Chapter 60

2067 Words
THIRD PERSON'S POV Nang makarating si Khendrey sa campus ay agad na siyang pumunta sa Cafeteria, kung saan naroon sina Heart. Tinawagan niya ito kanina kung nasaan sila, dahil nakita niyang break time na nang makarating siya. Habang naglalakad siya patungo sa cafeteria ay pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Hindi niya matukoy kung saang dereksyon ito, ngunit alam niyang sa kanya ito nakatingin. Ngunit hinayaan na lamang niya ito, dahil mukhang hanggang tingin lang naman ito sa kanya. Nang makarating siya sa cafeteria ay nakita niya agad sina Heart, na masayang nag uusap. Hinanap ng kanyang mga mata si Izyll, ngunit hindi niya ito makita. Nakita niya pang naroon si Cindy, subalit wala si Flare. Nagtataka man ay tumuloy pa rin siya sa paglapit sa mga ito. Agad siyang napansin ni Zhennie, kaya tinawag siya nito. "Khen! Mabuti at nandito ka na.." Salubong sa kanya ni Zhennie. Ngumiti lang siya dito. "Bakit parang kulang kayo?" tanong niya sa mga ito. Bahagya namang nagkatinginan ang mga ito. Kaya naman nanatili siyang nakatingin at hinihintay ang sagot sa kanyang tanong. "Well, umalis sila ni Flare at alam mo na kung saan sila pumunta," sagot sa kanya ni Jarryl. "Ganoon ba?" tugon niya at umupo sa bakanteng upuan. "Bakit ngayon ka lang? Na-late ka na ba nang gising?" tanong sa kanya ni Cindy. "Uhmm, medyo late na rin kasi ako natulog kagabi," sagot niya kay Cindy. "Siguro doon na naman galing si Izyll kagabi, nag usap lang ba kayo o mayroon nang nangyayari sa pagitan ninyong dalawa?" nang aasar na tanong ni Jarryl sa kanya. Napataas naman ang kilay ni Khendrey, dahil sa sinabing iyon ni Jarryl at pakiramdam niya ay talagang natamaan siya sa sinabi nito. Ngunit alam niya sa sariling hindi niya maaaring sabihin sa mga ito ang namagitan sa kanilang dalawa. "Tss, purket doon siya galing ay may nangyayari na sa amin? Tanungin niyo ang kailangan niyo kung bakit laging pumupunta doon. Nakakainis na rin minsan eh, parang baliw," tanging sabi niya at bahagyang natawa ang mga ito. "Talaga? Haha nakakagulat naman ang sinabi mong iyan, Khen. Alam mo ba, sa mundo namin siya pa ang pinupuntahan ng mga babae at tinataboy niya ang mga ito," natatawang sabi ni Cindy sa kanya "Yeah, napakasuplado nga niya sa mga babae doon, samantalang ako welcome lang haha! Aw!" sabi ni Yuan at biglang napadaing sa huli. Kaya napasulyap si Khendrey kay Zhennie, na masamang nakatingin kay Yuan na napakamot lang sa batok. Napaisip si Khendrey na mukhang may nangyayari din sa pagitan ng dalawang ito, na hindi nila alam. "Talaga? Ibig sabihin, parang katulad lang dito sa amin ang mundo niyo?" sabi ni Heart sa kanila na tila namamangha pa sa sinabi nito. "Oo, ganoon na nga pero hindi lang ganito ang aming kasuotan. May paaralan din kami doon, katulad nito. Minsan may mga event, tulad nang paligsahan sa mga kakayahan namin. Wala ka nga lang makikitang building tulad nang nandito," tugon ni Cindy sa kay Heart, na tumango pa. Nakinig lang si Khendrey sa sinabi nina Cindy at napaisip na posible pa lang ganoon. Ngunit mas gusto niya pa ring makita nang personal ang lugar ng mga ito. Hindi niya maipaliwanag pero na-excite siya bigla, kahit hindi dapat iyon ang maramdaman niya. "Siguradong magugustuhan niyo doon," ani ni Jarryl. "Ako kaya, makakapasok kaya ako sa mundo niyo kahit na wala akong kapangyarihan taglay, katulad ninyo?" tanong ni Zhennie. Napatingin sila kay Zhennie. Hindi magawang tumugon ni Khendrey sa tanong na iyon ni Zhennie, dahil sa tingin niy ay sila Jarryl lang ang makakasagot no'n. "Actually, pwedi ka naming dalhin doon. Ngunit hindi ka pweding manatili doon nang matagal. Ipinagbabawal iyon ni Mommy, masyado siyang mahigpit lalo na kapag tagalabas. Ngunit dahil kaibigan mo kami at may relasyon kayo ni Yuan. Hindi ko pa rin masisiguro kong papayag si Mommy, lalo na sainyong dalawa ni Yuan," paliwanag ni Jarryl. "Huh? Paano mo naman nasabing may relasyon kami ni Yuan?" kaila pa ni Zhennie at umiwas nang tingin sa kanila. "Bakit? Wala bang namamagitan sainyong dalawa? Ganoong palihim naman kayong nagkikita?" nakataas-kilay na tanong ni Cindy. Parehong napaiwas nang tingin sina Zhennie at Yuan. Hindi sila makapagsalita sa mga ito, kaya naman bahagyang nagkatinginan sina Heart at Khendrey saka muling tumingin kay Zhennie. "Aba, mukhang marami kang iku-kwento sa amin ah, Zhennie," nakangising sabi ni Heart. "Oonga naman, bakit wala kang sinasabi tungkol sainyong dalawa?" nakataas-kilay namang sabi ni Khendrey. "Well, hindi ko naman kasi alam na kailangan niyo ring ungkatin ang love life namin. But for now, we're complicated. Yes, we're okay, we talk about our relationship and see each other often. But still, you all know our difference. Hindi kami kami magkapareho dahil isang normal na tao lang ako, samantalang siya ay hindi. Kaya sa relasyon namin napaka-komplikado talaga," paliwanag ni Zhennie sa mga ito. Dahil sa kanyang sinabi ay hindi sila nakapagsalita agad. Naiintindihan nila ang sinasabi ni Zhennie, dahil iyon talaga ang problema sa kanila. Kahit man sabihing mahal nila ang isa't isa ay hindi pa rin pwedi na magsama sila dahil magkaiba silang dalawa. "Ngunit kung mahal mo ang isang tao ay gagawin mong posible ang imposible," narinig nilang sabi ni Yuan. Napatingin sila kay Yuan, na ngayon ay nakatingin kay Zhennie. Nakita naman nilang ganoon din si Zhennie dito. Ngunit nakikita pa rin nila ang lungkot sa mga mata nito. Napabuntong-hininga na lang si Khendrey, at naisip na lang niya na mabuti pa sina Zhennie ay iyon lang ang ikinalulungkot ng mga ito. Samantalang siya, ay napakabigat ang nararamdaman niya, dahil nga iiwan niya ang kanyang ama para sa kanyang tungkulin. Habang tahimik silang lahat, ay niyanig sila ng isang matinding pagsabog mula sa labas ng building kung nasaan sila. Nagulat sila sa pagsabog na iyon at nagsigawan ang lahat. "What's going on?!" nagugulat na sambit ni Khendrey at hinawakan ang kamay ni Heart. "May problema tayo!" Napalingon siya kay Kherra, na biglang lumitaw. Napakunot noo naman si Khendrey habang nakatingin kay Kherra. "Anong problema?" "Nandito sila Demeria at Sahara, maging si Clarise na ginagamit nila ay narito rin," seryosong sabi ni Kherra sa kanila. Pareho silang natigilan sa sinabing iyon ni Kherra at hindi nila alam kung paano agad kumilos. Bago pa sila makakilos ay isang pagsabog na naman ang kanilang narinig. "Hindi maganda ito, anong gagawin natin, Khen?" nag aalalang tanong ni Zhennie kay Khendrey. Hindi naman makasagot si Khendrey dahil maging siya ay hindi alam ang gagawin. Hindi mga tao ang kalaban nila ngayon at alam niyang wala silang laban sa mga ito. "Ipaubaya mo na lang ito sa amin, dahil wala kayong kakayahang labanan sila," narinig nilang sabi ni Jarryl. "Cindy, ikaw na ang bahala sa lahat ng taong nandito. Kailangan kapag natapos ito ay wala silang maalala tungkol sa mga makikita nila ngayon," saad ni Jarryl kay Cindy, na agad tumango sa sinabi nito. "Lalabanan niyo sila?" tanong ni Khendrey dito. "That's what we need right now. Isa pa, sinabi mo rin naman na tutulungan natin si Clarise. Kaya iyon lang ang magagawa namin, ang labanan sila," seryosong sagot ni Cindy sa kanya. Hindi na siya umangal pa at tumango na lang, dahil talagang wala silang magagawa laban sa mga ito. "Kherra, Kurt, kayo na ang bahala kina Khendrey. Gawin niyo ang lahat ma-protektahan sila," mariing sabi ni Jarry. "Okay," sabay na sabi ni Kherra at Kurt. Mayamaya ay biglang nawala ang tatlo sa tabi nila. Kaya naman nagkatinginan silang tatlo nina Zhennie at Heart. "Paano natin sila patitigilin?" narinig nilang tanong ni Heart, habang nakatingin sa kapwa nila studyante na tumatakbo at nagsisigawan. "Ako nang bahala," sabi ni Kurt. Mayamaya ay nakita nilang may pinalabas itong puting pixie dust at tila naging usok sa paligid, na naging dahilan upang mawalan ang mga ito nang malay. Samantalang si Kherra naman ay may pinalabas din sa kanyang kamay. Nakita nila ang napakaraming imahe, na tila anino. Binuhat ng mga ito ang mga nakatulog na studyante at dinala sa gilid. Nang matapos ang mga ito ay gumawa ng barrier si Kherra para sa proteksyon ng mga ito. "Hali kayo, kailangan nating tipunin ang mga studyanteng narito, upang hindi sila madamay sa magaganap na laban," sabi sa kanila ni Kherra. Kaya naman sumunod sila sa sinabi nito. Nang makalabas sila sa cafeteria ay nakita pa rin nila ang mga nagtatakbuhang studyante. Mayamaya ay may narinig na naman silang pagsabog malapit sa kanila. Kaya naman tumilapon sila at nakita nila kung sino ang iyon. "Yuan!" sigaw ni Zhennie at pilit na tumayo, mula sa kanyang pagkakahiga dahil sa pagsabog kanina. Kahit na nahihirapan ay nilapitan niya si Yuan, na iniinda ang sakit dahil sa pagtama nito sa pader. "Yuan!" muling tawag ni Zhennie. Napatingin si Yuan kay Zhennie at napangiti dahil nakita niya ang pag aalala sa mga mata nito. "Tsk! Ang malas naman at nakita mo pa akong ganito. Gusto ko pa namang magpasikat saiyo," pabiro pang sabi ni Yuan kay Zhennie. "Ano ka ba, huwag ka na ngang magpasikat pa diyan? Umayos ka, kundi malilintikan ka sa akin. Ano? Kaya mo pa ba?" nag aalala paring tanong ni Zhennie dito. "Oo naman, kaya ko pa. Nakakainis naman ang babaeng iyon, talagang kinokontrol si Clarise, subrang lakas eh," napapailing na sabi nito at dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman ito ni Zhennie. "Sina Jarryl at Cindy? Ayos lang ba sila?" tanong naman ni Khendrey, nang makabawi na sa nangyari kanina. "Oo, nakikipaglaban sila sa mga ito. Mas mabuting huwag na kayong pumunta doon, lalo ka na Khendrey. Ikaw ang target nila," seryosong sabi ni Yuan sa kanya. Ngunit bago pa makapasalita si Khendrey ay biglang may isang bagay na pumulupot sa kanyang bewang. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. "Oh my god!" nagugulat na sambit ni Heart. Bigla na lang nitong hinila si Khendrey sa kung saan at hindi nila ito nagawang habulin pa. Hindi nakapagsalita sina Zhennie at Heart dahil sa pagkagulat. "Sh*t! Zhennie, Heart, huwag na kayong lumabas pa. Kurt, bantayan mo sila. Pupuntahan ko si Khendrey," sabi ni Yuan at biglang lumipad paalis sa kinaroroonan nila. "I-Is this really happening?" wala sa sariling sabi ni Heart. Kaya naman napatingin si Zhennie dito at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Heart, pull yourself together. Nasisiguro akong walang mangyayaring masama kay Khendrey. Gagawin nila ang lahat para maging ligtas siya, kaya ikaw huwag kang masyadong magpadala at maging matapang ka," seryosong payo ni Zhennie kay Heart na nagsimula nang umiyak. "She's right. You need to be strong. Hindi lang ito ang haharapin niyo kapag nasa kaharian na tayo. Kaya ngayon pa lang ay ihanda mo na ang iyong sarili. Huwag kang mag alala, kasama niya si Kherra. She's her guardian and I'm your guardian too. It's our duty to protect you," sabi naman ni Kurt kay Heart. Napapikit na lang si Heart at napatango sa sinabi ng mga ito. Pinunasan niya ang luhang nasa pisngi niya at tumingin kina Zhennie. "Sige, tama kayo, kailangan kong maging matapang. Nakakagulat man ang ganitong pangyayari pero siguro kailangan kong tanggapin. So, saan tayo pupunta?" tanong niya sa dalawa. "We need to stay together at the safe place. Let's go," anyaya ni Zhennie at tumakbo na sila paalis doon. Samantala... isang hampas ang sumalubong kay Khendrey, matapos siyang hilain ng isang bagay at doon, nakita niya ang babaeng lagi niyang nakakalaban sa campus. Walang iba kundi si Clarise. Nakangisi itong nakatingin sa kanya at nakita rin niya ang pangingitim ng mga mata nito, na tila ba puyat. "It's nice to see you again, Khendrey," nakangising bati pa nito sa kanya. Seryoso siyang nakatingin dito at pilit na tinatanggal sa bewang niya ang isang bagay na nakapulupot dito. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makawala dito. "Itigil niyo na ito! Pakawalan niyo na si Clarise!" sigaw ni Khendrey at tumingin sa paligid. Nasisiguro niyang nasa paligid lang nila ang taong gumagamit ngayon kay Clarise. "Sinong tinutukoy mo? Ako ang kalaban mo, kaya huwag kang maghanap ng iba!" sigaw naman ni Clarise at muli siyang hinampas ng isang mahabang latigo. Sinangga niya iyon, subalit napasigaw siya sa sakit dahil lakas nito. Ngayon niya lang napagtanto na hindi ordinaryong latigo ang hawak ngayon ni Clarise. "Naroon sila," narinig niyang sabi ni Kherra, kaya naman napatingin siya sa itaaas ng building at natanaw niya ang dalawang babaeng naroon, na nakangisi sa kanya. Tila ba pinapanood lang ng mga ito ang nagaganap sa ibaba, kung nasaan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD