Chapter 16

2012 Words
Tulad nang dati ay inabangan lang ni Zhennie ang break time namin at pumunta agad kami sa Cafeteria. Ngunit hindi lang kami ni Heart ang papunta doon, maging sina Izyll ay sumama na rin sa amin. Ewan ko ba sa mga ito at sumama sa amin. Subalit hinayaan ko na lang, si Heart naman kasi ang umaya sa kanila hindi ako. Kaya tahimik lang akong naglalakad, habang sila ay nagpapalitan ng usapan. Lalo na sa mga subjects namin kanina, na mabilis lang nasagutan ni Heart. Matatalino rin pala ang tatlong ito, hindi lang pala kakaiba, tsk! "Guys! Dito!" narinig kong tawag ni Zhennie kaya naglakad kami patungo doon. Ngunit nakita kong natigilan siya, matapos makitang kasama namin sina Izyll. Nawala ang ngiti niya, ngunit saglit lang iyon. Lumapit kami sa kanya at nakita namin may mga pagkain na roon. "Uhm, pasensya na kayo huh? Akala ko kasi ay hindi kayo kasama, kaya para sa aming tatlo lang ito," tukoy niya sa pagkaing nasa mesa. Tumawa naman si Jarryl sa sinabing iyon ni Zhennie. "Ayos lang, sumabay lang rin naman kami sa kanila. Kami na ang bahala sa mga sarili namin," nakangiting sabi ni Jarryl at sabay na silang tatlo na umalis upang mag order ng kanilang pagkain. Samantalang kami, ay umupo na dahil nga may nakahanda na para sa amin. Nagsimula na kaming kumain tatlo, mayamaya ay nagsalita si Zhennie. "Napapansin ko ah, na laging sumasabay sainyo ang tatlong iyon," puna ni Zhennie at napasulyap sa kinaroroonan nila Izyll. Nakita ko pang napasulyap sa amin si Izyll at ngumiti. "Iba din itong si Izyll ah, hindi ko alam pero mukhang napapansin siya saiyo, Khen," pang aasar sa akin ni Zhennie. "Omo! Napapansin ko rin iyon," segunda naman ni Heart. Napasinghal ako sa sinabi nila at napapailing. Seriously? Talagang iyon ang napansin nila? Ganoong iba ang napapansin ko dito. Hindi ko na pinatulan ang usapan nila, dahil siguradong aasarin lang nila ako. Nagpatuloy lang ako sa pagkain, hanggang sa mapansin ko ang pagdating nila ni Izyll at umupo sa bakanteng upuan, kung saan kami naka-table. Hinayaan na lang namin na sumabay sila sa amin. Wala naman masama na makisabay sila, ngunit naroon pa rin ang kakaiba kong napapansin sa kanila. "Okay ka na ba?" mayamaya ay narinig kong tanong sa akin ni Izyll. Nag angat naman ako nang tingin sa kanya, dahil sa tanong niyang iyon at napasulyap sa kasama namin. Nakatingin na rin pala sila sa akin. Napabuntong-hininga ako. "Actually, medyo masakit pa rin ang ulo. Baka mamaya iumpog ko na ito," sabi ko sa kanila. Nakita ko naman kung paano nagbago ang expression ng kanilang mga mukha. Kaya napairap na lang ako. "Ano ba, ayos lang ako. Wala sa akin iyon, pero medyo masakit pa rin talaga," sabi ko sa kanila. Napabuntong-hininga naman sila habang nakatingin sa akin at mayamaya ay nagpatuloy sila sa pagkain. Bakit pakiramdam ko ay subrang nag aalala sa akin ang tatlong ito? Ganoon dapat ay wala naman silang pakialam. Tsk! "Nakakainis talaga ang babaeng iyon," mayamaya ay sabi ni Zhennie. "Hindi ko talaga palalampasin ang ginawa niya saiyo kanina, Khen. Kapag gumawa ulit siya ng gulo ay makakatikim talaga siya sa akin," sabi naman ni Heart at naroon pa rin ang inis sa kanyang sinabi. "Hayaan niyo na, huwag niyo na lang patulan," sabi naman ni Izyll. "Tsk! Nakakabanas na rin eh. Sa akin siya galit, kaya bakit niya kailangan idamay ang pinsan ko? Tsk! Mahirap pa namang iyang pigilan, kapag nasimulan. Pasalamat lang siya at marunong kumuntrol ng sarilinsi Khen, dahil kung hindi, ewan ko na lang sa kanya," naiinis na sabi ni Heart. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Tsk! Bakit kailangan niya pang magsalita nang ganoon? "And speaking of that brat," narinig kong sabi ni Zhennie. Napatingin ako sa tiningnan niya at nakita ko nga si Clarise, kasama ang kaibigan nito na kakapasok pa lang sa Cafeteria. Masyado atang malakas ang pakiramdam nito, dahil napatingin agad ito sa kinaroroonan namin at sinamaan kami nang tingin. "Huwag niyo nang tingnan," narinig kong sabi ni Izyll. "Oonga, para hindi na iyan lumapit pa dito," sabi rin ni Jarryl. "Tss, sa ugali niyang iyon? Malamang hindi rin iyan magpapatalo," napapairap na sabi ni Heart at tinapos ang kanyang pagkain. "Tsk! Pupunta pa nga ata dito," sabi naman ni Yuan. Hinayaan ko lang kung ano ang sinasabi nila at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nararamdaman ko ang papalapit na aura, kaya alam ko na kung sino ito. Subalit nagpatuloy lang ako at tinapos ang kinakain ko. "Sarap na sarap ka sa pagkain eh no? Bakit? Hindi ka pa ba nakatikim niyan, noong nasa bundok ka pa?" pang iinsulto nito sa akin, nang huminto ito sa harapan ko. "Y—" Hinawakan ko ang kamay ni Heart upang pigilan ito, sa kung ano man ang sasabihin niya. Uminom ako ng juice at hindi pinansin kung ano man ang sinabi niya. Maging sina Izyll, ay tahimik lang at kumakain. "Mukhang matapang ka nga, tulad nang inaasahan ko. Ngunit nasisiguro kong mawawala na iyang tapang mo, kapag pinaalis ka na sa School na ito. Bumalik ka na lang sa bundok kung saan ka man nanggaling. You're belong in this place," muling sabi nito. Nag angat ako nang tingin sa kanya at napangiti. Tiningnan ko siyang mabuti at nilabanan naman niya ang tingin ko sa kanya. "Kawawa ka naman, mukhang kulang ka sa aruga kaya ka ganyan magsalita," nakangising sabi ko sa kanya. Biglang sumama ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi kong iyon. Mukhang nainsulto siya sa sinabi ko. "Ha! My parents love me so much and they give me everything what I want! Kaya wala kang karapatang magsalita na kulang ako sa aruga. Excuse me, I think you're the one who's like that," sabi niya at napamewang pa matapos sabibin iyon. "Will you stop, Clarise? Ikaw talaga ang naghahanap ng gulo eh," sabat ni Heart at tumayo. Nakita ko ang inis sa mukha ni Heart. "What? Siya ang unang nanggulo, kaya gagawin ko ang lahat para mapaalis siya sa lugar na ito at pwedi na rin sa sumama ka sa kanya. Para mawala ka na rin sa paningin ko," sagot niya kay Heart. Tumingin ako kay Heart at umiling lang, upang hindi na siya nagsalita. Tumayo na rin ako at hinarap ito. "Kaya mo nga bang gawin iyan? At isa pa, kailan kita ginulo? Eh ikaw itong parang aso na sumusunod sa akin at nanggugulo. Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa mo sa akin kanina," sabi ko sa kanya. Napangisi naman siya sa sinabi kong iyon at matapang pa ring nakatingin sa akin. "So what? This is my place and I can do whatever I want to do. Pulling in your hair is not enough to drag you out. I want... more," nakangisi niyang sabi sa akin. "Clarise, stop provoking her. You don't know what she can do, I'm warning you," awat ni Heart dito at hinawakan ako sa braso. "Oh? Really?" "Clarise, tama na halika na," awat naman ng kasama niya, subalit hindi siya nagpapigil dito. "She's the one who really don't know me. So what? Then, let me see what she can do," sabi niya kay Heart at bumaling sa akin. Napangiti lang ako at humakbang palapit sa kanya. Ngunit hindi siya natinag, nagpatuloy lang ako hanggang sa matapakan ko ang ang kanyang paa. "Ouch! You! Hey!" sita niya sa akin dahil hindi ako tumigil sa paglapit sa kanya, kaya napaatras na siya. "Matapang ka at nararamdaman ko iyon. Ngunit para sa akin, masyado kang mahina at hanggang salita ka lang. Gusto mong makita kung ano ang kaya kong gawin. Then, I will show you," sabi ko at mabilis siyang hinawakan sa buhok. "Ouch! Hey! Get off me!" daing niya. Akmang lalapitan ako nang kasama niya, ngunit mabilis kong nasipa ang isang upuan patungo sa kanila, kaya hindi sila tuluyang nakalapit sa akin. Nanatili pa rin nakahawak ang kamay ko sa kanyang buhok at kahit anong pilit niyang kumawala sa akin ay hindi niya magawa. "You b*tch!" sigaw na daing niya sa akin. "Sa tingin ko ay kulang pa ang pa ang sakit na naramdaman mo kaya heto pa," sabi ko at muling hinila ang kanyang buhok kaya mas lalo siyang napasigaw sa aking ginawa. "Khen, please enough," awat sa akin ni Izyll, ngunit hindi ko ito pinansin. Nakatingin lang ako sa kanya at hinawakang ang baba niya. "Hindi lang ito ang matitikman mo sa akin, kung lalapit-lapitan mo pa rin ako. Kaya tigilan mo na ako, kung ayaw mong pasabugin ko ang lugar na ipinagmamalaki mo," mariing sabi ko sa kanya at marahas siyang binitawan. Kaya naman tumama siya sa mesa at natumba. Agad naman siyang nilapitan ng kanyang mga kasama at tinulungan makatayo. "Y-You will pay for this," sambit niya habang iniinda ang sakit. Tsk! Ang tapang talaga kung magsalita pero napakahina naman. Napangisi lang ako sa sinabi niya. "I can wait for it," tanging sabi ko sa kanya at tumalikod na. Binigyan naman ako nang daan ng mga nakiusisa at sumunod naman sa akin sina Heart. Nakatikim ka tuloy sa akin, imbes na ayokong manakit. Siya iyong gumagawa nang dahilan para masaktan eh. Hintayin ko na lang ang araw kung kailan ko makakaharap ang kanyang magulang, para naman maganda ang magiging eksena. Napangisi na lang ako dahil sa naisip ko. "Khen," tawag sa akin ni Zhennie. "I'm okay," tanging sabi ko sa kanila. Napansin kong natahimik sila at hinayaan ko lang iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik sa classroom namin. Habang si Zhennie ay muling nagpaalam na aalis muna at babalik na lang siya mamaya. Tango lang ang naging tugon sa kanya, bago siya tuluyang umalis. Nang nasa loob na kami ng classroom ay tahimik pa rin ako. Nararamdaman ko naman ang tingin nina Izyll sa akin, ngunit hindi ko na sila tiningnan pa. Habang si Heart naman ay napapasulyap lang sa akin at tila ba gustong magsalita pero hindi makapagsalita. Kaya ako na ang bumaling sa kanya. "Don't worry about me, I'm fine," sabi ko sa kanya at ngumiti. "Naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Bakit ba kasi kailangan niya pang lumapit sa atin. Ako lang naman ang kaaway niya, tapos idinamay ka pa niya," sabi niya at naroon pa rin ang inis niya. Natawa lang ako sa sinabi niya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Kaso nga, may kasalanan din ako dahil pinapatulan ko rin ang babaeng iyon. "Huwag mo nang intindihin iyon, mabuti na rin iyon para tigilan ka na rin niya," sabi ko sa kanya. "Pero bakit? Bakit gusto mong ipatawag ang magulang niya?" nagtataka niyang tanong sa akin. Napangisi lang ako sa sinabi niyang iyon. "Simple lang, para malaman niya kung anong klaseng tao ang binabangga niya," nakangisi kong sabi sa kanya. Naroon pa rin sa mukha niya ang kanyang pagtataka. Ngunit mayamaya ay napatango lang siya at inalis na ang tingin sa akin. "Kilala mo ba ang magulang niya?" muli niyang tanong. "Huwag kang mag alala, malalaman mo rin kung makakaharap na natin sila," tanging sagot ko sa kanya at marahang hinaplos ang buhok niya. "Alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit nandito ako?" mayamaya ay tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin dahil sa tanong kong iyon. Napatitig siya, kaya hinaplos kong muli ang buhok niya. "Bakit? Ano nga ba?" tugon niya. "I'm here to protect you. If there's someone who's bullying you wherever you are, I'm here to stand by you. Hindi ko hahayaang may manakit saiyo o tatapaktapakan ka lang, lalo na sa isang iyon na talagang kulang sa pansin. No matter what, I'll protect you, always remember that," nakangiting sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko at bahagya ko siyang hinila at niyakap. Gaya nang sabi ko sa kanya ay hindi ko hahayaang may manakit sa kanya, dahil nandito ako para protektahan siya sa kung sino mang nais manakit sa kanya. Napasulyap ako sa tatlong lalaking nakatingin sa amin. Nakita kong nakangiting nakatingin si Izyll sa akin. Iniwas ko lang ang tingin sa kanya at muling hinaplos ang buhok mi Hearthelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD