Chapter 46

2167 Words
Nanatili kaming ganoong posisyon at parehong nakatitig sa isa't isa. Halos nakadagan na siya sa akin, kaya hindi ako halos makakilos. Hindi pa rin tumitigil ang lakas nang t***k ng puso ko, habang nakatingin ako sa kanya. Bakit ba nanghihina ako sa tuwing nakatingin nang ganito sa kanya? Hays! "Okay, tama na ang landian at may mensahe mula kina Jarryl.." Natauhan ako nang may nagsalita at napalingon sa may kama. Natigilan ako nang makita ang dalawang guardian namin ni Izyll. Pareho silang napapailing habang nakatingin ngayon sa amin. "Firen!" agad na sambit ni Izyll sa guardian niya at lumayo na sa akin. "Hindi ko alam na may kalandian ka rin pala sa katawan mo, Izyll," napapailing na sabi ni Firen. Umayos kami nang upo at naiilang pa rin akong tumingin sa mga ito. Bakit ba nakalimutan kong may guardian kami at malalaman ng mga ito ang ginagawa namin. Teka! Ano nga bang ginawa namin? Tsk! "Tss, kailangan ko pa bang sagutin iyan?" tugon niya sa sinabi ni Firen. Nakita kong napairap lang si Firen sa sinabing iyon ni Izyll. Hays! "Kanina pa nga sana namin kayo iistorbohin eh, pero hinayaan lang muna namin kayo. Hinihintay namin kung may mangyayari ba sainyo ngayong gabi, pero mukhang sinasayang niyo na ang oras kaya nagsalita na kami. Para naman mahinto na ang kalandian niyong dalawa," mataray na sabi ni Firen sa aming dalawa. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay, nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya. Hindi ko na lang pinatulan pa ang sasabihin niya dahil nasisiguro akong may masasabi siya palagi. Tsk! Ibang klase pa naman ang ugali ng guardiang ito ni Izyll. "Anong balita mula kina Jarryl?" mayamaya tanong ko na lang sa kanila. Napasinghal ito at mayamaya ay lumipad, ganoon rin ang ginawa ni Kherra na kanina pa tahimik. Mabuti pa itong guardian ko tahimik lang, kaysa sa isang iyon na kung makapagtaray wagas. "Gagamitin namin ang kapangyarihan naming dalawa ni Kherra, para makausap ninyo sila," sabi ni Firen. Hindi na niya hinintay na magsalita pa kami ni Izyll. Pinalabas na agad nila ang kanilang kapangyarihan ni Kherra. Mula sa ere ay nabuo ang tila isang malaking. Mayamaya ay may lumitaw na mga imahe doon, hanggang sa tuluyan na naming nakita sina Jarryl. Nang makita nila kami ay bakas sa mukha nila ang pagkagulat. Nagtataka naman akong nakatingin sa mga ito. "Hala? Bakit ka nandiyan, Izyll?" nagtatakang tanong ni Yuan. Napatingin naman ako kay Izyll at nakita kong napakamot siya sa kanyang batok. Habang hindi halos makatingin sa mga ito. "Tsss, masyado ka namang nagpapahalata sa ginagawa mo. Ang bilis mo naman atang nakapunta diyan, ganoong kanina kumain ka pa dito? Tsk! Tsk!" napapailing na sabi ni Flare kay Izyll. Huh? Umuwi pala siya at muling bumalik dito? Para ano? Para ba hintayin ang pagbalik ko? Tss! "Nakakagulat pa ba iyon?" tanging sabi niya na bahagyang sumandal sa couch, saka uminom ng beer. "Asus! Bakit ka nga ba nandiyan huh?" nakangising sabi ni Cindy at bahagyang kumindat sa akin. Napairap lang ako at saka tumayo. Kumuha ako ng beer sa ref at muling uminom. "Ang sweet nga nila eh. Pareho pa lang may kalandian sa kawatan," mataray na sabi ni Firen. Kaya bumaling ako sa kanya at sinamaan siya nang tingin. "Alam mo ikaw, masyado kang maliit kaysa dito sa hawak kong can. Kaya pag tinamaan ka nito ay talagang titilapon ka kung hindi mo agad maiwasan. Kaya kung maaari itikom mo iyang bibig mo. Pareho kayo ng isang iyan na kanina ko pa gustong itapon. Kaya manahimik ka," naiinis kong sabi sa kanya. Sumimangot lang siya at bahagya akong inirapan. Hindi na siya nagsalita at siguradong naiintindihan niya ang sinasabi ko. "Hmm, mukhang may mainit nangyari sa pagitan ninyong dalawa ah?" nakangising sabi ni Jarryl. "Tsss, huwag na nating pag usapan iyon. Ang gusto kong malaman ay kung kumusta na ang pagbabantay niyo kay Heart," seryoso kong sabi sa kanila. "Mabuti pa nga iyon, ano? May balita na ba kayo?" singit ni Izyll. Nakita kong napatango sila. "Tama ang hinala mo, na hawak nga siya ni Gajeel at may isang lalaking nag ngangalang Rigor ang nakita namin. Wala kaming nagawa sa tuwing sinasaktan siya ng lalaking iyon. Ang tanging nagawa lang namin ay gamitin ang sugat na natamo niya mula sa lalaking iyon," seryosong sabi ni Jarryl. Natigilan naman ako at muling nanginig ang kalamnan ko sa galit, nang marinig ang pangalan ni Rigor. Ang lalaking iyon talaga! "Nabalitaan rin namin na may lakad sila bukas. May pupuntahan silang tao na mukhang bahagi ng Mafia. Sa tingin namin ay isa rin iyon sa mga taong kaalyansa nila," seryosong sabi naman ni Flare. Napatango ako. "Sabihin niyo kung saang lugar at ako mismo ang pupunta sa kanya," mariing sabi ko sa kanila. "Sigurado ka ba?" narinig kong sabi ni Izyll. Tumango ako sa kanya. "Isasama ko doon si Gajeel, para makita ko kung ano ang magiging reaskyon niya kapag nagkita silang dalawa," mariing sabi ko sa kanila. "Hindi kami makakapayag na lalakad ka lang nang mag isa, kasama ang lalaking iyon, Khen. Baka kung ano ang gawin niya saiyo, kung sakaling mabaliktad ang sitwasyon," mariing sabi ni Flare. "Tama si Flare, hindi kami papayag na lalakad kang mag isa upang puntahan ang lalaking iyon at kasama mo pa si Gajeel," sabi rin ni Jarryl. Napabuntong-hininga ako sa sinabi nila. Naiintindihan ko naman iyon, ngunit hindi ko alam kung dapat bang sumama din sila sa akin. Napabuntong-hininga ako. "May iba pa ba kayong nalaman?" sa halip na tanong ko sa kanila. "Oonga pala, mayroon pa. Nalaman namin na gagamitin nila si Heart upang mapilit kang maikasal kay Gajeel at higit sa lahat, may nabanggit silang isang dokomento na naglalaman ng mga naging pasyente ng magulang niya. Narinig namin na ang dokomento na iyon, naroon ang detalye kung bakit namatay ang ina niyo ni Heart. Sa ngayon nakita naming itinago nila iyon sa isang safe place, na alam naman namin kung saan nakalagay," muling sabi ni Jarryl. Natigilan ako sa huli niyang sinabi. Isang dokomento na naglalaman tungkol sa pagkamatay ng ina namin ni Heart? Ngayon ko lang narinig ang tungkol doon. Alam kong may kakaibang nangyari sa pagkamatay ng ina namin, ayon kay dad pero maging siya ay hindi siya sigurado at wala siyang ebedinsya para doon. Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. Medyo nabigla ako sa sinabi nila. "Anong plano mo sa bagay na iyon, Khen? Nasisiguro kaming iyon ang makapagdidiin sa pamilya ni Gajeel. Nandito kami para tulungan ka sa lahat ng ito," sabi niya sa akin. Kung totoo man na ang dokomentong iyon ang makapagdidiin kina Gajeel ay kailangan namin iyong makuha. Nasisiguro akong tutulungan nila ako sa bagay na ito. Subalit kapag gagawin ko iyon ay kong kausapin si Dad. Napabuntong-hininga ako. "Tutulungan niyo ba talaga ako?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila matapos kong itanong iyon sa kanila. Mayamaya ay nakita kong ngumiti si Flare sa akin. "Oo naman, tutulungan ka namin. Nagtutulungan na nga tayo di ba?" sabi sa akin ni Flare. Napatango ako sa sinabi niyang iyon. "Sige, iyon lang ba ang nalaman niyo?" "Oo, sa ngayon iyon pa lang," sagot ni Jarryl. Napatango ako sa sinabi niya at napaisip saglit sa kung anong plano ang gagawin namin ngayon. Siguro kailangan nilang makuha muna ang dokomentong iyon, bago ako pumunta sa lugar na pupuntahan ni Rigor, kasama si Gajeel. Kung sakali mang magkaroon ng gulo ay dapat may palihim na susunod sa amin. Hindi ko maaring gamitin si Zhennie upang maging back up, dahil mabilis na makakaramdam si Gajeel kung sakaling may sumusunod sa amin. Hindi ko naman kailangang iasa kina Izyll ang pagiging back up dahil lang sa may kapangyarihan sila. Kung maaari nga ay huwag silang gagamit nito. Ngunit sa pagkakataong ito ay mukhang kailangan ko iyon. "Siguro naman, mayroon sa inyo na marunog magtago ng presensya o aura para hindi malaman ng isang tao na sinusundan siya di ba? Sino sa inyo ang may kapangyarihang ganoon?" tanong ko sa kanila. Napansin kong natigilan sila at bahagya pang nagkatinginan. "Akala ko ba ayaw mong gumamit kami ng kapangyarihan," narinig kong sabi ni Izyll. Napabuntong-hininga ako. "Oo ayaw ko naman talaga na gumamit kayo. Ngunit sa pagkakataong ito ay mukhang kailangan natin iyon para itago ang mga presensya natin laban sa kanila," sabi ko sa kanya. "Bakit? Ano bang plano mo?" tanong ni Flare. "Ang plano ko ay may kukuha sa dokomentong tinatago nila, bago kami pupunta ni Gajeel sa lugar na pupuntahan ni Rigor at habang papunta kami doon ay nais kong sundan kami nina Zhennie upang maging back up kung sakali. Ngunit mabilis makaramdam si Gajeel at malalaman niya agad na may sumusunod sa amin kung sakali man. Kaya nais kong gamitan niyo sila ng kapangyarihan, na nakakatago ng presensya habang sinusundan kami," paliwanag ko sa kanila. Muli na naman silang nagkatinginan at tila iniisip ang pweding mangyari sa gagawin naming ito. "Kaya ko ang bagay na iyan," narinig kong sabi ni Cindy. "Maaari mo bang gamitin ng palihim iyon kay Zhennie at sa mga tauhan niya kung sakali?" saad ko sa kanya. Napatango siya sa sinabi ko. "Jarryl, Yuan, kaya niyo bang itakas si Heart habang wala sina Rigor at Gajeel bukas?" seryoso kong sabi sa kanilang dalawa. "Oo, magagawa namin iyon, kung hahayaan mo kaming gumamit ng kapangyarihan. Mas mabuti na rin siguro ang ganoon, para hindi kami mapansin ng kalaban na hindi nakikipaglaban," sagot sa akin ni Jarryl. "Sige, hahayaan ko kayong gumamit ng kapangyarihan pero hindi para makipaglaban sa kanila. Gamitin niyo lang iyon sa totoo niyong motibo. Ayokong makita nila na kaya niyong gumamit ng ganoon," wika ko. Napatango naman sila sa sinabi ko. "Flare, kaya mo bang mag isa na makuha ang dokomentong sinasabi niyo? Ikaw nang bahala kung anong magiging diskarte mo sa pagkuha no'n," sabi ko sa kanya. "Sige, ako nang bahala doon," sang ayon niya sa sinabi ko. Napatango sa kanya at tumingin ako kay Cindy. "Cindy, ikaw na ang sumama kay Zhennie. Ikaw na rin ang bahala sa gagawin mo, ipapaliwanag ko na lang kay Zhennie ang lahat mamaya," sabi ko naman kay Cindy na agad tumango sa sinabi kong iyon. "Sige, makakaasa ka, pupunta ako diyan ng maaga bukas," nakangiti niyang sabi at tumango sa akin. Nas imoabi ko na ang kailangan kong sabihin sa kanila. Sana lang at magawa namin ng maayos ang plano namin para mabitag si Rigor at Gajeel. Akmang magpapaalam na ako sa kanila, nang marinig kong magsalita "Ako, anong gagawin ko?" Napatingin ako sa kanya. Ano nga bang gagawin niya? Napaisip ako sa maari kong ipagawa sa kanya. Tama! Iyon na lang ang ipapagawa ko sa kanya. "Unahan mo kami na makapunta doon sa pupuntahan namin. Magmatiyag ka at kung may binabalak silang masama, ipaalam mo agad sa akin. We both have a guardian. Sila ang magsasabi sa atin, kung may mensahe ang bawat isa sa atin. Ayos ba iyon?" sabi ko sa kanila at napatingin kay Izyll. Natahimik kami saglit bago sila muling nagsalita. "Sige, mabuti na rin iyon," sang ayon ni Jarryl. "Sila naman ang makakasama natin, kaya sang ayon ako sa sinabi mo, Khen," sabi naman ni Flare. Lahat sila sumang ayon sa mga sinabi at plano ko. Kaya naman isa na lang ang gagawin ko ngayon at sa tingin ko hindi ko na iyon kailangan pang sabihin sa kanila. "Sige, kikilos tayo bukas. Kaya maging handa kayo sa mga gagawin natin," sabi ko sa kanila. Tumango naman sila sa sinabi ko at mayamaya ay nagpaalam na sila Jarryl. Sinabihan pa nila si Izyll na bumalik na doon, ngunit walang naging tugon si Izyll. Hanggang sa mawala na ang mga ito. Pareho namang nanghina si Kherra at Firen, matapos nilang gamitin ng matagal ang kapangyarihan nila. Kaya naman nagpaalam na sila na babalik muna sa Fairythena; sa kanilang kaharian. Kaya naiwan kaming dalawa ni Izyll. "Ano? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. "Sigurado ka na ba na isasama mo doon si Gajeel?" "Oo, maayos na ang plano natin di ba? Kaya gawin mo ang nakalaan saiyo, para matapos na ang lahat ng ito. Asahan niyong hindi mababalewala ang mga tulong na ginawa niyo sa akin," sabi ko sa kanya at bahagyang tumalikod. "Anong ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga ako. "Sasama na ako sa inyo pag natapos na ito at kapag nasabi ko na kina Daddy at Heart ang lahat," sabi ko sa kanya. "Alam mo namang hinihintay ka lang namin, pero hindi ka namin minamadali," sabi niya. Bumaling ako sa kanya at napangiti. "Alam ko iyon, misyon niyong dalhin ako sa lugar na nararapat sa akin. Kaya dapat iyon din ang gagawin ko. Sige na, umuwi ka na at kakausapin ko pa si Zhennie sa plano natin," sabi ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya at napatango sa sinabi ko. Mayamaya ay nagpaalam na siya at biglang nawala. Hindi ko na naramdaman ang presensya, kaya siguradong wala na siya dito. Napabuntong-hininga ako at lumabas na ng pinto upang puntahan si Zhennie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD