Chapter 37

2123 Words
KHENDREY'S POV Kinabukasan... sabay kaming pumasok ni Heart. Hindi na sumama sa amin si Zhennie dahil may gagawin pa siya. Samantalang si Gajeel naman ay hindi pa nagpapakita, mabuti na rin iyon Habang nakasakay kami sa kotse, papalapit sa Campus ay biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. Iyong pagsakal sa akin Clarise at ang babaeng nakita ko bago ako mawalan nang malay. Hindi ko makalimutan ang mukha niya habang nakatingin sa amin. May maitim na aura ang lumabas sa kamay niya at nakita ko iyon mismo na dumiretso kay Clarise. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ng iba o kung namamalikmata lang ba ako. Ngunit talagang hindi ako pweding magkamali sa nakita ko. Kaya naman gusto kong alamin kung nasa campus pa rin ba ang babaeng iyon o wala na. "‘Cous? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik," puna ni Heart sa akin. "Hmm? Ayos lang naman ako, may iniisip lang. Oonga pala, tumawag na ba sina daddy kung anong oras silang makakarating?" tanong ko sa kanya. Napailing siya sa sinabi ko. "Hindi nasabi ni Dad, noong nakausap ko siya kaninang madaling araw. Basta ang sabi niya ay baka hapon o mamayang tanghali," sagot niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Bahagya akong napahawak sa leeg ko nang maramdaman ko ang hapdi at mukhang napansin naman iyon ni Heart. Kaya nakita ko siyang nag aalalang nakatingin sa akin. "Masakit pa ba ang sugat mo? Dapat kasi pumayag ka nang dalhin ka sa hospital kagabi. Ano? Baka masakit pa, dideretso tayo sa hospital," nag aalala niyang sabi sa akin. Napailing ako. "Huwag na, ayos lang ako. Medyo mahapdi pa rin pero ayos lang. Huwag ka nang mag alala," nakangiting sabi ko sa kanya. "Sigurado ka huh?" Tumango ako bilang tugon sa kanya. Kaya napabuntong-hininga na lang siya. Nang makarating kami sa campus ay bahagya pa akong napahinto at napatingin sa paligid. Bakit parang pakiramdam ko ay may mangyayari ngayon? Tsk! Napabuntong-hininga ako at naglakad na, habang kasabay ko si Heart. Nakita kong naroon na ang kotse na ginagamit nina Izyll. Mukhang nauna na silang nandito, kasi minsan ay sabay kaming nakakarating dito sa campus. "Ano na pa lang balita kay Clarise?" mayamaya ay tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Napatingin sa akin si Heart. "Hindi ko alam kung anong balita sa kanya, matapos niyang mahimatay kahapon. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya at hindi ko palalampasin iyon," seryoso niyang sabi. Hindi ako nagsalita dahil naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Kung sa kanya iyon nangyari ay malamang magagalit din ako at hindi ko iyon palalampasin. Ngunit wala siyang alam sa totoong nangyari kay Clarise. Someone posses her and use her anger against me. Kaya hindi ko alam kung kailangan ko bang maawa sa nangyayari kay Clarise o hindi. Nang makarating kami sa building namin ay nakita ko ang secretary ng Dean. Nakita ko na siyang kasama si Dean at nakilala ko na rin. Nang makalapit na kami sa kanya ay sinalubong niya kami. "Magandang umaga sainyong dalawa. By the way, gusto kang makausap ng Dean, Ms. Khendrey Marthelle," sabi niya at bumaling sa akin. Napataas naman ang kilay kong napatingin sa kanya, saka ako bumaling kay Heart na nagtataka rin na nakatingin sa akin. "Bakit?" tanong ko dito. "Tungkol ito sa nangyari kahapon at gusto niyang ikaw mismo ang makausap niya," sagot niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Heart. "Sige, mauna ka na sa room, susunod na lang ako pagkatapos naming mag usap," sabi ko Heart. Tumango naman siya sa sinabi ko. "Sige, hihintayin na lang kita doon," sabi niya. Tumango ako at tumalikod na sa kanya. Sabay kaming naglakad no'ng secretary ng Dean. Hindi pa kami nakakalayo, nang lumingon ako kay Heart. Nakatalikod na siya sa akin at naglalakad na rin paalis. Subalit bahagyang lumingon siya sa akin at nang makita akong nakatingin sa kanya habang naglalakad ay ngumiti siya sa akin. Ewan ko pero kakaiba ang ngiting iyon na binigay niya sa akin. Inalis ko na ang tingin sa kanya, nang tuluyan na siyang umakyat sa hagdan. "Bakit nga ba niya ako gustong makausap?" mayamaya ay tanong ko doon sa sekretarya. "Actually, naroon din ang mag asawang De guzman. Sila talaga ang may nais na makausap ka," sagot niya sa akin. Napataas-kilay ako sa sinabi niyang iyon. Nandito rin pala ang mag asawang iyon? Tss, ano na naman kaya ang sasabihin nila sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at tahimik na lang habang naglalakad papunta sa dean's office. Nang makarating kami ay binuksan niya ang pinto, saka siya naunang pumasok kasunod ako. Agad na napalingon sa gawi namin ang mga taong nasa silid ngayon. Nakita ko ang mag asawang agad na napatayo nang makita ako. Seryoso ko lang silang tiningnan at napansin kong wala ang anak nila. Mabuti na lang iyon para naman magkausap kami ng maayos ng kanyang magulang. "Bakit niyo ako gustong makausap?" seryoso kong tanong sa kanila. "We about what happened yesterday, and were sorry for what she have done too you," sabi agad sa akin ni Mrs. De guzman. Napasinghal ako sa sinabi niya at natawa na lang. Talagang siya pa ang humihingi nang tawad at hindi ang anak niya? "Nasaan si Clarise? Sa kanya ko dapat marinig iyan at hindi sa inyo," nakataas-kilay na sabi ko sa kanya. "Ms. Marthelle, I know, you know each other. But still, respect them as your elders. Don't talk like that too them," saway sa akin ng Dean at napatingin naman ako sa kanya. Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Alam mo naman pala na magkakilala kami, kaya bakit mo pa iyan sinasabi. Isa pa, hindi mo rin ako masisisi kung ganito ako umasta sa kanila. Iyong anak nila ang may ginawa sa akin, kaya naman dahil doon ay lumipad mula pa sa korea ang ama ko, nang malaman ang nangyari sa akin. So?" sabi ko at bumaling sa mag asawa na bahagyang natigilan sa huli kong sinabi. "Paano niyo kakausapin ngayon ang ama ko, dahil sa ginawa ng anak niyo? You know me and my father very well, right?" seryoso kong sabi sa kanila, na hindi agad nakapagsalita. Tiningnan ko silang dalawa at muling tumingin sa Dean, na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Iyong sinabi ko ko kahapon, ano? Nakapagdesisyon na ba kayo kung sino ang paaalisin niyo dito?" tanong kay Dean na hindi rin agad nakapagsalita. Tinitigan ko siyang mabuti at bahagya pa siyang napabuntong-hininga. "Pinaalis na namin si Mrs. Marjorie, kaya huwag na nating pag usapan pa ang bagay na iyon," seryoso niyang sabi sa akin, na tila ba napilitan siya sa naging desisyong pagpapaalis dito. Napatango naman ako sa sinabi niya. Ngunit hindi ako naging kampante, kaya muli akong nagtanong. "Ilang taon na ba na naging guro dito si Mrs. Marjorie?" tanong ko sa kanya. Napakunot-noo siyang nakatingin sa akin ngayon dahil sa tanong kong iyon. Napaisip siyang mabuti sa sinabi ko, bago niya ito sagutin. "Well, as I remember, it's 1 year and half. Why are you asking?" nagtatakang tanong naman niya sa akin. Napatango-tango ako. Hindi naman pala ganoon katagal na nandito ang babaeng iyon. Kung tama nga ang hinala ko sa kanya ay posibleng may dahilan kung bakit niya dito napiling maging isa sa mga guro. Nasisiguro akong dahil iyon kay Heart. Hindi ko naman maaaring tanungin ang Dean kung saan ito nakatira, dahil siguradong magtataka siya kapag nagtanong pa ako tungkol dito. "Nothing, I'm just curious about her. Well, ano ba talaga ang sadya niyo sa akin, bukod sa humihingi kayo nang tawad sa ginawa ng anak niyo?" sabi ko sa magulang ni Clarise. Narinig kong napabuntong-hininga si Mr. De Guzman kaya nalipat sa kanya ang paningin ko. "Actually, we really apologize for what she did too you. Inaasahan na namin na magigising siya ngayon para siya mismo ang hihingi ng pasensya saiyo. Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Hindi masabi ng doktor kung bakit hindi pa siya nagigising. Kaya sa ngayon ay hinihintay pa namin na magising na siya. Actually, alam namin na ganoon ang ugali ni Clarise, kahit kami ay hindi siya masaway. Subalit iyong ginawa niya saiyo kahapon ay talagang hindi niya gawain iyon. Hindi niya kayang pumatay tulad nang sinabi niya saiyo, na papatayin ka niya. Nagulat kami sa nangyari at kahit sa paa lang ang injury niya ay nagtataka pa rin kami kung bakit bigla siyang nagkaganoon. Wala kaming nakikitang problema sa katawan niya, bukod sa kanyang paa. Kaya kahit sino ay magtataka sa nangyari sa kanya. Kaya sana, maintindihan mo rin ang pinagdadaan niya ngayon at asahan mong pag nagising siya ay kakausapin namin siya, para siya na mismo ang magsasabi saiyo," mahabang paliwanag niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita at tila ba hindi mawala sa isip ko ang lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Alam ko kung ano ang naging dahilan kung bakit niya sinakal kahapon. She was possessed by someone. Ngunit hindi ko iyon maaring sabihin sa kanila ang tungkol doon. Ngunit nakakapagtaka kung bakit sinasabi nilang hindi pa ito nagkakamalay. Ganoon ba talaga kapag sinapian ng masamang kapangyarihan? Nagiging ganoon? Napapikit na lamang ako at ngayon naiintindihan ko na ang nararamdaman nila. "Okay, I understand of her situation. But for now, you to talk to my parents because I know they really need your words about it. So, you need to prepare yourself. I think, I need to go," sabi ko sa kanila. Tumango ako sa Dean at sa mag asawa, saka ako tumalikod. Ngunit bago pa ako tuluyang makalakadp palabas ay nagsalita si Mrs. De guzman. "Alam kong kahit ganyan ka magsalita ay mabuti ka pa rin tao. Pasensya ka na talaga sa nangyari at hindi namin iyon ginusto. Kakausapin namin ang ama mo, kapag dumating na sila," narinig kong sabi niya. Tango lang ang naging tugon ko sa kanya at tumuloy na sa paglakad, palabas ng silid na iyon. Habang naglalakad ako patungo sa room namin ni Heart ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kay Clarise. Ano nga kayang dahilan at hindi pa siya nagigising. Alam kaya ni Izyll kung ano ang sagot doon? Well, kalaban nila ang mga taga-itim di ba? Kaya malamang ay may alam sila sa posibleng nangyayari ngayon kay Clarise. Napabuntong-hininga na lang ako at kahit napapansin ko ang tingin ng mga nakakasalubong ko ay hinayaan ko na lang ang mga ito. Nang makarating ako sa room ay hinanap ko kaagad si Heart. Ngunit napakunot noo ako dahil nakita kong wala siya sa inuupuan namin. Nagpatuloy ako at umupo sa upuan. "Hindi mo ata kasama si Heart? Na-late ba siya?" narinig kong tanong ni Jarryl, kaya napalingon ako sa kanila. Kuno't noo pa rin akong nakatingin sa kanila. Ibig sabihin hindi pa nakakarating dito si Heart? "Magkasama kami kanina, pero kinausap ako ng Dean kaya pinauna ko na siya dito. Bakit? Hindi pa ba siya dumarating?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Nakita ko namang natigilan sila at bahagyang nagkatinginan. Base sa tingin nila sa isa't isa ay parang walang alam ang mga ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. No! Hindi mo dapat ito nararamdaman Khendrey! Inalis ko na ang tingin sa kanila at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko kaagad siya dahil baka dumaan lang ito sa cafeteria at may binili. Hindi naman ako masyadong nagtagal sa Dean's office, kaya malamang ay may pinuntahan pa siya saglit kaya nauna na ako dito. Subalit, parang gumuho ang isipan ko nang hindi ko siya makontak. Inulit ko ang pagtawag sa kanya, ngunit talagang hindi ko siya makontak. Napatayo na ako at mabilis na lumabas sa room, habang tinatawagan ko pa rin siya. Napansin ko namang sumunod sina Izyll sa akin, ngunit hindi ko na sila hinintay pa at pumunta ako sa lugar kung saan ko siya huling nakita. "s**t! Bakit hindi ka makontak, Heart," sambit ko sa sarili habang tinatawagan ko pa rin siya. Nang makarating ako sa lugar kung saan kami naghiwalay ay pinagmamasdan ko iyon. "Khen, anong problema?" narinig kong tanong ni Izyll. "Hindi ko makontak si Heart," tulirong sagot ko sa kanya. "Bakit? Baka naman may pinuntahan pa siya, magtatanong kami," narinig kong sabi ni Jarryl at umalis kasama si Yuan. Naiwan si Izyll na nakatingin ngayon sa akin. "Relax, hindi mo kailangang magpanic agad," sabi niya at hinawakan ako sa balikat. Ngunit mabilis ko itong inalis at tiningnan siya nang seryoso. "Masama ang kutob ko at kahit kailan hindi ito nagsisinungaling. Subalit, kailangan kong maniwala sa ngayon na walang nangyaring masama kay Heart," sabi ko sa kanya saka inalis ang tingin niya. Napasandal ako sa pader at napaupo na lang doon. Ayokong makaramdam ng ganito pero hindi ko maiwasan. Nasaan ka ba, Heart?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD