Chapter 29

2099 Words
Nang makalabas kami ay napabuntong-hininga ako at napahawak sa ulo ko. "Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong sa akin ni Izyll. Napatango lang ako at umiwas sa kanya, nang akmang hahawakan niya ako. "Nakakaawa siya, pero may mali naman talaga siyang nagawa, tsk!" sabi ni Heart. "Nakakatakot ka pala kapag ganoon ka, Khen," natatawang sabi ni Jarryl. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at bahagya akong lumingon kay Izyll. Napatitig ako sa kanya saglit, bago nagsalit. "Mag usap tayo mamaya," sabi ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya sa sinabi kong iyon. Ngunit agad rin siyang tumango. "Mauna na kami sa inyo," sabi ko at inaya na sina Heart. Alam ko namang iisang room lang naman ang pupuntahan namin, pero ayoko silang makasabay sa ngayon. "Anong problema?" nagtatakang tanong ni Zhennie sa akin. "Wala, naiinis pa rin kasi ako sa nangyari. Gusto kong matikim ang Clarise na iyon, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Bahala sila kung papaalisin ba nila ang ang guro na iyon o hindi," sabi ko. "Actually, mabait naman talaga iyang si Mrs. Marjorie ‘cous, baka na brain wash lang ni Clarise. Let's give her another chance," sabi sa akin ni Heart. Napahinto ako at napatingin sa kanya. Alanganin siyang ngumiti sa akin, kaya naman napabuntong-hininga ako. "Maaari naman sigurong patawarin natin siya sa nagawa niya di ba? Naghihinayang kasi ako eh," sabi niya sa akin. "Sige, pagbibigyan kita sa bagay na iyan, pero depende pa rin iyon sa kanya kung kakausapin niya tayo. Ngunit kung katulad din siya ni Clarise na masyadong matigas, wala na akong magagawa," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa room namin. Pagdating naman namin ay aming nasalubong ang isang guro na mula room namin. Napahinto siya nang makita kami. "I've heard what happen, some of your classmates talk about it. I want to apologize of what Clarise have done to you. Ganyan na talaga siya noon pa, to seek attention. But of course, I still need to say that, you still have a fault. Dahil pinapatulan niyo rin siya, kaya sana sa susunod wala nang ganoong insidente para walang mapahamak. Okay lang ba?" mahinahon niyang sabi sa amin, lalo na sa akin. Napabuntong-hininga ako at napatango sa kanya. "We're also apologizing for the trouble, Ma'am," magalang ko rin sabi sa kanya. Napatango siya sa akin dahil sa sinabi ko at napangiti. "Pasensya na po at na-late kami, Ma'am. Babawi na lang kami bukas," sabi naman ni Heart dito. "Ayos lang, sige na pumasok na kayo," sabi niya sa amin. Tumango kami, saka siya umalis. Tiningnan namin siya habang naglalakad paalis. "Ang bait talaga ni Ma'am Gomez," puna ni Heart. "Well, siguro ganoon lang talaga siya. Oh ano, Zhennie? Magkita na lang tayo mamaya," sabi ko kay Zhennie. "Uhm, Actually, magpapaalam ako sainyo. May pupuntahan kasi ako baka mamayang hapon pa ang balik ko. Nakalimutan kong sabihin saiyo," sabi sa amin ni Zhennie. Napataas-kilay akong nakatingin sa kanya. "Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. "Kakausapin ako ni Mommy, tumawag kasi siya sa akin kanina. She want to talk to me," sagot niya sa akin. Kaya napatango na lang ako sa kanya. "Sige," sabi ko. Tumango naman siya at nagpaalam na sa aming dalawa ni Heart. Pagkaalis niya ay pumasok na rin kami ni Heart sa loob. Napansin ko kaagad ang tingin nila sa amin. Hinayaan ko na lang ang mga ito at umupo na ako. Sumunod naman si Heart sa akin. "Ayos na ba kayong dalawa?" mayamaya ay tanong ng isa sa kaklase naming babae. Napatingin kami dito at napatango ako sa kanya, dahil sa akin siya nakatingin. "Oo, okay na kami," nakangiting sagot ko naman dito. Siguro nakita nila ang nangyari kanina. "Naku! Nakakainis din talaga iyang si Clarise, kahit kasalanan niya ang nangyari isisi ba naman sainyo," sabi naman ng isa pa naming kaklase na lalaki. "Oonga," sang ayon ng mga ito. "Hayaan niyo na guys, nag usap na kami at hindi na raw mangyayari ulit iyon. Tsk! Sana nga at wala na siyang gawin," sagot ni Heart sa mga ito. Nakikita ko ang pag aalala sa mga kaklase namin, dahil sa nangyari sa amin kanina. Mayamaya ay dumating sina Izyll at bahagya pang nagtama ang paningin naming dalawa. Ako na ang umiwas nang tingin at mayamaya ay pumasok na ang isa pang guro saka nagsimula na ulit ang klase. Dahil sa may usapan kami ni Izyll, pinasabay ko na si Heart kina Jarryl papunta sa Cafeteria. Habang kaming dalawa ni Izyll ay pumunta sa may likod ng campus. Nakarating kami sa dulo ng gubat at umupo ako sa may ilalim ng puno. Habang siya ay ganoon rin ang kanyang ginawa. Naging tahimik kaming dalawa, kaya naman ako na ang unang nagsalita. "Alam ko nitong mga nakaraang araw ay nakasunod ka lang sa akin," sabi ko at napansin kong bahagya siyang napalingon sa akin. "Hindi ko alam kung parte pa ba iyon ng sinasabi mong pagbabantay sa akin o ano. Pakiramdam ko kasi, mas higit pa doon ang nakikita ko," muling sabi ko at napatingin sa kanya. Kaya naman bahagya siyang napaiwas sa akin nang tingin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko talaga ay higit pa roon ang ginagawa niya. "Siguro naman, nakikita mo kung gaano ako nalilito sa nangyayari. Hindi ko alam kung sasama ba ako sainyo o hindi," sabi ko sa kanya at inalis na ang tingin sa kanya. Napansin kong napatingin siya sa akin. "Alam ko naman iyon, ngunit siguro naman naiisip mo na rin ang maaring mangyayari. Ngayong nahanap na namin kayo ay hindi lang kami ang nakabantay saiyo," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya, kaya nagtama ang paningin naming dalawa. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata, maging ang pag aalala ay naroon din. Ngunit may isa pa akong nakikita na hindi ko matukoy kong ano. "Nasisiguro akong pinababantayan na kayo ni Queen Hezza, dahil may napapansin na akong kakaiba sa paligid. Lalo na kay Clarise," seryoso niyang sabi at iniwas ang tingin sa akin. Nang dahil sa kanyang sinabi ay naalala ko ang isang bagay na nakita ko rin kay Clarise. Nasisiguro akong iisa lang ang nasa isip namin ngayon. Ang itim na aura na nakita ko kay Clarise ay hindi isang simpleng aura lang, dahil nararamdaman ko rin ang panganib dito. "Nasisiguro kong ang taong inutusan ni Queen Hezza ay ginagamit ngayon si Clarise," seryoso niyang sabi. "Sino ba iyang si Queen Hezza," nagtatakang tanong ko sa kanya. "She's the Queen of Black magic and also the person who wants you dead," mariing sabi niya sa akin. Tila ba tumayo ang mga balahibo ko sa kanyang sinabi at biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Ang taong gusto akong mawala? Ang Reyna ng Black magic? "K-Kung ganoon, siya rin ba ang dahilan kung bakit nagkasakit ang ina mo?" tanong ko sa kanya. Napailing ito sa aking sinabi, kaya naman mas lalo akong nagtaka. Kung ganoon sino ang dahilan kung bakit nagkasakit ang kanyang ina? "Actually, hindi siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Mommy. Isa pa, wala siyang karamdaman o ano mang sakit. Sadyang habang buhay lang siya tulog at may taning na ang buhay niya. Kapag hindi pa siya napagising ng mga bagong tagapagmana ng pixie dust ay tuluyan na siyang hindi na magigising pa," malungkot niyang sabi sa kanyang huling sinabi. Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung papaano papaganahin ang utak ko, pakiramdam ko ay mas nalito ako sa sinabi niyang iyon. "Sandali, ano ba talaga ang nangyari sa ina mo? Bakit siya nagkaganoon?" tanong ko sa kanya. Bahagya siyang napabuntong-hininga at natahimik saglit. Mayamaya ay nagsalita na siya. "50 years ago, my mother fell in love with a man. They love each other before. Ngunit hindi alam ng ina ko noon, na ginamit lang siya nang lalaking iyon upang tuluyang palayain sa sumpa ang mga magulang nito. Doon nagsimula ang paglalabas ng itim na majika. Kaya ng ina ko na mawala ang isang bagay, lalo na ang sumpa. Kaya napalaya niya ang magulang ng lalaking iyon. Nang dahil sa ginawa ng ina ko, hindi niya namalayan na kasabay pala noon ang pagbuo ng isang itim na majika dahil sa kanyang kapangyarihan. Bumalot sa kanya ang itim na kapangyarihan at nabuo rin sa kanya ang itim na pixie dust. Taglay niya ang kapangyarihan ng gold pixie dust, na noon ay naging isang itim na pixie dust. Bago siya tuluyang lamunin ng itim na pixie dust, ay naagapan agad iyong ng kanyang kakambal na kapatid. Ang kapatid niyang ay siyang ina ngayon ni Jarryl," mahabang kwento niya sa akin at nakinig akong mabuti sa lahat ng sasabihin niya. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat, kaya gusto ko pang malaman ang iba. "Anong ginawa ng ina ni Jarryl?" "Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan, para isumpa ang lahat. Kayang isumpa nang nagtataglay ng white pixie ang lahat ng bagay, kabaliktaran iyon ng kapangyarihan ng ina ko. Isinumpa noon ni tita ang lahat ng bagay sa buong legendary world. Ang iba ay naging bata, naging hayop at naging estatwa. Ang ina ni Jarryl ay nadamay rin, naging estatwa siya. Samantalang ang ina ko ay naging bata. Kasama ang kaibigan nilang si tito Jarem, na siyang ama naman ni Jarryl. Inutos ng ina ni Jarryl, na si tita Jewelle, na dalhin ni tito ang ina ko sa mundo ng mga Mortal at dito pansamantalang tumira habang hinihintay ang tamang panahon, na makabalik sila sa mundo ng Legendarya," kwento niya at napatingin sa akin. Sa huling sinabi niya ay may nabuo agad na tanong. Nasisiguro kong namuhay nga dito ang kanyang ina. "Ibig sabihin ay talagang namuhay sa mundong ito at nag aaral silang dalawa sa school na ito?" saad ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi kong iyon. Kaya hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Nawala ang alaala ni Mommy, samantalang alam naman ni tito Jarem ang lahat. Kaya kasama niyang namuhay dito si Mommy at nag aaral sila sa school na ito. Kaya naman kilala sila sa school, dahil na rin sa pareho silang matalino at nangunguna sa klase," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatango-tango ako at bahagyang napaisip sa mga maaring mangyari. "Ano nang nangyari pagkatapos no'n?" muli kong tanong sa kanya. "Noong nag-18th birthday si Mommy. Dinala na siya ni tito Jarem, pabalik sa Legendarya. Ngunit hindi sinabi ni tito sa kanya ang lahat. Alam mo bang kapareho nang ugali ni Heart ang ina ko? They are both a cheerful woman. Masayahin at mahilig din sa pantasya. Ngunit ng mga sandali iyon, noong nasa legendarya na siya ay wala siyang kaalam-alam kung ano klaseng lugar iyon. Sa tulong ng kanyang guardian fairy, ay pinaliwanag iyon sa kanya kung anong klaseng lugar ang napuntahan niya. Noong una ay talagang nahirapan siya, dahil wala siyang alam sa majika. Kaya naman tinutulunga rin siya ni tita Jewelle noon, na kahit isa siyang estatwa ay nagagawa niya paring palabasin ang kapangyarihan niya. Kaya naman unti-unti na niyang nalaman ang lahat mula rito, kung sino siya at ano sa mundo ng Legendarya. Nalaman niya na siya ang mas makapaniwalang nilalang sa mundo ng Legendarya," kwento niya at nakita kong sumilay sa labi niya ang kanyang ngiti. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko ay ganoon din ang mangyayari sa akin. Kung sakaling dadalhin nila ako sa mundo nila. Ano nga kayang klaseng mundo mayroon sa kanila, bukod sa gumagamit sila ng kapangyarihan. "Tapos?" saad ko. "At dahil wala talaga siyang kapangyarihan ay tinulungan siya ng kanyang guardian na hanapin ang kapangyarihan niya. Hinanap nila kung saan ito napunta, dahil nagkawatak-watak ito nang maisama siya sa sumpa. Kailangan niyang lipunin iyon, para bumalik nang tuluyan ang kanyang kapangyarihan at mabuksan ang nakatagong kapangyarihan na nasa loob niya, ang gold pixie dust. Kaya naman nang mahanap na niya iyon ay nagawa na nga niyang buksan ang nakatagong kapangyarihan. Subalit may posibilidad din na mabigo siya, dahil iniisip nila na baka iba ang mabuksan niya. Kaya naman, hindi nila inaasahan noon na dalawa ang mabubuksan niya. Ang parehong itim at golg pixie dust ang nabuksan niya. Kasabay din noon ang pagkawala niya nang ilang araw, dahil pumunta siya noon sa mundo ng mga itim na salamangkero. Sa mundo ng lalaking minsan na niyang minahal," seryoso niyang sabi. Kaya naman bahagya akong natigilan. Pumunta ang kanyang ina sa mundo ng lalaking minsan na nitong minahal? Sandali, ibig sabihin ba no'n ang lalaking mahal ng ina niya ay siyang ama niya? Nagugulat naman akong nakatingin sa kanya ngayon. Seriously?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD