Chapter 17

1618 Words
THIRD PERSON'S POV Napatingin sina Jarryl at Yuan kay Izyll, nang mapansin nilang tahimik ito. Kanina pa nila ito napapansing tahimik, simula nang makaalis sila sa campus hanggang sa makauwi sila. Tila ba malalim ang iniisip nito. "Izyll, may problema ba? Kanina ka pa tahimik eh," puna ni Jarryl dito. Nag angat nang tingin si Izyll at napatingin sa kanila. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya. "May kalaban sila at ang kalaban nilang iyon ay nais na dukutin si Heart. Kanina umaga nakita ko ang ginawa ni Khendrey. May dalawawang tao na nakasakay sa isang motor at nakasunod sa kotse kung saan naroon sina Heart. I don't know who are them, but Khendrey knows them. Nakita ko ang ginawa, kung paano niya barilin ang mga ito," seryosong sabi ni Izyll. Natigilan naman ang dalawa dahil sa sinabing iyon ni Izyll. Hindi sila makapaniwala sa nalaman, lalo na sa ginawa mismo ni Khendrey. "Binaril? Ibig sabihin pinatay niya?" hindi makapaniwalang sabi ni Yuan. Umiling naman si Izyll bilang sagot dito. "Hindi niya pinatay ang dalawang iyon. Sa tingin ko binigyan niya lang nang babala ang mga ito, kung talagang may gagawin sila. Ibig sabihin lang nito ay nasa panganib si Heart, dahil sa tingin ko si Heart gagamiting kahinaan ni Khendrey," seryosong sabi ni Izyll. Muli namang natigilan ang dalawa, lalo na si Jarryl na naging seryoso naman ang tingin ngayon kay Izyll. Pareho silang naging tahimik matapos iyong sabihin ni Izyll. "Jarryl, kailangan mong bantayang mabuti si Heart. Ikaw ang nakatalaga sa kanya, kaya dapat ay hindi siya mapahamak," seryosong sabi ni Izyll dito. "Alam ko iyon, huwag kang mag alala hindi ko hahayaang mapahamak siya," sabi ni Jarryl sa kanya. Napatango naman si Izyll sa sinabing iyon ni Jarryl. Nasa isip na nila na hindi nila hahayaang mapahamak ang bagong tagapagmana ng pixie dust. "Bukas na pala gaganapin ang party," biglang sabi ni Yuan. "Oonga pala, teka nasaan pala ang dalawang iyon? Hindi ko nakita noong dumating tayo," sabi naman ni Jarryl at tumingin sa paligid ng mansion. Wala silang maramdamang kapangyarihan mula kina Flare at Cindy, kaya nasisiguro nilang umalis ang dalawang iyon. "Baka may pinuntahan," tanging sabi ni Izyll. "Ano kayang binabalak nila para mapalapit kina Khendrey," komento ni Yuan. Nagkatinginan naman silang tatlo, nang maalala nga ang tungkol doon. Walang sinabi ang mga ito, kung paano ito makikipaglapit sa magpinsan. "Di bale na, kung may paraan sila idi mabuti, para hindi tayo tuluyang mahirapan sa kanila," sabi ni Yuan. Napatango naman sila. Ngunit nasa isip ni Izyll, na unti-unti na nga siyang napapalapit kay Khendrey. Nararamdaman niya rin na komportable na sa kanya si Khendrey. Kaya nasisiguro niyang may pagkakataon na masasabi niya dito ang totoo nilang motibo. Matapos noon ay muli nilang binalikan ang nangyari kanina kina Khendrey. Nakikita talaga nilang may kakayahan si Khendrey na makipaglaban, dahil sa lakas nang dating nito. Nasisiguro nilang kaya nitong protektahan ang sarili, ngunit nag aalala pa rin sila lalo na kay Heart. Kaya sisiguraduhin nilang hindi ito mapapahamak. Nilapitan ni Zhennie si Khendrey, nang makitang nakaupo ito sa may gilid ng pool habang may hawak na wine. "Khen," tawag niya dito. Napalingon naman sa kanya si Khendrey at tumango sa kanya. Hinubad niya ang suot niyang tsinelas at tumabi sa pagkakaupo nito sa pool. Naramdaman niya ang malamig na tubig na nagmumula sa pool. Kumuha siya ng wine at uminom rin tulad ni Khendrey. "Tungkol sa nangyari kaninang umaga, anong ginawa mo sa kanila. Hindi natin iyon napag usapan kanina dahil sa babaeng lagi na lang nanggugulo saiyo," sabi ni Zhennie sa kanya. Inubos ni Khendrey ang laman ng baso at muling nagsalin ng wine. "Muntik ko na silang mapatay," sagot ni Khendrey sa tanong nito. Muntik namang maibuga ni Zhennie ang iniinom niya dahil sa sinabing iyon ni Khendrey. Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Khendrey. "Seriously? Bakit? Ano bang ginawa nila saiyo kanina?" nagugulat na tanong niya dito. Natawa lang si Khendrey sa naging reaksyon ni Zhennie. Alam niya namang magugulat ito, ngunit sa isip niya ay hindi na dapat ito magulat dahil ganoon din naman ito kapag nagalit. Mayamaya ay naging seryoso ang tingin niya kay Zhennie at iniwas ang tingin dito. Napansin naman iyon ni Zhennie, kaya magtatanong na ulit sana siya nang magsalita na si Khendrey. "Nais nilang dukutin si Heart," seryosong sabi ni Khendrey, na kinabigla naman ni Zhennie. "W-What? Si Heart? Bakit si Heart?" nagugulat niyang sabi niya. "Maybe, because they think that Heart was a weak one. They want her to their hostage and make a revenge with me. Nasisiguro akong hindi ako titigilan ni Rigor," seryosong sabi ni Khendrey. Nasapo naman ni Zhennie ang kanyang noo dahil alam niya kung ano ang sinasabi ni Khendrey. Isa si Rigor sa mga ka-alyansa nila noon, subalit gumawa ito ng isang bagay na hindi nila nagustuhan. Kinalas nila ang pagiging ka-alyansa nila dito para hindi madamay sa illegal na ginagawa nito. Nagalit ito sa kanila at lagi silang ginugulo. Bumuo pa ito ng grupo, upang gantihan sila. Habang nasa korea siya ay lagi siya nitong inaabangan at gustong patayin. Ngunit dahil marunong makipaglaban si Khendrey ay nagagawa niyang protektahan ang kanyang sarili at may mga kasamahan rin siya na mahusay makipaglaban. Lagi nilang natatalo si Rigor kapag lumulusob ito sa kanila at sa huling labanan ay namatay ang kapatid nito. Si Khendrey ang nakapatay dahil na rin pareho ang ugali nito kay Rigor. Kahit anong pilit niyang kausapin ito ay masyado ring matigas. Kaya kahit hindi niya gusto ang nangyari ay kasalanan niya pa rin ang pagkamatay nito. Kaya ngayon ay binabalikan siya palagi ni Rigor at nasisiguro niyang hindi siya nito titigilan. "Tss, kasalanan naman kasi niya kung bakit iyon nangyari sa kanila. Tapos no'ng madamay ang kapatid niya, mas lalo siyang nagalit saiyo. Kabaliwan niya, siya ang may kasalanan kaya iyon nangyari. Tapos ngayon idadamay niya si Heart? Tsk!" napapailing na sabi ni Zhennie. Hindi naman nakapagsalita si Khendrey at hinayaan si Zhennie na magsalita. Alam naman niya kung saan ang sinasabi nito. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip niya na siya ang pumatay sa kapatid ni Rigor. "Huwag mo nang isipin iyon, wala kang kasalanan. Ang intindihin natin ngayon ay pigilan sila sa binabalak nila. Kailangan nating mag ingat, lalo na at punterya nila si Heart," mayamaya ay sabi ni Zhennie sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at napatango sa sinabi nito. Inubos na niya ang kanyang iniinum at napatingala sa madilim na kalangitan. Nakikita niyang parang uulan ito, dahil natatakpan na ang maliwanag na buwan na kanina lang ay nakikita niya pa. "Bye the way, while I'm waiting earlier at the lobby. I've heard something about you and Izyll. Is true, that you and him were together last night?" mayamaya ay tanong ni Zhennie, kaya natigilan siya at nagugulat na napatingin kay Zhennie. "W-What?" nagugulat niyang sabi dito. Napangisi naman si Zhennie habang nakatingin ngayon kay Khendrey. Hindi naman alam ni Khendrey ang dapat niyang maging tugon dito. Hindi nga niya sinabi sa mga ito ang tungkol doon, tapos ngayon ay nalaman pa nito. "Yes, narinig ko sa mga kasama no'ng Clarise na iyon ang tungkol doon. Ibig sabihin magkasama nga kayo?" pang aasar ni Zhennie dito. Hindi pa rin nakapagsalita si Khendrey at pilit na iniiwasan ang tanong na iyon ni Zhennie. Ngunit alam rin niya sa sarili na mangungulit lang rin ito tulad ni Heart. "Ano pa ba ang narinig mo?" sa halip na sabi niya at napatingin dito. Nanliit ang matang nakatingin sa kanya si Zhennie at talagang inaasar. "Na magkasama kayo kagabi at nag iinuman. Bakit nga ba kayo magkasama? Ganoon hindi naman namin napansin na lumabas ka?" sabi nito sa kanya. Napaiwas ulit siya nang tingin dito at bahagyang napabuntong-hininga. Maging siya ay nahihirapang sabihin dito ang totoo. Hindi niya alam kung paano nga ba ipapaliwanag dito ang namagitan sa kanila ni Izyll. "Actually, it's an unexpected. Nagulat na lang ako nang makita siya kagabi sa labas, habang nakatingin sa silid ko. Hindi ko alam kung bakit nga siya nandito. Sinabi lang niya na may pinuntahan siya sa subdivision na ito. Ngunit pakiramdam ko nagsisinungaling lang siya. Tapos hindi daw niya alam ang palabas ng subdivision na ito. Kaya ayon sinamahan ko siya, dumaan lang ako sa terace kaya hindi niyo ako napansin," paliwanag ni Khendrey dito. Napangiti naman si Zhennie habang nakikinig sa sinabing iyon ni Khendrey. Naiilang naman si Khendrey sa kakaibang tingin na iyon ni Zhennie. "So, anong nangyari?" nakangiti nitong tanong sa kanya, na para bang gustong marinig ang buong nangyari sa pagitan nila ni Izyll. "Ayon nga hinatid ko siya, tapos nang maihatid ko na siya sa labas bigla naman akong niyayang uminom. At alam mo ba kung ano pa ang sinabi niya?" sabi ni Khendrey at bumaling kay Zhennie. "Ano?" excited na sagot ni Zhennie sa kanya. "Nag aya siya tapos wala pala siyang dalang pera, hays! Ibang klase di ba? Kaya dahil gusto ko ring uminom, ayon nilibre ko na lang siya at ayon nga doon na kami nakita ng babaeng iyon," sabi ni Khendrey at napaismid na lang sa huling sinabi. Natawa naman si Zhennie sa sinabing iyon ni Khendrey. Napailing na lang si Khendrey sa naging reaksyon ni Zhennie, mukhang tuwang-tuwa ito sa kanyang sinabi. Pinagpatuloy niya ang kwento dito, maging iyong eksenang nakasagutan niya si Clarise. Matapos nilang magkwentuhan ay nag aya na rin si Khendrey na pumasok na sa loob upang magpahinga. Habang nasa loob na ng kwarto si Khendrey ay naalala niya ang gaganaping party nina Izyll. Hindi niya alam kung pupunta nga ba siya doon o hindi. Ngunit alam niya naman sa sarili na wala siyang magagawa kundi ang sumama na lang doon dahil sa kanyang sariling motibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD