Chapter 47

2056 Words
Nang makalabas ako ng kwarto ay dumiretso ako sa kwarto ni Zhennie at kumatok doon. Ilang sandali pa ay bumukas na iyon at nagulat pa nang makita ako. "Oh? Bakit?" nagtatakang tanong niya sa akin at pinapasok ako. "Nag usap na kaming lahat, pasensya na at hindi kita natawagan kanina. Ngunit ipapaliwanag ko sa iyo ang naging plano namin, na gagawin bukas," sabi ko sa kanya. "Oh sige, makikinig ako at tutulong," tugon niya sa akin. Tumango ako at sinimulan kong ipaliwanag sa kanya ang plano namin para bukas. Nakinig lang siya sa mga sinabi ko at sumang ayon sa plano ko. Matapos kong ipaliwanag ang plano namin ay nagbahagi rin siya sa gagawin niya, para sa pagsunod sa akin. Gagawa siya nang plano kasama si Cindy. "Mabuti naman at makakasama ko si Cindy, magkakasundo kami sa gagawin namin," napatango-tango niyang sabi. Napatango naman ako. "So? Anong gagawin mo para sumama siya saiyo?" tanong niya sa akin. "Madali lang naman siyang ayain, kapag ako ang magyaya sa kanya. Hindi iyon problema sa akin," sabi ko sa kanya. "Sabagay, baliw na baliw naman iyon saiyo, kaya talagang hindi ka magkaka-problema sa kanya," sabi niya at bahagyang napaismid sa akin. Napapailing na lang ako sa sinabi niyang iyon, dahil nga totoo naman ang sinabi niya. "By the way, hindi pa ba lumalabas sina Daddy?" tanong ko sa kanya. "Kanina lumabas ang daddy mo para magdinner, pero bumalik lang rin dahil may gagawin pa raw siya. Si Tito Herbert naman ay dinalhan ko na lang ng pagkain kanina, at bakas pa rin ang pag aalala sa mukha niya. Mukhang inaalala niya pa rin si Heart," sabi niya sa akin. "Ganoon ba? Hays, kaya dapat mabawi na natin si Heart bukas para maging maaayos na ang lahat," sabi ko sa kanya. "At syempre kailangang pagbayaran ni Gajeel ang ginawa niya. Hindi ko aakalain na siya pala ang dumukot kay Heart. Naku! Kapag nagkaalaman na talaga ay sasapakin ko siya!" naiinis na sabi niya sa akin. Naging seryoso ang tingin ko sa kawalan at inalala ang dokomentong sinasabi nina Flare. Hindi ko alam kung ano ang malalaman ko sa dokomentong iyon kapag nakuha na ni Flare. Kaya naman kailangan kong makausap si Daddy. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, kaya napansin kong napatingin aa akin si Zhennie. "Pupuntahan ko muna si Daddy, sasabihin ko sa kanya ang nangyari," sabi ko. Napabuntong-hininga siya at napatango sa sinabi ko. Lumabas na ako sa kwarto niya at naglakad patungo sa kwarto ni Daddy. Nang makarating ako ay kumatok muna ako bago pumasok. Nang makapasok na ako ay nakita kong abala na naman siya sa laptop niya at may tinitipa. Lumapit ako sa kanya. "What are you doing, Dad?" "Oh, nakabalik ka na pala. Well, kinakausap ko ang tauhan ng mga Silverado. Sinabi nilang nais niya akong makita bukas at may pag uusapan kami. Kaya iniisip ko pa kung makikipagkita ba ako sa kanila," sabi ni Daddy. Silverado? Wait! Iyon ang palihim na kaalyansa ng pamilya ni Gajeel at iyon din ang pupuntahan ni Rigor. Napaisip akong mabuti, hindi kaya may pinaplano sila, kaya nila gustong makita si Daddy? "Dad, don't go. Delikado na pumunta ka doon," seryoso kong sabi sa kanya. "Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko. Ngunit dapat na masabi ko pa rin ito sa kanya. "Dad, traydor sina Gajeel at ang pamilya nila. Sina Gajeel ang may hawak ngayon kay Heart at kasama nila si Rigor sa pagdukot kay Heart," mariing sabi ko kay Daddy at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. "W-What?" hindi makapaniwalang sambit niya. Tumango ako sa kanya. "Iyon ang nalaman namin ni Zhennie at nagpaplano na kami na mahuli siya sa akto. May isa rin na dokomentong magdidiin sa kanila, na hindi simpleng pagkamatay ang nangyari kina Mommy. Dad, they are using us to forget what they have done. Hindi ko palalampasin ang ginawa nila, lalo na at hawak nila si Heart ngayon," seryosong sabi ko kay Dad. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakatingin sa akin ngayon. Sigurado akong subra siyang nagulat sa mga sinabi ko at naiintindihan ko naman ang reaksyon niya. Sino naman kasi ang mag aakala na kasama lang namin ang traydor at kumikilos lang kasama namin. May hinala na kami noon pa pero nakakabigla pa rin na malaman ang lahat ng ito. "Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi mo ngayon. Ngunit totoo ba talaga ang mga nalaman mo?" Napatango ako sa sinabi ni Daddy. "Sigurado ako, Dad. Bukas may gagawin kami at isasama ko si Gajeel. Sa araw na iyon ay malalaman nilang lahat ang kahayupang ginawa nila. Kapag na nakuha ko na ang dokomentong iyon, ikaw na ang bahala sa pagkilos no'n, Dad. Ipaliwanag mo rin iyon kay Tito at kapag nalaman niyo na ang laman ng dokomento ay umasta kayong walang alam at ipatawag ang buong mafia. Para tuluyan silang mawala sa mafia at pagbayaran nila ang kanilang nagawa, lalo na sa pamilya natin," seryosong sabi ko kay Daddy. Hindi agad siya nakapagsalita at bahagyang napaisip sa mga sinabi ko. Hinintay kong magdesisyon siya, dahil siya lang ang alam kong makakagawa no'n sa ngayon. Mayamaya ay narinig kong napabuntong-hininga siya. "Sige, gagawin ko iyon kapag nabasa ko na ang dokomentong sinasabi mo. Sandali, sino ang kukuha sa dokomentong sinasabi mo?" bahagyang tanong niya sa akin. Napangisi ako. "Isa sa mga naging kaibigan ko at mapagkakatiwalaan. Ngayong gabi ay makukuha niya ang dokomentong iyon at bukas ay mababawi na natin si Heart," mariing sabi ko kay Daddy. "Sige, may tiwala ako saiyo anak. Sana magawa mo nang maaayos ang binuo mong plano," sabi niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya. "Salamat sa tiwala mo, Dad," saad ko. Napatango siya at bigla akong niyakap. Kaya napapikit ako sa ginawa niya. "Ingatan mo lagi ang iyong sarili, Khendrey. Dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin, kung sakaling mapahamak ka. Tandaan mong mahal na mahal kita, anak," sabi niya sa akin. Napangiti ako at medyo nalungkot sa mga sinabi niya. "Ingatan mo rin ang iyong sarili, Dad. Mahal na mahal ko rin kayo," sabi ko sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko pa rin maiwasang masaktan, dahil alam kong iiwan ko rin siya. Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap at mayamaya ay kusa na kaming humiwalay sa isa't isa. "Dad," tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang tumingin sa akin. "Hmm?" "Kung sakali mang.. k-kung sakali lang naman, na umalis ako at walang kasiguraduhan na babalik pa ako. Anong mararamdaman mo at kung ano ang gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon niya. Ngunit sa tingin ko ay may pinapahiwatig ito sa akin. "Syempre, malulungkot ako kung mangyayari man iyon. Masasaktan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ngunit, kung may dahilan man ang pag alis mo. Nasisiguro kong hindi mo rin iyon ginusto. Ang maaari ko lang gawin ay intindihan ang magiging desisyon mo," aniya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nahuhulaan niya kung ano ang mangyayari. Nasa mga niya ang lungkot, pero naroon din ang pag iintindi. Napangiti na lang ako sa sinabi niyang iyon at napatango. "Pagnatapos na ang mga nangyayaring ito ay may sasabihin ako saiyo, Dad. Sa ngayon, ay ito muna ang asikasuhin natin," sabi ko sa kanya. Napatango siya at hinaplos ang noo ko. "Sige, magpahinga ka na para may lakas ka bukas. Asahan mong magtatagumpay tayo sa laban na ito," sabi niya sa akin. Napatango naman ako sa sinabi ni Dad at nagpaalam na ako sa kanya na babalik na ako sa kwarto ko. Hinayaan niya naman akong makaalis. Kaya naman bumalik na ako sa kwarto ko. Nang makapasok ako, ay napakunot noo ako. May nararamdaman akong kakaibang enerhiya na nagmumula sa labas. Hindi pamilyar sa akin pero nararamdaman kong isa itong mapanganib na enerhiya. Isinara ko ang pinto at napatingin sa labas ng veranda. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba ang pinanggagalingan ng enerhiyang iyon. May hatid itong panganib na hindi ko maintindihan. Napalunok ako at dahan-dahang naglakad patungo sa sliding door. Hinawakan ko ito, subalit nagkaroon lang ito ng kakaibang pakiramdam sa akin. Tila ba nanlamig ang buong katawan ko dahil sa nararamdaman ko. Napatingin ako sa labas at mas akong natigilan nang makita ang isang itim na bagay biglang bumuo sa ere. Wala akong nakitang imahe dito. Isang itim na bagay na tila ba usok na bumuo lang sa ere. Ngunit ang kakaibang aura nito ang nagparamdam ng kaba sa akin. Anong klaseng aura ba ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kung lalapitan ko ba ito o hindi. "Khendrey.." Natigilan ako at nanlaki ang mga matang nakatingin sa bagay na iyon. Nang marinig ko ang boses babae na tumawag ng pangalan ko. Doon nga iyon nanggagaling? "Ang tagal na rin, noong hanapin ka namin. Kaya naman, titingnan ko kung gaano ka kalakas, hahaha!" Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang mga sinabi niya, maging ang nakakakabang boses niya. Naramdaman kong may namuo ulit na enerhiya at nanlaki ako sa balak nitong gawin. Nakita ko kung paano dumiretso ang isang itim na bagay patungo sa akin. Naiharang ko ang kamay ko at napapikit. Isang malakas na pagkabasag ang umalingaw-ngaw sa madilim na gabi. Ngunit nagtaka ako nang hindi man lang ako naapektuhan sa nangyari. Kaya napadilat ako at nakita ko ang isang kulay gintong humaharang palibot sa akin. Nakita ko ang nangyari sa glass wall, basag na ito. "Ayos ka lang ba?" Wala sa sariling napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kherra, na nasa balikat ko. Nararamdaman ko pa rin ang kaba sa dibdib ko dahil sa nangyari. Wala na akong nakitang itim na usok na nakita ko kanina. Naging maliwanag na ang paligid at naiwan na lang ang mga basag na mula sa glass wall. Tok! Tok! "Khendrey! Anong nangyari diyan? Bakit may narinig kaming pagkabasag?" "Khendrey? Honey! What happen?" Natauhan lang ako nang tuluyan, nang marinig ang boses nila Zhennie at ni Daddy. Napalunok ako at wala sa sariling naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko silang tatlo na nagtataka at nag aalala. "What happen?" tanong ni Zhennie at agad na pumasok sa kwarto ko. Hindi ako nagsalita at naramdaman ko na lang na maging sina Daddy at tito ay sabay na pumasok rin sa kwarto ko. "Oh my god!" sambit ni Zhennie. Napatingin ako sa kanya at nakita ko kung paano siya napatutop sa kanyang bibig, habang nakatingin sa mga basag na salamin mula sa glass door. Naramdaman ko ang tingin ni Daddy sa akin. "Pinasok ka ba dito?" nag aalalang tanong ni Daddy. Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ni Daddy. "Anong nangyari, Khendrey?" nagtatakang tanong ni tito sa akin. Hindi pa rin ako nasagot sa mga tanong nila. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari. Subalit kapag sinabi ko naman sa kanila ay malamang hindi sila maniniwala, pwera kay Zhennie. "Wala akong nakitang bakas ng baril o kahit anong pasabog na pweding bumasag sa glass wall. Ano ba talagang nangyari?" nagtatakang tanong sa akin ni Zhennie. Umiwas ako nang tingin sa kanila at hindi pa rin ako nagsalita. Napaupo ako sa couch at napayuko. Naroon pa rin ang kaba na nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaba sa tanang buhay ko. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay isa iyon sa mga taga-itim na sinasabi nina Izyll. "Khen?" muling tawag sa akin ni Zhennie. Napatingin ako sa kanya. "H-Hindi ko alam, p-pagkapasok ko bigla na lang itong nabasag. Hindi ko nakita kong ano sanhi ng pagkabasag," kaila ko sa kanila. Nakita ko kung paano napakunot ang noo na napatingin siya sa akin. Agad akong umiwas sa kanya at narinig kong napabuntong-hininga siya. "Doon ka muna sa kwarto ko, ipapalinis ko na lang ang mga basag dito. Halika na," sabi niya sa akin. "Sige na, doon ka muna kay Zhennie," sabi sa akin ni Daddy. Napatango na lang ako at sumunod na kay Zhennie. Napapikit na lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Sino kaya talaga ang babaeng iyon, hindi ko nakita ang mukha niya. Ngunit talagang masasabi kong malakas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD