Chapter 50

2142 Words
Matapos kong makapag almusal ay bumalik na ako sa kwarto, para makapagbihis. Naging maingat ako dahil baka may bigla na lang sasalubong sa aking atake, o di kaya baka nandito na naman si Izyll tulad kahapon. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala akong naramdamang iba. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Gajeel. Ngunit hindi agad niya ito nasagot. Kaya muli ko siyang tinawagan, akala ko hindi na niya masasagot dahil malapit na itong mawala. Ngunit narinig ko ang malamya niyang boses. "K-Khen? Hmmm, napatawag ka?" tanong niya sa akin. "May pupuntahan kasi ako ngayon, pwedi mo ba akong samahan?" anyaya ko sa kanya. "Hmm? Tayong dalawa lang ba?" "Oo," sagot ko za kanya. "Hmm, sige, by the way, how about Heart? Nalaman niyo na ba kung nasaan siya?" mayamaya ay tanong niya. Hindi agad ako nakasagot, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Ngunit siguro ay maari kong sabihin sa kanya na may alam na kami. "Oo, may nalaman na kami at pupuntahan nina Zhennie ang lugar na iyon. Hindi nga lang sigurado," kaila ko sa kanya. "Ganoon ba? Sige, mag usap na lang tayo mamaya. Susunduin ba kita?" "Sige," tugon ko sa kanya. "Okay, maghahanda lang ako. See you later," paalam niya at binaba na ang tawag. Napabuntong-hininga ako at bahagyang napapikit. Kailangan kong maging kalamado sa sitwasyong ito. Ayokong makahalata siya sa binabalak ko. Binaba ko na ang phone ko at naglakad patungo sa banyo upang maligo na. Ilang minuto akong naroon at nang matapos ako ay kinuha ko ang tuwalya at tinapis sa katawan ko. Lumabas ako sa banyo at tinungo ang kama kung saan ko nilagay ang susuotin ko. Ngunit natigilan ako nang mapansing wala na iyon doon. "Dito ko lang naman nilagay iyon kanina ah?" wala sa sariling sambit ko at tiningnan ang paligid ng kama. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Wala naman akong nararamdamang ibang tao o aura dito sa kwarto ko. Kaya naman paano nawala ang dress na nilagay ko sa kama. Naging seryoso ang aura ko dahil imposible namang may kumuha no'n dito. Nanatili akong nakatayo at muling pinakiramdaman ang paligid. Hanggang sa may napansin ako sa salamin. Napakunot noo akong napatingin doon. May naaaninag akong pulang bagay sa ibabaw ko. Hindi ko ito masyadong nakita pero nasisiguro akong may kung ano sa itaas ko. Kaya naman nag angat ako nang tingin sa may kisame at nagulat na lang ako, nang mula roon ay nalaglag sa mukha ko ang damit na nilagay ko kanina sa kama. Naiinis akong kinuha iyon sa mukha ko. Nasisiguro akong may ibang tao pa akong kasama ngayon at pinaglalaruan ako. Isang tao lang naman ang alam kong posibleng gumawa nang ganitong kalokohan. "Kapag hindi ka pa lumabas ay sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," seryoso kong sabi. Ngunit wala akong nakuhang sagot at tahimik pa rin ang paligid. Napabuga ako ng hangin at tumalikod na upang pumunta sa malaking salamin. Ngunit napaatras ako nang masalubong ko ang nakangisi niyang mukha. Kaya wala sa sariling napaatras ako at muntik nang matumba, kung hindi lang niya agad ako nahawakan. "Got ya!" nakangisi niyang sabi. "Y-You!" naiinis kong sambit sa kanya. Akmang aalis na ako sa pagkakahawak niya, ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ako makawala. Teka nga! Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya? Itinago lang ba niya para hindi ko mapansin? May ganoon rin ba siyang kakayahan? "Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo huh? Bakit ka na naman nandito at sumusulpot na lang bigla? At pwedi ba, bitawan mo na ako?" naiinis kong sabi sa kanya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. "Mukhang magugustuhan ko lagi ang pagpunta dito, kung laging ganito ang naaabutan ko," nakangising sabi niya at bahagya pang inamoy ang leeg ko. Biglang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa kanyang ginawa. Binigyan ko siya nang masamang tingin. "Isa pa at makakatikim ka na talaga sa akin. Ano ba! Bitawan mo na nga ako!" muling sabi ko sa kanya at bahagyang hininaan ang boses ko dahil baka marinig nilang may ibang tao ngayon sa kwarto ko. "Alright," sumusuko niyang sabi at binitawan na ako. Umayos ako nang tayo, ngunit dahil naroon pa rin ang inis ko ay bigla ko siyang sinipa sa harapan niya mismo. "Aw!" daing niya at tinakpan ang kanyang bibig, upang walang makarinig sa daing niya. Nakangisi ko siyang tiningnan. "Ano? Masarap di ba? Gagawin ko iyan lagi, kapag nilalandi mo ako nang ganyan. Kaya umayos ka," sabi ko sa kanya at inirapan siya. "G-Grabe, p-parang biniyak mo lahat sa akin," narinig kong sabi niya. "Talagang bibiyakin ko iyan dahil masyado kang malandi," muling sabi ko sa kanya. Tss! Kumuha ako ng undergarments ko sa wardrobe. Tiningnan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa couch at bahagyang iniinda pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Napangisi ako nang may naisip akong kalokohan. Total sinimulan na niya, sige, paghihirapan ko pa siya. Kinuha ko ang aking pang ibaba at dahan-dahang isinuot iyon. Pasimple akong napasulyap sa kanya, nakita kong natigilan siya dahil sa ginawa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang matapos ko iyong maisuot. Kinuha ko ang brassiere at tumalikod sa kanya. Mula sa salamin ay alam kong nakikita niya ngayon ang ginagawa ko. Total nakita na naman niya ay maaari ko siyang paglaruan. Tinanggal ko ang tuwalyang nakatapis sa akin at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata mula sa salamin kung saan ako nakatingin. Sinuot ko ang bra habang nakatingin pa rin sa kanya at napangisi. "Pweding patulong?" sabi ko sa kanya. "H-Huh?" wala sa sariling sambit niya at napakurap ng kanyang mga mata, habang nakatingin sa gawi ko. "Paki-lock," tukoy ko sa aking likod. Nakita kong napalunok siya at tumayo mula sa couch at naglakad patungo sa akin. Nang nasa likod ko na siya ay dahan-dahan niyang ini-lock ang suot kong bra. Nang matapos na siya ay humarap ako sa kanya. "Ano? Bakit ka pa nakatingin sa akin ngayon?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. "Nawala bigla ang sakit," sa halip na sabi niya sa akin. Napakunot noo akong nakatingin sa kanya ngayon at biglang humakbang patungo sa akin, kaya napaatras ako. Hanggang sa mapasandal na ako sa may salamin. "Your teasing me, huh?" nakangisi niyang sabi. "Tss, ano naman ngayon? Ikaw itong nagsimula eh," matapang kong sabi sa kanya. "Teasing a guy was a wrong idea. Remember that, Khendrey," sabi niya sa akin. Balak ko na sanang magsalita, nang bigla na lang niya akong hinalikan. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapagreak. Nawala bigla ang katinuan ko dahil sa marahas na halik na binigay niya sa akin. Napaliyad ako sa muling paglapit niya sa akin at hindi ko alam kung saan ako kakapit. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya, na humahaplos ngayon sa katawan ko. Teka! Ano itong ginagawa niya, bago lang ito sa akin kaya bakit niya ito ginagawa? Mayamaya ay inalis na niya ang kanyang labi sa akin, kaya naghahabol ako ng hininga. Akala ko ay tapos na siya pero bigla kong naramdaman ang halik niya sa leeg ko, na naging dahilan upang tumayo muli ang balahibo ko sa aking katawan. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko dahil sa kanyang ginawa. Hanggang sa maramdaman ko ang halik niya sa gitna ng dibdib ko, kaya nanlaki ang mga ko sa kanyang ginagawa at tila bumalik ako sa wisyo. "N-No," sambit ko at hinawakan niya sa balikat. Naramdaman ko namang napatigil siya sa kanyang ginawa at mukhang natauhan naman siya sa ginawa niya. Nag angat siya nang tingin sa akin at pareho kaming napatitig sa isa't isa. Agad akong tumalikod dahil baka sa susunod niyang gagawin ay hindi ko na siya mapigilan pa. Hindi ko aakalain na sa isang iglap lang ay muli naming magawa iyon. Ikalawang beses na itong nangyari at hinayaan ko lang siya. Hays! Bakit ko naman kasi siya hinayaan lang?! "H-Hindi mo dapat iyon ginagawa sa akin," nanginginig sa kaba na sabi ko sa kanya, kahit na alam kong may mali rin ako. Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Napapikit ako, ngunit muling napamulat ang aking mga mata nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. "Sadyang hindi ko lang napigilan ang sarili ko at lumagpas ako. Ngunit hindi ako hihingi ng pasensya sa aking ginawa dahil ginusto ko rin naman iyon," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya mula sa salamin at nagtama ang mga mata namin pareho. "Wala tayong relasyon, kaya hindi dapat tayo ganito sa isa't isa," saad ko sa kanya. "Alam ko iyon, at masaya ako dahil kahit hindi pa ako nagsisimulang ligawan kay ay alam kong para sa akin ka lang," sabi niya at napangiti pa. Teka! Bakit parang talo na naman ako no'n? I already giving him a chance to kiss and touch me, while we're not in relationships. Tsk! Ang bobo ko talaga sa ganito! "Tsss, umalis ka na at magbibihis pa ako," sabi ko na lang sa kanya. Ngunit hinigpitan lang niya ang pagyakap sa akin at hinalikan ako sa batok, bago siya lumayo sa akin. "Nakakailan ka na ah? Huwag kang abosado," sita ko sa kanya at inirapan siya. Natawa lang siya sa akin at pinagkrus pa ang dalawang kamay habang nakatingin sa akin. Kinuha ko na ang damit at sinuot ko na iyon. "May tanong lang ako," mayamaya ay sabi niya. "Ano na naman?" mataray kong sabi sa kanya. "Did you two kiss already?" seryoso niyang tanong sa akin. Napataas ng bahagya ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Sino ang tinutukoy niya? Si Gajeel kaya? "Bakit mo naman natanong?" tugon ko habang inaayos ang damit na suot ko. "Curios lang ako," sabi niya. Napabuntong-hininga ako. "No, dahil hindi ako iyong tipo ng babae na mabilis makuha lalo na sa lalaking katulad niya," sabi ko sa kanya. "Talaga? Eh anong tawag doon sa ginawa natin? We kiss and do something unexpected," saad niya. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay may part sa akin na biglang sumakit dahil sa kanyang sinabi. Oonga naman, naghalikan na kami at lumagpas pa. Tapos sinabi ko pang hindi ako iyong tipo ng babae na madaling makuha. Parang kinain ko lang ang sinabi kong iyon dahil nangyari na naman iyon at sa kanya pa. "Hindi ko alam kung bakit, hindi ko pa iyan masasagot at pwedi ba huwag na nating pag usapan iyon? Dahil wala akong masasagot kapag nagtanong ka pa," seryoso kong sabi sa kanya. Hindi naman siya agad nagsalita at mabuti na rin iyon. Ipinagpatuloy ko ang pag aayos sa sarili at nanahimik naman. Nakatingin lang siya sa akin habang abala ako sa pag aayos. "Khen! May bal— oh!" Nagkagulatan kami dahil sa biglang pagpasok ni Zhennie. Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil kay Izyll agad tumama ang kanyang mga mata. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa at hindi alam kung ano ang sasabihin. Napabuntong-hininga ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "O-Oh, yeah, I'm here to tell you something, but, what is he doing here?" sabi niya at bahagyang tinuro si Izyll na natauhan na rin mula sa pagkabigla. "Hindi ko alam kung bakit siya nandito, dahil akala ko ay naroon na siya sa lokasyon kung saan pupunta sina Rigor. Bigla na lang siya dumating dito," paliwanag ko. Hindi ko na sinabing may kakaiba na namang nangyari sa amin dahil siguradong hihimatayin ang babaeng ito. Mas lalong ayokong magkwento. Napatingin naman siya kay Izyll na bahagyang ngumiti lang at tumango sa kanya. "Ganoon ba? Well, may natanggap akong balita mula sa isa mga tauhan natin. May nakuha na rin silang mga ebedinsya na magdidiin pa kina Gajeel. Ibibigay ko iyon sa Daddy mo bago tayo umalis," sabi niya sa akin. "Hmm, sige, aasahan ko iyan. Maghanda ka na rin dahil pagdating ni Gajeel ay susundan mo na kami," sabi ko sa kanya. Napatango siya sa sinabi ko. "Sige, oonga pala nasa ibaba na rin si Cindy at hinihintay ang pagbaba mo. Kakausapin ka raw niya bago kayo umalis," sabi niya sa akin. "Sige, patapos na ako at baba na rin ako," sabi ko sa kanya. "Sige, lalabas na ako," paalam niya at tuluyan nang lumabas. Tumayo ako at bumaling kay Izyll na nakaupo pa rin sa couch. "Ano? Hindi ka pa ba aalis? May inutos ako saiyo di ba?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. Napangisi naman siya at tumayo. "Mabilis lang naman akong makakarating doon at Segundo lang. Nandito lang naman ako para makita ka at mukhang may nangyari pang kakaiba sa pagitan natin. Kaya naman magpapaalam na ako at aalis pero bago no'n ito muna," sabi niya at biglang nawala. Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya at mabilis niya akong hinalikan. "See you later, my princess," sabi niya at muling nawala. Naiwan akong natulala sa mabilis niyang ginawa. Naisahan na naman ako ng lalaking iyon. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD