Chapter 65

1125 Words
Nang makapabalik na sina Izyll sa mundo ng mga mortal, ay dumiretso agad sila sa Mansion nina Khendrey. Gabi na nang makarating sila sa Mansion at naabutan nilang kumakain ng dinner ang mga ito. "Nakabalik na pala kayo," agad na bungad sa kanila ni Cindy. "Yeah, dala na rin namin ang kailangan nila," tugon ni Flare. "Nalaman namin ang nangyari dito, kumusta na si Khendrey. Nagising na ba siya?" nag aalalang tanong ni Izyll sa mga ito. "Nasa kanyang kwarto siya at naroon din si Tito, binabantayan siya. Dinalhan na namin doon ng pagkain si Tito, para sabay na silang kumain ni Khendrey kung sakaling magising na siya," sabi sa kanya ni Heart. Napatango naman si Izyll at inanyayahan sila ni Heart na sumabay sa kanilang maghapunan. Kaya naman nakisalo na sila, naroon din ang ama ni Heart na tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Anong sinabi ni Mommy sainyo?" mayamaya ay tanong ni Jarryl. "Marami, lalo na tungkol sa mga bagay na dinala namin para kina Khendrey. Ibibigay lang namin ito kapag nagising na siya," sabi ni Izyll sa mga ito. Napatango naman si Jarryl sa sinabi ni Izyll at napatingin kay Heart, na naiintindihan ang sinasabi ni Izyll. Sinabi niya rin nila Flare sa mga ito ang tungkol sa gamot na ipapainum nila kay Clarise at napunta ang usapan nila sa nangyari sa campus. Kung saan sumugod sina Demeria at Sahara, kasama si Clarise. Naging malinaw kina Izyll at Flare ang nangyari. Subalit iyong tungkol sa pagsasanib ng kapangyarihan nina Khendrey at Kherra ay hindi masyadong naging malinaw, dahil maging ang mga ito ay naguluhan din. "Nagalit si Tita, nang malaman ang ginawa ni Khendrey at Kherra," mayamaya ay sabi ni Izyll. Natigilan naman ang mga ito, dahil sa sinabing iyon ni Izyll. "Dahil sa kanilang dalawa ay si Kherra ang dehado sa nangyari. Sinabi kanina ni Princesa Rhea, na malubha ang kalagayan ni Kherra at matagal pa bago siya makabawi ng lakas. Nagalit si Tita sa ginawa nilang iyon at aasahan ni Khendrey na makakatanggap siya nang parusa mula kay Tita," sabi naman ni Flare sa kanila. "Bakit naman siya bibigyan ng parusa?" nagtatakang tanong ni Heart. Napabuntong-hininga ang mga ito, dahil alam nila kung bakit kailangang bigyan ng parusa si Khendrey. "Napahamak rin naman si Khendrey, kaya bakit pa siya parurusahan?" mayamaya ay tanong ng ama ni Heart, na kanina pa nakikinig sa usapan nila. "Alam kong nakakapagtaka para sainyo ang tungkol dito. Subalit, iyon talaga ang isa sa patakaran sa mundo ng mga fairy at sa mundo namin. Kapag may nangyari sa taong binabantayan ng isang guardian fairy, mapaparusahan ito kahit pa napakasimple o hindi ang nangyari. Obligasyon nilang bantayan ang taong iyon at kapag hindi nila nagawa ang misyon nila dito nang maayos ay talagang makakatanggap sila ng parusa. Samantala ang guardian fairy naman, kapag ito ang napahamak at may kinalaman sa taong binabantayan nito ay makakatanggap rin siya nang parusa, kung inabuso nito ang kapangyarihang taglay ng kanyang guardian. Sa nangyari sa kanilang dalawa ay talagang pareho silang may mali. Subalit, hindi pa rin masyadong malinaw ang buong pangyayari sa pagitan nila. Kaya kailangan pa natin iyong alamin mula kay Khendrey at iyong sinabi Tita Jewelle, ay wala nang magbabago kapag sinabi niyang parurusahan niya si Khendrey dahil sa nangyari ay talagang dapat na tanggapin iyon ni Khendrey," mahabang paliwanag ni Flare sa kanila. Hindi naman nagawang makapagsalita ng mag ama dahil sa sinabi ni Flare at mukhang naiintindihan nila ito. Wala naman silang magagawa kundi ang unawain ang batas ng mga ito. Wala silang alam sa kung anong patakaran ang mayroon sa mundo nito, kaya kailangan nilang maintindihan iyon. "Ngunit, huwag kayong mag aalala. Hindi magbibigay ng mabigat na parusa si Mommy, kahit mahigpit siya sa kaharian namin ay mabait pa rin siyang tao. Talagang kailangan lang niyang ipakita sa lahat, na matapang siya at mahigpit para naman kahit papaano ay matakot sa kanya ang mga tagaroon sa amin," paliwanag ni Jarryl. Napatango naman si Heart sa sinabi nito at bahagyang napabuntong-hininga naman ang ama ni Heart. "Ipapaubaya ko sa inyo ang anak ko," mayamaya ay sabi nito. Natigilan naman sila at napatingin sa ama ni Heart. Maging si Heart ay napatingin sa kanyang ama. Ngumiti ito sa kanilang lahat, na tila ba tanggap na nito ang kapalaran nilang mag ama. "Naniniwala ako na magiging maaayos ang buhay niya sa mundo ninyo. Kaya sana ay huwag niyo siyang pabayaan. Nakita niyo naman kung anong ugaling mayroon siya. Turuan niyo rin siya kung paano makipaglaban, para naman ma-protektahan niya ang kanyang sarili dahil tulad nang sabi niyo ay may mga masasamang tao rin na kumakalaban sainyo. Iyon lang ang hiling ko para sa anak ko," nakangiting sabi ng ama ni Heart. "Dad," sambit ni Heart. Nararamdaman niya ang lungkot sa sinabi ng kanyang ama. Kahit pa nakikita niyang nakangiti ito ay alam niyang subrang bigat na nang nararamdaman nito. "Maging matatag ka at matapang sa bagong mundo mo, Heart," nakangiting sabi sa kanya ng kanyang ama. Tumulo bigla ang kanyang luha dahil sa sinabi ng kanyang ama. Agad naman niya itong pinunasan at tumango sa kanyang ama. "Yes, dad.. Huwag kang mag alala, kahit ganito ako ay matapang ako. Anak mo kaya ako, haha!" sabi ni Heart at bahagyang natawa. Napangiti naman ang kanyang ama at tumango sa kanya. Napangiti naman ang mga kasama nila dahil sa kanilang nakita at narinig. Hindi na sila nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa kanilang pagkain. Matapos nilang kumain ay sa sala na sila tumambay saglit. Nag usap sila at ilang minuto lang ay pinuntahan nila ang kwarto kong nasaan si Clarise. Nang naroon na sila ay si Flare na ang nagpalunok ng gamot kay Clarise. Matapos maipalunok iyon ay nakita nila kung paano unti-unting nawala ang kakaibang kulay na bumalot sa katawan ni Clarise. Maging ang sugat nito ay unti-unting gumagaling. Hanggang sa bumalik na sa dati ang kulay ng balat nito at naging maaliwalas na ang mukha ng babae. "Mabuti na lang at hindi siya tinuluyan ni Sahara. Lahat pa naman ng mga ginagamit niya ay talagang pinapatay niya," napapailing na sabi ni Cindy. "Siguro ay dahil natakot siya sa banta sa kanya ni Khendrey," wika naman ni Yuan. "Wala bang mga sugat si Khendrey, bago siya nawalan ng malay?" nag aalalang tanong naman ni Izyll. "May sugat siya pero nagawa itong pagalingin ng kapangyarihan niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko kay Khendrey," saad ni Jarryl. "Kaya naman talagang pagalingin ng kapangyarihan niya ang sugat niya, subalit masyado pa iyong maaga para gamitin niya. Kaya talagang nakakapagtaka kung paano niya iyon nagawa," seryosong sabi ni Izyll. Napatingin naman ang mga ito kay Izyll dahil sa sinabi niya. Lalo na sa tuno ng pananalita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD