Chapter 38

2095 Words
Iniisip ko pa rin ang posibleng nangyari sa kanya. Habang nasa ganoon akong posisyon ay nilapitan ako ni Izyll at hinawakan sa dalawang balikat. "Full yourself together, Khen. Huwag mong isipin na ganoon nga ang nangyari, baka may pinuntahan siya o di kaya magkasama sila ni Zhennie," sabi niya sa akin. Right! Si Zhennie, baka may alam siya kung nasaan si Heart. Hinanap ko kaagad ang pangalan ni Zhennie sa list at agad itong tinawagan. Ilang ring pa lang ay sinagot na kaagad niya ito. "Oh? What's up?" bungad niya kaagad sa akin. Hindi ko alam kung kailangan ko bang tanungin si Zhennie tungkol kay Heart, pero baka may alam siya o baka naman kasama niya o ano ba. Hindi ko alam, sadyang nalilito na ako sa nararamdaman ko. "Hey, Khen? What's wrong?" muli niyang sabi sa akin. Napapikit ako. "Tumawag ba si Heart sa iyo o kung alam kung saan siya pumunta?" tanong ko sa kanya. "Huh? Di ba nga magkasama kayong pumasok ngayon? Isa pa, wala naman siyang nasabi kung may pupuntahan siya ngayong araw. Bakit, may problema ba?" nagtataka niyang sagot sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa phone, matapos kong marinig iyon. No! Hindi ito pweding mangyari. Ayokong mag isip nang kung ano, pero pakiramdam ko ay iyon na ang nangyayari. "Khen? Anong problema?" "I don't know what to say, but for now she's missing. We can't find her and her phone is off. I don't know, but I have a bad feeling for this," sabi ko sa kanya. "W-What? Baka naman nandiyan lang siya. Try to ask someone, kung may nakakita sa kanya. Kilala kita, Khen, huwag ka kaagad mag isip nang kung ano. Baka may pinuntahan lang siya," sabi niya sa akin. Napapikit na lamang ako dahil talagang hindi iyon maalis sa isip ko. "O-Okay, magtatanong ako dito kung nakita ba nila si Heart. By the way, try to call her, baka makontak mo siya at tawagan mo rin ako kung may balita ka na," sabi ko sa kanya. "Okay, got it. Call me too, if you found her," sabi niya. "Okay, bye," paalam ko sa kanya. Muntik nang mahulog ang cellphone ko, nang maibagsak ko ang aking kamay. Kaagad naman akong inalalay ni Izyll, nang tumayo na ako. "Magtatanong ako sa kung sino ang may nakapansin kay Heart," sabi ko sa kanya. Naglakad ako, pero hindi pa ako nakakalayo nang dumating sina Jarryl at Yuan. "Nahanap niyo na ba siya?" tanong sa amin ni Yuan. "Nagtanong na kami kung sino ang nakapansin kay Heart, maging ang guard. Ngunit hindi napansin si Heart, kilala siya sa school na ito kaya siguradong makikilala agad siya. Subalit, walang nakapansin sa kanya," seryosong sabi ni Jarryl. Muntik na akong matumba, kung hindi agad ako inalalayan ni Izyll. Mabilis niya akong nahawakan sa balikat, kaya wala sa sariling napasandal na lang ako sa kanya. This is not right! "Isa na lang ang pwedi nating gawin ngayon. Puntahan natin ang Dean, upang makita ang mga Cctv camera na nakapaligid sa buong school. Iyon ang sabi sa amin no'ng guard," mayamaya ay sabi ni Yuan. Kaya naman nabuhayan ako at napatingin sa kanya. Inayos ko ang sarili ko. "S-Sige, puntahan natin," saad ko at tumango sa kanila. Napatango naman sila at sabay na kaming naglakad o sa madaling salita, tumakbo kami patungo sa Dean's office. Nang makarating kami ay sakto din na papalabas ang magulang ni Clarise. Kaya nakita niya kaming nagmamadali patungo sa kanila. Akmang magsasalita sila, ngunit agad na kaming pumasok sa loob at hinarap ang Dean na bahagyang nagulat sa pagsulpot namin. "What's going on?" nagtatakang tanong niya sa amin. Agad akong lumapit sa kanya at mariin siyang tiningnan. "Gusto kong makita ang lahat nang kuha ng Cctv footage ng school. Heart is missing and we can't find her. Gusto kong makita kung anong nangyari sa kanya, bago kami naghiwalay kanina," mariing sabi ko sa kanya. Hindi agad siya nakakilos at nagulat sa sinabi ko. Kaya napahampas ako sa mesa para lamang matauhan siya sa gusto kong mangyari. Agad naman akong hinawakan ni Izyll upang pakalmahin. "Khen, calm down," awat niya sa akin. Napapikit na lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili. "Anong ibig mong sabihin, Ms. Khendrey?" narinig kong tanong ni Mr. De guzman. "Heart is missing?" nagtataka rin tanong ni Mrs. De guzman. Hindi ko sila pinansin at nakatitig lang ako ngayon sa Dean. Napabuntong-hininga siya. "Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Baka naman nasa paligid lang siya o baka may pinuntahan—" "Ipapakita mo ba, o gusto mong iba ang ipakita ko saiyo?" mariin kong sabi sa kanya, habang nakadikit ngayon sa leeg niya ang punyal na lagi kong dala. "Khen!" tawag nila sa akin, ngunit hindi ko sila pinakinggan. Mariin akong makatingin ngayon kay Dean at hinihintay ang magiging desisyon niya. Nakita ko kung paano siya napalunok at itinaas ang kamay. "E-Easy, okay ipapakita ko saiyo. Kaya ibaba mo na iyan," kinakabahang sabi niya sa akin. Sinunod ko naman siya at binaba ko ang punyal na hawak ko. Napatango-tango siya at naglakad patungo sa isang pinto. "S-Sumunod kayo sa akin," sabi niya sa amin. Kaya sumunod naman kami, nang pumasok siya sa isang pinto. Pagkapasok namin ay nakita namin ang malaking screen at mula roon nakita namin ang mga nangyayari sa buong campus. "Anong oras ba siya nawala?" tanong ni Dean sa akin. "Bago ako pumunta dito, ang kuha oras na iyon ang ipakita mo sa akin," seryosong sabi ko sa kanya. Napatango naman agad siya sa sinabi ko at nagsimulang magtype sa computer. Hinintay namin siya sa kanyang ginagawa. Mayamaya ay biglang nagbago ang mga kuha na nakita namin kanina. Mula doon ay nakita ko ang sarili ko na kausap ang secretary ni Dean. Saglit lang ay umalis na kaming dalawa at nakita ko nang naglakad na patungo sa hagdan si Heart. Pagdating sa dulo ng hagdan ay may grupo ng kababaihan ang nadaanan niya. Nakangiti pa itong tila bumati sa kanya. Medyo malayo pa roon ang silid namin at madadaanan pa namin ang isang tahimik na pasilyo, na may isa pang pinto. Nasisiguro akong storage room iyon, kung saan nakalagay ang mga panlinis. Nang makita kong dumaan na siya doon ay nakita namin na bumukas ang pinto at may dalawang nakaitim na ninja suit na lumabas. Natigilan ako sa nakita ko. Hindi iyon napansin ni Heart, saka lamang niya ito napansin noong lumingon na siya na agad rin siyang tinakpan ng panyo sa kanyang bibig. Hanggang sa mawalan ito nang malay, muli itong pumasok sa storage room kasama si Heart. Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa aking nakita. Ilang minuto ang lumipas ay nakita kong dumaan ako sa pintong iyon. Hindi ko pa nakikitang lumabas ang mga ito. Hanggang sa makita ko ulit ang sarili ko na nagmamadaling lumabas kasama sina Izyll. Kaya napakunot noo ako habang nakatingin dito. "Hindi pa sila lumalabas?" wala sa sariling sabi ko. "We will check it," narinig kong sabi ni Jarryl. Hindi na ako lumingon sa kanya na lumabas at mukhang isinama niya si Yuan. Napariin ang tingin ko, dahil talagang wala akong nakitang kahit anong lumabas. "Look!" Napatingin ako sa itinuro ni Izyll at may nakita akong dalawang lalaki, na nasuot ng puting damit na lumabas sa kabaling pinto. Iyong damit ng mga janitor sa school ang nakikita namin at may nakita kaming tulak-tulak nila na mga basura. May mga nakasako at dumaan sila sa kabila, na pweding madaanan ng may mga di-gulong na gamit. Napakuyom ko ang aking kamay habang nakatingin dito. Hindi namin maaninag ang mukha nila dahil nakasuot sila ng cap. Nakita naming mula sa ibang anggulo ng Cctv na lumabas na sila campus. Kaya wala sa sariling naglakad na ako palabas ng silid na iyon. "Ms. Khendrey!" tawag sa akin ni Dean. Hindi ako lumingon sa kanya pero huminto ako. "We're sorry, hindi namin alam ang bagay na ito," sabi niya sa akin. "Pwes, ngayon alam mo na. Kung ayaw niyong pasabugin ko ang buong campus ay iharap niyo sa akin ang mga maintenance ng school na ito. Madadamay ang lahat kapag hindi namin mahanap si Heart," mariing sabi ko sa kanya at lumabas na sa office niya. Ngayon hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang sumabog kahit ano mang oras. Subalit, natigilan ako nang bigla na lang akong yakapin ni Izyll. Kaya hindi ako nakakilos dahil sa pagkabigla. "Alam ko kung gaano ito kahirap saiyo at nararamdaman ko ang galit mula saiyo dahil sa nangyari kay Heart. Ngunit, huwag kang masyadong magdala sa galit, Khen. Hindi magiging maganda kung ipapairal mo ang galit. Control yourself and be calm. Hahanapin natin si Heart at tutulong kami, dahil isa iyon sa misyon namin ang protektahan kayo," sabi niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa sianbi niyang iyon at tila ba ang galit na umaapaw sa akin kanina ay biglang kumalma dahil sa sinabi niya. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Ilang minuto akong nanatiling ganoon, hanggang sa marinig kong tumunog ang cellphone ko. Humiwalay na ako kay Izyll at tiningnan kong sino ang tumatawag. Nakita kong si Zhennie ito, kaya agad kong sinagot. "Hello, Zhennie?" bungad ko sa kanya. "Ano? May balita na ba kay Heart?" tanong niya sa akin. "We saw the Cctv footage and someone abducted her. So, all we need to do is find her. Try to trace her phone and call our mens to find her," mariing sabi ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga siya sa sinabi ko. "Okay, I will do that. By the way, they are already here. Alam na rin nila ang nangyari kay Heart," sabi niya. Natigilan naman ako sinabi niyang iyon at hindi nakapagsalita. Oonga pala, muntik ko nang makalimutan sina Dad. Hays! Ngayon, talagang sabay naming haharapin ang problemang ito. Sana nga at walang masamang mangyari kay Heart. Hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang dumukot kay Heart. Hindi ko ito palalampasin at gagawin ko ang lahat para mabawi siya. "Alright. Uuwi ako para makausap sila at para pag usapan na rin natin kung sino ang may pakana nito," sabi ko aa kanya. "Sige, hihintayin ka namin." "Okay, bye," paalam ko at pinatay ko na ang tawag. Muli akong napabuntong-hininga at napapikit na lang. Mayamaya ay natanaw ko sina Yuan at Jarryl na papalapit sa amin. Nakita kong seryoso ang mukha ni Jarryl, habang papalapit. "Anong nakita niyo doon?" agad na tanong ni Izyll sa kanila. "Ito lang ang nakuha namin sa storage room. Ang damit na ginamit nila sa pagkuha kay Heart. Mukhang nagpalit sila ng damit upang makalabas sa campus," sabi sa amin ni Jarryl. Napatingin ako dito at akmang hahawakan ko, nang ilayo iyon ni Izyll sa akin. "Kami nang bahala dito, mukhang may kakausapin ka pa. Babalitaan ka namin kapag may nakuha na kaming impormasyon sa kinaroroonan niya," seryoso niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa paligid, may kaunting studyanteng kagaya namin ang nandito. Bahagya pa itong napapatingin sa amin at sa tingin ko ay may alam na sila sa nangyayari sa amin. Muli akong napatingin kay Izyll, nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Huwag kang magpadala sa emosyon, mahahanap din natin si Heart. Magtiwala ka sa amin, lalo na sa kakayahan ni Jarryl. Remember what I said about his mission? His mission is Heart, so we will do anything too, to find her," nakangiti niyang sabi sa akin. Wala sa sariling napatango ako sa sinabi niya at bahagya pa akong napatingin kay Jarryl. Ngumiti siya at napatango sa akin. Siguro nga kailangan kong maniwala sa kakayahan nila. Nahanap nga nila kami, dahil kami ang misyon nila. Kaya siguradong mahahanap rin nila si Heart. Tama nga si Izyll, kailangan kong e-relax ang sarili ko para naman makapag isip ako nang mabuti. "Okay, naniniwala ako sa kakayahan niyo. Kapag may balita na kayo ay sabihan niyo ako, ganoon rin ako sainyo," seryosong sabi ko sa kanila. Napatango sila at sabay na kaming naglakad patungo sa parking lot. Sumakay agad ako sa kotse at bago umalis ay napatingin pa ako sa kanila. Tumango sila kaya nauna na akong umalis. Nasisiguro akong pakana ito ni Rigor. Ilang beses na nilang ginawa ito at lagi silang bigo sa pagdukot kay Heart. Ngayon ay talagang nagtagumpay sila, dahil plinano nilang mabuti. Naging kampante naman ako at naging abala, dahil na rin sa mga nalaman ko kina Izyll. Kaya hindi ko na napansin na aatake na sila. Sa lahat nang pwedi nilang dukutin ay si Heart pa talaga. Si Heart na walang kakayahang lumaban. Ang duduwag nila para gawin ito. Hinding-hindi ko ito palalampasin, Rigor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD