Chapter 70

2007 Words
Kinabukasan... Nakarating na kami sa townhouse beach, na isa sa pagmamay ari namin. Isa rin ito sa mga pinupuntahan ng mga turista. Subalit, may isang malapit na isla doon na hindi maaaring puntahan ng mga turista, dahil pribadong lugar iyon ng aming pamilya at doon din kami pupunta ngayon. Bumaba ako sa kotseng dala namin, si daddy ang nagmamaneho at kasama ko sa kotse sina Heart, tito at Zhennie. Samantalang, nakasunod lang sina Izyll sa amin. Pagkababa ko ay sumunod na sina Heart at Zhennie. "Wow, kahit kailan napakaganda pa rin ng lugar na ito," komento ni Zhennie, habang nagmamangha sa paligid. Nakangiting tumabi naman sa kanya si Heart, at umakbay. Napatingin ako sa kotseng huminto, at mula roon nakita ko si Cindy at Flare na bumaba. "Wow, ang ganda!" natutuwang sabi naman ni Cindy. "So, isa ito sa mga pagmamay ari niyo?" komento ni Flare at bumaling sa akin. Bumaba na rin sina Yuan at Izyll, maging si Jarryl na siyang nagmamaneho ng kotse. "Yes, salamat naman at nagustuhan niyo," sabi ko sa kanila. "Wow! Beach! Ang sarap maligo, di ba Honey?" narinig naming sabi ni Yuan at tumabi kay Zhennie. Natatawa namang lumayo si Heart kay Zhennie at lumapit sa akin. "Tss, ngayon ka lang ba nakakita ng dagat? Huwag mong sabihing walang dagat sa mundo niyo?" nakataas-kilay na sabi ni Zhennie sa kanya. "Haha! Mayroon naman uy! May ganito rin kami, pero may kaibahan lang talaga dahil wala kahit anong building at sasakyan kang makikita. Maaliwalas ang paligid ng mundo namin at ang tanging sasakyan namin ay mga kabayo. Kaya medyo nakakatuwa rin dito sa mundo niyo," saad ni Yuan. "Tsss, ganoon? Oh siya, huwag kang masyadong malapit. Baka mahawa ako sa ka-werduhan mo," mataray na sabi ni Zhennie at lumayo na kay Yuan. Nauna na siyang naglakad patungo sa hotel ng resort, kaya sumunod kami sa kanya. Maging sina Daddy ay sumama na rin kay Zhennie. Si Zhennie kasi ang inutusan ko kagabi, na ipaalam sa mga staff namin dito na darating kami ngayon at kailangan ihanda ng mga ito ang kailangan namin. Kaya naman si Zhennie rin ang aasikaso ng ilan sa kailangan namin. "Hey!" Napalingon ako sa taong biglang tumabi sa akin at nakita ko si Izyll na nakangiti ng matamis sa akin. Tss, kung makangiti naman ito parang walang nangyari kagabi. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ng isang ito. Napaismid ako sa kanya at inalis ang tingin. "Uy, galit ka ba sa akin? Kanina mo pa ako hindi pinapansin ah?" tila nagtatampo niya pang sabi. "Bakit? Obligasyon ko bang pansinin ka lagi?" mataray kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang napahawak sa dibdib niya, na tila ba nasaktan sa sinabi ko. Tsk! "Heart, kausapin mo nga itong pinsan mo? Palagi na lang akong sinasaktan eh," saad niya kay Heart na tila nagsusumbong dito. Napalingon naman sa amin si Heart at natawa sa sinabi ni Izyll sa kanya. "Naku, alam mo naman na ganyan na ang ugali ng babaeng kinababaliwan mo. Kaya naman, wala kang magawa kundi ang magtiis. Goodluck na lang saiyo," nakangiting sabi ni Heart at bahagyang kumindat pa sa akin. Napapailing ako sa sinabing iyon ni Heart. Talagang sinabi niya pang ako ang babaeng kinababaliwan ni Izyll? Tsk! "Hays, bakit pakiramdam ay mas masakit ang sinabi mo? Tsk, magpinsan nga talaga kayo," tila nagtatampo niyang sabi at nagpapaawa ang mga matang tumingin sa akin. "Tss, umayos ka nga? Parang kang bata diyan, baka mamaya iumpog kita para bumalik ka sa dati," saad ko sa kanya at binilisan ang lakad ko. "Siguro ganito talaga kapag nababaliw ka na," narinig kong sabi niya, kaya natawa ako nang bahagya. Mukhang natauhan na ata siya. "Ikaw, Yuan? Ganito ba ang nararamdaman mo noon kay Zhennie?" mayamaya ay tanong niya kay Yuan. Napakunot noo naman ang napatingin sa kanilang dalawa. Nakita ko namang napapailing lang ang ibang kasama namin, sa kanilang naririnig at sinasabi ni Izyll. "Hindi no, kasi pareho naming mahal ang isa't isa dati. Kaya pareho kaming baliw sa isa't isa," nakangising sagot ni Yuan sa kanya. "Mukha nga," tanging sabi ni Izyll at bahagyang lumayo kay Yuan, na natatawa lang sa kanya. Hays! "Guys!" Napatingin kami sa tumawag sa amin at nakita ko si Zhennie na papalit. "Ayos na ba?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa amin. "Oo, kaso magpapaiwan daw muna sina tito dito. Tayo na lang daw muna ang pupunta sa isla at susunod lang sila," sabi niya sa akin. "Ganoon ba? Sige, nakahanda na ba ang yate?" saad ko. "Oo, lahat nakahanda na, maging ang tutuluyan natin sa isla. May nakahanda na rin na pagkain, at may makakasama tayong mag aasikaso sa atin doon. So, let's go?" sabi niya. Napatango ako. "Sige, tara na," tugon ko. Tinawag ko na ang mga kasama namin, para sumunod. Naglakad kami patungo sa isang yate, na naghihintay ngayon sa dalampasigan. May nakikita akong ilang mga turista na naliligo at may ilan din, na bahagyang napapatingin sa amin. Inalis ko na lang ang tingin sa mga ito, at nauna nang sumakay sa Yate. Kasunod kong sumakay si Zhennie at sumunod naman iyong iba. Nang nasa yate na ako, ay umupo ako sa pahigang upuan. Hinintay ko silang makasakay lahat at nang makita ko na sila ay kanya-kanya silang pwesto sa loob ng yate. Si Heart at Cindy ay pumasok sa cabin. Si Flare, naman tumayo sa gilid ng railings ng yate at bahagyang pumikit, na tila nilalanghap ang hangin mula sa dagat. Si Zhennie naman ay pumunta sa itaas ng yate at nakita ko pang sumunod sa kanya si Yuan. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Tiningnan ko naman ang ginagawa ni Izyll at Jarryl. Ngunit si Jarryl lamang ang nakita ko, na pareho ni Flare ay nakatanaw din sa dagat. Naramdaman ko ang pag andar ng yate, papunta na kami ngayon sa isla. "Masyado naman atang abala iyang mga mata mo. Ganoong nandito lang naman ako sa tabi mo.." Halos mapaiktad ako sa gulat, dahil biglang may nagsalita sa gilid ko at nakita ko doon si Izyll na pasimpleng nakaupo malapit sa akin. Teka! Ang bilis naman ata niyang makarating dito. Napabuntong-hininga ako at iniwas ang tingin sa kanya. Bakit pa nga ba ako magugulat di ba? Baliw siya, kaya bigla-bigla na lang sumusulpot. "Ang sarap nang simoy ng hangin eh no? Parang amoy mo," sabi niya at pumikit pa, na tila may inaamoy. PAK! Sa subrang inis ko, dahil sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hampasin siya. Kaya naman, muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya at nagugulat na napatingin sa akin. "Ngayon, sinasaktan mo ako ng pisikal? Nakakailan ka na ah? Baka parusahan na naman kita dito eh," sabi niya pa. Kaya naman, natigilan ako dahil doon. Seriously?! Agad akong lumayo sa kanya, dahil sa sinabi niyang iyon. "Subukan mo lang at talagang ihuhulog kita dito sa yate," banta ko sa kanya at sinamaan siya nang tingin. "Haha!" tumawa lang siya sa sinabi ko, kaya napairap ako sa kanya. "Tss, para ka talagang baliw diyan, Izyll," puna ni Flare sa kanya, na nakatingin na pala sa amin. Hindi nagsalita si Izyll kay Flare at tila ba nawala ang pagiging abnoy niya. Nakita kong napailing si Flare at tumalikod na sa amin. Napataas ang kilay ko, habang nakatingin ngayon sa kanya. Pakiramdam ko ay may nais siyang ipahiwatig sa akin. Kakaiba ang aura niya ngayon. Bumaling ako kay Izyll at nakita kong na kay Flare rin ang kanyang tingin. Napatikhim ako, kaya napatingin siya sa akin. "Bakit parang may kakaiba doon sa kaibigan niyo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko at umiwas lang nang tingin sa akin. Kaya naman napakunot-noo akong nakatingin sa kanya ngayon. Ano bang mayroon? "Wala iyon, huwag mo na siyang pansinin," tanging sabi niya at tumayo. Tumabi siya sa akin at humarap sa dagat. "Basta, isa lang ang maipapangako saiyo ngayon. Seryoso ako sa nararamdaman ko, para saiyo," sabi niya at bumaling sa akin. Ako naman ang hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niyang iyon. Nararamdaman ko namang seryoso talaga siya sa sinabi niyang iyon at para bang kampanti ako sa mga sinabi niya. Gusto niya ako, pero hindi ko pa naririnig kung mahal nga ba niya ako. Ayokong umasa na sasabihin niya iyon sa akin. Subalit, parang ganoon na rin ang inaasahan ko. Gusto niya ako ngayon at maaari iyong mapilitan, na 'mahal niya ako'. Hays! Ano ba, Khendrey! Huwag ka ngang masyadong advance mag isip? Isa pa, hindi mo rin naman alam kung anong nararamdaman mo sa kanya. Kaya dapat, hindi ka ganito mag isip! "Liligawan kita, kahit saan tayo mapunta. Basta huwag ka nang magugulat, kung bakit ako biglang susulpot sa tabi mo. Ganyan ako manligaw at saiyo ko pa lang iyon nagagawa," seryoso niyang sabi sa akin. Seryoso? Sa akin pa lang niya iyon gagawin? Ako pa lang ang nililigawan niya? Wow! So, ibig sabihin lang no'n ma-swerte ako dahil ako ang unang niligawan niya? "Talaga? Ako pa lang ang nililigawan mo?" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya at natawa. "Bakit? May nakakatawa ba doon? Swerte mo nga dahil ikaw ang unang niligawan ko. Sa mundo namin, napakaraming nagkakandarapa sa akin, para mapansin ko lang. Kaya naman talagang, special ka at ikaw ang niligawan ko," mayabang niyang sabi sa akin. Napasinghal na lang ako sa sinabi niya. "Tsss, mayabang ka rin eh. Bahala ka nga diyan," sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad patungo doon sa itaas ng yate. Hindi na siya nagsalita at mukhang sumunod lang rin sa akin. Naabutan ko doon sina Zhennie at Flare na maya hawak na wine glass. Malaki ang yateng binigay sa amin, kaya naman ang itaas nito ay may maliit na pool. May nakahanda roong pagkain at inumin, na mukhang para talaga sa amin. Nakita ko naman si Yuan na naka-short na lang at nasa gilid ng pool, habangay hawak na alak. "Ang tagal niyo namang makaakyat dito," mataray na sabi sa akin ni Zhennie. "Malamang, naglalandian pa iyan sa baba, kaya huwag ka nang magtaka," nakangising sabi ni Flare sa amin at kumindat pa. "Tsss," tanging tugon ko na lang at tuluyan nang lumapit sa kanila. Umupo ako sa upuan pahiga, saka ako kumuha ng wine at uminom. Napansin ko naman si Izyll, na kakarating lang at agad na natuwa nang makitang may pool. Naghubad agad siya ng damit at iniwan ang kanyang short. Medyo napalunok pa ako, nang makita ang kanyang katawan. Nakita ko na naman dati iyon, pero ngayon ko lang talaga natuunan nang pansin. Tsk! Umiwas na ako sa kanya, nang bigla siyang bumaling sa akin at kumindat. Narinig ko na lang na lumusong na siya sa pool. Mayamaya ay dumating naman sina Heart at Cindy, na nakasuot ng bikini. Nasa likod nila si Jarryl, na bahagyang napapailing sa kanyang nakita. "Wow ah? Nakabihis na agad kayo?" puna ni Flare sa kanila. "Nasabi kasi sa akin ni Heart na may pool dito sa itaas. Kaya naisipan naming magsuot nito. Kayo? Bakit hindi kayo magpalit? May mapagpipilian kayong swimsuit doon sa kwarto sa ibaba," sabi ni Cindy dito. "Na, ah! Ayoko munang mag swimming," tanging sabi ni Flare at muling uminom. "Ganoon? Sige, mauna na kaming lumusong sainyo. Halika na, Heart," anyaya ni Cindy kay Heart at sabay na silang lumusong sa tubig. Sumunod naman sa kanila si Jarryl at doon, nagsimula ang kasiyahan namin. Habang nasa pool sila at umiinom kami, ay nakatingin lang kami sa kanila. Paminsan-minsan ay umaahon sila upang makisabay sa inuman at pagkain. Tapos, babalik rin doon sa pool upang magkulitan. Samantalang si Izyll naman, lagi akong inaasar at kulang na lang ay buhatin ako papunta sa pool, dahil gusto niyang naroon ako. Ang kaso, masyado rin akong matigas, kaya hindi niya ako napilit. Habang ganoong ang nangyayari, napansin ko namang malapit na kami sa isla. Hindi naman ito ganoong kalayo sa resort, pero aabutin pa rin ng kalahating oras bago mapunta sa isla. Kailangan kong magpakasaya sa araw na ito. Dahil sa susunod na araw ay kailangan ko nang magpaalam sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD