Chapter 71

1629 Words
Nang makarating kami sa isla ay nakita kong mas lalo silang nagandahan sa lugar. Maganda at pino ang mapuputing buhangin na tinatapakan namin ngayon. Mula rito sa dalampasigan ay natatanaw namin ang rest house ng pamilya namin. Malaki ito at higit tatlong palapag ang taas ng bahay. Sa itaas naman nito ay naroon ang isang pool, na talagang sinadyang ipalagay doon nina Daddy. Para naman makita mula roon ang ganda nang tanawin na nasa ibaba nito. Sa likod naman ng bahay na iyan, ay naroon ang isang hot spring. May maliit na bulkan kasi sa di-kalayuan ng isla, kaya iyon din ang dahilan kung bakit medyo mainit ang singaw sa ilang ilog dito. Marami ring tourist spot ang makikita sa isla. Subalit, tanging pamilya lang namin ang pwedi sa islang ito at hindi ito pweding puntahan kung sino-sino. Depende na lang kung papayag kami sa ilang kakilala namin, na nais pumunta dito. "Wow! Ang ganda!" namamanghang komento ni Cindy at bahagya pa siyang naglaro sa mga buhangin na napakapino. "Hindi ko aakalain na may ganitong isla kayo, Khen. Para siyang paraiso," puna naman ni Yuan. "Maganda nga ang lugar at mukhang nakaka-relax tingnan ang paligid," nakangiting sabi naman ni Flare, habang inililibot ang paningin sa paligid. "Paminsan-minsan lang rin kami pumupunta dito, kasi medyo busy. Kaya naman ngayon lang ulit kami nakabalik dito," sabi naman ni Heart. Tama naman siya. Minsan lang kami pumupunta dito, dahil nasa ibang bansa kami ni Daddy. Kaya minsan ay sila lang o si Heart lang ang nagbabakasyon dito kapag gusto niya. "Ang nga dito, nakaka-relax," komento naman ni Jarryl. "Hindi ko aakalaing may ganito pala kayong pag aari, ang ganda," narinig kong sabi ni Izyll na nasa tabi ko. Ewan ko ba dito at bigla na lang napupunta sa tabi ko, ganoong kasama niya pa kanina si Yuan. "Hindi naman kasi ako ma-kwento," sagot ko sa kanya. "Tara na sa loob," anyaya ni Zhennie. "Lagi ka rin bang napupunta dito, Babe?" narinig naming tanong ni Yuan kay Zhennie. Babe talaga? "Shut up, don't call me babe. Minsan lang rin ako pumupunta dito, kapag gusto ko at syempre kapag pumayag lang sina Khendrey. Hindi naman kasi basta-basta nakakapunta dito ang turista o kung sino pang hindi konektado sa pamilya nina Khendrey," sabi ni Zhennie. "Ay ganoon?" Tumango lang si Zhennie, bilang tugon dito. Kaya naman, tumuloy na kami sa bahay. Pagkapasok namin ay binati kami ng ilang taga-pagsilbi, na nandito ngayon sa rest house. Matapos no'n ay umalis na rin ang mga ito. Kaya pumunta na kami sa kwartong gagamitin namin. May limang kwarto ang bahay, kaya napagpasyahan namin na kami ni Heart, ako at si Zhennie ang gagamit sa kwartong ginagamit ko noon. Samantalang sina Flare at Cindy ay doon sa kabilang kwarto. Magkasama naman sa isang kwarto sina Izyll, Jarryl at Yuan sa isa pang kwarto. Kaya ang natirang kwarto ay kina Dad at tito, kapag nakarating sila dito mamaya. Kaya matapos namin mahati ang mga kwarto, sa bawat grupo ay pumunta na kami sa nakalaang kwarto namin. Upang ilagay doon ang dala naming gamit. Habang nasa kwarto na kami ay nagbihis na agad ako ng damit. "Gusto kong maligo sa beach, sama kayo ah?" sabi ni Heart sa amin at may kinukuha sa dala niyang gamit. "Sige, mukhang masarap maligo ngayon sa dagat," sabi naman ni Zhennie. "Ikaw, ‘cous?" sabi sa akin ni Heart. Napaisip ako saglit, kung sasama ba ako sa kanila. Ngunit, sadyang wala ako sa mood maligo. "Kayo na muna, mamaya na ako. Magpapahinga lang ako saglit," tugon ko sa kanila. "Ganoon ba? Basta kapag naisipan mong sumunod doon, sumunod ka ah? Alalahanin mong ikaw ang nag suggest nito, kaya dapat ay mag enjoy ka rin," sabi sa akin ni Heart. Napabuntong-hininga ako. Sinadya ko lang naman talaga ito, para medyo mapatagal ang pag alis namin. "Oo, susunod ako mamaya," nakangiting sabi ko sa kanya. "Sige ah?" Tumango ako sa kanya. Matapos kong makapagbihis ay kinuha ko ang laptop at naglakad patungo sa kama, saka umupo doon. Nakita ko namang nagpalit sila ng manipis na damit at nakikita ko mula roon ang suot nilang swimsuit. "Huwag kang masyadong magtagal dito ah? Dapat before lunch ay naroon ka na," narinig kong sabi ni Zhennie, habang nasa pinto na sila. "Oo, may gagawin lang ako saglit dito," tugon ko sa kanya. "Sige," sabi niya at tuluyan na silang lumabas sa pinto ni Heart. Napabuntong-hininga na lang ako at binuksan ang laptop. Nagtype ako doon at in-open ko ang bank accounts ko. Napabuga na lang ako ng hangin. For the past 10 years, malaki na rin ang naipon ko at ilang bank accounts na rin ang binuksan ko sa parehong pangalan ko pa rin. Hindi ko alam kung paano ko ito gagastusin sa isang gastusan lang bago kami umalis. May mga orphanage rin naman akong pinatayo at kada-buwan ay may napupunta sa kanila. Bukod sa pera at pag mamay ari ko lang, ay mayroon ding binibigay sa akin si Daddy. Kaya ngayon ay medyo nahihirapan akong magdesisyon kung saan ko ito ibibigay. Pinaghirapan ko ito, kaya dapat ang pagbibigyan ko nito ay deserve din sa mga pinaghirapan ko. Kung pwedi lang dalhin ko ito, ay ginawa ko na. Ngunit alam kong hindi mahalaga ang pera sa mundo nila. Tsk! Di bale na nga, siguro naman makakabalik pa rin ako dito. Itatago ko na lang muna ang iba, at iyong iba naman ay ibibigay ko sa orphanage upang magdagdagan ang binibigay ko sa mga ito. Si Dad na ang bahaha sa lahat, habang wala ako dito. Ilang minuto akong nanatili sa kwarto, habang may inaasikaso ako at nang matapos ako ay isinara ko na rin ang laptop ko, saka ako napabuntong-hininga. "Hmm, mukhang tapos ka na?" Natigilan na lang ako, nang biglang may nagsalita sa harapan ko at doon nakita ko ang nakangiting mukha ni Izyll. Napakunot noo akong nakatingin sa kanya. Dapat pa ba akong magulat, na kapag nag iisa ako ay bigla siyang sumusulpot? "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Hindi ka kasi sumabay kina Heart, na maligo sa dagat. Inisip ko pa nga na baka may seryoso ka pang ginagawa, kaya hindi muna ako pumunta dito. Ngunit ilang minuto na ang lumipas, hindi ka pa rin lumabas. Kaya naman pumunta na ako dito at nakita kitang abala, kaya hinintay muna kitang matapos," paliwanag niya pa sa akin. Ang lakas din nang pakiramdam nito, tsk! Napaismid lang ako at nilapag sa may maliit na mesa ang laptop ko. Muli akong tumingin sa kanya, na nakangiting nakatingin sa akin. "Tumabi ka sa akin," wala sa sariling sabi ko. Medyo natigilan naman ako sa sinabi kong iyon, ngunit nasabi ko na. Kaya naman agad siyang tumabi sa akin. "Humiga ka," muling sabi ko sa kanya. Nakita kong napakunot noo siyang napatingin sa akin. Ngunit hindi na siya nagtanong at humiga na lang. Nang makahiga na siya at hindi niya inalis ang tingin sa akin. "Iunat mo ang isa mong braso." Utos ko na ginawa naman agad niya. Akmang magtatanong siya, nang dahan-dahan akong humiga at umunan sa braso niya, saka ako yumakap sa katawan niya. Napapikit ako at pakiramdam ko ay na-relax ang mga iniisip ko. Napansin ko namang natigilan siya sa ginawa ko, ngunit hinayaan lang niya ako sa gusto. "Pumapayag na ako," sabi ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata ko. "Sa alin?" nagtatakang tanong niya. Doon ko lang idinilat ang aking mga mata at nag angat nang tingin sa kanya. Nakatingin na siya sa akin ngayon at hinihintay kung ano ang susunod kong sasabihin. Napatitig ako sa kanyang mga mata at nakikita ko ang pagtataka doon. Iniangat ko ang aking kamay at hinawakan ang pisngi niya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa kong iyon. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakaunan sa braso niya at tuluyan siyang hinarap. "W-What are you doing?" nagugulat niyang tanong sa akin. Hindi ko pa rin siya sinagot at nanatili akong nakatingin sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi niya, papunta sa ilong at sa may labi niya. Ang labing ito ang dahilan kung bakit minsan nadadala na ako at nakakalimutan ko na ang sarili ko. Hindi ko akalain na mas makapangyarihan pa ito, kaysa sa kung anong kapangyarihan mayroon kami. Hays! Nang dahil sa kanya ay nahahawa na rin ako sa pagiging werdo. "Pumapayag na akong ligawan mo ako," sabi ko sa kanya. Nakita kong napakurap siya sa sinabi kong iyon at hindi agad nakapagsalita. Pareho kaming napatitig sa isa't isa at napasulyap pa akong muli sa labi niyang tila nang aakit. Napalunok ako at muli itong hinaplos ng daliri ko. "Pwedi bang... Pwedi bang parusahan kita kahit ngayon lang? Gusto kong ako naman ang magparusa saiyo, sa halip na ikaw palagi?" wala sa sariling sabi ko sa kanya at nakita ko siyang natigilan sa sinabi ko. "H-Huh?" nagugulat niyang sabi. Naipagdikit ko ang labi ko at walang ano-ano'y hinalikan ko siya. Pinagdikit ko ang pareho naming labi at naramdaman ko ang pagkagulat niya. Mayamaya ay sinimulan kong igalaw ang labi ko, tulad noong mga oras na siya ang nagdadala sa halik na lagi niyang ninanakaw sa akin. Gusto kong maramdaman, na ako mismo ang humalik at hindi lang siya. Kaya naman doon ko naramdaman ang pagkakaiba. Kung dati, dahil sa gulat ko ay nawawala agad ako sa sarili kapag siya ang nagdadala. Samantalang ngayon, na ako ang humahalik sa kanya ay pakiramdam ko ay siya ang gusto kong mabaliw dahil sa ginagawa ko. Ngunit sandali lang ay bigla na siyang gumante ng halik sa akin at imbes na siya ang baliwin ko ay ako na ang binabaliw niya sa kanyang halik. Bakit ganito? Bakit nga ba umabot sa ganito ang nararamdaman namin sa isa't isa? Handa na nga ba akong sumugal sa pag ibig? Handa na nga bang magmahal ang sarili ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD