Chapter 15

2009 Words
Dahil sa sinabi niyang iyon ay napahinto ako at seryosong napatingin sa kanya. Hindi ko aakalain na sa lahat na maaring makakita at makarinig ay siya pa talaga. Bahagya akong napatingin sa paligid, kung mayroon bang malapit sa amin. Mabuti na lang at wala. "Did you really heard everything?" mariing tanong ko sa kanya. Napatango siya sa sinabi kong iyon. "Yes, and don't worry no one will know about this. Mabuti na lang rin at walang nakakita bukod sa akin, sa ginawa mo sa mga iyon," sabi niya sa akin. Napaiwas ako nang tingin sa kanya ay nagsimulang maglakad. Sumabay naman siya sa akin. "You're really mysterious, I can feel it. But I like it," narinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at saktong nakangiti siyang nakatingin sa akin, saka ako kinindatan. Napairap na lang ako ginawa niya at nagpatuloy sa paglalakad. "But, why? Why they wanted Heart that much?" mayamaya ay tanong niya. "I can't tell you about it," tanging sabi ko sa kanya. Pilit ko siyang iniiwasan, ngunit nanatili siyang nakasunod sa akin. Kaya hinayaan ko na lang. Iisang lugar lang rin naman ang pupuntahan namin. "By the way, thanks about last night," mayamaya ay sa niya sa akin. Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon, dahil nakaramdam ako ng kaunting hiya. "It makes me feel comfortable when I'm with you," muling sabi niya. Napaismid ako at napatingin sa kanya habang naglalakad. "O c'mon, don't say something like that, it's creeping me out," sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang natawa sa sinabi kong iyon, kaya inirapan ko siya. Kaya naman dahil nasa kanya ang atensyon ko ay hindi ko na agad napansin ang atakeng bigla na lang dumating sa akin. May humila sa buhok ko, kaya napaatras ako. "There you are!" narinig kong sigaw ng babaeng bigla na lang humila sa buhok ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko, na para bang gusto niya talagang tanggalin. "Hey, stop it!" narinig kong awat ni Izyll. Ngunit nakita kong hinarangan siya ng mga kasama nitong babaeng humihila ngayon sa buhok. "Do you think, I couldn't hear what you have said last night? Your getting into my nerves, b*tch! Kinakalaban mo talaga ako!" sigaw niya sa akin. Napapikit ako dahil sa nararamdam kong sakit sa buhok ko at dahil nasasaktan na ako ay hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko ay itunusok doon ang mga kuko ko. "Ouch!" daing niya at nabitawan ng isa niyang kamay ang buhok ko. Kaya naging dahilan iyon, upang hawakan ko rin ang kamay at buong lakas ko siyang tinulak sa pader kasama ako. Tumama ang likod niya at tuluyan na niyang nabitawan ang buhok ko. Kaya nakawala na ako mula sa pagkakahawak niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong napapahawak siya sa likod niya. "Y-You!" sigaw niya at akmang lalapit sa akin, nang umiwas ako. "You, do you really want to have a cat fight huh?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. "Khendrey," awat sa akin ni Izyll. "So what? I don't like you and I want you to get your ass out here! You don't belong into my place!" galit niyang sigaw sa akin at natawa na lang ako sa sinabi niya. "Sad to say, because this place is for everyone not only yours and stop being arrogant, your making yourself pathetic," sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Nakakabanas kahit kelan ang babaeng iyon. Lagi na lang may eksena kung nasaan ako. Nakakainis na rin, kahit ayaw kong patulan. Agad kong nasalo ang isang bagay na binato niya sa akin. Napahinto ako at bumaling sa kanya. Nakita kong natigilan siya, matapos kong masalo ang ibinato niya sa akin. Naging seryoso ang tingin ko sa kanya. "Do you really want to start a fight, huh?" seryoso kong sabi sa kanya. Hindi siya nakasagot sa sinabi kong iyon at napatulala lang. Nanatili namang seryoso ang tingin ko sa kanya kahit na nakahawak na si Izyll sa akin. Nakita kong nasa amin na ang tingin ng mga studyante dito. Ngunit nasa kanya pa rin ang paningin ko. "What's going on here?" Napatingin ako sa biglang nagsalita. I think she's a teacher, base on here attire. "Mrs. Marjorie, that girl was trying to hit me with that thing," mayamaya ay biglang sabi nito at napataas-kilay akong napatingin sa nasalo kong bato kanina, saka ako muling tumingin sa kanya. "What? You? Bakit mo naman gagawin iyon kay Clarise?" galit na sabi nito sa akin. Nakita ko pang saglit na napangisi si Clarise sa akin, bago nagmamakaawa ang tingin na tumingin sa guro na biglang dumating. "Am I really trying to hit you, Clarise?" tanong ko sa kanya. Masamang tingin lang ang binigay niya sa akin at kumapit sa guro na nasa harapan niya. "See, Ma'am? She's really trying to do something with me, with that look," sabi niya pa. Napaikot ko ang aking mga mata. Ano na naman kaya ang naisip ng babaeng ito pa-victim masyado. "You! Go to at the guidance office. Your not allowed to hurt someone in this school," seryosong sabi nito sa akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon at natawa. Napatingin naman ako sa paligid. I think it's useless if I tell her that, she's the who tried to hurt me. Tsk! "Why would I go there? I didn't do anything and I really need to explain myself, even if you didn't want to listen to me? C'mon, I'm not that weak person and if you really want me to go there, of course she need to go there too," sabi ko dito at tinaasan ng kilay si Clarise na masamang nakatingin sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ng guro sa aming dalawa ni Clarise. Hindi alam kung susundin ba nito ang aking sinabi. "What's going on here?" narinig ko ang boses ni Heart at nakita ko siyang papalapit sa akin. "‘Couz? Are you okay? Anong ginawa na naman niya saiyo?" seryoso niyang tanong sa akin at hinawakan ako sa balikat. Napansin ko rin si Zhennie na tumabi sa anim. Bumaling siya kina Clarise at sinamaan niya nang tingin ang babae. "What is it right now, Clarise?" seryoso niyang tanong dito. Napairap lang ito kay Heart at napangisi. "Kaano-ano mo ba siya, Ms, Heart?" seryosong tanong no'ng guro kay Heart. Kaya seryoso namang napatingin si Heart dito at bahagyang napatingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon, saka muling tumingin sa guro. "She's my cousin, Mrs. Marjorie," sagot ni Heart dito. "Really? She's so rude. Pagsabihan mo iyang pinsan mo na huwag manakit ng kapwa studyante dito at kung maari ay samahan mo siya sa guidance office. Dapat siyang mapagsabihan sa dapat niyang gawin. She's going to hurt, Clarise, the daughter of the owner in this school. She need to behave herself," mahinahon nitong sabi kay Heart, na tila nirerespeto niya ang pinsan ko lalo na sa tingin nito. Nang tumingin naman siya sa akin ay naging seryoso ang mukha niya. Napatingin si Heart sa akin. Nakita kong nalilito siya sa kung ano ang gagawin niya, kaya naman nagsalita ako. "Okay, I will go there, but first you need to call her parents. If not, then you can't do anything about it. Bring her parents here and let us talk how stupid her daughter is," sabi ko at binigyan nang kakaibang tingin si Clarise at tumalikod. "See that? How rude you are! Ms. Marthelle," sita sa akin ng guro. Napasinghal ako at bumaling sa kanya. Naramdaman ko namang inaawat ako ni Heart, dahil alam talaga nila na kapag ganitong usapan ay hindi ko talaga uurungan. Subalit kailangan ko ring kalmahin ang sarili ko, dahil nga teacher siya at dapat ay respetuhin ko rin siya. "Mrs. Marjorie, I know what you're trying to do. As I've said, pupunta lang ako doon kapag naroon din ang mga magulang para magkausap kaming lahat kung sino nga ba ang mas 'Rude' sa aming dalawa. So what, kung anak siya nang may ari ng university na ito? Dapat ba ay katakutan siya o respetuhin kahit may mali siyang ginawa? Hear my side too, not only her and why would I explain it to you, anyway? Tsk! I'm sorry, kung hindi ko mapagbibigyan ang sinabi mo. Ngunit kung makakausap ko ang magulang niya, kahit saan kami mag abot ay hindi pupunta ako," paliwanag ko sa kanya at nginitian siya. Hindi ito nakapagsalita sa sinabi kong iyon. Kaya naman tuluyan na akong tumalikod, ngunit huminto ako at bumaling kay Clarise na masamang nakatingin sa akin. "Try to pull my hair again infront of so many people. You will face you're consequences," mariing sabi ko at tuluyan nang umalis doon. Nakita ko namang agad na sumunod sa akin sina Heart at Zhennie, kasama si Izyll na natahimik kanina. Napabuga ako nang hangin at pilit na pinapakalma ang sistema ko. Kaunti na lang talaga at hindi ko na mapipigilan pa ang sarili kong manakit ng tulad niya. Nakakabanas talaga! "Hey, are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Heart. "Anong ginawa niya ba saiyo?" tanong naman ni Zhennie. Itinaas ko ang kamay ko upang pigilan sila sa kung ano man ang itatanong nila sa akin. Napaupo ako sa bakanteng upuan at napapikit na lang. Pinapakalma ko pa rin ang aking sarili, dahil para bang sasabog na kung ano mang mainit na bagay sa ulo ko. "Here.." Napadilat ako at nakita ko si Izyll na inaabutan ako ng mineral water. Napaismid ako at kinuha ko rin iyon. Binuksan ko saka ininom. "Ano ba talaga ang nangyari huh? Izyll, nakita mo ba ang ginawa ng babaeng iyon kay Khendrey?" narinig kong tanong ni Heart kay Izyll. Umiwas lang ako nang tingin, nang bumaling siya sa akin. "Actually, mabilis 'yong pangyayari, kasi habang naglalakad kaming dalawa ay biglang may humila sa buhok niya at iyon ay si Clarise. Inaawat ko siya, kaso pinigilan naman ako ng mga kasama ni Clarise kaya wala akong nagawa. Kaya naman nagawang itulak ni Khendrey si Clarise sa pader. Nang makawala na si Khendrey sa pagkakahawak kay Clarise, ay pinagsabihan niya ito at umalis na. Ang kaso binato siya ni Clarise ng bato, na agad namang napigilan ni Khendrey. Ganoon ang naabutan ni Mrs. Marjorie kanina at iyon nga ang nangyari," paliwanag ni Izyll sa kanila. Hindi naman ako makapaniwala na nagawa niyang ipaliwanag dito ang nangyari. Hindi ko maisip na magsasalita siya, lalo na at iba ang unang expression ko sa kanya dahil tahimik siya noong una ko siyang nakilala. Tsk! May pagkamadaldal din pala ang lalaking ito. "Is it true?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Heart. "Yeah," sagot ko na lang. "Tsk!" napapailing na sambit ni Zhennie, habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin. "She's too much! Hindi ko palalampasin ang ginawa niya saiyo, Khendrey," seryosong sabi ni Heart. Natigilan naman ako sa kakaibang aura niya, matapos niya iyong sabihin. Napansin ko rin na maging sina Zhennie at Izyll ay nagugulat sa sinabing iyon ni Heart. "Halina kayo at baka ma-late pa tayo," anyaya niya sa amin. Kaya naman sumunod na kami sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka seryoso. Bukod sa may nakatagong tapang sa loob niya ay tila ba may iba pang nakatago doon. Tahimik kaming naglalakad apat, papunta sa silid namin. Napasulyap pa ako sa kabilang hagdan at nakita ko ang grupo nina Clarise na masamang nakatingin sa amin. Maging ito ay masama ang tingin sa akin. Napaismid ako sa kanya at iniwas nang tingin. Kapag talaga gumawa pa siya nang gulo sa akin ay talagang makikita niya ang kanyang hinahanap. Nang makapasok kami sa silid namin ay umalis na rin si Zhennie. Hindi naman kasi siya nag aaral dito at nakatapos na rin naman siya sa pag aaral. Nandito lang naman siya dahil nga dito kami nag aaral ni Heart. Tahimik kaming dalawa ni Heart, habang nakaupo. Samantalang naririnig ko naman ang mahinag usapan nina Izyll na nasa likod namin. Narinig kong sinabi niya kina Jarryl at Yuan ang nangyari sa akin kanina sa lobby. Tsk! Ang daldal talaga ng lalaking ito, talo pa ang babae!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD