Chapter 40

2051 Words
Tiningnan namin ni Zhennie, kung ano ang gagawin ni Kherra. Dahil malapit lang kami sa pool ay iyon ang ginamit ni Kherra para kontakin ang isa sa mga kasamahan niyang guardian, na kasama ngayon nina Izyll. Pinakiramdaman muna nito ang paligid, upang walang makapansin. Mayamaya ay nagsimula na si Kherra at nagpalabas ng kanyang kapangyarihan mula sa dalawa niyang kamay. Lumabas mula doon ang kulay gold na pixie dust at pumaikot sa ere, bago pumunta sa tubig. Nakita namin ni Zhennie, na gumalaw ang tubig at may lumabas na singaw mula dito. Mayamaya ay nagbago ang kulay nito at naging ginto na rin. Tiningnan namin si Kherra, nakapikit ito at tila may sinasambit na ibang lengwahe. Mayamaya ay dumilat ito at itinuro ang hintuturo nito sa tubig, bigla itong bumukal na tila kumukulong tubig. Mayamaya ay naging malinaw na ito, hanggang sa lumitaw mula rito ang isang nakapulang babae na katulad lang rin ni Kherra kaliit. "Kherra? Ikaw ang tumawag sa akin?" narinig naming tanong nito. Dumungaw kaming dalawa ni Zhennie sa tubig, kaya nakita rin kami nito at bahagya pa itong nagulat, habang nakatingin sa amin ni Zhennie. Pakiramdam ko ay kilala na niya kami. Siguro dahil nakakasama namin sina Izyll, kaya impossible na hindi niya kami makilala. "Oh? Kasama mo sila?" nakataas-kilay nitong tanong kay Kherra. Nagkatinginan naman kami ni Zhennie. Napansin naman namin ni Zhennie , na medyo mataray ito kung magsalita at nakikita ko rin sa bawat tingin nito, maging galaw ng mga mata nito. Hmmm.. "Yes, kasama ko sila ngayon. Siguro naman kilala mo na silang dalawa?" sabi ni Kherra dito, na ang tinutukoy nito ay kami. Nakita naming napairap ito at napatango-tango sa sinabing iyon ni Kherra. Tss, kilala nga kami ng babaeng mataray na ito. "Malamang, sila lang naman ang kinababaliwan nina Yuan at Izyll. Kaya paano ko sila hindi makikilala," mataray na sa nito sa kanila. Napataas bahagya ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Napalingon pa si Zhennie sa akin, habang kuno't noo'ng nakatingin ako ngayon sa kausap ni Kherra. "Wow? Kinababaliwan talaga?" pang aasar pa ni Zhennie, habang nakatingin ngayon sa akin. Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil sa mapang asar niyang mga tingin. "Tss, ano na namang kalokohan iyan? Sino ba siya, Kherra?" nakataas-kilay na tanong ko dito. "She's Firen, Izyll's Guardian," pakilala ni Kherra dito. Firen? Hmm, sounds like fire. "Oh?" tanging reaksyon ni Zhennie at muling napasulyap sa akin, na seryosonakatingin ngayon dito "So? Why did you call me, anyway?" mataray nitong tanong kay Kherra. Napapailing naman ako dahil sa pagtataray nito. Ganoon rin kaya ito makig usap kay Izyll? Mukhang natural na dito ang naging ugali nito. "Gusto kong makausap sina Izyll, para malaman kung may balita na sila kay Heart," agad na sabi ko dito. Baka kaso kung saan pa abutin ang pagtataray ng guardian na ito ni Izyll eh. Napatingin naman sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. Dahil naman sa ginawa niya ay tinaasan ko rin ito ng kilay, pinapakita ko dito na hindi siya uubra sa pagtataray niya sa kanya. Mayamaya ay napairap lang ito sa akin. Suko na agad! Tss! "Hinahanap pa rin nila, kausapin mo na lang sila," sabi nito sa akon. Magtatanong sana ako kung paano, pero bigla na lang siyang nawala. Ngunit mayamaya ay bumalik rin at nakita na ko sina Izyll na seryosong nag uusap. Kasama sina Jarryl, Yuan, Flare at Cindy. "Hey, may gustong kumausap sainyo," sabi nito kina Izyll. Nakita kong agad na napalingon sina Izyll dito at napasulyap sa akin bahagya pang nagtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko kaagad ang pagkagulat sa mga mata niya nang makita ako "Hala? Uy! Kayo pala," agad na bungad ni Cindy sa amin. "Nagawa ka nilang tawagan?" narinig kong tanong ni Jarryl. "Woah? Paano ka nila natawagan?" puna naman ni Yuan. "Huwag nga kayong tanga, she can't call me without her guardian. So, obviously, her guardian call me. Remember? I told you about her guardian, Kherra. So, she's the one who called me," mataray pa rin sabi nito sa kanila. Nakita kong hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa amin ang mga ito. Napansin kong biglang nawala si Kherra at naramdaman ko na lang, na nagtatago na naman pala ito sa likod ko. "Kherra? Ano bang ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ko dito. "U-Uhm, nahihiya pa rin kasi ako. P-Pasensya na," nahihiyang sabi nito sa akin. Kaya naman nasapo ko na lang ang aking noo, habang hindi makapaniwalang nakatingin dito. Mukhang kailangan ko talagang intindihin ang ugali nito at dapat na masanay na ako. Ngunit mas gugustuhin ko pang huwag na itong mahiya, sa kung sino man ang makikilala nito. "Haha, huwag ka nang mahiya. Kailangan mong sanayin ang sarili mo sa mga ganito. Hindi magugustuhan ni Khendrey ang ganyang ugali mo, kaya umayos ka haha," natatawang sabi ni Zhennie dito. Hindi na ako nagsalita at sinamaan lang nang tingin si Zhennie. Mayamaya ay seryoso na akong tumingin kina Izyll. "May balita na ba kayo kay Heart?" seryosong tanong sa kanila. "Well, Jarryl try to trace her scents and even the her power that connected at her necklace. Malakas ang kapangyarihan na nararamdaman niya mula kay Heart. Kaya naman hinahanap na namin ang maari niyang lokasyon," sagot ni Izyll sa akin. "Really? Wow!" puna ni Zhennie. "Where going there to help you," tanging sabi ko. "Much better, 'cause we're losing our magic power by this," reklamo ng guardian niya.. Napasinghal na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko. Tss, mukhang tatarayan niya talaga ako hanggang gusto niya ah? "Pupunta tayo sa kanila?" narinig kong sabi ni Zhennie. Tumango ako sa kanya. "Okay, will wait," narinig kong saad ni Izyll. Bumaling ako sa kanya at tumango, saka ako tumalikod upang umalis. Hindi ko na tiningnan pa kung susunod sa akin si Kherra. Ngunit si Zhennie ay agad na sumunod sa akin. "Magpapaalam lang ako kay Dad," sabi ko kay Zhennie. "Sige, hihintayin kita dito," sabi niya. Tumango ako. Dumiretso na ako sa kwarto kung saan nagpapahinga si Daddy. Nasisiguro akong may makukuha akong impormasyon mula kina Izyll, tungkol kay Heart. May kapangyarihan sila kaya malamang madali lang nila ito mahahanap si Heart. That was our advantage. Ngunit hindi ko rin kailangang iasa sa kanila ang problemang ito, purket may kapangyarihan sila. Gusto kong kami ang magsasalba sa problemang ito, na hindi gumagamit ng kapangyarihan. Ngunit sa ngayon ay iyon muna ang gagawin namin at kailangan ko iyon ngayon. Nang makarating ako sa kwarto, kung nasaan si Dad ay nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama. Nakaharap siya ngayon sa laptop. Napabuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kanya. Doon lang niya napansin ang pagpasok ko. Kaya naman isinara na niya ang laptop nang makalapit na ako. "Dad, dapat nagpapahinga ka muna. Kailangan mo iyon," sabi ko sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Napangiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Magpapahinga na ako ngayon, may tinapos lang ako at ipinasa sa secretary ko. Ikaw, kumusta na ang pakiramdam mo?" sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Maayos na ako, Dad, ngunit medyo nararamdaman ko minsan ang sakit sa may leeg ko, pero ayos na ito. Huwag ka nang mag alala," nakangiting tugon ko sa kanya. "Hay, halika nga," sabi niya sa akin. Kaya lumapit ako at agad niya akong niyakap. Napapikit ako sa yakap niya sa akin. I feel secure, the way when he did this too me. "Sorry for dragging you into this, Khendrey. Gusto ko sanang ibigay saiyo ang normal na buhay, subalit ito na ang nakagisnan mo. Pasensya ka na," sabi niya sa akin habang nakayakap sa akin. "It's okay, Dad. I know your hardship, you're doing this for me too. So that, I'm here to help for everything. You don't have to say that, this is also what I want," sabi ko sa kanya at humiwalay sa yakap niya, saka tiningnan siya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya, ngunit nangyari na ito at hindi na kailangang pigilan pa. Subalit, alam ko sa aking sarili na balang araw ay iiwan ko rin ang mundong ginagalawan ko, na maging siya ay maiiwan ko. Biglang sumikit ang dibdib ko sa katotohanang mangyayari nga iyon. Ngunit, siguro naman may iba pang paraan para makasama ko siya ulit na hindi ko siya kailangang iwan. Sana nga at mayroon para makasama ko pa siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Gusto ko ang lahat na binigay mo sa akin, Dad. Kaya wala akong dapat pagsisisihan, isa rin ito sa dahilan upang protektahan kayo. Kaya naman ngayon, ay iyon ang gagawin ko kay Heart. Babawiin natin siya," sabi ko sa kanya. Napatango siya sa sinabi kong iyon at hinaplos ang pisngi ko. "Yeah, we will get her back," nakangiti niyang sabi sa akin. "Kailangan ko munang umalis ngayon, dad. Pupunta kami ni Zhennie sa kaibigan namin, na tumutulong din sa paghahanap kay Heart. Kaya maiiwan muna namin kayo dito ni Tito, okay lang ba?" saad ko sa kanya. "Sige, makikibalita na rin kami sa iba nating tauhan sa paghahanap kay Heart," tugon ni Daddy. Napatango naman ako sa sinabi niya at muli siyang niyakap. Napapikit ako at mayamaya rin ay nagpaalam na rin ako saka lumabas na sa pinto. Alam ko namang hindi talaga siya magpapahinga, dahil maging siya ay nag aalala kay Heart. Nang makalabas ako sa kwarto ni Daddy ay dumaan muna ako sa kwarto kung nasaan si Tito. Sumilip ako at nakita ko siyang nakaupo sa couch habang abala rin sa computer niya. Napabuntong-hininga na lang ako. He's a father. Kaya malamang hahanapin niya rin si Heart, kahit na hindi na siya magpahinga, mahanap lang si Heart. Kaya iyon din ang gagawin ko. Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko si Zhennie na naghihintay sa couch. Napatayo agad siya nang makita ako. "Ano? Tulog na ba sila?" tanong niya sa akin nang makalapit ako. Napailing ako sa kanya. "Sa tingin mo ba makakapagpahinga sila, ganoong nawawala si Heart? Hays, gumagawa rin sila nang paraan para mahanap si Heart. Kaya naman iyon din ang gagawin natin," seryosong sabi ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya at napatango. "Sabagay, tara na. Baka naghihintay na sila sa atin at baka may nalaman na rin sila," anyaya niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya at sabay na kaming naglakad palabas ng Mansion. Siya na rin ang ang nagmaneho ng sasakyan paalis. Habang papunta kami sa kinaroroonan nina Izyll ay iniisip ko pa rin kung ano ang kalagayan ni Heart ngayon. Iniisip ko pa lang ang posibleng mangyari ay hindi ko na maiwasang magalit. Tsk! Sana at wala silang gawing masama kay Heart, dahil kung mayroon man ay talagang hindi ko sila titigilan. Isa sa ayaw kung madamay sa ganitong gulo ay si Heart, ngunit siya pa ang naging target ngayon. Kaya hindi ko rin mapigilang mainis sa sarili ko. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa akin. "Alam ko ang iniisip mo, Khen. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa nangyayari ngayon. Hindi mo ito ginusto at lalong hindi magugustuhan ni Heart na sinisisi mo ang iyong sarili. Kaya kumalma ka at huwag mag isip nang kung ano. Isipin mo na lang na maayos nating mabawi si Heart, kaya huwag ka nang mag isip ng mga bagay-bagay na negative," puna sa akin ni Zhennie, nang mapansing tahimik ako. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niyang iyon. "She's right. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. You're protecting her, that's a reason why you feel down. But, that's not right to think about it. We need to think positive and get her back. We all here to help you to get her back. So, dont think to much," narinig kong sabi ni Kherra, na hindi ko napansing biglang lumitaw at nasa balikat ko na. "But, I can't help it," tanging sabi ko lang sa kanila. "We know that, so, think also that we are here for you. Para naman hindi ka makapag isip nang masama para sa sarili mo. We're friends, remember?" muling sabi ni Zhennie at tinapik pa ang balikat ko. Napangiti na lang ako sa sinabi niya at napaismid. "You're gross," napapailing na sabi ko sa kanya at narinig ko na lang na sabay silang natawa ni Kherra. Natatawa na lang rin ako habang nakatingin sa kanila. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD