Chapter 56

2090 Words
Hinintay kong mag reak si Heart dahil talagang kanina pa siya tahimik, habang nakatingin sa akin. "Hoy, bakit natahimik ka bigla?" puna ko sa kanya. Mayamaya ay bigla siyang napatili at napatayo pa sa harapan ko. "Omo! Seryoso? Nag kiss na kayo? Oh my god! I can't believe it!" masayang sabi niya. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, dahil sa reaksyon niya. Tuwang-tuwa siya grabe lang! "Oo, syempre siya ang nauna. Nabigla lang ako nang gawin niya iyon sa akin at nagalit ako sa kanya," sabi ko sa kanya. Muli siyang umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "My god! Hindi talaga ako makapaniwala na nangyari iyon. Nakakagulat para sa akin ang malaman iyon. Bukod sa kiss, may nangyari pa bang iba?" masiglang sabi niya. Bahagya akong natigilan sa huli niyang sinabi. Of course! I can't tell her, that he kiss me in my chest and saw my body naked! Dahil sigurado akong subra pa ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko iyon. "Wala na, iyon lang. Syempre naman no, sino ba siya para hayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Baka mapatay ko talaga siya kapag higit pa doon ang ginawa niya," kunwaring sabi ko. "Sayang naman, akala ko magiging dalaga ka na nang tuluyan," tila nalulungkot pa niyang sabi. Grabe! "Anong klaseng reaksyon iyan? Huwag mong sabihin, na higit pa doon ang gusto mong mangyari? Mag isip ka nga," naiinis ko pang sabi sa kanya. "Alright, tama ka. Ngunit, seryoso ba talaga siya na liligawan ka niya?" muli niyang tanong. "Hindi ko alam kung seryoso nga siya, pero iyon ang sinabi niya," tanging sabi ko. Napatango-tango naman siya sa sinabi kong iyon at mayamaya pasimple siyang ngumiti. Ano na naman kaya ang naiisip niya? "Ganoon ba? Ngunit naniniwala akong seryoso siya sa sinabi niyang iyon saiyo. Kahit naman kaunting panahon pa lang natin silang nakilala ay nakita kong mabait sila eh," nakangiti niyang sabi sa akin. Tila bumalik ang lahat nang iniisip ko nitong nakaraang araw dahil sa sinabi niyang iyon. Wala siyang alam sa totoong dahilan ng mga ito, kaya niya iyon nasasabi. Ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil talagang pinakita nila sa amin kung gaano sila kabait. Subalit ang katotohanan sa likod no'n ay hindi na mababago, na naging ganoon sila kabait sa amin dahil ay kami ang misyon nila. Dahan-dahan kong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya sa akin at napatayo. "Khen? What's wrong?" narinig kong tanong niya. "Nakalimutan kong may mahalaga pala akong sasabihin saiyo. Doon tayo sa veranda," anyaya ko sa kanya. Nauna akong naglakad at hindi ko siya nilingon kung sumunod ba siya o hindi sa akin. Nang makarating ako ay agad akong napatingin sa liwanag ng buwan, na tila naging silbing ilaw sa madalim na gabi. "Khen, may problema ba? Bakit biglang nagbago ang mood mo?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Noong araw na dumating ako dito. Noong sinundo mo ako at airport, maging iyong pagharang sa atin nina Rigor. Naalala mo ba iyon?" seryosong tanong ko sa kanya. Bumaling ako sa kanya at nakita kong nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Oo naman, naalala ko iyon. Bakit?" "Eh ang kasunod no'n, naalala mo pa ba? Iyong nahimatay ka, bago tayo makarating sa Mansion?" muling tanong ko. "Huh? Hindi ko maalalang nahimatay ako bago makarating sa Mansion no'n. Ang naalala ko ay sa Mansion na ako nakatulog. Hindi ko maalalang nahimatay ako," kuno't noo niyang sabi sa akin. Napabuntong-hininga ako. Wala nga talaga ata siyang naalala sa nangyaring iyon. Kaya talagang hindi niya maiintindihan ang sinasabi ko ngayon. "Bakit mo iyon natanong?" "Dahil may kailangan kang malaman ngayon, sa kung anong klaseng mga tao ang nakilala natin at naging kaibigan," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita kong mas lalo siyang nagtataka sa sinabi ko. Naiintindihan ko naman iyon, iniwas ko na ang tingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "Naniniwala ka ba sa magic?" sa halip na tanong ko sa kanya. Gusto kong dahan-dahan niyang maintindihan ang nais kong sabihin sa kanya. Ayoko siyang biglain sa nais kong sasabihin. "Teka, paano naman tayo napunta diyan sa sinasabi mong 'magic'? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Khen," seryoso na niyang sabi sa sa akin. Bumaling ako sa kanya. "Sagutin mo na lang ako, para maintindihan mo ang sunod kong mga sasabihin saiyo," tanging sabi ko. "Tsk! Oo, naniniwala ako, kahit alam kong kathang isip lang ang tungkol doon. Nanonood ako ng mga fantasy movies at natutuwa ako. Minsan hinangad ko nang sana ay may magic din ako katulad nila. Ngunit alam ko naman na talagang walang magic," sagot niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Tulad nang sabi ni Kherra ay talagang hindi magigising ang guardian niya, kapag hindi siya naniniwala sa magic. "Kherra, lumabas ka at umupo doon sa railings sa harapan namin," sabi ko kay Kherra na alam ko namang maririnig niya. Agad na nagpakita si Kherra at sinunod ang sinabi ko dito. "Wait, who's Kherra?" nagtatakang tanong ni Heart. Tinuro ko ang railings kong saan nakaupo si Kherra at bahagyang inamoy pa ang bulaklak na nasa tabi niya. Napatingin naman doon si Heart doon sa itinuro ko. "Kapag maniniwala ka sa magic ay makikita mo ang isang maliit na fairy, na nakaupo sa railings na iyan. She's my guardian fairy, Kherra," sabi ko kay Heart. Nanatili naman siyang nakatingin doon sa sinasabi ko at talagang lumapit pa siya upang tingnan ito. "Are you serious? I didn't see anything," nagtatakang sabi niya sa akin. "Isa pa, ano ba iyang sinasabi mong fairy, your guardian? What's that?" Napabuntong-hininga ako. Tulad nang inaasahan ko ay talagang hindi siya maniniwala sa sasabihin ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa dalawang balikat. "Hindi mo talaga siya makikita dahil kulang pa sa kaalaman ang isipan mo tungkol sa magic. Inaamin ko na kamakailan ko lang rin nalaman ang tungkol dito. Kaya naman dahil pati ikaw ay dapat makaalam nito, kailangan mo rin matuklasan ito sa sarili mo," seryoso kong sabi sa kanya. "Sandali nga, pinagloloko mo ba ako?" sabi niya at bahagyang umatras palayo sa akin. "Talagang hindi buo ang paniniwala niya, kaya niya ako hindi nakikita," mayamaya ay sabi ni Kherra. "Sino iyon?" nagugulat na sambit ni Heart, nang biglang magsalita si Kherra. Sandali, naririnig niya si Kherra? Nagkatinginan kami ni Kherra, maging siya ay natigilan sa sinabing iyon ni Heart. "Narinig mo ang sinabi ni Kherra?" tanong ko sa kanya. "O-Obviously, I heard a voice but I can't see who is it," sabi niya at napatingin sa paligid. Muli akong napatingin kay Kherra, mukhang pareho kami nang naiisip ngayon. "T-Talaga bang totoo ang sinasabi mo? About your fairy guardian?" naguguluhan pa niyang tanong sa akin at nilibot muli ang tingin sa paligid. Umaasa baka makita kung ano man ang tinutukoy ko. "Yes, tutulungan din kita para makita mo na si Kherra. Kung maniniwala ka sa akin at itatanim mo sa iyong isipan na naniniwala ka sa magic ay makikita mo si Kherra. Kapag nakita mo na rin si Kherra ay makikilala mo na rin ang fairy guardian mo," pangungumbinsi ko sa kanya. Napatitig siya sa akin saglit, na tila ba iniisip kong ano ang kanyang gagawin. Mayamaya ay ngumiti siya sa akin at napatango. "Sige, tulungan mo ako," saad niya. Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya. Inakay ko siya at pareho kaming nakaharap ngayon kay Kherra, na nakaupo pa rin malapit sa may bulaklak. "Deep breath and close your eyes," sabi ko kay Heart. Ginawa naman niya ang sinabi ko. Hinaplos ko ang balikat niya at muling nagsalita. "Ngayon isipin mo, na iyong nakikita mo sa mga palabas sa Movie at T.V ay talagang nangyayari. Isipin mo na katulad nila ay may ganoon ka rin taglay na kapangyarihan. Palawakin mo ang imahinasyon mo," saad ko sa kanya. Matapos kong sabihin iyon ay napansin kong mariin siyang nakapikit at tila nangyayari nga sa isipan niya ang mga sinabi ko. Napatingin ako kay Kherra at tumango sa kanya. Tumango rin siya at may pinalabas na gold pixie dust sa kamay niya. Lumipad iyon patungo kay Heart at pumalibot sa kanya. Nakita ko kung paano gumalaw ang kilay ni Heart, na tila naramdaman niya ang ginawa ni Kherra. "Ngayon buksan mo ang iyong mga mata, upang makita mo si Kherra," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nakita ko kung paano nagbago ang kanyang reaksyon, na tila ba namangha sa kanyang nakita. "I-I saw s-something," sambit niya at dahan-dahang itinaas ang kanyang kamay, saka itinuro sa direksyon ni Kherra. "You saw her now?" tanong ko sa kanya. Napatango siya. "Totoo ba ang nakikita ko? A-Anong klaseng nilalang siya?" nagugulat niyang tanong sa akin. Napangiti ako. Napansin kong lumipad si Kherra, kaya naman iniangat ko ang kamay ko at doon siya dumapo sa palad ko. "Kung nakikita mo siya at nahahawakan ko, malamang totoo talaga siya. By the way, meet my fairy guardian, Kherra," pakilala ko kay Kherra sa kanya. "Hello Heart, nice to meet you," nakangiting bati ni Kherra sa kanya. "I-I can't believe this, she's really real! Omo! And she's cute!" masayang sabi niya at nilapitan pang mabuti si Kherra. "Sa totoo lang, maaari mo naman talaga siyang makita kahit hindi ko gawin iyon saiyo kanina. May paraan din kasi sila na itago ang sarili nila at iyong binabantayan lang nila ang nakakakita sa kanila, maging ang kauri nila," paliwanag ko kay Heart. "Ay ganoon? Grabe, nakakamangha na totoo pala sila eh no? Mukha katulad siya ni Thinkerbelle, ang liit at maganda! Wow!" muling sabi niya. Bahagyang natawa si Kherra sa sinabing iyon ni Heart. "At dahil nakikita mo na ako, ay nagising na rin ang natutulog mong guardian," sabi sa kanya ni Kherra. "Really? I have a guardian too?" hindi makapaniwalang sabi niya at napalingon sa akin. Tumango ako sa kanya. "Yes, you have too.." "Oh my god! Where is she?" masayang sabi niya at bumaling kay Kherra. Napangiti naman si Kherra sa kanya, bago nagsalita. "He's at your back," sagot sa kanya ni Kherra. Natigilan naman ako. "He?" sabay pa naming sabi ni Heart. Tumango naman si Kherra. Sandali! Lalaki ang guardian ni Heart? Bakit hindi niya sinabi sa akin? "I'm here.." Sabay kaming napatingin sa likod ni Heart at nakita nga namin ang isang katulad ni Kherra. Ngunit magkaiba ang kulay nila. Kung kulay ginto si Kherra ay puti naman ito. Mula sa kanyang buhok, maging damit. Ang balat lang ang naiiba, katulad lang namin ang kulay. May nakapalibot sa kanya na kulay puting pixie dust. Napansin kong maamo ang mukha niya, na parang mabait. Sana nga lang at mabait siya. "Oh! Hey, what your name?" bati ni Heart dito at nilapitan pang mabuti. Lumipad naman ito. Iniangat ni Heart ang kamay niya at doon ito dumapo. "I'm Kurt, nice to meet you, Heart," sabi nito at ngumiti kay Heart. "Oh my god! ‘Cous! Finally, I meet my guardian!" natutuwang sabi niya at bumaling sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. "Yes, you are. I'm happy for you," sabi ko sa kanya. "Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan ah?" Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita namin si Zhennie, na nasa bungad ng pinto dito sa Veranda. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin at mayamaya ay naglakad na siya palapit. "Look, Zhennie! I have a guardian. We both have a guardian!" parang batang sabi ni Heart kay Zhennie, nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin. "Yeah, I saw it. Finally, you met your guardian and it looks handsome," komento ni Zhennie at tinitigan pang mabuti si Kurt, na nakatingin lang sa kanya. "Haha! You see that? Well, I want to meet your guardian too, where is it?" natutuwa pa niyang tanong kay Zhennie. Natigilan si Zhennie at napatingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "Well, I don't have a guardian just like yours," pag amin ni Zhennie. Kaya nakita ko kung paano natigilan si Heart, at napalitan nang pagtataka ang kanyang masiglang aura. "What do you mean? Me and Khendrey has a guardian. Kaya siguradong mayroon ka rin," nagtataka niya pa ring sabi. "Well, as a normal person like me, like them doesn't exist. Sa madaling salita, hindi ka isang normal na tao dahil may taglay kang kapangyarihan. Samantalang ako hindi, normal lang ako at walang kakayahan sa kapangyarihan. Kaya kayo may guardian ay iyon na ang nakatadhana sainyo noon pa. Higit sa lahat, magkaiba tayo tulad nang sabi ko, hindi kayo normal na tao," paliwanag niya kay Heart. Tiningnan ko ang reaksyon ni Heart at doon nakita ko na mas lalo siyang nagtataka sa mga sinasabi ni Zhennie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD