin pa rin kay Zhennie. Inilibot ko ang aking tingin, at inaasahang makikita ko si Flare. Nasisiguro naman akong siya ang naglagay nagdala no'ng mga dokomento na iyon. "Nasaan si Flare?" tanong ko kay Zhennie. Napahinto naman siya sa kanyang ginagawa at nagtatakang nakatingin sa akin. Bahagya pa siyang tumingin sa paligid. "Si Flare? Hindi ko naman siya nakitang dumating, bakit?" nagtataka niyang sagot sa akin. "Hindi mo nakita? Eh sino ang naghatid no'ng dokomento sa akin?" nagtatakang saad ko naman. "Hindi ko talaga siya napansin. Well, baka iniwan lang niya iyon saiyo at umalis na," sabi niya sa akin. Napatango-tango ako sa sinabi niya. Baka nga iniwan lang iyon ni Flare kanina habang natutulog pa ako at hindi rin iyon napansin ni Zhennie. Kakausapin ko na lang siya mamaya. "Nakita mo na ba ang kwarto mo?" tanong niya at umupo kaharap ko. "Oo, mabuti at naayos na iyon," sabi ko sa kanya. "Basta sa susunod mag ingat ka na. Kung mautak si Gajeel ay malamang mas mautak pa ang isa mo pang makakalaban. Mas higit pang delikado ang mga ito," seryoso niyang sabi sa akin. Tama siya. Kampanti lang ako ngayon dahil ang kalaban namin ay kaya lang naming pabagsakin, lalo na at kilala na namin. Subalit ang isang makakalaban namin, na bigla na lang nagparamdam ay hindi ordinaryo. Hindi ko alam pero talagang mas kinakabahan pa ako sa mga iyon, dahil alam kong sa lagay kong ito ay hindi ko sila malalabanan. "You're right. Kailangan ko talagang mag ingat, lalo na rin si Heart," sabi ko sa kanya. "Sasabihin mo na ba sa kanya ang lahat, kapag nabawi na natin siya?" muling tanong niya. Napatango ako. "Oo, kailangan na niyang malaman kung ano kami at kung ano ang magiging misyon namin. Ngunit nalulungkot pa rin ako dahil alam ko, na maiiwan namin kayo. Kung sakaling sasama na kami kina Izyll," sabi ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Alam na naman niya ang kakahantungan naming ito at isa siya sa kailangang umintindi nito. "Sigurado namang may paraan pa rin na makabalik kayo dito at syempre hihintayin ko kayo," nakangiti niyang sabi. Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon. Alam kong sa lahat ng mga tauhan at naging kaibigan ko ay si Zhennie ang mas inaasahan ko sa lahat. Kaya may tiwala ako sa kanya. "Anong pinag uusapan niyo?" Pareho kaming natigilan ni Zhennie at napatingin sa nagsalita. Nakita namin si Daddy at tito na nasa pinto ng dinning area. Teka! Narinig ba nila ang pinag uusapan namin? "Saan ka ba pupunta, Khendrey?" narinig kong tanong ni Daddy. "H-Huh?" wala sa sariling sambit ko. "May pupuntahan ba kayo ni Heart, pag nabawi na natin siya?" nagtatakang tanong ni Tito Herbert. Naitikom ko ang aking bibig at napatingin kay Zhennie. Alanganing nakatingin naman siya sa akin at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Uhm, yes, may pupuntahan kami ni Heart. M-Malalaman niyo rin kapag nandito na siya. Sa ngayon ay babawiin muna natin siya sa kamay ng mga taong may hawak sa kanya," sabi ko at naging seryoso sa aking huling sinabi. Napansin ko namang pareho silang natahimik ni Daddy. Hindi ako sigurado, pero mukhang alam na nilang dalawa ang laman ng dokomentong binigay ko kanina kay Daddy. "Alam niyo na ba kung anong mayroon doon sa dokomento?" seryoso kong tanong sa kanila. Si Daddy ang tumango sa akin at nakita ko kung paano naikuyom ni tito ang kanyang kamay. Nararamdaman ko ang galit na mula sa kanya. Naiintindihan ko iyon dahil ganoon din ang naramdaman ko, nang malaman ko ang lahat ng iyon. "Sigurado na ba kayo sa mga binabalak niyo?" mayamaya ay tanong ni Daddy. "Oo, dad, kaya naman kayo na ang bahala ni Tito doon sa sinabi ko sainyo. Kailangan nang malamang ng lahat ang kahayupang ginawa nila," mariing kong sabi sa kanila. Napatango naman sila sa sinabi ko. Matapos no'n ay sabay na kaming nag almusal lahat, habang patuloy na nag uusap sa plano namin. Matapos naming kumain ay nauna na akong bumalik sa kwarto ko upang maghanda sa gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD