Chapter 45

2020 Words
Nang maramdaman kong hindi ako nag iisa ay hinanap ko kaagad iyon at nakita ko si Izyll na nakahiga sa kama, na mukhang natutulog. Napakunot noo akong naglakad patungo sa kanya at tulad nang inaasahan ko ay tulog siya. Bakit nga ba siya nandito? Huwag niyang sabihing hinihintay niya akong makabalik? Tsk! Bahala na nga. Hinubad ko ang suot kong damit at nagpalit ng pampatulog. Naglakad ako patungo sa higaan upang humiga. Hihiga na sana ako nang mapansin kong gumalaw siya at mukhang giniginaw. Napabuntong-hininga ako at kumuha ng kumot, saka nilagay sa kanya upang hindi siya malamigan. Muli akong napahiga sa kama at muling napaisip sa mga nangyayari. Hays, ano na kayang nangyayari ngayon kay Heart? Ayos lang kaya siya? "Nakabalik ka na pala.." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Izyll. Napatingin ako sa kinaroroonan niya pero wala na siya roon. Naramdaman ko ang presesya niya sa aking likod, kaya napalingon ako doon at muntik nang magtama ang mukha namin sa subrang lapit niya sa akin. Agad akong lumayo sa kanya bago pa siya makagawa nang ibang kilos. Sinamaan ko siya nang tingin at itinaas lang niya ang kanyang kamay. "Whoah, wala naman akong ginawa, bakit ang sama na naman nang tingin mo sa akin," natatawa niyang sabi. Ngunit hindi ko inalis ang tingin sa kanya. "Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na nga," sabi ko sa kanya at sumandal sa headboard ng kama. "Hinihintay kasi kita, mukhang nag enjoy ka ngang kasama siya dahil ang tagal niyong nakabalik," tila nagtatampo niyang sabi sa akin. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, dahil sa sinabi niya at bahagyang natawa. "Ano naman saiyo iyon? Alam mo naman ang plano ko, kaya huwag kang umasta na para bang may karapatan ka sa akin," sabi ko sa kanya at inirapan siya. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko at napansin kong napaiwas siya nang tingin. Tsss, kung makaasta naman talaga siya para bang pagmamay ari niya ako. Wala kaming relasyon kaya hindi niya kailangan maging ganito sa akin. "Umalis ka na," seryoso kong sabi sa kanya. "I want to stay here for tonight. I want to be with you," saad niya. Kaya natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Nababaliw na ba talaga ang lalaking ito? Kung ano-ano na lang ang sinasabi at nakakainis na. "You kiss me back, so I want to ask, why?" mayamaya ay muli niyang sabi na siyang dahilan upang manlamig ako sa tanong niyang iyon. Napatitig siya sa akin at hindi naman ako halos makatingin sa kanya. Bakit kailangan ipaalala pa iyong nangyari kanina. Nakakabigla lahat ng mga sinasabi niya at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, lalo na ngayon sa tinatanong niya sa akin. Napalunok ako at napaiwas nang tingin sa akin. "Kailangan ko bang halikan ka ulit para malaman ko ang sagot?" Mabilis akong napalingon sa kanya at seryoso siyang tiningnan. Pambihira! "Gusto mo na talagang mamatay eh no?" naiinis ko nang sabi sa kanya. "Maybe, that's why I want you to answer me. So? Why did you kiss me back?" muli na naman niyang tanong sa akin. Naikuyom ko ang aking kamay, na nasa ilalim ng kumot habang nakatingin sa kanya ngayon. "I-I don't know. Nadala lang ako sa ginawa mo at masyadong nabigla. Hindi ko talaga alam," tanging sabi ko sa kanya. "Gusto mo bang mahalikan ulit para malaman mo na talaga ang sagot?" "Pwedi ba? Purket nahalikan mo ako ay talagang gusto ko na iyon? Huwag kang masyadong mag isip nang kung ano dahil lang doon. Ikaw? Kanina mo pa ako tinatanong pero hindi ko rin alam kung bakit mo ako hinalikan. Kaya tatanungin kita, bakit mo nga ba ako hinalikan?" matapang na tanong ko sa kanya. Napatitig siya sa akin at hindi agad nakapagsalita. Kita niyo na?! Ang lakas nang loob niyang tanungin ako, kung bakit ako gumanti sa halik niya ganoong siya din pala walang maisagot! Nakakainis talaga ang lalaking ito! "Dahil gusto kita.." Napakurap ako habang nakatingin ngayon sa kanya. A-Ano raw? Teka! Haha! Nabingi yata ako sa sinabi niya. Nasa katinuan pa ba ako o siya ang nababaliw na? "S-Sandali, haha lasing ka ba kaya mo nasasabi iyan? Napaka-imposible naman ata ang sinasabi mo," natatawa kong sabi sa kanya at bahagyang napapailing na nakatingin sa kanya. Subalit nakita kong seryoso lang siyang nakatingin ngayon sa akin. Kaya dahan-dahang nawala ang tawa ko habang nakatingin sa kanya. "Gusto kita.." muling sabi niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay nag uunahan sa pagkabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ito patitigilin. Hindi ko magawang magsalita dahil sa kanyang sinabi. "Gusto kita at hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. Isang araw bigla ko na lang naramdaman na ayokong malayo saiyo, na gusto kitang kasama at nakikita. Hindi ito dahil sa misyon lang, totoo ang nararamdaman ko saiyo. Kahit na alam kong nakakabigla ito para saiyo ay hindi ko na ito mapipigilan pa. Ayoko rin na ilihim lang ito, gusto ko itong iparamdam saiyo at nais ko rin na malaman iyon," paliwanag niya sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala sa aking naririnig ngayon sa kanya. Talagang nakakabigla ang kanyang mga sinabi at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa kanya ngayon. Dahan-dahan kong inalis sa kanya ang paningin ko at napayuko. "Alam kong hindi ka makapaniwala sainyong mga narinig, maging ako ay hindi makapaniwala sa nararamdaman ko saiyo. Hindi ko alam kung pareho tayo nang nararamdaman, basta ang alam ko sa aking sarili na magaan ang loob ko saiyo. Kapag magkasama tayo ay may kung ano akong nararamdaman saiyo, hanggang sa napagtanto ko na lang na gusto na kita," muli niyang sabi sa akin. Nanatili lang akong nakayuko, habang nakikinig sa sinasabi niya. Talagang hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon mula sa kanya. "Sana pagbigyan mo ako na ligawan ka at iparamdam saiyo ang nararamdaman ko.." Naikuyom ko ang aking kamay sa huli niyang sabi at seryosong tumingin sa kanya. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ngunit talagang makikisabay ka ngayon? Alam mo naman siguro kung anong nangyayari di ba? Tapos ngayon sasabihin mong liligawan mo ako? Nababaliw ka na ba? Na kay Gajeel pa ang atensyon ko, kaya huwag ka munang makigulo," seryoso kong sabi sa kanya. Ngunit hindi nagbago ang tingin niya sa akin at napansin ko pang ngumiti siya. Matapos no'ng sinabi ko ay may gana pa talaga siyang ngumiti? Siraulo din talaga ang lalaking ito, hindi niya ata naiintindihan ang sinasabi ko. "Kung ganoon hahayaan mo akong ligawan ka, kapag natapos na tayo sa problemang ito?" nakangiti niyang sabi sa akin. Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. Seriously? "Ha! Okay ka lang? Bakit mo naman gagawin iyon?" "Dahil nga gusto kita. Basta sa ayaw at gusto mo ay liligawan kita," muling sabi niya at bahagyang kumindat sa akin. "Baliw ka talaga," napapailing kong sabi at tumayo. "Baka maghuhubad ka na naman, sabihan mo ako para maging handa ako," narinig kong sabi niya at mabilis akong napalingon sa kanya. "Isa na lang at makakatikim ka na talaga sa akin," banta ko sa kanya. "Sige lang, basta ba masarap ang ipapatikim mo sa akin," nakangising sabi niya at humiga pa sa kama. Sa inis ko sa kanya ang mabilis kong nakuha ang vase na nasa mesa at binato sa kanya. Ngunit bago pa ito tumama sa mukha niya ay nakita ko ang isang aura na pinalabas niya, na naging dahilan upang huminto ng kusa ang Vase na binato ko sa kanya. Gusto ko na lang matawa sa nakita ko. Ano nga bang kaya ko sa katulad niyang bihasa na sa paggamit ng kapangyarihan. Nakakabwisit naman talaga! Sinamaan ko lang siya nang tingin habang nang aasar naman na mga tingin ang binibigay niya sa akin. "Alam mo, kaunting-kaunti na lang talaga Izyll. Ginagalit mo na talaga ako," pagpipigil kong sabi sa kanya habang nanginginig na ang mga kamay ko. Itinaas niya ang dalawang kamay, na tila ba sumusuko na sa pang aasar sa akin. Naiinis pa rin akong iniwas ang tingin sa kanya at naglakad patungo sa mini refrigerator na nandito sa kwarto ko. Kinuha ko ang beer at walang salitang naglakad patungo sa couch, saka doon umupo. Binuksan ko ang beer at mabilis na uminom. "Mukhang mainit na nga ang ulo mo," napapailing niyang sabi habang nakatingin sa akin. "Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa mga sinasabi mo? Kanina ko pa nga pinipigilan ang sarili kong basagin iyang mukha mo eh," sabi ko sa kanya at inirapan. Naramdaman kong tumayo siya at naglakad patungo sa mini ref, saka kumuha ng beer. Tsss, hindi ko naman siya inayang kumuha ng beer. Ang lakas talaga nang loob ng lalaking ito. Tsk! Matapos niyang makakuha ay naglakad siya patungo sa akin at tumabi sa pagkakaupo sa couch. "Naiisip ko pa lang na gagawin mo iyon ay talagang masakit na," natatawa niyang sabi sa akin. Napasinghal ako sa kanya at bumaling sa kanya. "Teka nga, bakit ka nga ba nandito huh? At bakit nandito ka pa, na maaari ka na namang umalis kanina?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. "Nandito nga ako dahil gusto kitang makita at hinintay kita, na makabalik dito. Kasi nga gusto kita, ano pa ba ang dapat mong marinig na dahilan mo?" sabi niya at bahagya pang lumapit sa akin. Kaya automatic na lumayo agad ako sa kanya. Baka kung ano na naman ang gagawin niya sa akin. "Ngunit nakakabigla pa rin ang mga sinabi mo. Hindi kapani-paniwala," napapailing kong sabi sa kanya. "Alam mo naman sigurong kaya kong patunayan iyon di ba?" seryoso niyang sabi sa akin. Napalunok ako at mabilis na ininom ang beer na hawak ko. Nararamdaman ko pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ko nga alam kung paano pa siya kakausapin sa lagay na ito. "Ma iba tayo, mahal ka ba ni Gajeel kaya ka niya nais pakasalan?" mayamaya ay tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung mahal nga ba niya ako, basta ang alam ko ay minamadali nila ang kasal namin. Minamadali nila ako sa pagpili ng araw o buwan, para sa kasal namin. Ngunit hindi ko pa nasasabi sa kanila, dahil nga wala naman akong balak na maikasal sa kanya," paliwanag ko sa kanya. Nakita kong napatango siya sa sinabi ko. Mukhang sang ayon siya sa sinabi ko at may ngiti pa sa labi. Ano na namang kalokohan ang naiisip ng isang ito? Tsk! "Sabagay hindi naman talaga kayo bagay. He's a mortal. Samantalang ikaw hindi, kaya hindi kayo karapatdapat sa isa't isa dahil tulad nang sabi ko... para sa akin ka," nakangising sabi niya at bahagyang kumindat pa sa akin. Napamaang akong nakatingin sa kanya. Ibang klase din talaga siya, nagagawa niyang sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin, lalo na iyong nararamdaman niya. Tsss! Napairap ako sa sinabi niya at inubos ang beer na hawak ko. "Marami pang beer doon, ubusin mo baka tumino pa ang pag iisip mo," sabi ko sa kanya. Kabaliktaran ata ang nangyayari eh. Dapat iyong lasing lang ang nababaliw sa mga sinasabi, bakit ngayon hindi pa naman siya lasing para na siyang nasisiraan ng ulo. "Pwedi rin dahil baka maulit pa ang nangyari kanina. Nasisiguro ko namang gusto mo rin iyon," nakangisi niyang sabi at bahagyang lumapit pa sa akin. Kaya napadikit akong lalo sa sofa dahil sa biglaang paglapit niya. "Sige, ituloy mo lang iyang sinasabi mo at ipapalunok ko ang can na ito sa bibig mo," naiinis kong sabi sa kanya. "Maaari mo iyong gawin kung gusto mo, pero hindi mo ako mapipigilan sa gagawin ko," sabi niya sa akin at mas lalo pang inilapit sa akin ang mukha. Napalunok ako sa gagawin niya. Bwisit talaga! Ano na namang pumasok sa isip niya! Hays! Ako ang masisisiraan ng bait nito! Iniharang ko ang isang kamay sa may dibdib ko, para hindi siya lalong madikit sa akin. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Nakakainis naman! Bakit hindi ko siya magawang ilayo sa akin, kapag ganito na siya kalapit! Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD