Chapter 55

2010 Words
Habang nagkakasiyahan sila ay lumayo ako at pasimple kong tiningnan si Izyll. Nakita ko naman napatingin siya sa akin, nang mapansing lumayo ako. Kumaway ako sa kanya at pinalapit sa akin. Agad naman niyang nakuha iyon at umahon mula sa pool. Naglakad siya palapit sa akin at bahagyang tumabi sa pagkakaupo sa kahoy na upuan. "Bakit? Namiss mo agad ako?" nakangisi niyang sabi at bahagyang binangga ang braso ko. "Ano ba!" singhal ko sa kanya dahil muntik na akong mahulog sa inuupuan ko. "Haha sorry, bakit ba?" muli niyang sabi sa akin. Umayos ako nang upo at napaismid sa kanya. Napabuntong-hininga ako, bago nagsalita. "Nakapagdesisyon na ako," sabi ko sa kanya. Nakita ko naman kung paano nagbago ang reaksyon niya, dahil sa sinabi ko. Hindi agad siya nakapagsalita. "Sasama na ako sainyo, kami Heart. Kapag nasabi ko na kina Dad ang lahat. Syempre sasabihin ko rin iyon kay Heart at pag uusapan ulit namin iyon, kung ano ang magiging desisyon nila. Hindi rin pwedi na sa akin lahat ang desisyon. Ngunit pinapangako ko, na sasama ako sainyo," walang emosyong sabi ko, habang nakatingin sa kanya. "Sigurado ka ba?" Napatango ako at iniwas ang tingin sa kanya. "Malaki ang naitulong niyo sa amin, kaya syempre sino ba ako para tumanggi na isama ninyo pabalik doon sa mundo niyo. Isa pa, pinag isipan ko rin itong mabuti at buo na ang desisyon ko. Depende pa rin kung sasama si Heart o hindi," sabi ko sa kanya. Bahagya siyang napatango sa akin at napatingin sa gawi, kung saan si Heart na masayang nakikipag usap kina Zhennie. "Naiintindihan ko ang sinasabi mo at alam ko rin kung gaano kahirap para saiyo ang magdesisyon nang ganoon, lalo na at maiiwan mo ang iyong ama," aniya. Pasimple akong ngumiti sa kanya. Isang ngiti na alam kong mararamdaman niyang malungkot talaga ako, dahil maiiwan ko nga sina Daddy. "Lalo na ang Daddy mo, ikaw na lang ang nag iisang kasama niya at wala na ang ina mo. Mahirap din para sa kanya ang mag isa. Kung pwedi lang huwag mo na siyang iwan ay ginawa ko na. Ang kaso nga lang.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya, dahil alam ko naman kung ano ang kasunod na sasabihin niya. Iiwan ko ang ama ko para mailigtas ang ina niya at wala rin kasiguraduhan kong magtatagumpay kami sa pagpapagaling sa kanyang ina. "Huwag ka nang mag isip pa nang kung ano. Siguro naman kapag naayos na natin ang problema niyo ay maaari ko pa rin dalawin ang ama ko, di ba?" sabi ko sa kanya. Napaiwas siya nang tingin sa akin, kaya hindi ko maiwasang magtaka sa naging reaksyon niyang iyon. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung posibleng mangyari ang sinasabi mo. Hindi kasi nasabi sa akin ni Tita ang tungkol diyan. Ngunit huwag kang mag alala, maaari pa rin nating makausap si Tita sa hiling mong iyan. Maaari ka rin niyang bigyan ng proteksyon para sa pamilya mo, laban sa mga magiging kalaban natin kung sakali," paliwanag niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niyang iyon. Kung ganoon ang may posibilidad din na hindi ako makabalik dito, kapag natapos na ang dapat kong gawin sa mundo nila? Kung mamalasin talaga ay hindi ko na makikita pa ang ama ko. Sakali lang iyon pero nakakalungkot pa rin isipin na ganoon ang mangyayari. Naikuyom ko ang kamay ko at hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. "Khen, huwag kang mag alala. Nakita mo naman di ba? Kami, nakakalabas kami dito kapag may misyon. Maaari ka rin na makalabas dito, kung magpapaalam lang nang maayos. Ngunit sa lagay mong ito ay nasisiguro kong papayagan ka ni Tita. Kailangan lang talaga na kausapin siya. Kung ano man ang ugaling pinapakita mo dito sa mundong ito ay hindi mo iyon kailangang baguhin. Kung gaano ka katapang dito, ganoon rin ang magiging tapang na ipapakita mo sa mundo namin. Tulad dito, may mga bully din na katulad ni Clarise doon sa amin. Kailangan mo lang maging matapang at hayaan mo lang kung ano ang kaya nilang gawin, dahil ikaw ay may paraan rin na kayang gawin sa sarili," saad niya sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyong mga huling sinabi niya. Ngunit napagtanto ko pa rin na may punto siya sa mga sinabi niyang iyon. Napabuntong-hininga na lang at bahagyang ngumiti sa kanya. "Sige, aasahan ko ang sinabi mo," wika ko. Napatango naman siya at ngumiti sa akin. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali nang isang ito. Pabago-bago minsan eh. "Ngunit kahit na nandoon ka na sa mundo namin ay tutuparin ko pa rin ang sinabi ko saiyo dati," mayamaya ay sabi niya. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Ano naman ang tutuparin niya sa mga sinabi niya dati. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Iyong liligawan kita," tugon niya sa akin. "Seryoso?" "Oo naman, dahil seryoso ako sa sinabi kong gusto kita," saad niya. Napasinghal na lang ako sa kanya. Ibang klase din ang paraan ng lalaking ito. Pakiramdam ko tuloy wala akong takas sa kanya, lalo na kapag nanligaw na kuno siya. "Ewan ko saiyo," sa halip na sabi ko sa kanya at napapailing na lang. "Bakit? We kiss and I already mark you as mine. Ano pa bang gusto kong patunayan saiyo na seryoso ako?" narinig kong muling sabi niya. Namamangha naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Kailangan pa bang ipaalala ang sandaling iyon? Nakakainis talaga kahit kailan ang lalaking ito. Nakangisi siyang nakatingin sa akin, kaya sinamaan ko siya nang tingin. Bago pa ako makapagsalita ay narinig akong sumigaw. "Hey!" Sabay kaming napalingon sa biglang sumigaw at nakita naming dalawa si Heart na naglalakad papunta dito sa amin. Nasa likod niya sina Zhennie, na nakangising nakatingin sa amin. Nang makalapit sila ay agad na tumabi sa akin si Heart at bahagya akong tinapik sa balikat. "Ikaw huh, anong mayroon sa inyong dalawa? Kanina ko pa napapansin na lagi kayong magkasama at magkausap. Sabihin mo nga anong nangyari dito, noong wala ako?" nang aasar niyang tingin sa akin. Hindi ako nakasagot sa kanya at alanganing ngumiti. Nasisiguro akong hindi niya ako titigilan, masagot lang ang tanong na gusto niyang marinig mula sa akin. "Naku! Maraming nangyari, Heart. Palagi silang magkasama niyan at minsan nga naaabutan ko si Izyll sa kwarto ni Khendrey. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila at higit sa lahat nalaman ko na itong si Izyll ay may gusto kay Khen," sabi ni Zhennie at napatango-tango pa matapos iyong sabihin. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, dahil sa sinabi niyang iyon. Grabe! Nagawa niya talagang sabihin iyon sa aming lahat? Ang daldal niya talaga kahit kailan, tsk! "Woah? Seryoso?" nagugulat na sambit ni Heart at tiningnan sina Zhennie. Ngunit maging ako ay nagulat sa reaksyon ng mga ito, na talagang sabay pang tumango bukod sa aming tatlo ni Heart at Izyll. Hindi naman makapaniwalang napatingin sa akin si Heart at bahagyang napaawang pa ang kanyang labi na nakatingin sa akin ngayon. "Ibig sabihin, may nangyayari na sa pagitan ninyo dalawa na hindi ko man lang alam?" nakataas-kilay niyang sabi sa amin. Napaiwas lang ako nang tingin at napapailing na lang. Hays! "Malamang wala ka dito, kaya paano mo malalaman," natatawang komento ni Flare. "Oh my god, then? What's the score between the two of you?" tanong niya sa amin. Napasinghal ako sa tanong na iyon ni Heart at bumaling kay Izyll na napatingin din sa akin. Bago ko pa masagot ang tanong na iyon ni Heart ay bigla nang sumagot si Izyll. "For now, I'm starting courting her," pag amin niya sa mga ito. "Ayon!" sabay na sigaw ng mga ito, at natawa. Binigyan ko lang nang masamang tingin si Izyll sa naging sagot niyang iyon. Talagang ipagmamalaki niya sa mga kasama niyang liligawan ako, dahil may gusto siya sa akin? Tsk! "Pumayag ka?" tanong sa akin ni Heart. "Hindi," agad na sagot ko sa kanya. Kaya napansin ko ang pagtahimik nang paligid, dahil sa naging sagot ko. Mukhang hindi nila inaasahan na iyon ang magiging sagot ko. "Ay ganoon? Bakit naman hindi? Sayang naman," sabi nila sa akin. "Tsss, sinabi kong hindi dahil talagang hindi ako pumayag. Ang kaso masyadong makulit itong kaibigan niyo at gusto niyang manligaw. Kaya bahala siya," sabi ko sa kanila at bahagyang tumayo. Napansin kong sinundan nila ako nang tingin, kaya bumaling ako sa kanila at napangisi. "Ipagdasal niyo na lang na magbabago pa ang desisyon ko, sa panliligaw niya sa akin. Baka kasi mapasagot niya na lang ako bigla," nakangising sabi ko at naglakad patungo sa pool, saka nag-dive. Bahala na sila kung ano ang iisipin nila, basta iyon lang ang masasabi ko sa ngayon. Matapos ang kasiyahang iyon ay umuwi na rin sila, nang sumapit na ang gabi. Kaya ngayon ay pareho na rin kaming nagpapahinga ni Heart sa sarili naming kwarto. Kanina pa ako nakaupo sa kama at nag iisip kung pupuntahan ba si Heart sa kwarto niya. Gusto ko na kasi siyang kausapin, tungkol sa lahat. Ngunit nagdadalawang-isip akong puntahan siya. "Huwag kang masyadong kabahan, Khen," narinig kong sabi ni Kherra at biglang lumitaw sa harapan ko. "Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin kay Heart ang lahat. I don't how to start," sabi ko sa kanya at bahagyang napabuntong-hininga. "I know you can, just trust yourself. Don't worry, I'm here to help you," aniya. Napangiti siya matapos niya iyong sabihin sa akin. Kaya naman napangiti na rin ako dahil sa kanya. Tama siya, kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko. Magagawa kong sabihin kay Heart kung ano man ang sasabihin ko dito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. "This is it, I will go too her," desididong sabi ko. Napatango si Kherra. Kaya naman naglakad na ako palabas ng kwarto ko at bago pa ako makapunta sa kwarto ni Heart ay nasalubong ko si Zhennie. "Oh? Akala ko magpapahinga ka na?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Pupuntahan ko muna si Heart, marami kaming kailangang pag usapan at alam mo naman kung ano iyon, di ba?" saad ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. Alam niya kung ano ang tinutukoy ko dahil sinabi ko na naman iyon sa kanya. Mayamaya ay narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Alright, go on," aniya. Ngumiti ako sa kanya, ganoon rin siya sa akin saka ako nagpatuloy patungo sa kwarto ni Heart. Naramdaman ko pa rin ang tingin niya, subalit hindi na ako lumingon pa. Nang makarating ako sa pinto ng kwarto ni Heart ay kumatok ako ng dalawang beses. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko siya. "Oh? Bakit ‘cous? May kailangan ka? Pasok ka muna," sabi niya sa akin. Ngumiti ako at pumasok sa kwarto niya. Narinig ko ang pagsara ng pinto. "Ikaw ah, ang daya mo. May nangyayari na pala sainyo ni Izyll, hindi mo man lang sinabi," tila nagtatampo pang sabi niya sa akin. Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Anong may nangyayari, wala no. Naniwala ka naman sa sinasabi nila, tsk!" sabi ko sa kanya. "Asus! Aminin mo man o hindi ay alam kong mayroon. Sinabi na sa akin ni Flare, na minsan ay nagkikita kayo at nagbar pa nga kayong dalawa. Kahit noong hindi pa ako dinukot nina Rigor. Kaya aminin mo na, ano?" nang aasar niyang sabi sa akin. Napabuntong-hininga ako at humarap sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay at inakay papunta sa kanyang kama at umupo kami doon. "Fine. I will tell you everything about us. Hindi ko rin alam kung paano nagsimula pero ang masasabi ko lang ay magaan ang aking loob sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Sinabi niya sa akin na gusto niya ako at nais niyang ligawan ako. And most of all, we already kissed," sabi ko sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi kong iyon at tila ba masyado siyang nabigla sa kanyang nalaman. Lalo na doon sa sinabi kong naghalikan na kami ni Izyll. Tsk! Nasisiguro akong mas lalo niya akong kukulitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD