Chapter 39

1689 Words
Malapit na ako sa mansion, nang maramdaman ko ang pamilyar na enerhiya na biglang lumitaw. Agad akong napatingin sa bakanteng upuan at nakita ko siyang nakaupo doon. Alanganing ngumiti siya sa akin, dahil siguro napansin niyang hindi maganda ang aura ko. "Ayos ka lang ba? Nalaman ko lang kanina ang nangyari, kaya naman pumunta agad ako dito," sabi ni Kherra, na lumipad pa at pumunta sa harapan ng manibela. Napapasulyap ako sa kanya habang nagmamaneho ako. "Hindi ako magiging okay, dahil sa pagkawala bigla ni Heart. Ngunit pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, para makapag isip nang maayos," seryosong sabi ko sa kanya. Napansin kong napatango-tango siya sa sinabi ko at muling lumipad patungo sa bakanteng upuan. "Mabuti naman kung ganoon, dahil iyon talaga ang dapat mong gawin. Pasensya ka na, wala akong magagawa sa nangyari kay Heart. Kaya naman hindi kita matutulungan sa paghahanap sa kanya. Ngunit nandito pa rin ako at sasamahan ka, pero kapag ikaw lang mag isa," sabi niya sa akin. Napapailing na lang ako sa kanyang huling sinabi. Ibig sabihin, magpapakita lang siya kapag ako lang mag isa. Sabagay, dahil kapag nagpakita siya sa maraming tao ay pagkakaguluhan siya. Okay lang naman siguro kung si Zhennie, dahil alam naman kung ano ako. Ngunit sa ngayon ay hindi muna iyon ang dapat kung isipin at gawin. "Naiintindihan ko, guardian kita ay malamang nasa tabi lang kita," nakangiting sabi ko sa kanya. Napangiti lang rin siya sa sinabi ko. Nang makarating na ako sa mansion ay ipinasok ko ang kotse sa garahe, saka bumaba. Doon na rin nagpaalam sa akin si Kherra, kaya naglakad na ako patungo sa pinto ng Mansion. Dumiretso ako patungo sa sala at nakita ko ang dalawang maleta, na mukhang gamit nina Daddy. "Khen!" narinig kong tawag ni Zhennie. Nakita kong napatayo agad sila nang makita ako. Naglakad agad patungo sa akin si Daddy at sinalubong ako nang yakap. Napapikit na lang ako at muling gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. "Khen, what really happen? Bakit biglang nawala si Heart?" nag aalalang tanong ni Tito. Humiwalay ako sa yakap ni Daddy at bumaling ako kay Tito. Napabuntong-hininga ako. "Pasensya ka na tito, sadyang mabilis ang pangyayari at hindi ko inaasahan na sa loob pa nang campus iyon nangyari. Hindi pa namin matukoy kung sino ang kumidnap sa kanya. Ngunit isa lang ang kutob ko, may kinalaman sina Rigor dito," seryosong sabi ko sa kanya. Nakita kong napapikit siya dahil sa aking sinabi. Naramdaman ko namang hinawakan ni Daddy ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang malungkot niyang mata na nakatingin sa akin. "Goodness! Talagang kailangan nilang gawin ito? Kailangang mahanap natin siya, bago pa nila gawan nang masama ang anak ko," nag aalalang sabi ni Tito. "Huwag kang mag alala tito, gagawin namin ang lahat para mahanap si Heart. May kaibigan kami na tutulong para mahanap si Heart at kumikilos na sila ngayon," sabi ko kay Tito, saka napatingin ako kay Zhennie na nakatingin sa akin. Pasimple akong ngumiti para malaman niya kung sino ang tinutukoy ko at mukhang nahulaan naman niya iyon. "Sana nga at mahanap agad ang anak ko. By the way, are you already okay? We heard something about you, yesterday. Kaya kami napapunta dito, ayos ka na ba?" nag aalala rin niyang tanong sa akin. "Oo, ayos na ako Tito, hindi niyo na kailangang mag alala," sabi ko naman sa kanya. "Kailangan naming kausapin sina Mr. De guzman. Hindi maganda ang nangyayaring ito, matapos may gawin ang anak nila saiyo at ngayon naman ay nawawala si Heart. Sa university pa mismo na pagmamay ari nila ito nangyari, kaya hindi namin ito palalampasin. Kailangan namin silang makausap," seryosong sabi ni Daddy, kaya napatingin ako sa kanya. "Nakausap ko na sila Dad," sabi ko sa kanya. "No, we will talk to them tomorrow," seryoso niyang sabi sa akin. "Alright, Tito, I will call them to arrange a meeting for you," sabi agad ni Zhennie. Sumang ayon naman sina Daddy sa sinabing iyon ni Zhennie. Nag usap pa kami sa kung ano ang gagawin namin. Nalaman kong pinakilos na ni Zhennie ang mga tauhan namin para mahanap si Heart, magong ang ilang kaalyansa namin ay pinaalam niya sa mga ito ang nangyari. Nasisiguro kong si Rigor ang may gawa nito, kaya kailangan ko rin siyang mahanap. Matapos naming mag usap ay nagpahinga muna saglit sina Daddy dahil medyo puyat at pagod pa sila sa biyahe. Kaya naman hinayaan namin silang makapagpahinga. Kaya naman naiwan kami ni Zhennie at niyaya niya akong mag usap kami malapit sa may pool. Nasisiguro kong magtatanong na naman siya. "Sigurado ka bang mahahanap nina Izyll si Heart?" mayamaya ay tanong niya sa akin, nang pareho na kaming nakaupo sa pool. Pareho kaming may hawak na laptop at hinahanap namin ang posibleng maging location ni Heart. Umaasa pa rin kami na baka kami ang makahanap sa kanya. "I told you before, that we are their mission. So, it's also their duty to secure our safety. May kapangyarihan sila at si Heart ang misyon ni Jarryl. Nagtitiwala ako sa kanilang kakayahan na mahanap nila ang kinaroroonan ni Heart," sabi ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga siya at napatango sa sinabi kong iyon. Ngunit sana nga ay magawa nilang mahanap si Heart. "Ang wierd pa rin isipin na may kilala tayong hindi normal na tao," narinig kong sabi niya at bahagyang natawa. Napatingin naman ako sa kanyang sinabi, dahil isa ako sa taong tinutukoy niya. Mayamaya ay napahinto siya sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ay, isa ka rin pala doon haha!" napapailing niyang sabi sa akin. "Tss, malamang ganyan din talaga ang maiisip ko, kung ikaw ang nasa aking posisyon," sabi ko sa kanya. "Oonga naman, pero naisip mo rin ba kung ano magiging buhay mo kapag naroon ka na sa lugar nila?" tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong niyang iyon. Hindi iyon pumasok sa isip ko, ngunit sa tingin ko ay hindi naman ako siguro mahihirapan kapag na naroon na ako. But still, I need to adjust myself. Hindi ako lumaki doon kaya, siguro tama lang na kailangan kong i-adjust ang sarili ko. "Hindi naman siguro ako mahihirapang makisama doon. Kailangan ko lang silang kilalaning mabuti, upang maging handa ako sa maaring mangyari," sabi ko sa kanya. "Kung ganoon, handa ka na rin na iwan ang mundong ito?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Iyon ang tanong na para sa akin ay mahirap na sagutin, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang iwan ang mundong ito, kung saan ako lumaki at nakasama ang mga taong importante sa buhay ko. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. "Siguro naman makakapunta ka pa rin dito, kung sakaling sasama ka na sa kanila. It's your world also, so they can't take it away from you," nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti ako at bahagyang tumango sa sinabi niya. Posible naman sigurong mangyari ang sinabi niyang iyon. "You're right. By the way, there's someone that I want you to meet. Ang sabi niya ay bawat katulad namin na may taglay na kapangyarihan ay may nakatadhan rin na maging guardian. Kaya naman ipapakilala ko saiyo ang guardian ko," nakangiting sabi ko sabi ko sa kanya. Napataas ang kilay niya, habang nakatingin sa akin. "Guardian?" wala sa sariling sambit niya. Napatango ako. "Kherra," tawag ko. Wala siya dito, pero nasisiguro akong naririnig niya ako. Napansin kong napatingin sa paligid si Zhennie, na tila ba nasa paligid lang ito. "Teka, ikaw lang ba ang nakakakita sa sinasabing mong guardian mo?" kuno't noo niyang tanong sa akin. "Makikita mo siya, sadyang tinatawag ko lang siya para pumunta dito," sabi ko sa kanya. "Oh? Then where is she?" Nararamdaman ko ang pamilyar na aura ni Kherra, mukhang narinig niya ako. Mayamaya ay may liwanag na lumitaw sa harapan namin ni Zhennie. Hanggang sa tuluyan ko nang nakita si Kherra, na agad lumipad patungo sa likod ko na tila nagtatago. "Oh my god!" gulat na sambit ni Zhennie at talagang napatayo pa siya sa harapan ko. "I-Is that a fairy?" nagugulat na tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Kherra na nagtatago pa rin sa may likod ng balikat ko. Napapailing na lang ako sa kanya. "Huwag ka nang mahiya, lumabas ka na. By the way, Zhennie, meet Kherra, my guardian fairy," pakilala ko dito kay Zhennie. Napatitig naman si Zhennie kay Kherra, nang lumabas na siya at tuluyan na siyang nakita ni Zhennie. "Wow, ang cute mo naman!" masayang sabi ni Zhennie at inilapit pa ang kamay niya kay Kherra. Lumipad naman si Kherra patungo sa kamay niya at dumapo doon. "Wow, your so cute! Is this really your guardian, Khen?" natutuwang sabi niya dito. Napatango lang ako sa sinabi niya at hinayaan siya sa kanyang reaksyon. Kung sino naman talaga ang makakakita kay Kherra ay talagang matutuwa at mabibigla. Hinayaan ko siyang kausapin si Kherra, na bahagya pa rin nahihiya sa kanya. "So, pareho kayo ng kapangyarihan ni Khen? Sige nga, ipakita mo ang kapangyarihan mo?" nakangiting sabi ni Zhennie kay Kherra. "Oo, pareho kami, pero hindi lahat ang nakuha ko. Ang kapangyarihan lang ng gold pixie dust ang mayroon ako, ngunit iyong ibang kapangyarihan na taglay niya ay hindi," sabi ni Kherra sa kanya. Nakinig lang ako sa usapan nilang dalawa. Napansin kong mukhang magkakasundo pa silang dalawa. "But, the real issue here is how to find Heart," mayamaya ay sabi ko sa kanila. "Tawagan mo kaya sila Izyll, baka may balita na siya kina Heart," sabi ni Zhennie. "I don't have their contact number," sabi ko at napabuntong-hininga. "Ay ganoon? Paano ka niya makokontack kung ganoon?" "I have a way to contact them," sabi ni Kherra. Kaya napatingin kaming dalawa ni Zhennie sa kanya. "Paano?" sabay naming sabi ni Zhennie. "I will contact their guardian. Para na rin malaman natin ang nangyayari sa kanila," sabi niya. Natigilan ako. Oonga pala, kung may guardian ako, malamang mayroon din sina Izyll. "Sige, gawin mo," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa akin. Nagkatinginan kami ni Zhennie at sabay na tumingin sa kung ano ang gagawin ni Kherra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD