Chapter 54

2041 Words
Pagdating namin sa Mansion ay naabutan namin silang masayang nag uusap, na tila ba walang nangyari. Nang tuluyan na kaming pumasok ay napatingin agad sila sa amin. Mas lumaki ang ngiti ni Heart nang makita ako. "Khen!" tawag niya at tumakbo patungo sa akin saka ako niyakap. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Hindi naman ganoon katagal siyang nawala pero namiss ko na agad siya. Nang humiwalay na siya ng yakap sa akin ay kumapit agad siya sa braso ko. "Salamat sa lahat, ‘cous, pinaliwanag na nila sa akin ang lahat. Masaya ako dahil ginawa mo ang lahat mailigtas lang ako," nakangiti niyang sabi sa akin. Ginulo ko ang buhok niya at bahagyang natawa sa kanyang sinabi. "Ano ka ba, syempre gagawin ko talaga lahat, lalo na at ginamit ka nila laban sa akin. Hindi matatanggap iyon at syempre, hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan. Maging sila ay malaki ang naitulong sa atin," sabi ko sa kanya at tumingin kina Izyll. "Oo naman, maraming salamat sainyo," sabi ni Heart sa mga ito. "Ayos lang iyon, ginusto naming tumulong," sabi ni Jarryl at bahagyang kumindat pa kay Heart. Kaya bahagyang tumaas ang kilay ko sa ginawa niyang iyon. "Kaibigan ka na rin namin, kaya naman syempre tutulungan ka namin.," nakangiting sabi naman ni Cindy sa kanya. Maging si Flare ay nagkomento rin at puro pasalamat ang sinasabi ni Heart sa kanila. Nakita ko kung paano siya kasaya habang kausap ang mga ito. Hindi niya alam na may dahilan kung bakit sila tumutulong sa amin. Napabuntong-hininga na lang ako. Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa tagumpay namin. Sina Zhennie na ang umasikaso sa kusina at ako naman ay umakyat muna sa kwarto ko upang magbihis. Abala naman ang iba sa pag uusap, maging si Izyll. Kaya nagawa kong makaalis nang hindi niya napapansin. Nanghihinayang pa rin ako sa nangyari, talagang pakiramdam ko ay kulang ang nangyari kanina para kina Gajeel. Subalit, tulad nang sabi ni Dad, hindi namin kailangang pumatay tulad nang ginawa ng magulang ni Gajeel. Walang kasing sama ang ginawa nila, ngunit hindi namin kailangang maging katulad nila. Napapikit na lang ako at napabuntong-hininga. Mayamaya ay binuksan ko ang wardrobe, saka namili nang maisusuot ko. Kinuha ko ang isang simpleng dress na kulay blue at nilagay ko sa gilid. Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong pulang dress. Medyo nahirapan pa ako sa zipper nito sa likod, dahil hindi ko masyadong maabot. Ngunit natigilan ako nang maramdamang may kamay na nagbaba ng zipper, na nasa likod. Nagugulat naman akong lumingon dito at nakita ko ang mukha ni Izyll na nakangiti sa akin ngayon. Napaatras ako mula sa kanya at sinamaan siya nang tingin. "Bakit ka na naman nandito, huh?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. "Well, baka kasi kailangan mo nang tulong, kaya tinulungan na kita diyan," pasimple niyang sabi at ngumuso pa. Napairap ako sa kanya. Ang tindi din nang pandama ng lalaking ito. Ngunit talaga nga kayang iyon ang dahilan? "Hindi ko kailangan nang tulong mo para dito. Kaya ko itong mag isa at pwedi ba lumabas ka na? Hindi purket naka-chansing ka na sa akin ay uulit ka pa? Hindi na iyon mangyayari kaya lumabas ka na," sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Kinuha ko ang dress na pamalit ko at naglakad patungo sa Banyo. Ngunit napahinto ako nang humarang siya doon. "Diyan ka na magpalit, nakita ko na naman lahat iyan eh," nakangising sabi niya sa akin. Biglang uminit ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa inis ba o kung ano. Sinamaan ko ulit siya nang tingin at hinampas sa kanya ang damit na hawak ko. "Ayaw mo talagang lumabas?" pangbabanta ko sa kanya. "Hmm, sabay na tayong bumalik doon," sa halip na sabi niya. "Ah, ayaw mo talaga?" muling sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya nang matamis sa akin at mukhang hindi siya natatakot sa gagawin ko. Huminga ako nang malalim. "Ahhhhh!" malakas na sigaw ko, na maging siya ay nakita kong nagulat sa pagsigaw ko. "Hey! Don't shout!" awat niya sa akin. "Ahhhh!" muling sigaw ko at nakita kong natataranta siya kung anong gagawin niya sa akin. Ngunit nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa, nang bigla na lang niya akong halikan. Dahil sa ginawa niya ay hindi na ako nakasigaw pa. Hindi agad ako nakareak sa ginawa niya at bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Naramdaman kong marahan niyang ginalaw ang kanyang labi. T-Teka! Bakit ang bilis naman ata? Hindi ako nakakilos at napansin ko na lang, na bahagya na akong gumaganti sa halik niya. Tok! Tok! "Khendrey? Anong nangyari, bakit ka sumigaw? Ayos ka lang ba?" Natauhan ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Heart mula sa labas ng kwarto ko. Agad kong naitulak si Izyll sa gulat at lumayo sa kanya. "Khendrey? Sumagot ka, ayos ka lang ba?" muling sigaw ni Heart. "A-Ayos lang ako! M-May nakita lang akong daga pero wala na, ayos na ako. Nagulat lang ako," sagot ko kay Heart. "Oh? Okay, sige aalis na kami. Akala kasi namin kung anong nangyari saiyo dahil bigla kang sumigaw," sabi niya. Naglakad ako patungo sa pinto. Mabuti na lang at naka-lock ito dahil baka biglang pumasok sina Heart ay talagang makikita nila si Izyll na kasama ko. Bahagya akong napalingon kay Izyll, ngunit hindi ko na siya nakita. Saan na napunta iyon? Napabuntong-hininga ako at binuksan ko ang pinto. Sumilip lang ako at nakita ko si Heart. "Nagbibihis kasi ako," alanganing ngumiti ako sa kanya. "Akala namin kung ano nang nangyari saiyo. Ayos ka lang ba talaga?" nagtatakang tanong ni Flare sa akin at bahagyang sumilip pa. "Oo ayos lang ako," muling sabi ko. "Sigurado ka ba?" narinig kong boses ni Izyll at nakita ko siyang nasa likod ni Flare. Ang bilis naman ata niyang nakarating dito? Kanina lang nasa loob pa siya ng kwarto ko, tapos ngayon? Tsss! "Oo, sige na magbibihis na ako," saad ko at muling isinara ang pinto. Nang maisara ko na ito at napikit na lang ako. Akmang maglalakad na ako papunta sa banyo, nang makita kong nakasandal sa may gilid ng banyo si Izyll na nakangisi. Nagtataka akong napatingin sa pinto at muling tumingin sa kanya. "May sa kabute ka ba talaga, huh?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. "Gusto kitang makitang lumabas nang ligtas mula rito. Alam mo na, ayokong maulit iyong nangyari saiyo dito noong isang gabi. Bakit nga ba hindi mo sinabi sa akin iyon?" saad niya sa akin Napairap ako sa kanya. "Na wala na rin sa isip ko at pwedi ba, lumabas ka na? Nakakailang ka nang kasama," prangkang sabi ko sa kanya at bahagya pa siyang natawa dahil sa sinabi kong iyon. Nakakatawa para sa kanya iyon eh no? "Talaga?" sabi niya at umalis sa pagkakasandal sa gilid ng banyo at naglakad palapit sa akin. Kaya napaatras ako. "Binabalaan kita, Izyll. Lumabas ka na para matapos na rin ako sa gagawin ko," seryosong sabi ko sa kanya. Napahinto naman siya sa paglapit sa akin. Napabuntong-hininga siya at ngumiti sa akin. Mayamaya ay itinaas niya ang kanyang kamay. "Okay, I got it. I'll will wait for you downstairs," sabi niya sa akin. Mayamaya ay bigla na lang siyang nawala. Napapikit na lang ako at tinuloy ko na lang ang paghubad ng aking damit. Matapos kung mahubad ito ay isinuot ko na rin ang napili kong ipampalit dito. Humarap ako sa salamin at bahagyang sinuklay ang aking buhok. Naglagay ako ng kaunting polbo sa mukha ko. Hindi ko pa rin talaga aakalain na naging ganoon sa akin si Izyll. Napapaisip tuloy ako kung totoo ba iyong sinasabi niya na gusto niya ako o baka naman niloloko lang niya ako o kaya siya ganito ay dahil misyon niyang mapalapit sa amin. Tsk! Naisipan ko nang lumabas sa kwarto ko, upang puntahan na sila. Naabutan ko silang nagkakasasayahan sa baba. Tumatawa at nag uusap habang kumakain. Kaya lumapit na ako sa kanila. "Khen, halika na, kumain na tayo," anyaya sa akin ni Heart at yumakap agad siya sa braso ko. Napangiti na lang ako sa ginawa at sumabay na lang din. Kumuha na ako ng pagkain habang nakikisabay sa kasiyahan nila. Nakikita ko kung gaano kasaya si Heart, maging sina Dad at tito. Natutuwa ako sa nakikita ko at ang gaan sa pakiramdam. Habang nakangiti akong nakatingin sa kanila ay hindi ko maiwasang mapaisip sa susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung makikita ko pa nga ba ang ngiti sa labi nina Tito, lalo na ni Daddy. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaskyon ni Heart kapag sinabi ko na sa kanya ang lahat. May posibilidad na matutuwa siya, subalit hindi pa rin ako sigurado sa mangyayari. Nag aalala pa rin ako sa dalawang taong sinasabi nina Flare, na nandito sa mundong ito. Nasisiguro akong anumang oras ay aatakihin nila kami at wala kaming laban kung magkataon. Isa lang ang maaari kong gawin, iyon ay ang sumama kina Izyll at iwan ng proteksyon sina Dad. Tama ganoon na lang kung sakaling aalis na kami. Matapos naming kumain ay naglabas ng alak si Heart. Hindi na rin nakisabay sina Dad at tito sa inuman namin dahil aasikasuhin pa nila ang parusa para kina Gajeel. Kaya hinayaan na namin siya. Tinuloy namin ang inuman sa may pool at nagsimula nang maligo sina Flare at Cindy. Nakisabay na rin sina Zhennie at Heart, maging ang dalawang lalaki. Kaya naman habang naliligo sila ay naiwan kaming dalawa ni Izyll. Naramdaman kong lumapit siya sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. "Pasensya ka na sa akin," mayamaya ay narinig kong sabi niya. Hindi ako nagsalita at uminom lang ng hawak kong beer, habang nakatingin kina Heart na masayang naliligo. "Hindi ko na iyon uulitin, dahil pormla ko na iyong gagawin," muling sabi niya. Natigilan ako at kuno't noo'ng napatingin sa kanya. "Ano bang sinasabi mong magiging pormal mo nang gagawin?" tanong ko sa kanya. "Di ba nga, liligawan kita?" tugon niyo. Muli akong natigilan sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang liligawan ako? Hindi ko nagawang ikilos ang aking kamay, habang nakatingin ngayon sa kanya. Habang siya naman ay nakatingin sa akin at tila natutuwa sa reaskyon ko. Napalunok ako at napaiwas nang tingin sa kanya. "Hindi ko aakalain na seseryosohin mo ang sinabi mong iyon. Akala ko kasi nagbibiro ka lang," sabi ko sa kanya at muling itinuloy ang pag inum ko ng beer. "Oo naman, seryoso ako doon. Kahit saan tayo ay liligawan kita. Nasabi ko na saiyo, kung bakit di ba? Dahil iyon ay gusto kita, hindi ko alam kung saan iyon nagsimula. Basta ang alam ko ay gusto kita at ayokong mapunta ka pa sa iba," malumanay niyang sabi. Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa kanyang huling sinabi. Seryoso? Ayaw niya akong mapunta sa iba? "Grabe ka rin makapagsalita ng ganyan ah? Ayaw mo akong mapunta sa iba? Grabe," natatawang sabi ko sa kanya. "Oo naman, kapag sinabi kong gusto kita ay talagang hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Bakit? Bukod kay Gajeel, may iba ka pa bang hinihintay?" nakataas-kilay kilay niyang sabi. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Saan na naman kaya mapupunta ang usapan na ito. "Tsk! Ano bang sinasabi mo? Ikaw na nga ang nagsabi na misyon mo ako. Kaya malamang alam mo lahat sa akin. Ano pa bang hindi mo alam?" nakataas-kilay ko ring sabi sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko at bahagyang napakamot sa kanyang noo. "Yeah right, ako pala ang hinihintay mo," sa halip na sabi niya. Bigla kong naitapon sa kanya ang hawak kong beer in can at mabuti na lang naiwasan niya iyon. Kung ano-ano na lang ang sinasabi, nakakainis! Mayamaya bigla na lang may tumalsik na tubig sa akin at nakita kong sinabuyan ako ni Heart na nasa pool ngayon. "‘Cous! C'mon! Let's swim!" sigaw ni Heart sa akin. "Tsk!" napapailing niyang sabi. "Halina kayong dalawa!" sigaw rin ni Flare. "Okay, wer— Izyll?" nagugulat kong sabi sa kanya nang bigla niya akong binuhat. "Right! Let's join them," saad niya sa akin, na agad tumakbo patungo sa pool. "Hey! Wait!" awat ko sa kanya. Ngunit hindi ko na siya napigilan, nang bigla na siyang tumalon sa pool kasama ako. Hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD